Sabayan Mo Ang Pagluha Ng Langit

Medyo umaambon pa rin but I decided to just get out of the place and straight to my SUV. After kong mabigyan ng 20 pesos yung umasiste sa pag atras ko, I slowly drove away from that place. Kapapasok ko pa lang sa Quezon Avenue when, lo and behold, I saw her.Naka hoodie na. Naghihintay ng masasakyan. Medyo madalang ang mga PUVs dahil na rin nga sa pag ulan.

As I was crawling down to a stop, nagdedebate pa rin ang isip ko pero nanaig ang di ko maipaliwanag na lakas ng loob. Nakita ko ang pagtataka sa kanyang mukha when I stopped. I pushed a button para bumaba ang tinted window na nasa tapat niya.

“Hi,” may nerbyos ang boses ko. ” Can I offer you a ride?”

May gumuhit na pag aalinlangan at takot, I think, sa kanyang mukha. Understandable.

“Don’t worry. I’m just being a good samaritan here,” pag anyaya ko uli.

“Wag na po,” sagot niya. Why does her voice sounds angelic now?

“Look, consider it as an apology,” sabi ko uli. ” and if you must, then take a pic of me now tapos padala mo sa parents mo or kaibigan so they’d know who to hunt if something happens to you,” sinabayan ko ito ng ngiti.

Medyo napangiti siya. Parang may lumuksong kung ano sa dibdib ko. Tigang na nga ako. It seemed like the perfect smile. It was then na nagsimula na namang lumakas ang ulan. I looked at her again. She looked at me as if trying to fathom the expression of my face or perhaps my character. Then nagkibit siya ng balikat at unti unting lumapit sa sasakyan ko. I promptly unlocked the front passenger door.

She folded her umbrella and, quite nimbly, sat down and closed the car door.

“Saan ba?” I asked her casually.

“Baka naman out of your way?” tanong niya.

“Don’t worry. I like to drive ng mga ganitong oras.”

Which was true. I like driving from 11pm to 4am when I want to relax. Music and driving. Perfect.

“SM fairview pa eh,” parang nahihiya niyang sagot.

“No problem,” sagot ko.

“Thanks,”

Humalukipkip siya kahit ngayon ay may suot na siyang hoodie. Hininaan ko ang aircon.

“One more thing nga pala,” sabi ko.

“What?”

“Kunan mo na ko ng pic or would you like me to give you my FB para maipadala mo sa parents mo at kaibigan?”

Napatawa siya. Then she got her phone out and asked my FB account, Nirecite ko ang FB account ko sa kanya. She searched for it.

“Nag-gigitara DP mo?” she asked again

“Yeah. That’s me.”

From my peripheral vision I could see her smiling. I dunno pero napangiti rin ako. I started playing music from my usb plugged in sa car stereo.

“There. Nagsend na ko ng friend request to you. Baka awayin ako ng asawa mo ha?” nananantya niyang tanong.

“I assure you hindi ka aawayin nun,” mahinahon kung paliwanag.

“Aba, napaka certain mo naman,” challenge niya.

“Well, bukod sa mabait siya…e sumakabilang bahay na siya.”

“Sumakabilang-buhay? Biyudo ka?”

“Hindi…Sumakabilang-bahay…May asawa nang iba,” sinabayan ko yun ng tawa.

“Luko-luko!”

Parang musika sa pandinig ko ang hagikhik na nagmula sa kanya. Langya, parang teenager ang pakiramdam ko. Parang kikiligin pa ko dahil na rin sa pinong hampas na naramdaman ng braso ko.

“Music?”

“Sure…pero wag heavy metal ha?”

Muling sumungaw ang ngiti. Damn!

I chose the rock ballad collection. Pumailanlang ang This Aint a Love Song ni Bon Jovi.

“Nice,”

She looked very relaxed na. Komportable. Tahimik as if trying to understand the words of that song. Nagconcentrate naman ako sa pagdadrive. Although di naman traffic, hindi ako lumalampas sa 60 km/h. I just wanted to stretch the time with her as much as I could. Pero, tulad ng lahat ng awit, it’ll comes to an end. Nakarating din kami sa SM fairview.

“San kita ibaba?” tanong ko.

“Kung saan pwedeng itabi tong car mo,” sagot niya.

I was almost tempted to say na ihahatid ko na siya sa bahay nila…Pero I don’t know. Somehow I think hindi maganda ang offer na yun. May hint ng pagiging stalker ang dating. So I parked the car sa side ng bangketa kung saan may mga taong naghihintay pa rin ng sasakyang papunta sa kani-kanilang destinasyon. I pushed the unlock button.

“Ingat ka,” malumamanay kong bilin.

She gave me that sweet smile again while unboarding the car.

“Salamat ha? Accept mo FB request ko ok?”

Then she did this thing with her eyes na parang pinandidilatan ako. It was so endearing. Parang gusto ko siyang sunggaban at yakapin that very moment.

“I will.”

I slowly drove away after giving her a smile. She waved at me. Tumango-tango na lang ako.

It was roughly 30 minutes before I reached my apartment. The dreadful feeling of being alone crept in again. The same old bed for the same old me. I stripped to my boxers , grabbed my phone, and jumped into bed. Nung nakahiga na ako, naalala kong buksan ang FB. I smiled. The request was there.

Lilian Penafrancia. Nice Name. I accepted and then was about to put my phone down nang tumunog yun.

Lilian: Sorry sa pagtataray ko kanina ha? Lol.

Me: It’s Ok. Don’t be bothered about it. Tulog ka na.

Lilian: You too. Glad I stopped sa BK. It was a nice night after all.

Me: Yeah…Me too…Sleep well, kid…

Then my icon na sinagot ang babaeng maganda. Galit.

Lilian: Im not a kid okay?

Me: Uh oh…sorry…just an expression. Two sorrys in one night? Tsk tsk I must be a bad person.

Then she answered with that Icon that is torn between laughter and tears.

Lilian: Sleep well, Uncle…

Me: Uncle?

Lilian: kaedad mo kasi Uncle ko eh. Lol.

Me: Ah…ok

Lilian: Pero tirador ng chicks yun. Dami…mas bata pa sa kin yung iba. Hahaha

Me: Well, kung ang looks mo ang pagbabasehan…malamang nga habulin ng babae uncle mo.

She answered with that icon again…a blushing icon

Lilian: Sus, bolero! Tulog ka na nga…thanks uli ha? Muah

Pages: 1 2 3