Saimin – Una

Copyright © 2022 by Heavyarms1986

All Rights Reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

Disclaimer:

Lahat ng tauhan o lugar na nabanggit sa istoryang ito ay likha lamang ng imahinasyon ng inyong abang lingkod. Anumang pagkakahawig sa mga tao (patay man o buhay) o lugar na umiiral sa tunay na buhay ay nagkataon lamang. Lubos po ninyong pang-unawa ay tinatanggap.

Copyright © 2022 by Heavyarms1986

Saimin – hypnosis sa lengguwaheng Nihonggo
Taong 2XXX

Matapos ang ikatlong digmaang pandaigdig sa pagitan ng bansang Tsina, laban sa Pilipinas, Hapon, Britanya at Amerika, nagkaroon ng kabi-kabilang bilang ng dami sa mga namatay. Pitumpung milyon ang mga nasawi sa apat na alyansang bansa – sundalo man o sibilyan sapagkat napakarami ng mga Tsinong kalaban nila. Bukod kasi sa nagaganap na laban sa karagatang Pasipiko, may mga labanan ding naganap sa mga bansang nabanggit. Sa mga Tsino naman ay humigit-kumulang dalawang bilyon ang nasawi, sundalo at sibilyan. Tiyak na matagal makakabangon ang bansang ito at baka hindi na sumali pang muli sa anumang digmaan sa mahabang panahon. Naging abala ang mga bansa upang magparami ng kanilang populasyon.

Hinimok ng apat na bansa ang kanilang mga mambabatas upang gumawa ng batas upang payagang magparami ang mga lalaki at babae. Tatawagin itong Pandaigdigang Batas Bilang Isa o World Repopulation Law 01 na pahihintulutan ang mga purong lalaki at purong babae na nasa hustong gulang, anuman ang katayuan at saan man nila naisin na hindi sisitahin ng kinauukulan. Ang estado ang magsasaliksik upang maghanap ng mga magkapares na magtutugma sa mithiing ito. Ang mga pipiliin ay dapat na magkababayan maliban sa ilang kadahilanan na lilitaw. Kung may karamdaman ang isa sa mga pares o ang parehong indibidwal, sasailalim sila sa medikal na hakbang upang siyasatin ito at pagalingin, upang ang kanilang magiging supling ay matiyak na mapapakinabangan ng kani-kanilang mga bansa sa takdang panahon o kung may posibilidad na sumiklab muli ang isa pang digmaan. Kung tatanggi ang isa o ang parehong napiling indibidwal, saka lamang isasagawa ang mga iba pang hakbang. Kung ang isa sa dalawa o ang parehong napiling pares ay may karelasyon o may-asawa, pipili ang estado ng ipapalit na kapareha na dapat ay katugma din ng taong iyon. Kung halimbawang tatlong beses na isinagawa ang pagpapareha at walang maitugma sa isang lalaki o babae, saka lamang maaaring pahintulutang mangibang-bansa ang indibidwal upang maghanap ng kapareha mula sa kasalungat na kasarian. Ang salaping gagastusin ng indibidwal ay ipagkakaloob ng bansang kanyang pinanggalingan hanggang sa makapangibang-bansa. Pagdating niya sa bansang iyon, ang bansang nilipatan na ang tutulong sa kanyang gugugulin. Kung ang bansang iyon ay isang mahirap na bansa, tulad ng Pilipinas, ang indibidwal na ililipat doon ay pagkakalooban ng hindi bababa sa isang bilyong dolyar o katumbas nito sa pananalapi ng bansang pinuntahan na manggagaling sa pandaigdigang pondo. At kung doon niya matagpuan ang kanyang kapareha o kapareho, siya’y awtomatikong magiging mamamayan ng bansang iyon at bibigyan ng mga karapatan. Kung ang napiling babae naman ay halimbawang ginahasa ng isang lalaki na hindi niya kapareho o karelasyon at nabuntis, siya’y aalagaan ng estado sa buong panahon ng kanyang pagbubuntis, anuman ang pinansiyal niyang kalagayan. Siya’y hahanapan muli ng kapares kapag naisilang na niya ang batang bunga ng kahayupan sa kanya at maaaring ganapin muli ang isinasaad ng nasabing batas. Ang nakabuntis naman ay ililipad, sakay ng eroplano patungong Aprika upang doon mamuhay maliban na alukin ng kasal ang nagahasa at napapayag ito. Kung ang napiling lalaki naman ay nakagahasa ng isang babae at nagbunga ito, gagampanan niya ang kanyang pagiging ama hanggang sa tumuntong ng pitong taong gulang ang kanyang anak. Siya’y lilisan sa kanilang tahanan at maaaring ganapin muli ang itinatakda ng batas. Kung si…