SALAMIN (1)

Alas nuwebe ng gabi. Di na nya namalayang maghapon pala syang nakatulog. Umaga na kasi ng makauwi si Michelle mula sa magdamagang pagpaparty. May matinding hang over at ni hindi maalala ang pangalan ng lalaking nakaniig.

Mabagal ang kilos, masakit pa rin ang ulo at tamad na tamad, ngunit kinailangan na nyang gumayak para pumunta sa unang gabi ng lamay. Nauna nang umalis ang mga magulang kaya’t mag-isa na lamang syang susunod.

Gusto sana nyang ituloy na lang ang tulog. Kundi nga lang malapit sa kanya ang mga naulila ay ayaw na sana nya magpunta. Nakakadepress nga naman ang konsepto ng kamatayan at pamamaalam, kaya ayaw ni Michelle pumupunta ng mga wakes at funerals ever since.

Ngunit mas lalo itong tumindi sa biglaang pagpanaw ng kanyang fiance isang taon na ang nakararaan.

———————

“Ohhhh babe… Sige pa! Shit sige paaa… Eto na kooo!… Ohhhhhhhh…”

Kapit na kapit si Michelle sa magkabilang pige ng kapareha habang sumasalubong sa pagkadyot nito. Si Carlos naman ay sunod-sunod ang malalakas at madiing ulos na iginawad sa nobya hanggang sa maihatid ito sa glorya.

Ramdam na ramdam ni Carlos sa ilalim nya ang panginginig ng buong katawan ni Michelle. Lumingon sya sa salamin sa gilid ng kama. Kay sarap pagmasdang nagkakandaliyad ang katawan ng kasintahan habang kinakagat-kagat nya ang utong nito. Kitang kita din nya kung paanong malukot ang magandang mukha habang niraragasa ng ikalawang orgasmo.

Tila pinipiga ang kanyang burat sa pagcontract ng kalamnan ni Michelle, binalot ito ng mainit na katas na lalong nagpadulas sa lagusan ng kapareha. Ilang madidiing pagsakyod lang ay naabot na rin nya ang rurok.

“Babe eto na din ako! Putang ina! Ughhhh… Sayo tong tamod ko baaaabe… Ahhhhhh…”

Sumubsob si Carlos sa gilid ng leeg ni Michelle, at gaya ng nakasanayan sa tuwing lalabasan, napakagat sya sa balikat ng nobya habang ninanamnam ang pagpulandit ng tamod sa kaibuturan nito. Damang-dama ni Michelle ang pagsirit ng mainit at masaganang tamod ni Carlos na pumuno sa kanyang pagkababae.

Bumagsak ang katawan ni Carlos kay Michelle, kapwa sila humihingal, ngunit dama ang lubos na kaligayahan at satisfaction. Masuyong hinaplos ni Michelle ang likod ni Carlos habang dinadama ang pag-alon ng katawan nito sa paghahabol ng hininga.

Humalik si Carlos sa girlfriend, bumulong ng “I love you”, saka pumihit upang mahiga sa tabi. Humilig naman si Michelle at yumakap sa binata, umunan sa dibdib nito, dinadama ang mabilis na tibok ng puso ng kasintahan.

“Babe… Di ko kayang mawala ka. Ikamamatay ko pag nawala ka sa buhay ko.” at lalong humigpit ang pagkakayakap nya sa nobyo.

Hinalikan ni Carlos ang ulo ng kasintahan at sinuklay ng mga daliri ang mahabang buhok nito.

“Ano ka ba, hinding hindi naman ako mawawala babe, lagi akong nasa tabi mo. Lalo na’t magiging asawa na kita di ba.”

Tumingala si Michelle kay Carlos.

“Promise ha? Andyan ka palagi?”

“Oo naman. Promise.”

Muling naglapat ang kanilang mga labi at kinulong ni Carlos si Michelle sa kanyang mga bisig.

———————

Hindi inaasahan ang kanilang pagtatagpo. May girlfriend si Carlos noon bagaman nagkakalabuan na, habang si Michelle naman ay mag-iisang taon nang single by choice dahil sa masyadong nasaktan sa huling pag-ibig.

Kasalukuyang abala si Michelle sa main branch ng kanyang flower shop. Busy ang mga staff nya sa pag-receive ng delivery mula sa supplier nila ng mga imported flowers. Earlier ay dumating naman ang delivery ng local flowers mula sa Benguet na na-delay dahil sa bagyo, nagkasabay-sabay kaya’t punong puno ang shop.

“No no, wag na dyan, pakiderecho na mga yan sa likod. Make sure wag maihalo yung para sa debut bukas please. Thank you.” pagmamando ni Michelle habang dinodoublecheck ang listahan sa kanyang clipboard.

Pumarada ang isang motor sa labas ng shop katabi ng delivery van, sabay naman sa biglang pagbuhos ng ulan kung kaya’t napatakbo ang rider sa loob. Sa kanyang pagmamadaling makapasok, malakas nyang naitulak ang glass door na di sinasadyang napahampas sa mga kabababa pa lang na kahon ng peonies na nasa isang tabi. Natabig din ng lalaki ang bucket ng calla lilies na nasa shelf.

“Ay sorry, sorry!” pagkukumahog nito na saluhin ang lagayan. Agad namang sumaklolo si Michelle sa customer.

“I got it Sir. Nako pasensya na po at may deliveries kasi kami ngayon kaya medyo the place is crowded. How can I help you Sir?” tanong ni Michelle habang sapu-sapo ang nasalong lalagyan ng bulaklak.

Bahagyang nabasa ang suot na dark gray hoodie ng matangkad at matipunong lalaking nakasuot pa din ng helmet, na tila napako na sa pagkakalingon nito sa kumausap na babae.

Ang kaputian ng kutis nito ay nagko-complement sa suot na blush pink na sleeveless dress na may bulaklaking disenyo sa palda. Mababanaag ang magandang kurba sa pagkakalapat ng tela sa katawan nito. Hindi din nakalampas sa kanyang paningin ang bahagyang dumudungaw na cleavage ng katamtamang laking mga suso na sumisilip sa neckline ng bestida.

Mukha nga lang suplada, parang aura na mahirap biruin, ngunit may magandang mukhang di nakakasawang tignan, at ni hindi na kailangan ng kolorete. May nangungusap na mga mata at katamtamang tangos na ilong, ngunit ang sadyang kaakit-akit ay ang natural na mamula-mulang mga labi na tila kay sarap hagkan.

“Ah Sir? You need flowers? Para sa anong occasion po ba?” muling tanong ni Michelle, saka lamang tila muling bumalik sa ulirat ang kausap.

“Ahhh yeah.” at agad na nag-alis ng helmet ang lalaki at nagmamadaling sinuklay-suklay ng kamay kanyang buhok sabay turo sa isang pre-arranged bouquet ng red roses.

“Ahh, yun na lang siguro miss.”

Napukaw din ng customer ang atensyon ni Michelle. Bukod sa magandang tindig nito at makisig na pangangatawan, di din maikaila ang kagwapuhan nito. Tipong madami nang pinaiyak at madami pang paiiyaking mga babae, sa isip-isip ni Michelle. Mabilis na hinagip ng kanyang paningin ang mga kamay nito.

(Hmm, walang wedding ring, ahh malamang para sa girlfriend.) hinuna ni Michelle.

Dinala nya ang bouquet sa counter. Habang binabalot ito ng printed paper at plastic wrap ay matamang nakatitig lang sa kanya ang lalaki, di sya nito nilulubayan ng tingin at tila sinasadyang ilangin talaga si Michelle.

Naaasiwa man sa inaasal ng lalaki ay kailangan nya itong pakitunguhan ng maayos, syempre dahil customer kasi. Matapos makapagbayad ay iniabot na ni Michelle sa customer ang mga bulaklak.

“Here you go Sir.”

“Wag nang Sir, Carlos na lang.” at iniabot ng lalaki ang kamay sa dalaga kasabay ng napakatamis na ngiti.

(Nakakainis naman tong si kuya, ngingiti pa talaga eh. Nako kundi ka lang gwapo!) iritang bulong ni Michelle sa isip ngunit may kasamang kilig. Nag-aatubili man ay iniabot na rin nya ang kamay sa lalaki.

“Michelle. Thank you ha, balik ka.”

Saglit syang nakipagkamay sa customer ng may tipid na ngiti saka agad binawi ang kanyang kamay.

“Oo naman, babalik talaga ko Michelle.” at kumindat pa ito bago muling nagsuot ng helmet.

Habang nakatanaw si Michelle sa papaatras na motor sa labas ay may ngiti sa kanyang mga labi at tila may kumikiliti sa kanyang puso.

Nang sumunod na araw ay muling dumaan si Carlos sa shop ni Michelle, ngunit di na upang bumili ng bulaklak. Sa halip ay may dala itong two-toned na gumamela, mapula sa gitna ngunit yellowish ang gilid ng mga talulot.

“Gumamela talaga?” tanong ni Michelle habang pinaiikot ang bulaklak sa kanyang kamay.

“Oo, naalala kasi kita nung makita ko yan. Saka ano pang dadalin ko sayo eh lahat ng bulaklak meron kayo dito. Pero wala kayong gumamela di ba, di ba?” pangungulit ni Carlos.

“Oo na.” irap ni Michelle na natatawa.

“San mo naman nakuha to, madalang na ko makakita ng ganitong kulay ah. Pero salamat, ang ganda.”

“Mas maganda ka.” sabay kindat ni Carlos.

Pilit mang ikinukubli, ngunit labis and tuwa ni Michelle sa pagbalik ni Carlos. Aminado syang presko man ito ay magaan ang loob nya sa bagong kakilala. Inanyayahan sya nitong lumabas para magkape na pinaunlakan naman ng dalaga, nagkakwentuhan ang dalawa at mas nagkakilanlan.

Motorcycle dealer ang mga magulang ni Carlos. Sya lamang na bunso sa apat na magkakapatid ang may interes sa motor kaya sya na ang nagma-manage ng kanilang negosyo. Bukod dito ay nag put up din sya ng sarili nyang shop ng mga pyesa at accessories. Bilang riding enthusiast ay aktibo syang sumasali sa mga activities at road trips ng riders’ club na kinaaaniban.

Naikwento naman ni Michelle na passion nya talaga ang gardening at mga bulaklak mula bata pa. Bilang unica hija ay naging bonding na nila ito ng kanyang mommy. Dahil sa tie-ups nya sa several event organizers ay mas lumawak ang kanyang network at napalago ang kanyang munting negosyo na ngayon ay mayroon nang isa pang branch. Nag e-events styling din sya, at kung wala syang event ay sya mismo ang tumatao sa main branch.

Masarap kausap si Carlos, nag-eenjoy si Michelle sa company nito. Nun mismo ay nagpalitan sila ng contact info at nagconnect sa social media. Tila di nila namalayan ang paglipas ng mga oras na kinikilala nila ang isa’t isa.

Masaya man sa bagong kaibigan ay umuwi si Michelle na malungkot nang araw na iyon. Naging tapat si Carlos kay Michelle na mayroon syang girlfriend at para dito ang mga bulaklak na binili kahapon. Kasalukuyan silang nagkakaproblema at sinisikap nya itong suyuin.

Sa nalaman ay nagpasya si Michelle na kusa nang dumistansya. Tinurn down nya ang mga succeeding na imbitasyon ni Carlos para lumabas. Kung ano-anong dahilan- busy, may event, may lakad, masama ang pakiramdam. Ayaw kasi nyang makaapekto sya sa personal na buhay ni Carlos, gusto nyang magkaayos ito at ang nobya.

———————

Lumipas ang ilang linggo na wala silang komunikasyon hanggang sa isang araw ay dumaan muli sa flower shop si Carlos. Gaya ng dati, ay may dala ulit na gumamela.

Bago pa makapagdahilan si Michelle ay inunahan na ni Carlos na ibalitang tuluyan na silang nagkahiwalay ng nobya. Bahagya mang nakaramdam ng tuwa ay di maiwasan ni Michelle na malungkot para sa kaibigan, lalo’t bakas sa mukha nito ang dinadala. Hindi na rin sya kasing kulit na gaya ng dati.

“Sige na nga, san ba tayo?” tanong ni Michelle habang kinukuha ang bag nya.

“Talaga? Payag ka?!” kitang-kita ni Michelle ang pag-aliwalas ng mukha ng binata na kanya namang ikinatuwa.

“Oo na nga, halika na bago pa magbago isip ko.”

“Sige, basta sunod ka na lang sakin ha.”

Matapos ibilin sa staff ang shop ay sumakay na sa kotse si Michelle at sinundan ang motor ni Carlos. Tila sila nagkakarerahan sa daan, minsan ay magbabagal si Carlos upang abutan at ma-overtake-an ni Michelle. Tuloy ang kanilang habulan hanggang sa makarating sila sa QC Circle.

“Ano naman gagawin natin dito sa park?” tanong ni Michelle habang nakasilip sa bukas na bintana ng kotse ng pumarada sa tabi nya ang motor ni Carlos.

“Halika na, buti pala nakashorts ka. Di ba sabi mo di ka marunong magbike? Lika tuturuan kita.”

“Nakwento ko lang naman sayo yon, di ko naman na kailangang matuto magbike eh.”

“Kailangan.”

“Ha? Bakit naman?”

“Para magka sense of balance ka. Di ka malula pag umangkas ka sakin.” sagot ni Carlos sabay kindat.

Hindi na umalma si Michelle, noon pa rin naman nya kasi pangarap matutong magbisikleta. Hindi sya nagkaroon ng pagkakataon matuto nung kabataan dahil sa overprotective na mga magulang. Komo nag-iisang anak ay ayaw na ayaw nilang masaktan si Michelle.

Nagrenta sila ng bikes at pinagtyagaan turuan ni Carlos si Michelle, mabilis naman ito natuto. Bago natapos ang hapong iyon ay nakakaya na nya paandarin ang bike ng walang pag-alalay ni Carlos. Nakakaikot na sila sabay ng marahan, kung pagmamasdan mo nga ay iisipin mong magnobyo ang dalawa. Naituro din ni Carlos kay Michelle kung san nya pinipitas ang mga gumamelang dinadala nya sa dalaga.

Ang mga pagkikita ay nasundan ng nasundan, ang pagkakaibigan ay lumalim ng lumalim. Unti-unting nag-open up si Carlos kay Michelle.

Nalaman nya na isa pala sa mga pangunahing rason ng paghihiwalay ni Carlos at ng kanyang ex ay ang sexual incompatibility. May mga bagay na gusto si Carlos na hindi maunawaan at matanggap ng dating nobya, iniisip pa nitong may problema sya sa pag-iisip. Mahal na mahal ni Carlos ang ex pero sadyang hindi sila tugma at tumanggi na nga itong makipag-ayos.

Nanatiling magkaibigan ang turingan ng dalawa. Sa tuwing nalulungkot si Carlos ay willing naman mag offer ng company si Michelle. Naovercome na nya ang takot sa pagsakay ng motor at nakasama na sa ilang nearby rides ni Carlos. May pagkakataon naman na kapag may event na i-style ang team ni Michelle ay sumasama si Carlos upang tumulong.

Magkaibigan sila pero alam ni Michelle na di na kaibigan lang ang tingin nya kay Carlos. Ito ang muling nagpahilom sa kanyang sugatang puso. Mahal na nya ito.

———————

“Oh wait, wait, tama na! Baka masobrahan naman atras mo mahulog tayo sa bangin!” nag-aalalang sambit ni Michelle habang nakatingin sa passenger side mirror.

Madilim na ang paligid, hapon na kasi ng maisipan nilang umakyat ng Antipolo. Alalay na umaatras ang pickup truck ni Carlos sa isang magandang spot na over looking ang cityscape ng kaMaynilaan. Napagigitnaan ng mga puno ng acacia ang sasakyan sa ipinarada sa gilid ng kurbadang daan.

Lumipat sila sa likod, inalalayan ni Carlos si Michelle na sumampa sa tail gate saka tumabi dito. Kumuha si Michelle ng dalawang bote ng beer mula sa cooler, binuksan at inabot ang isa kay Carlos. Panay ang kwentuhan at tawanan ng dalawa habang pinagmamasdan ang mga kumikinang na mumunting liwanag mula sa mga gusali at sasakyan sa malayo na ani mo’y mga alitaptap sa kadiliman ng gabi.

“Ako na magda-drive pababa ha, pang-apat mo na yan, tama na.” saway ni Michelle sa kaibigan. O kaibigan nga lang ba talaga?

Namumula na ang mukha ni Carlos, mas kumulit ang mga banat, ngunit ngayon ay tila nag-ha-hum ito kaya dumikit ng husto si Michelle upang madinig ang kinakanta ni Carlos.

Then like an answered prayer…
I turned around and found you theeere…
Y
ou really know how to staaart…
Fixing a broken heaaart…
You really know what to do…
Your emotional tools… c
an cure any fool…
Who’s dreams… have fallen apaaart…
Fixing a broken heaaart…

Natouch si Michelle sa kinakanta ni Carlos, agad syang napangiti at medyo kinilig ngunit natigilan ng hawakan ni Carlos ang kanyang kamay at pinisil yon ng madiin.

“Thanks Michelle. Hindi ko na kailangan i-exp