“So lahat ba kayo may family na?” usisa ni Richard.
“Ako may fiancé, nasa New Zealand, nurse. Pagkatapos ng contract niya next March pakasal na kami,” Sabi ni Eric.
“Well, ako naman more than a year pa lang kasal with one kid, ninang nga si Amy,” Sagot ni Ronald.
“Ako may GF sa linya, si John meron din sa linya…BF!” hirit ni Bob na kinatawa ng lahat.
“Gago ka talaga, alam mo namang isa lang crush ko rito e…” sabay turo dun sa mesa nila Arlene.
“Hi Arlene,” Bati ni John na kumaway kay Arlene, na gumanti rin ng kaway.
Medyo nailang si Richard dahil nga may paghanga siyang nadarama para kay Arlene, pero pinalagpas lang niya ito, di pa naman niya GF di ba, naisip niya.
After lunch, pumila sila para isauli ang pinagkainan at nagkasabay si Arlene and Richard. “Sir, I’ll introduce you sa other groups pagbalik sa office, may gagawin nap o ba kayo?” sabi ni Arlene.
“Actually, wala pa. Tsaka wag mo na nga akong i-po, baka tuloy akalain ng ibang tao sobrang tanda ko na,” Sagot ni Richard.
“Sige po, sir,” Pabirong hirit ni Arlene.
Pagbalik sa opisina, ipinagpaalam ni Arlene si Richard kay Mr. Yu at bumalik sila sa Admin Building.
“Punta muna tayo sa Systems and Information Technology para maayos yung e-mail account mo sir. And then introduce ko kayo sa ibang groups,” So they went sa SIT department, kung saan nandun ang isang team of around thirteen programmers and system admins.
“Excuse me Chelle, pumasok ba si Bryant?” Tanong ni Arlene sa isang babae with glasses na naka-blazer.
“Singapore, training one week,” Ang sagot nito na hindi man lang inalis ang tingin sa monitor.
“So, sino in-charge ngayon sa new e-mail accounts and systems access?” tanong ni Arlene.
“I dunno,” Sagot nito na may tonong medyo pasuplada. “Why, who needs it?” at tsaka lang ito tuminging sa kanila. Si Chelle. Same age as Richard pero one of the pioneers sa SIT. Before kasi, outsourced lang ang kanilang function sa service provider. Chelle actually used to work for one of them and then inabsorb ng company, parang part of a package deal. As common with other companies, IT people are some of the better paid, kaya siguro medyo suplada si Chelle.
A bit nerdy ang first impression kay Chelle, pero she’s quite tall at 5’6” with a slender build. Long wavy hair na may blonde highlight sa right side.
“This is Richard, new Sup sa LPTT. Is it possible na matulungan mo siya sa account application,” tanong ni Arlene.
Huminga ng medyo malalim si Chelle, and since parang wala naman siyang magagawa, hiningi ang CV ni Richard at sinabing “O sige, I’ll find some time para gawan ng paraan,” Tapos pinatong yung folder sa table then bumalik na sa pagtatrabaho sa kanyang PC.
“Thanks,” paalam ni Arlene.
Lumakad sila palayo at napansin ni Richard na medyo upset si Arlene. “Bitchy?” banggit ni Richard ng pabiro.
“Ewan ko ba, some people just know how to make a bad first impression and ruin other people’s days!” sambulat ni Arlene na ngayon medyo nakakunot ang noo, halatang na-bad trip sa attitude ni Chelle.
“Ok lang yon, at least sabi niya gagawin niya dib a?” paamong sabi ni Richard.
“Sorry sir ha, nakakabad-trip lang talaga e, nakakahiya nga sayo kasi first day mo tapos ganun kaagad ang pinakita niya,” Paumanhing hiningi ni Arlene.
“No, it’s ok,” At ngumiti si Richard kaya medyo napangiti na rin si Arlene. Hindi nga ganun kaganda si Arlene, pero habang tumatagal siyang tingnan, lumalabas ang kagandahan ng personality nito. Lalo tuloy napapahanga si Richard.
Bumaba sila at nagtungo sa kabilang building kung nasaan ang Central Distribution center ng company. Pumasok sila sa opisina at nakita niya si John ng Logistics na may kausap sa telepono. Kumaway ito kat Richard nang makita.
“Sir, pakilala kita sa Warehouse Manager. Since sa production ka madalas mong maka-interact ang group nila,” Sabi ni Arlene.
Lumapit sila sa dulong lamesa kung saan nakaupo ang isang payat na babae.
“Sir, I would like you to meet Ms. Chit Jandela, our Warehouse and Distribution Manager. Ma’am, this is Mr. Richard Lagro, our new Supervisor sa production,” Tumayo ang babae at kumamay kay Richard.
“Good Afternoon, welcome to the company,” Pormal na bati nito.
“Nice to meet you ma’am,” magalang na bati ni Richard.
“Arlene, do we have any updates on this?” at may inabot siyang folder kay Arlene.
Binuksan ni Arlene ang folder at sinabing “Ok ma’am. Excuse lang sir ha, may tawagan lang ako,” paalam ni Arlene kay Richard habang bitbit ang folder.
“I heard over lunch that Mr. Yu has assigned you sa annual inventory count team,” sabi ni Ms. Jandela.
“Yes ma’am,” sagit ni Richard.
“If then, we will be having a meeting shortly to discuss the schedule. Would it be ok if you attend?” tanong ng manager.