“Ok, clear na sa side na ito ma’am” sabi ni Richard paglampas ng kotse sa kanto ng van. At sabay nito ay nilayo na ni Richard ang tingin sa legs ng manager dahil alam nitong titingin na muli ito sa harap.
“Whew! Naku, maraming salamat Richard, I really need some more practice!” nakangiting pasasalamat ni Ms. Jandela.
“No problem ma’am, anytime po!” at may ibang kislap sa mata ni Richard habang papaalis ang kotse ng matandang dalaga.
Sumakay si Richard sa kanyang kotse at nagpahinga ng bahagya upang magpaalis ng kaba sa nangyari kanina. Inistart niya ang makina at binuksan ang aircon. Pagkapahinga, lumarga na rin siya at naisip-isip niya “Nice first day sa trabaho”
Pagpasok kinabukasan ni Richard ay meeting agad sa mga kagrupo. Topic ang year-end volume na pinamunuan ni Ger. In fairness, mukhang magaling si Ger. Very professional and authoritative. Mahaba ang discussion at halos lunchtime na nang matapos ang meeting.
Pagkatapos ng meeting, lumapit si carmi sa kanya. “Sir, ano pong e-mail add niyo para ma-send kop o yung minutes after lunch?” tanong ng secretary.
“Ahh…actually wala pa e,” medyo napahiyang sagot ni Richard.
“Ok lang yun sir, bigyan ko na lang po kayo ng hard copy,” sabi ni Carmi.
Nag-lunch siya ulit kasama ang barkada nila Eric at tuloy pa rin ang bolahan. Pagkatapos ng lunch, pinatawag siya ni Mr. Yu.
“Richard, review these processes, that’s the latest version of the LPTT product,” at inihagis ito sa lamesa papunta kay Richard. “No e-mail yet?” tanong ng amo, at umiling ito. Halatang mainit ang ulo ng amo ngayon. “Get one quickly,” huling bilin nito bago bumalik si Richard sa lamesa.
Pagbalik ay binuksan niya muli ang PC niya para tingnan kung ayos na ang e-mail niya. Wala pa rin siyang network connection kaya tumawag siya ulit sa SIT.
“Chelle please,” sagot ni Richard.
“Speaking, who’s this?” tanong ni Chelle.
“Ma’am, this is Richard again, follow-up ko lang po yung e-mail account ko,” sabi nito.
“Ok, I’ll try again,” sagot ni Chelle.
“Ma’am, can I get a confirmation kung kelan, kasi I really need it, I can’t start work, hindi ako mapadalhan ng files,” hiling nito.
“Ok, I’ll try again this afternoon, medyo busy din ako e, I’ll just call you,” medyo may tonong pangaasar na sagot ni Chelle sabay baba ng telepono. Medyo kumulo ang dugo ni Richard pero nagpigil siya, alam niyang mali kung magpapakita agad siya ng init ng ulo habang dalawang araw pa lang siya sa company.
Matiyagang sinimulan ni Richard ang pag-aaral sa process ng bago niyang linya. Pero nakakalito, hindi maalis sa isip niya ang init ng ulo kay Chelle. Lumabas muna siya at nagtungo ng washroom para maghilamos tsaka bumalik. Nagpasya siyang sa meeting room pagaralan ang process flow. Unti-unti na niya itong nakukuha sa wakes at nagging madali na ang pagintindi rito.
Nang matapos niya itong pagaralan, hindi niya namalayan na alas-siete na pala. Lumabas siya sa meeting room at wala nang tao sa kanilang department. Wala na rin ang amo niya. Nagpasya na rin siyang umuwi sa oras na iyon at sinimulang magligpit. Papatayin na niya ang PC niya nang makita niyang naka-activate ang Internet Explorer niya. Binuksan niya ito at nasa company webpage siya. Does this mean may network access na siya? Malamang nga, naisip niya.
Napuna rin niya na may blinking icon sa SysTray ng taskbar niya. Out of curiosity, nag double-click siya rito at bumukas ang window ng isang parang instant messenger. May nag-aatempt mag-communicate sa kanya na ang name ay “Leech.” May five blank messages sent ang “Leech” na ito para sa kanya.
So ginawa niya nagsend siya ng reply: “Sino po sila?” and he waited…
After about fifteen seconds, nagreply si Leech: So, you’re still in the office Mr. Lagro J
Sagot siya : Who’s this?
Leech: Chelle
Nagulat siya. Of all the people that he would expect na ka-chat niya sa oras na iyon, he least expected Chelle.
So nagreply siya: So are you! Witty nickname ha… ?
Leech: Yeah…since college ko pa gamit yan. Working late?
Richard: Not really, just lost track of time, about to go home na rin. Anyway, thanks nga pala sa net access ha.
Leech: Well, had to pull some strings, pero okay na yan.
Richard: Ikaw, still working?
Leech: Unfortunately oo, I’m at the computer room, may bagong server PARA RAW SA BAGONG LPTT LINE na I have to configure…pahirap nga e L
Richard: Well sorry po to keep you working late…anyway, have to go, thanks again! TC!
Leech: Ok, see ya! J
So pinatay na ni Richard yung PC niya then proceeded to go downstairs. He felt kind of good kasi at least hindi naman pala totally bitch si Chelle, siguro may topak lang kapag may sikat pa ang araw, he thought.
On his way out, nadaanan niya yung SIT department. Wala na ngang tao roon, malamang si Chelle na lang nasa computer room nga. He felt kind of good, so binalak niyang bigyan ng snack si Chelle habang nagtatrabaho ito sa computer room. Bumili siya ng cupcake tsaka apple juice sa vendo machine and hinanap yung computer room.