Napadpad sila sa Amerika dahil sa inoffer ng isang sikat na university sa Canada din mismo. 10 silang istudyante na napili para ipadala sa university of Stanfield (emeng school lang hehe). Naging magkasundo kasi ang may-ari ng school nila at ng university dito sa Canada kaya nagkaroon sila ng oportunidad na makapunta sa ibang bansa. Maliban sa grades, pinagbatayin din ang skills nila sa interaksyon sa ibang tao. Iyon din ang isa sa mga susi para makasurvive sa ibang bansa. Dahil diyan nakasama si Aliah sa mga tunay na scholar ng school nila papunta dito sa Canada.
“Easyhan niyo lang, hindi tayo magtataxi. Hahanapin natin yung school bus ng school.” natatawang sabi ni Ali.
Lahat sila ay balot na balot dahil sa lamig ng klima sa Canada. Hindi sanay ang lahat sa klima ng lugar dahil syempre mas sanay sila sa mainit na Pinas. Pakiramdam nga ni Ali ay sisipunin siya.
“Ano nga ulit una nating gagawin bukas?” tanong ni Rei.
“Magpapamedical ulit tayo.” sabi ni Trisha.
“Saan daw? Hala di ko pa naman alam yung mga lugar dito.” natatawang sabi ni Lowell.
“Ihahatid naman tayo ng sasakyan ng school.” sabi ulit ni Trisha.
Nang makita na nila ang bus ng school, nagsisakayan na silang lahat. At enjoy na enjoy nilang lahat ang byahe papunta sa condominium na titirhan nila pansamantala.
Pagkarating sa condo, hindi maitago ng iilan ang pagkamangha sa ganda ng design na nakikita nila sa paligid. Samantala, nakapokus ang ilan sa guide nila para alam nila ang gagawin.
“They are the scholars of school.” sabi ng guide nila.
Maya-maya may binigay sa guide nila na mga cards. Ibinigay lahat ng iyon sa kanila at tig-iisa sila.
“Those cards are you’re keys to your own condos. Don’t misplace this card okay?” sabin ng guide na ikinatango lang nila.
Hinatid na sila sa kani-kanilang condo. Pinaalala ulit ng guide nila ang oras ng kanilang medical para bukas. Nang matapos ang usapan nila ay saka na sila nagsipasukan sa kani-kanilang kwarto.
“Bye guys, I need beauty rest.” nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Lowell.
Samantala, agad na inopen ni Ali ang messenger niya at nakipagvideo chat sa mga kaibigan at magulang niya. Tuwang tuwa naman ang mga kausap ni Ali lalo na at ipinakita niya ang view ng lugar mula sa malaking salamin na bintana sa condo niya.
“Nuks naman Ali ang ganda! Mas maganda kapag may jowa kang kasama diyan.” sabi ni Shana.
“Che! Tahimik!”
“Isipin mo Ali, sampu kayo diyan tapos ikaw lang walang jowa diyan.” natatawang sabi ni Janelle na ikinatawa nilang lahat. Maya-maya pumasok si Rei sa vc.
“Hoy Rei! Patingin ng kwarto mo!” sabi ni Janelle.
“Oh ayan guys. Ang ganda!” sabi ni Rei at ipinakita ang kwarto. Namangha sila dahil bukod sa maganda ay iba rin ang design ng kwarto.
“Grabe! Parang nakacustomize yung mga kuwarto niyo!” sabi ni Shana.
Kay Ali kasi ay pang-artist talaga ang design ng kwarto. Tipong tipo niya ang kulay ng pader at mga placement ng mga gamit dito.
“Sana all talaga nakapunta sa Canada!” sabi pa ni Shana.
“Wait lang guys, sagot ko na pamasahe niyo kapag nagkasahod. Chariz HAHAHAHA!” sabi ni Ali at nagsitawanan sila.
Tumagal pa ang usapan nila hanggang sa nagsipaalam na sila. Mamamahinga rin si Ali dahil napagod siya sa byahe. Naalala rin niya na may pamedical sila bukas ng 9 am.
+++
Maaga nagising si Ali para sa paghahanda sa medical test nila. Ang alam kasi niya hindi uso ang Filipino time kaya inagahan niya ang paghahanda.
Kinatok niya pa si Rei para sabay sila makapunta sa lobby ng lugar. Pagkababa nila, nakita na nilang nandun na ang maggaguide sa kanila. Sila pa lang dalawa ni Rei ang dumating sa lobby.
“Awit nakakahiya. Nandito na si ma’am West.” sabi nina Rei at Ali.
“Good morning ma’am.” nag-aalangan pang bumati ang dalawa. Nakangiti namang sinalubong sila ng babae. “Sorry ma’am we’re late.” sabi pa ni Ali habang nagkakamot.
“It’s okay. You’re an hour early.”
Maya-maya nang makumpleto na sila ay saka ulit sila sumakay ng mini bus ng university. Hindi naman matagal ang byahe nila dahil hindi malayo ang ospital na pinuntahan nila.
Namangha sila nang makarating na sila sa ospital kung saan sila nakaschedule. Mas malaki at mukhang yayamanin ang gusali. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila makapaniwala na makakapunta sila sa ganung kagandang lugar.
“This way everyone.” sabi pa ni Mrs. West.
Dahil malaki ang gusali, marami ring nagtatrabaho dun kaya naasikaso sila tig-iisa. Nang matapos na ang proseso ay saka na sila sinabihan na sisimulan na ang medical test nila.
“Ms. Abansa?”
Napatingin si Ali sa isang nurse na may hawak na mga papeles at napatayo.
“Go to room 209. There’s our doctor waiting for you to make some test. And here’s your papers. Give that to him.” sabi ng nurse.
“Yes thank you po.”
Sumulyap pa si Ali sa mga kasamahan niya. Medyo nakaramdam siya ng kaba dahil ayaw niyang mapag-isa lalo na at nasa ibang bansa siya. Hindi pa naman siya kampante sa English speaking skills niya. Kilala niya ang sarili na kapag kinabahan ay nabubulol at nabablangko pa ang iniisip.
Mas lalo pa siyang kinabahan nang nasa tapat na siya ng room 209. Huminga muna siya nang malalim. Naghintay ng tatlong segundo at saka kumatok. Pagkakatok niya ay saka niya binuksan ang pinto.
“G-good morning po sir— ay doctor.” napapikit pa siya sandali dahil sa pagkapahiyang naramdaman. Namali na kasi siya.
“Yes, come in.”
Napadilat siya at sumalubong sa paningin niya ang isang matangkad na lalaki na nakawhite coat. Nakatalikod ito sa kaniya kaya di niya kita ang mukha.
“Wait there first, I’ll just fix this.” sabi pa ng doctor. Pansin ni Ali ang laki ng boses nit…