Scholars – Chapter 5 (First Class)

Paalala: Ang istoryang ito ay kathang isip lamang.

Konti lang muna yung spg part dito. Sa next chapter na yung maramihan hehe

+++++++

“ALI! ALI!”

“Uuuggghhhh…”

“ALI! SIS! HUY!”

“Huh!?”

Napamulat bigla si Ali nang mamalayang ibang boses ang naririnig niya. Hingal na hingal ang babae na napatingin sa taong nasa tabi ng kamay niya.

“R-Renz?”

“Binabangungot ka ‘ata sis.”

Agad na napabangon si Ali sa pagkakahiga. Nakaramdam ng hiya nang mapagtantong nasa harapan niya si Renz na kaklase niya. Pero kahit papa’no panatag siya kasi kahit hindi naman umaamin ang lalaki ay halata sa kilos nito na bakla ito.

“O-okay lang ako.” Jusko, bangungot nga yun. Bangungot nga ba? Tanong niya sa sarili.

“Teka, pa’no ka pala nakapasok dito?”

“Yung key card. Pwede pala yun sa mga kwarto natin. Pero sa’tin sa’tin lang. Kaya nakapasok ako.” sabi ni Renz.

Napatango na lang si Ali. Pawis na pawis siya kahit malamig ang paligid kaya napapahid na lang siya.

“S-sige. Bale… Ano pala kailangan mo?”

“May hihiramin ako sayo. Diba nasa sayo charger ko?”

Hindi kaagad nakasalita si Ali dahil iniisip niya pa kung nasa kaniya nga ang charger ng lalaki.

“Ah oo… Wait lang ah.”

“De, pahinga ka muna diyan. Halatang napagod ka sa bangungot mo eh. Wait, kunan kita ng tubig.” sabi na lang ni Renz at saka lumabas ng kwarto niya.

Ang hindi alam ni Ali ay kanina pa naiilang si Renz sa itsura niya.

Kanina kasi pagkapasok ni Renz sa condo ni Ali ay wala siyang tao na naabutan. Akala niya ay gising na ito lalo na at ngayong araw ang pasok nila sa university. Pinuntahan niya ito sa kwarto nito. Akala niya rin ay kandado ang pinto ng kwarto ng dalaga pero nang mapagtantong hindi naman kandado ay pumasok na siya at tinawag ang pangalan ni Ali. Kaya lang walang sumagot kaya sumilip siya. Doon ay nakita niya si Ali na natutulog pa.

“Uuughhh… Ooohhhh… Aaahhhh…”

“Ali?”

Napapaungol pa ang babae habang medyo naglulumikot pa ang katawan nito. Dahil kakaiba yun sa paningin ni Renz at akala niya ay binabangungot ang babae ay nilapitan niya ito.

Naabutan niya si Ali na natutulog pa rin. Pero nakadaklot ang kanang kamay sa puke nito habang ang isa ay nakadakot sa isang suso nito. Nauungol ang dalaga at magalaw nang bahagya. Pawis na pawis din ang dalaga na akala mo hindi malamig ang paligid.

Nakaramdam tuloy ng hiya si Renz pero may kung ano sa loob niya na parang maganda sa paningin niya ang nakikita niya kay Ali.

Hindi nga niya namalayan na unti-unting lumalapit ang kamay niya sa isang suso ni Ali na hindi hawak nito. At saka hinawakan ang isang utong na sobrang tayung tayo sa paninigas sa libog. Pagkahawak sa utong ni Ali ay bahagya niya itong nilapirot at hinila.

“Aaaahhhh… S-shinge puaaa…” sobrang hina ng ungol ni Ali pero halata sa boses nito ang pagkalasing sa libog.

“Omg… ” bulong na lang ni Renz.

Sinasabi ng utak ni Renz na ayaw niya ng ginagawa niya pero tuloy-tuloy lang ang kamay niya sa paglapirot at paglalaro nito sa isang utong ni Ali. At sa ikalawang pagkakataon niya sa ibang bansa, tumigas ang alaga niya.

“Jusko pooo…” napapikit na lang si Renz at buong lakas na hinawakan ang kaklase sa balikat para gisingin.

Napadilat si Renz sa pag-alala sa ginawa niya kanina habang tulog pa si Ali. Napailing na lang siya at sinubukang kalimutan ang lahat.

“Bilisan mo na dai kasi may pasok tayo ngayon.” sabi ni Renz pagkaabot ng tubig kay Ali.

Hanggang ngayon mapungay na mapungay pa rin ang mga mata ni Ali. Magandang tingnan sa babae para kay Renz. Pero syempre hindi pinahalata na nagugustuhan yun ng lalaki.

“Hala oo nga pala. Sheeesh!” inubos agad ni Ali ang tubig at saka umalis sa kama.

“Ito na pala charger mo. Sorry nakalimutan kong ibigay.” natatawang napapakamot pang sabi ni Ali.

“Okay lang yan dai. Kahit sino naman makakalimot kapag iginala ka sa ibang bansa.” natawa sila sa sinabi ni Renz.

“Sige dai, balik nako. Magbihis ka na kung ayaw mong malate tayo.”

“Yes mayor.”

Natawa silang dalawa. “Di nako mayor hahahaha!”

++++++

Pagkasakay nila sa mini bus ay binigyan ang ilan sa kanila ng mga graded glasses. Kasama na run si Ali dahil malabo talaga paningin niya.

“Standfield university is also unique. Except to the bright students study in the univesity, there are also students who choose to violent and abuse the other students. Those kinds of students you should avoid. Because by the time you get involved in their trouble and you are caught by some of the staffs there, you could be detained, suspended, or worst lose your scholarship. So be careful and goodluck to all of your journey at the university as a student.

If you get trouble, just call my number.” paliwanag sa kanila ni Mrs. West.

Hindi maiwasan ng lahat ang kabahan dahil hindi nila alam ang mangyayari sa oras na makapasok na sila sa Standfield University. Ang ilan sa kanila ay takot makaharap ang mga bayolenteng istudyante na tinutukoy ni Mrs. West, pero si Ali ay nababahala sa mga magiging gawain nila sa university. Hindi niya alam kung kakayanin ba niya ang mga trabaho dun.

Tapos dumagdag pa yung naganap sa kanila ng doktor. Hindi niya alam kung mabubuntis ba siya o hindi dahil alam niya hindi sila nakagamit ng proteksyon at hindi nagwiwithdraw ang doktor noong kinakantot siya nito.

Napailing na lang si Ali nang maisip na naman niya ang doktor.

“Is there any problem, Aliah?”

Nagulat naman si Ali dahil bigla siyang tinawag ni Mrs. West. Kinabahan siya kasi hindi niya naintindihan ang ilan sa sinabi nito.

“Wha—what po?”

“May problema ba raw ba?” sabi ni Rei na katabi niya lang.

“Wala po.” napailing siya. Siniko naman siya ni Rei. “English tayo be.”

“Ay sorry, este, nothing ma’am hehe.”

Napangiti na lang ang ginang sa kaniya. Hindi naman naiwasang hindi mapansin ni Ali ang ganda ng ginang. Kahit may mga anak na si Mrs. West ay maganda pa rin ito para kay Ali. Iniisip niya na siguro marami ring nagpapapansin at nanliligaw kay Mrs. West.

Nang makarating na sila sa university ay hindi nila maiwasan ang mamangha dahil sa sobrang lawak at ganda ng lugar. Humanga rin sila sa mga taong naglalabas-pasok sa lugar dahil para sa kanila, mukhang mayayaman ang mga taong iyon.

Pagkababa nila ay inassist sila ni Mrs. West sa faculty. Nasabi na sa kanila ng ginang na isa rin ito sa mga nagtatrabaho sa university. Pagkarating sa faculty roon ay may kinausap itong mga tao na palagay nila ay mga advisor nila. May inabot din na mga papeles si Mrs. West sa mga kinakausap nito.

“Goodluck talaga sa’tin guys. Kasi sabi ni ma’am nakarumble daw mga students sa bawat section.” sabi ni Renz.

“Ay talaga?” sabi na lang ni Ali.

“Oo. Tulala ka kasi kanina be kaya di mo narinig.” natatawang sabi ni Rei.

“Sorry na.”

“Sana nga wala tayo maging kaklase na mga bully.” nag-aalalang sabi ni Eva.

“Basta guys ganito. Kapag may hinding magandang nangyari sa inyo, mag-sabi na lang kayo ah? Dapat lahat tayo inform sa kung anong nagaganap sa’tin dito sa school para sabay-sabay tayong makapagsabi kay ma’am West.” sabi na lang ni Janice na ikinasang-ayon ng lahat.

“Kapag may nambully sa isa sa inyo, ako na bahala. Kalahi naman natin si Pacquiao eh.” sabi ni Eugene.

“Nako Gene, egul tayo sa liit mo. Nakikita mo naman puro malalaki mga tao dito. Kahit babae.” natatawang sabi ni Ali na ikinatawa ng ilan.

“Sana makatagpo ako ng fafa dito.” sabi ni Lowell na ikinatawa ng ilan.

“Delikado dai, baka mabugbog tayo agad.” natatawang sabi ni James na kapwa binabae rin ni Lowell. Pero hindi naman halata sa itsura nila.

“Aral muna tayo. Dapat wala sa bokabularyo natin yung word na landi.” sabi pa ni Renz.

“Pakopya na lang guys ah, joke lang.” natawa naman ang iba sa banat ni Cheska.

“Hindi tayo sure na magkakaklase tayo sa lahat ng subjects.” natatawang sabi ni Janice.

“Oy ah, basta ingat kayo. Magsabi lang kayo samin kapag may nangyaring hindi maganda. Nag-aalala nako rito oh.” sabi ni Ali.

Hinawakan naman siya ni Renz sa braso at bahagya siyang pinisil doon. “Magsabi ka rin dai. Exotic pa naman ganda mo.”

Natawa sila sa sinabi ni Renz. “Luh, naol may ganda.”

“Andiyan na si ma’am.” sabi bigla ni Lowell kaya natahimik sila.

“Ehem. I’ve already given your papers to your advisers. They will give you your schedule for your classes. You have to take care of that because when you lose your schedule, it’ll take a long process to make a new one. Is that clear?”

“Yes ma’am.” sagot nilang lahat.

Matapos ang ilang minutong usapan ay ipinakilala na sila sa mga magiging adviser nila.

At habang ipinapakilala na sila sa mga adviser nila, nabahala si Ali dahil habang tumatagal ay napagtatanto niyang ni isa sa mga kababayan niya ay wala siyang kaklase.

Shuta ako lang mag-isa!? Bakit ganun!?

“Aliah, you will be in care of Mr. Sandford.” pakilala ni Mrs. West sa magiging adviser niya.

Isang middle age man na nakasalamin. Katamtaman lang ang tangkad para sa isang kano, may maamong mukha at mukhang mabait. Kahit papano ay napanatag si Ali pero hindi nawala ang kaba niya lalo na’t alam niyang wala siyang kasama sa mga kababayan niyang kapwa istudyante.

Malas niya.

“You’re nervous. Don’t worry, I won’t bite.” nakangiting sabi ni Mr. Sandford sa kaniya na ikinatawa niya nang bahagya.

“Hehe, good morning sir.”

Matapos ang ilang usapan ay saka na sila naghiwa-hiwalay para sa pagsisimula ng klase. Hindi pinahalata ni Ali na kabadong kabado siya. First time niyang mapag-isa sa ibang lugar, walang kababayan na makakarelate siya. Purong foreigner.

Ay, ako pala foreigner dito. Sabi na lang ni Ali sa sarili.

“Good morning class. We have a new classmate. She’s came from other country so be kind to her. Please introduce yourself.” sabi ni Mr. Sandford at napatingin sa kaniya.

Ito na talaga self. “Good morning everyone, I’m Aliah Maria Abanse. Nice to meet you all.” at bahagya siyang nagbow sa harapan.

Habang nasa harapan siya ay pasimple siyang nagmasid. Mukhang matitino naman ang mga kaklase niya. Maliban sa iilan. Pakiramdam ni Ali ay mapagpanggap ang section kung nasan siya.

“You can have a sit, Ms. Abanse.”

“Thank you sir.”

Napili ni Ali umupo sa bandang gitna sa dulo ng silid tutal may salamin naman na siya. At habang naglalakad, napansin niya ang isang lalaki na madadaanan niya sana na inilabas ang isang paa nito para sana tapilukin siya. Buti nakita niya agad kaya agad niyang tinalunan ang paang iyon.

Hindi na niya tiningnan ang lalaking magpapatapilok sana sa kaniya pero dama niyang marami ang nakatingin sa kaniya. Nahiya siya bigla pero ok lang dahil hindi siya tuluyang napasisid sa sahig. Nabawasan kahit papaano ang pagkapahiya niya.

“Tss! Lucky.” dinig niya pang bulong nung lalaki. Lucky mo mukha mo.

Pagkaupo niya ay doon niya napagmasdan nang maigi ang mga kasama niya sa room. Lalo na yung lalaking nangtapilok sa kaniya. Medyo kinabahan siya nang makitang malaking tao pala ang lalaki pero payat na payat ito. Mukha pang adik sa paningin niya ang lalaki dahil na rin sa gupit nito na pa-mullet at may hikaw pa sa tenga. Pasimple na lang siyang kumuha ng gamit sa bag niya nang mapatingin sa kaniya ang lalaking nangtapilok sa kaniya.

Naisip na lang niya na sana hindi ito ang simula ng buhay niya sa Amerika bilang biktima ng mga bully.

Kaya lang, hanggang sana na lang pala niya yun.

+++++

To be continued…

A/N: Hahabaan ko na sa next chapter hehe At kung may iba kayo suggestions, pwede niyo ring i-share yan dito sa comment section if gusto niyo. Gawan natin yan ng paraan. Yun lang at thank you sa pagbabasa! :>