A few people from my circle of acquaintances here in FSS knows na I’m a shopaholic. I love to shop whether online or in brick and mortar stores. Nakaka relieve ng stress, pero after that nai-stress din ako sa pag manage ng finances ko.
Last week, nagising ako with a terrible migraine. Nagdalawang isip nga ako if papasok pa ba ako sa office or magpahinga na lang at home. Naligo pa rin ako thinking na mawawala iyon which is just wishful thinking dahil kapag inaatake ako ng migraine, it takes hours bago mawala.
I called in sick sa office. Nag breakfast muna ako and then nag prep din ako to visit my doctor na malapit sa office namin ang clinic. Since 40 minutes ang travel time, para na rin akong pumasok sa work dahil around 9AM nasa clinic na ako. Nakita ko pa nga ang isa kong officemate na bumibili ng breakfast sa cafe katabi ng clinic.
Wednesday noon at mahaba na rin ang pila ng patients na naghihintay ng turn magpa check up. Pang sampu pa yata ako, but mabilis naman ang check up dahil dalawa naman ang doctors na naka duty every day.
Around 10.15AM, natapos ako sa check up and he gave me a higher dose ng pain reliever to take. At dahil nasa city ako, I decided to take a stroll muna sa mall. Opening hours na by 11AM and it’s a good chance to look around habang wala pang masyadong crowd.
Surprisingly, hindi ko pa na take ang medicine pero unti-unting naging maayos ang pakiramdam ng aking ulo. It felt normal na by the time na makapasok ako sa Sephora. Or baka dahil addicted naman talaga ako sa Sephora kaya naging therapeutic ang pagkaka visit ko that day.
Wala naman akong nabili masyado kundi eyeliner at mascara kaya nagdecide ako na lumipat na ng store. Naglakad ako papunta sa isang malaking boutique sa kanto ng Orchard Road. On the way there, may naka kalat na promodizers distributing stuff sa mga tao. Normal naman iyon, madalas nga ay isang pack ng tissue paper na ginagamit pang reserve sa table, or “chope” kung tawagin in their local lingo.
As expected, tissue paper nga iyon na customized with the brand na nagmamarket ng product. It caught my attention kasi plain red sya at may design na bilog lang sa labas. Pag kapa ko, medyo may naka emboss na pabilog kung saan katapat ng design na bilog sa labas. So, binuklat ko sya and natawa ako. Isang pack ng condom at may nakalagay na “Use this” with an arrow sa condom “… and afterwards, use this.” Another arrow na nakapoint naman sa tissue. How genius! Inilagay ko iyon sa loob ng bag ko.
Narating ko ang isa sa favorite places to shop ko dahil mas maluwag ang spaces, plus they have four fucking floors, may lingerie at cosmetics section pa. Plus yung fitting room nila ay closed doors pa rin and hindi basta kurtina lang.
Pero dahil lunchtime na, nagdecide muna ako na kumain sa malapit na mall. May korean style chicken doon na favorite ko kaya doon ako umorder ng something for lunch. Very sparse pa ang tao and I like it kasi this place can get noisy rin which annoys me.
Opposite my table, may nakaupong guy. Hindi ko naman sya napansin agad dahil I was busy with my phone. Hot sya at ma-appeal. Yung jaws nya mukhang kayang hiwain ang mukha ko sa sobrang pagka defined. Patapos na yata sya kumain pero hindi rin ako sure. Nagstart na ako kumain at deadma lang din na halos maubos ko ang chicken wings ko in 20 minutes. Medyo nadyahe pa ako pero narealize ko yun noong tapos na ako kumain. Napatingin ulit ako sa guy and nakatitig sya sa akin.
Sinimplehan ko pa nga ang lingon sa likod ko just to check na ako nga ba ang tinitingnan nya or baka nag-aassume lang ako. Eh wala naman ibang tao, so sa akin nga nakatingin, unless na lang kung banlag sya.
He smiled at me, I just gave him a straight face. Tumayo ako at naglakad papunta sa shop. Sa loob, nagumpisa na akong magtingin tingin ng mga blouse and skirts. Busy rin ako sa phone ko dahil kausap ko sa chat ang isa kong friend. Kinukwento ko na may nakita kasi akong gwapo. Pag taas ng face ko, nakasalubong ko sa store ang same guy na nakita ko sa cafe. Ngumiti ulit sya, napilitan tuloy ako ngumiti sa kanya.
Naglakad na ulit ako papunta sa kabilang rack. May dala na akong mga 7 na klase ng damit na gusto ko i-fit at tumaas ako sa second floor para maghanap ng iba pa. After ng ilang ikot, nakasalubong ko na naman si guy.
Nagsalita sya. He said “Hi.”
“I hope you’re not following me.” I told him, tapos natawa lang kami.
“Have a good day.” Sabi nya at nag lakad na ulit kami sa magkabilang direction.
Nakita ko ng cosmetics area at mabilis akong nagpunta doon. I immediately checked kung ano ba hitsura ko. Hindi ako nakapag-make up dahil heck! Sa doctor lang naman dapat ako pupunta. Okay naman. I looked flushed pero hindi naman oily ang face. Yun ang important.
Dahil medyo masikip sa cosmetics area, dahan dahan akong umikot para bumalik sa way papuntang fitting room. And andun si guy sa likuran ko, nakatingin sa akin.
“You’re not following me, yes?” Seryoso ako.
“I actually am.” Inilapit nya ang mukha nya sa akin.
“Don’t!” But deep inside, gusto ko na mapangiti.
Naglakad ako palayo and sinundan nya ako. Kahit sa queue ng fitting room ay nakasunod sya. Lumapit ako sa attendant at sinabi ko kung ilang items…