“Yes Sam.”
“Ma’am, may naghahanap po sa inyo sa labas. Babae po.” Kumunot noo ako. Wala naman akong bisita na inaasahan ngayon.
“Sige lalabas na ako.” Tumayo ako pagkaalis ni Sam. Isinara ko ang laptop saka agad nang lumabas.
Inikot ko ang mga mata ko saka napangiti ng makita ang babaeng umiinom ng juice at kumakain ng cheese cake.
“Nakaka surprise naman na andito ka sa Pinas ngayon.” Lumingon sa akin si Miles na nakangiti.
“Oh my gosh bestfried, I miss you.” Sabay tayo at yakap sa akin. “Hindi ako lumabas ng bansa no. Nag Vigan lang.” Natatawang yumakap din ako sa kanya. Matapos nun ay sabay kaming naupo. Nakangisi si Miles sa akin habang kumakain.
“Kelan ka pa dumating?” Tanong ko sa kanya. Naiiling akong uminom sa juice nya, nakangisi pa din sya sa akin.
“Last Monday pa. Pinuntahan kita sa bahay mo pero wala ka. Saan ka ba nagpupunta?” Nasamid ako dahil sa sinabi nya. Wala nga ako sa bahay nun dahil nandun ako kay Jake ng dalawang araw.
Tumikhim ako bago sya sinagot. “Ahm.. May pinuntahan akong orientation nun.” Sabay tingin sa iniinom ko.
“Well anyway. Ayun nga dahil wala ka pumunta muna akong Laguna afte ko sa Vigan.”
“Anong ginagawa mo doon? Wala ka namang kakilala doon? May bago kang branch doon?”
“Wala ano kaba. Doon kami nag vacation ng mga staff ko.” Tumango-tango ako sa kanya. Nangingiti ako dahil hindi maalis ang pag ngisi nya.
“Something good came up?” Tanong ko na sa kanya.
“Yes best. May nakilala ako sa Laguna. Shucks best.. Gwapo. Macho. Feeling ko masarap.” Sabi nito sabay tili. Grabe talaga ang bestfriend kong ito. Ganito sya lagi pag nakakakilala ng gwapo.
“So, ano? Boyfriend mo na?” Bigla naman itong nagsimangot.
“Hindi. Naku best. Snob ang lolo mo. Ayaw magpalandi. Sa ganda kong to, wa epek sa kanya best. Tatlong araw lang ako doon pero walang nangyari. May gf na daw sya.”
Natatawa ako sa paraan ng kwento nya. Akala mo nabigo na talaga.
“Nakakainis na hindi ko man lang nakuha number nya. Ang sungit kasi eh. Balak ko nga bumalik ng Laguna baka sakaling makita ko ulit sya.” Natatawang sabi nito
May nakakuha na naman pala ng atensyon ni Miles. Naku, sa susunod na buwan may boyfriend na naman tong bago.
Nalipat ang tingin ko sa cellphone ko nang tumunog ito. Nakita ko si Jake na tumatawag. Pinatay ko iyon at itinalikod. Muli iyong tumunog pero hindi ko na pinansin.
“Si Ryan?” Nguso ni Miles sa cellphone ko. Ngumiti lang ako sa kanya. “Sagutin mo na baka importante.” Tumango ako sa kanya.
Tumayo ako saka lumabas muna, saktong tumigil na ang pagtunog nyon. Babalik na sana ako sa loob ng muling tumunog ito. Hindi na si Jake ang tumatawag kundi si Ryan.
“Hi Hon.” Maligayang bati niya. Napalunok ako. Sa tagal ng hindi nya pagtawag parang may nag iba na. Nasasanay na kasi akong wala ang presensya ni Ryan. Siguro dahil kay Jake.
“H-Hon. Hi. How are you?”
“I’m okay Hon. I miss you. Sorry ngayon lang nakatawag sobrang busy lang dito. Mukang extended pa ulit.”
Napahinga ako ng malalim. Narinig nya yun saka humingi ng humingi ng sorry. Sinabi ko na lang na okay lang dahil importanteng client nila iyon sa work. Halos limang minuto lang kaming nag usap dahil tinawag na ito ulit. Mukang may meeting sila.
Matapos namin magpaalam sa isa’t isa ay pumasok na ako ulit. Nakita ko si Miles na tumayo na at may kausap sa cellphone. Bakit lahat sila busy?
“Trish, emergency sa shop. Got to go. I will visit you again okay. Bye.” Hinalikan nya ako sa pisngi at nagmamadaling lumabas. Napailing ako. Babalik na sana ako sa office ng tumunog ang cellphone ko. Nagtext si Jake. Limang magkakasunod na text agad ang pumasok. Lahat galing sa kanya.
Jake: Mommy busy ka?
Jake: Busy na po line mo. Di na makontak.
Jake: I miss you Mommy. 4 days na tayong di nagkikita. Ang lungkot na.
Jake: May problema po ba tayo?
Jake: Namimiss na kita talaga Mommy. Feeling ko ang cold mo na. May nagawa ba ako?
Napapikit ako saka nagtuloy-tuloy na sa pagpasok sa office. Nilock ko iyon at naupo muli sa upuan ko.
After ng dalawang araw na pag-stay ko sa apartmemt ni Jake, ang saya-saya ko. Pakiramdam ko dalaga ako ulit. Alam kong masama ang ginagawa ko pero wala akong magawa dahil tuwing kasama ko sya napupunan nya ang kulang sa pagkatao ko at alam kong hindi lang sex iyon.
Totoong iniiwasan ko sya ngayon. Tatlong araw na akong hindi nagpaparamdam sa kanya kaya naman panay ang tawag at text nya. Mabuti nga ay hindi sya nagpupunta sa bake shop.
Pagkauwi ko sa bahay after kina Jake ay sumalubong sa akin ang malungkot na awra ng bahay namin. Lifeless. Parang ako lalo na pag mag isa ako. Nalulungkot ako hindi katulad kapag kasama ko si Jake. Masaya ako kapag kasama ko sya. Ibang kasiyahan ang nabibigay nya sa puso ko pero kinailangan kong syang iwasan dahil sa tuwing uuwi ako sa bahay ay nagi-guilty ako. Pakiramdam ko wala akong karapatang maging masaya lalo na at nagtataksil ako. Nasasaktan ako sa tuwing nagtatanong si Jake pero wala akong masagot dahil iniisip ko din si Ryan. Ang asawa ko. Pilit kong isinisiksik sa utak ko na may asawa ako. Na mali kaming dalawa. Na hindi na tama pero sa tuwing pipikit ako nakikita ko si Jake. Nakangiti. Masaya. Inaalagaan ako. Naglalambing. Namimiss ko siya.
Napayuko ako at pumikit. Bigla akong tumayo at inayos lahat ng gamit ko saka nagmamadaling lumabas. Hindi ko alam kung ilang oras ba akong nasa office ko lang dahil paglabas ko ay nagliligpit na ang mga staff ko. Malapit na pala ang closing.
Hinanap ko si Sam at ibinilin sa kanya ang pagsasara ng shop. Agad na akong lumabas at sumakay ng taxi pero imbes na sa bahay ako tumuloy ay sa apartment ako ni Jake nagpa deretcho.
Pagkababa ko ay nakita kong wala ng ilaw sa apartment ni Jake. Hindi naman kasi ako nagsabing pupunta ako. Baka natutulog na sya o baka wala sya ngayon. Bahala na. Uuwi nalang ako kapag wala sya.
Kumatok ako. Sa ikatlong katok ay bumukas ito at humarap sa akin ang mapungay at inaantok na mukha ni Jake. Mukang natutulog na nga sya dahil naka sando at boxer nalang sya. Pero agad nawala iyon ng makita nya ako.
“Ma- mommy.” Bigkas nya. Ngumiti ako sa kanya saka nagtuloy ng pumasok. Binuksan nya ang ilaw. Umupo ako sa sofa nya, sya naman ay pumunta sa kusina at kumuha ng tubig. Inilapag nya iyon sa harap ko. Medyo nagtataka ako dahil ibang Jake ang nasa harap ko. Hindi sya ung dating niyayakap agad ako pagkakita palang sa akin. Malungkot din sya habang nakatingin sa akin.
Parehas kaming hindi nagsasalita. Bumuntong hininga sya. After 5 minutes ay tumikhim sya at nagsalita.
“Hindi ka na ba busy?” Umiling ako. Tumango lang sya.
“Bakit ang tahimik mo?” Napatingin sya sa akin dahil sa tanong ko. Umupo sya sa harap kong sofa.
“Iniisip ko kasi Mommy, baka may nagawa akong mali. Baka nung huling araw mo dito may nagawa akong di mo nagustuhan kaya hindi ka nagrereply sa akin at hindi mo sinasagot ang t…