Alas singko sya nakauwi. Alam ko dahil gising ako nun at nagkunwaring tulog na tulog. Humiga sya sa tabi ko at maya-maya lang ay malalim na agad ang tulog nya. Mukhang napagod sya sa kung ano man ang ginawa nila ng babae nya.
Dahil hindi na ako makakatulog pa ay nagpasya akong bumangon nalang at maghanda ng almusal. At tutal din naman na wala syang balak na magbakasyon kami ay papasok nalang ako sa bake shop baka sakaling maging productive ang araw ko. Ayaw ko muna syang kausapin o komprontahin sa nalaman ko. Bahala na pero hangga’t andito sya sa ay hinding hindi muna ako makikipag communicate kay Jake.
Alas nuebe ng dumating ako sa bake shop at madaming customer. Nagulat ang mga staff ko dahil alam nilang naka one week leave ako pero napaaga ang balik ko.
“Good morning po ma’am.” Bati nila ng makita ako. Tumango lang ako saka agad na dumeretcho sa opisina ko.
Tama nga ako magiging productive ang araw na ito. Walang oras na nabakante ako dahil sobrang busy at madami ang customers. Tinignan ko na din at nireview ang sales nung mga araw na wala ako at so far ay maganda naman sila.
Bandang 1:30pm ng tumawag si Ryan sa telepono sa opisina. Hindi ko pa din kasi binubuksan ang cellphone ko hanggang ngayon. Malamang kakagising lang nya o baka naman kanina pa sya gising at inuna nang tawagan ang babae nya. Napapailing ako bago sinagot ang tawag.
“Hon, saan ka?” Agad na tanong nya ng sagutin ko ang tawag nya.
“Bake shop Hon.” Sagot ko.
“Akala ko nakaleave ka ng one week?” Takang tanong nya.
“Oo pero bumalik na ako agad, tumawag ang staff ko medyo nagka-emergency lang at saka madaming customer ngayon.” Dahilan ko sa kanya.
“Ah ganun ba. Sige Hon, ingat ka dyan.” Sabay baba nya ng tawag.
Napabuntong hininga ako sa inasal nya. Alam ko na medyo malabo ang nararamdaman ko sa kanya ngayon pero kaya ko pa naman maglambing sa kanya pero sya, ni hindi ko na maramdaman. Akala ko pa naman ay madidismaya sya dahil pumasok ako. Akala ko sasabihin nyang umuwi nalang ako para makasama ako buong araw pero wala. Siguro ay mas gusto nyang kasama ang babae nya. Malamang aalis na naman sya at pupuntahan ang babae.
Naiiyak ako. Oo wala akong karapatang makaramdam ng ganito dahil ako man ay nagtataksil sa kanya. Pero hindi ko mapigilan. Iniisip ko paano kung malaman nya ang ginagawa ko. Magagalit ba sya? Malulungkot o sasaya dahil may pagkakataon na sila ng babae nya. Ako kasi hindi ako sigurado. Ang alam ko lang nalulungkot ako sa nangyayari sa aming dalawa at naiinis ako sa kanya dahil sa pakikitungo nya sa akin.
Pinalis ko ang luha ko ng may kumatok sa sa pinto. Agad na pumasok si Sam na may dalang boquet ng bulaklak. Napakunot-noo ako.
“Sam, bakit?” Takang tanong ko sa kanya habang inaabot nya sa akin ang bulaklak. Isang boquet ng pink na tulips iyon. Paboritong bulaklak ko. Napangiti ako. Naisip ko agad si Ryan. Bumabawi pa sya? Inamoy ko iyon. Napalitan agad ng saya ang puso ko na kanina ay malungkot at naiinis.
“Kanino daw galing?” Tanong ko habang hinahanap ang card pero wala akong nakita.
“Hindi po sinabi ma’am eh, inabot lang po ng lalaki sa labas.” Napatayo ako agad dahil sa sinabi niya. Baka si Ryan ang nagbigay at ayaw lang ipasabi.
“Nasa labas pa ba sya?”
“Hindi po ako sigurado ma’am.”
Agad akong tumayo at lumabas ng opisina na bitbit ang bulaklak. Agad kong tinignan ang labas ng bake shop, baka sakaling andun nga si Ryan pero ibang tao ang nandoon at matamang nakatingin sa akin na tila ba alam nyang lalabas ako at hahanapin sya.
Agad ang pagtibok ng puso ko habang nakikipaglaban ng tinginan sa kanya. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o malulungkot na andyan sya. Miss na miss ko na talaga sya pero hindi pwede. Hindi ko pwedeng baliin ang pangako ko sa sarili.
Nakatingin sa akin si Jake sa labas at kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nya habang nakatingin sa akin. Bakit ba tila naging mas gwapo sya ngayon? Ilang araw na ba kaming hindi nagkikita? Apat? Lima? Pero kahit gaano sya kagwapo ay hindi maitatanggi ang malungkot na mga mata nya.
“Ang gwapo.” Rinig kong sabi ng isang staff ko pero binalewala ko iyon. May ibang tao pa ang napapatingin sa gawi nya. Nagiging agaw atensyon na tuloy sya sa labas ng bake shop.
Humakbang sya paatras, hudyat na aalis na sya pero bago iyon ay nakita ko syang ngumiti sa akin. Ngiti na alam kong may halong lungkot. Gusto ko syang habulin. Gusto ko syang yakapin. Gusto ko syang halikan. Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ko na sya namimiss pero pinipigilan ko ang sarili ko.
Kasabay ng pagkawala nya sa paningin ko ay ang sunod-sunod na tulo ng luha ko. Agad akong pumasok sa opisina at binuksan ang cellphone ko. Kahit eto lang. Gusto ko mabasa ang mga message nya kung meron man.
Nang mabuksan iyon ay sunod-sunod na text at chat ang natanggap ko. Pinakamarami ang sa kanya. Ung pinakahuling m…