She Took Him Faster Than You Could Say Sabotage 2

September 2015.

Naalala ko pa nun. Kaputukan ng Aldub kaya usong uso rin ang term na ‘pabebe’ Uso rin ang Com De Garcon designed shirts and stuff.

Looking back, simple lang talaga noon. Andyan ang social media pero hindi ganoon ka toxic.

May mga pagkakataong pag bumibili kami ng snacks sa may bandang building nila, nakikita ko siya. Pasimple kaming tumititig ni Kean sa isat-isa. Laging ako na ang umiiwas ng tingin kasi nahihiya ako na maging mga kabarkada niya ay nakatingin lang rin sakin at parang binabantayan yung kilos ko.

Nakaka conscious yung ganoon.

Pag naman nakakasalubong ko ang isa sa mga kabarakada niya nahihiya rin akong mamansin sa kanila. Pero pasimple naman silang kumakaway sakin na binabalik ko rin.

Sa mga sumunod na araw, naging ganoon na ang ginagawa namin ni Kean tuwing Friday. Hihintayin niya ako sa building namin hanggang matapos ang klase ko.

Sabay kaming pupunta sa cafeteria para sabay na mag miryenda at magkwentuhan bago pumunta sa sakayan ng jeep sa loob ng university namin.

“Bumaba ka nalang kasi mamaya sa babaan mo. May mga kasama naman ako lagi sa loob ng jeep hanggang sa babaan.”

“Eh pano kung mamaya mag-isa ka lang? Baka mamaya niyan may biglang sumakay na mga loko tas pag tripan ka pa.”

“Eto naman ikaw lang gumagawa ng kwento diyan na ikapapahamak ko kuno eh.”

“Ah basta tuwing Friday or maging Thursday ganyan ang routine natin. Saka diba nga weekend na yan di tayo magkikita ng ilang araw. Pag Monday naman saglitan lang rin kasi madalas nagkaklase kayo agad.”

“O sige na di ako makikipagtalo sa gusto mo. Saka alam mo naman ang schedule nyong 3rd Year EE students diba, laging nagbabangga sa sched rin namin.”

“Steph,” mahinahon niyang tawag “Paano pag… tinanong kita kung pwede ba akong manligaw, okay lang ba? Or it will make you feel awkward? Kasi if it does then maybe I can push that aside first.”

Hindi na agad ako nakapagsalita at tumingin nalang sa pagkain ko muna.

“Bakit mo ba kasi gusto manligaw eh pwede namang friends nalang muna tayo.”

“Syempre iba parin yung maging tayo na. Alam mo naman na yun diba? Saka ilang beses na akong nagpaparinig din naman sayo tungkol diyan pag magkasama tayong dalawa.” Inikot-ikot niya ang straw na parang naghahalo ng juice sa baso niya

Ilang segundo bago ako ulit nakapagsalita.

“O sige kung yan ang gusto mo gawin. Pero ayoko na baka mamaya gusto mo laging tayo nalang magkasama. Dapat mga kabarkada parin natin mas madalas nating kasama.”

“Oo naman. Alam ko naman yun eh. Saka busy rin kami sa mga group projects kaya lagi talaga kaming magkakasama. Pero pag Fridays dapat magkasama talaga tayo ng matagal kasi eto lang naman ang time na nakakapag usap tayo ng matagal.”

“Okay sige payag ako.”

“Walang bawian?” Tanong niya

“Wala.” Payak kong sagot

Ngiti lang ang sinagot niya. Kumilos siya at napansin kong hinubad niya ang isang loomband na suot-suot nya mula pa man nung unang beses ko siyang makita.

“Here.” Marahan niyang isinuot sa aking pala-pulsuhan ang bagay na iyon “I don’t know if you’ll like it but I know uso to ngayon and even the previous year or semester. I just want to give you something. For now, eto na muna.”

Napangiti ako.

“Thank you. Ikaw may gawa?” Tanong ko habang nakatingin sa loomband

“Hmm, nope Enzo just made me buy that. Marami kasi kaming nadaanang nagbebenta ng ganyan nung nag field trip kami.”

(Enzo is one of the real names ng mga kabarakda nya. If by chance you’re here sa fss, hello sayo Enzo. Ikaw yung laging sumisigaw ng Alright! tuwing magkakasalubong ang mga barkada natin lalo na sa school gym. It was your way to tease me and Kean back on the days. Ikaw raw ang Ryan Rems nga barkada nyo eh haha)

“But it’s nice.” Timitig ako sa kanya

“You like it?” Agad akong tumango “You’re welcome, baby.”

“Sus baby diyan.” He laughed

“Eh sa yun ang tawag sayo ng mga kabarkada mo nung unang araw tayong nagkita diba? Sa may sakayan ng jeep.”

I then remembered that time. Nung umayaw ako sa sobrang usok galing sa tambutso ng jeep.

“Ahh that time. Sila kasi eh inaasar lang ako nun.”

“Well but that’s you, baby.” Hinaplos nya ang buhok ko na nagpa init sa pisngi ko

Tulad ng sinabi niya nanligaw nga si Kean sa akin. At halos araw araw akong laging dinadaanan sa mga klase ko sakaling magkalapit lang ang building namin o nasa iisang building ang klase namin.

May isang classroom kami noon na nasira ang kisame kaya kailangan naming lumipat ng classroom. At dahil wala nang ibang vacant rooms, wala rin kaming choice kundi doon nalang magklase sa Office of Student Affairs.

Kung tutuusin hindi mo rin talaga siya matatawag na office kung saan kami nagkaklase. Kasi parang ginawa nalang rin siyang room nung nag confirm na ang professor namin na doon na kami magkaklase hanggang matapos ang semester.

Bale open space siya. Parang pagkapasok mo sa building kayo agad na mga nagkaklase ang bubungaran ng kung sino man ang papasok na student doon.

Meron namang ibang rooms pero occupied na dahil ata yun sa mga senior high that time kasi hindi pa naipatatayo ang building nila.

Ang dean ng College of Engineering, na college nina Kean ay isa sa mga may opisina rin sa Office of Student Affairs kaya madalas rin silang napapadaan doon para sa kung ewan ko kung ano.

Ilang beses ring nangyari na padaan-daan ang barkada nila sa gilid namin habang nagkaklase kami. So you can only imagine gaano ka open ang area kung saan kami nagkaklase. Dinadaan-daanan lang talaga kami kaya dapat marunong kang mag concentrate lalo na pag exams.

Sa tuwing dumadaan sila, hindi ko rin talaga maiwasan na mapatingin sa kanila. Lalo na at students rin sila ng professor ko sa minor subject na ito kaya binabati rin talaga nila ang prof kapag dumadaan sila. May times pa ngang magkekwentuhan pa talaga sila saglit.

At sa lahat ng times na yun, lagi kaming nagkakatinginan ni Kean. Alam nyo yung parang nag-uusap kayo pero sa mata lang?

Tapos minsan, kapag nagkakakwentuhan ang grupo nila at ang prof namin, dun siya pupwesto sa may malapit sa bintana kung san ako banda naka-upo at mag-uusap kami na puro lang sensyasan.

Magtatanong sya kung kumain na ba daw ako. Sasagutin ko naman siya ng iling or tango. Minsan habang nag eexam kami, dadaan sila at pasimple nya akong ichi-cheer.

Isang beses, habang nagkaklase kami sa building nila bigla akong napalabas mula sa room namin.

“Ba’t ka andito eh diba may klase ka pa?”

Pabulong kong tanong nang makita kong padaan-daan siya sa classroom namin habang nagdi-discuss ang professor namin sa isang math subject

“Ha? Eh wala lang.”

Nakangiti niya pang sabi at kumaway pa kay Jackie nang masulyapan nya eto

“Oy Kean tumigil ka diyan may klase ka rin ng gantong oras diba? Ba’t ka nandito sa labas?”

“Well, it’s because I miss you already.” Hinaplos nya ang buhok ko “Hindi kasi kita inabutan sa caferteria kaninang lunch.”

Inabot niya sakin ang tatlong tangkay ng puting rosas.

“For you Steph.”

“Thank you. Pero paano ko naman ipupuslit to nang hindi ako mahahalatang nakipagtagpo sa manliligaw ko?”

“Hmm, well, sorry I gave you a problem but I can’t help it. Kaninang lunch ko pa yan gustong ibigay sayo eh.”

“Nako ikaw alam mo inuuna mo pa yang kalandian mo kesa sa klase mo. Sige na balik ka na dun. Maya nalang uwian.” Sabi ko sabay tulak sa kanya ng marahan “Mamaya dumaan ang Dean nyo patay tayo dito.”

“Okay, fine. Bye, I miss you.” Pabulong niyang sabi na nagpangiti sakin

“Oo na, I miss you too. Bye!”

Isang beses, lumabas kami ng mga kaibigan ko para panoorin ang isang local band dito sa amin.

Tumutugtog kasi sila tuwing sabado ng alas 6 ng gabi hanggang mga 10 ata yun sa gilid ng Starbucks sa isang mall.

Isa sa kinanta nila nung gabing iyon was Girls ng The 1975. Isa yung sa mga international bands na pinapakinggan ko that time kaya enjoy na enjoy ako.

Habang lumalalim ang gabi, pa relax naman nang pa relax ang mga tugtugin nila. And then tumugtog na sila ng Don’t Know What To Say.

Lihim akong napangiti kasi naaalala ko talaga si Kean dahil sa kantang iyon. Ewan ko kung bakit, siguro kasi ganoon ang nararamdaman ko kapag andyan sya lalo na nung una pa man na makita ko siya.

Hindi ko rin talaga alam anong gagawin o sasabihin ko oapag andyan siya. You know, it wasn’t puppy love anymore. More like, young love or infatuation pa at that time. Alam nyo namam ang dulot ng kilig diba? Hahaha

Dumaan ang Intramurals, Midterms at Finals. Pati na rin ang Pasko at bagong taon na first time ring nagsilbi na sembreak namin dahil nga sa calendar shift.

Nagsimula na rin sa wakas ang 2nd semester ng academic year na iyon.

Kasabay rin ng lahat ng iyon ang paglipas ng ilang buwang panliligaw sa akin ni Kean bago ko siya nagawang sagutin.

Nangyari iyon nang tanungin niya ako kung pwede na bang maging kami matapos niya akong sunduin mula sa huling klase ko nung araw na iyon.

Maaga kasi itong natapos kasi ganun naman talaga pag kasisimula palang ng bagong semester, puro palang naman expectations at discussions ng rubriks ang ginagawa ng prof.

Nakatayo kami nun sa likurang banda ng isang building kasi katatapos niya lang ring mag try out para sa basketball team ng college nila. Masaya rin ako para sa kanya nun kasi natanggap naman siya agad.

We hugged each other tightly when I gave him my yes after months of chasing. Pero saglitan lang yun kasi hindi pa naman umuuwi ang mga students nun at higit sa lahat baka may prof na makakita samin baka akalain naglalandian kami all out. Slight lang naman char hahaha

Kinakanta-kanta pa nga namin nun ang Cheerleader ng OMI ba yun? Correct me if I’m wrong nalang po ha

Kasi nga Kean and I treat each other as our greatest cheerleaders. Pangako namin iyon na kahit anong mangyari andyan kami para sa isat-isa. Naka-alalay. Nakasuporta. Kahit ano pang dumating.

“Hay, weekend nanaman, baby.”

Hinila niya ako para isandal sa katawan niya habang nasa may hagdan kami hinihintay na tuluyang dumilim bago pumunta sa sakayan.

Pareho kaming pagod galing sa mga kalse namin. Malapit na rin kasi ang hell week at tambak nanaman ang mga requirements at reportings na kailangan naming malagpasan.

“Oo nga eh.” Hinawakan ko ang kamay niya “Two days nanamang puro ka videocalls.” Ngumiti ako at tumingala sa kanya

“Ipagpapaalam nga kasi kita kina tito at tita para makalabas tayo tuwing Sabado.”

“Talaga?” Masaya kong tanong

“Oo naman. Ngayon pa ba tayo hindi papayagan eh tayo naman na. Saka hindi naman kita iuuwi ng dis oras ng gabi eh.”

“Eh san tayo gagala niyan? Nood ng sine?”

“Hmm depende pero kung gusto mong mag sine okay lang rin.” Ngumiti siya

“Okay! Meron kasing magandang palabas eh.”

“Ah yung love story?” Tanong nya

“Hell no. Mas gusto ko pa yung sci-fi saka yung isang horror na kaka-release lang.”

He chuckled.

“Okay, if you say so. Susunduin nalang kita sa inyo ng mga lunch time para makapag ikot-ikot muna tayo after mag lunch bago pumasok sa sinehan.”

Tumitig kami sa isat-isa bago siya nagsalita.

“I love you, baby.” Sambit niya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko

“I love you too, baby.”

We shared a kiss after making sure na walang dumadaan at medyo madilim na.

“Teka saglit lang wala pa naman dumadaan eh.”

He cupped my cheek and kissed me again. Ilang sandali lang alam kong gumagala na ang isang palad niya sa bewang ko habang hinahalikan ako.

“Baby, baka may makakita.” Sabi ko at bahagyang lumayo sa kanya

“Sus wala yan. Gabing-gabi na eh saka wala namang students na dadaan pa dito ng gantong oras.”

His words made sense to me kaya inilapit ko na rin ang sarili ko sa kanya para halikan siya pabalik.

“Hmm…” usal noya habang magkadikit ang mga labi at katawan namin “Love you baby.”

That time I can’t help but smile while kissing him back deeper. We were so young back then and so in love.

“Love you too baby.”

Hinayaan ko siyang hawakan ang katawan ko. That was the first time na gawin namin yan outdoors. He was slowly mashing my boobs habang pinapalalim ang halikan namin.

Ako naman hinahaplos ko ang leeg nya pababa sa kanyang dibdib. Just an 18 year old girl and a 19 year old boy expressing their hots for each other.

“Bukas ka sakin ulit baby.” Pabiro niyang banta habang nakatitig kami sa isa’t-isa “I’ll kiss and hug you all I want bukas pambawi sa Linggong di tayo nagkikita. Saka bukas nasa sinehan tayo kaya pwedeng-pwede talaga kitang ikulong hahaha.”

He chuckled after I rolled my eyes

“And even on Monday dito ulit tayo. Gagawa ako ng paraan para masolo ulit kita tulad nito and papagurin ko yang lips mo kakahalik sayo.”

It was my turn to tease him

“Yayy, ikaw talaga adik ka na sa kiss.”

“So what? Girlfriend ko naman ang gusto kong halikan lagi ah.” He kissed me on my lips again

“Ah ganon ha.” Ginantihan ko rin siya ng halik sa labi “Wala ka ding kawala sa’kin.”

He chuckled.

“Talaga ha, halika dito.”

Hinila niya ako ulit at halos mapa upo na ako sa kandungan niya habang hinahalikan niya ako.

Hindi ko alam ilang ulit kaming nag-asaran at naghalikan bago namin napag desisyunang pumunta na sa sakayan.

That time, it was all I ever needed. Ang makasama si Kean at maging masaya at maayos ang relasyon namin.

Pareho kaming sobrang baliw sa isat-isa na walang araw na hindi kami nagnanakaw ng halik sa isa’t-isa tuwing magkasama.

Days passed at hindi ko na namalayan ang mabilis na paglipas ng mga linggo dahil na din sa sobrang naging busy na kami sa kanya-kanya naming kurso.

==========

Thank you for those who read the first chapter. Hindi ito mahabang istorya, pero I’ll do my best to tell the story at least in a decent way.

xoxo, Stephie