She Took Him Faster Than You Could Say Sabotage

I can still clearly remember the date when I first laid my eyes on a guy who later became my first and only college romance.

August 17, 2015

Hapon nun, papunta kami ng mga kaklase ko sa susunod naming klase. It was the first semester kung saan applied na ang calendar shift. It was the first semester after 4 long months of school vacation.

I was on my 2nd year taking up Business Administration.

Nakarating kami sa building ng College of Engineering kung saan may isang minor Math subject kaming doon sa building gaganapin ang klase.

Normal sa mga unang week ng klase ang hindi agad alam kung saan ang rooms. Lalo pa at hindi namam namin building iyon.

Kaya nag tanong-tanong ang mga kasamahan ko sa mga estudyanteng nakatambay sa may hagdan sa gilid ng building.

“Excuse me mga boys! Pwede bang magtanong kung san banda tong building na to?”

Pinakita namam agad ni Jackson a.k.a Jackie na kaibigan naming bakla ang papel kung saan nakalagay ang schedule at building kung saan kami magkaklase dapat nung araw na iyon.

“Ah sa may likurang bahagi to ng building namin. Freshmen ba kayo?”

Tanong ng isang lalaki galing sa grupo nila

“Nako hindi. Sophomore na kami pero first time naming may subject dito sa building nyo.” Si Jackie

“Oh I see.”

Napalingon naman sa mga kasama niya nang maramdaman kong parang may mga matang nakatingin sakin.

And that was the very first time na nakita ko siya. I can still remember the way he dressed that time.

He was wearing a blue and white stripes shirt. Nakapantalon at may suot na relos kasama ang isang loombands na usong-uso pa nung time na yun.

Ni hindi man lang siya umiwas ng tingin nang mahuli ko siyang tumitingin sa direksyon ko. Ewan ko pero bigla akong na conscious kaya I looked away from his stare.

Hindi ko na namalayang tinatawag na pala ako nila Jackie at iba namng kasama dahil nga pupunta na kami sa buulding kung saan ang math subject namin.

“Oy dzai, halika na male-late na tayo neto eh.”

Nagpatianod nalang ako nang hilahin na ako ni Jera paalis sa lugar.

Pero bago kami tuluyang makalayo sumulyap pa ako sa likuran namin para tinginan kung nakatitig pa ba ang lalaking iyon sa akin.

Nagulat nalang ako nang nakasunod pala ang grupo nila sa paglalakad sa amon pero may kalayuan ang distansya ng aming grupo sa isat-isa.

Natapos ang araw namin na pare-pareho kaming nakatambay sa cafeteria ng university namin para magpahinga bago sabay-sabay na pumunta sa terminal ng jeep kung saan kami sasakay papunta sa kanya kanya naming dakayan papauwi sa mga bahay namin.

“In fairness…” may kalakasang boses ni Jackie “Hindi masyadong nalaspag ang beauty ko today ha. Di tulad kahapon ang lalayo ng mga classrooms natin from one subject to another mga besh.”

“Sus para namang ayaw mo yung rumarampa ka sa harap ng mga lalaki pag naglalakad tayo.” tukso ni Jera kay Jackie

“Oo nga saka, kahapon nga lang diba may mga bago ka nang parokyano.” Gatong ko

“Well, di ko naman sila masisisi.” Sabat ni Jackie

Pareho kaming napatawa ni Jera dahil sa pagfi-feeling netong si Jackie.

Maya-maya ay may isang grupo ng estudyante na pumasok sa cafeteria kaya mas lalong umingay ang lugar.

Tuloy lang kami sa pagkekwentuhan pero nang umangat ako ng tingin sumentro naman ang titig ko sa mga natang nakatitig din pabalik sakin.

Di ko man lang nagawang iiwas ang agad ang tingin ko sa gulat ko na sila pala yung mga lalaking napag tanungan namin kanina na puro mga Engineering major.

Muli, iniwas ko ang tingin ko pero nagulat naman ako nang marinig ko ang nanunuyang tinig mula sa table nila.

“Alriiight!! Mukhang may is sa’ting tukuyang tinamaan!”

At sinundan ito ng kantyawan nila. Napatingon maman kami sa table nila.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Saka napansin kong wala naman silang inorder talaga at nagkantyawan lang buong panahong nandoon ang grupo ng mga kalalakihang iyon.

Bago pa tuluyang magdilim ay umalis na kami sa cafeteria at naglakad papunta sa terminal ng jeep na nasa loob lang rin ng campus namin. Ito ang pangunahing sinasakyan papunta sa centro ng syudad kung nasaan ang mga sakayan.

“Hay nako pumo nanaman!”

Sabi ni Jera nang maunahan nanaman kami ng kumpulan ng mga estudyanteng nag aagawan pasakay sa isang jeep.

“Hayaan mo na, hintay nalang ulit tayo. Mabilis lang naman yang mapuno eh.” Sabi ni Jackie

“Saka malapit lang rin naman ang babaan mo. Kami nga ni Jackie malayo-layo pa eh.”

Yun nga ang ginawa namin. Makalipas ang ilang minuto may iba pang mga estudyanteng dumating para maghintay ng masasakyan na jeep.

At sa pangatlong pagkakataon nung araw na iyon, nagtagpo nanaman kami ng grupong iyon.

Nagulat ako nang magsalita si Jackie.

“Uy, kayo pala yan. Salamat ulit sa pagtulong samin kanina ha.”

“You’re welcome sa inyo.” Sagot ng isa sa kanila

“Stephie, halika dito wag ka diyan nako mamaya mabangga ka ng mga dumadaan.” Hinila ako ni Jera

Hindi ko na kasi namalayang nasa mga bandang likuran na pala nila ako kakausog para hindi ako matamaan ng usok mula sa jeep.

“Nako ano ba itong baby namin. Masyadong alagain.” inirapan ko ang panunukso ni Jackie

“Ang usok kasi diyan eh. Ang sakit kaya sa ilong.” Sabat ko

“Ay nako, pauwi naman na ano ngayon kung maalikabukan pa tayo lalo.” Sabi ni Jackie

“Huy gurl, wag mo itulad itong baby girl natin sayo ha. Alam mo naman to bawal maalikabukan ang porselanang kutis.” Dagdag tukso ni Jera

“Hoy, mga baliw kayo diyan ewan ko sa inyo.” Mahina kong saway na tinawanan lang nila

“Dito ka nalang daw sa tabi ng kasama namin.”

Tatlo kami ng mga kaibigan kong sabay na napalingon sa pinaggalingan ng boses. At galing iyon sa mga kalalakihang napagtanungan namin kanina. Malakas na kantyawan nanamn ang sumunod.

Kita ko na.an agad ang gulat pero natatawang ekspresyon sa mukha nina Jera at Jackie.

“Ay iba, nakabingwit ka ata agad Stephie.” Sambit ni Jackie

Isang iling lang ang sagot ko at hinfi na pinansin ang mga lalaking todo kantyaw sa akin.

Sa wakas ay may bakanteng jeep na dumating. Agad kaming nakasakay.

Mahaba-haba ang byahe namin na umaabot ng kalahating oras para marating ang babaan namin. Mga 10 minuto naman ang distansya ng babaan ni Jackie mula sa babaan ko kaya naun na siyang bumaba.

Napasandal ako sa upuan nang sa wakas ay iilan nalang kami sa loob at maluwag na ang mga upuan. Gusto ko nang humikab nang mapasulyap ako sa harapan ko.

Nakita ko ang isang lalaking nakapikit at mukhang pagod na pagod na nakasandal sa upuan ng jeep. Maging ang ulo niya ay nakasandal rin.

Nakahalukipkip ito pero hindi naman natatabingan ang id niya kaya nabasa ko paron ang pangalan niya.

Kean Cordero

Ewan ko pero nagpigil ako ng ngiti sa isiping baka mamaya ey nakita na ang pagsulyap ko sa ID nya. Napanatag naman ako nang makitang nakapikit parin siya.

Dumating ang huling babaan kung saan rin ako bababa para sumakay na pauwi sa bahay.

Isa-isa kaming nagsi-babaan hanggang sa may tumayo sa gilid ko habang naghihintay akong may tumilang masasakyan sa harap ko.

“Uhmm, m-may sundo ka?”

Napalingon ako na nagsasalit at halos mapasinghap ako nang makita ko si Kean na nakatitig sa akin habang naghihintay ng sagot.

“Ahh, wala. A-Ano naghihintay din ako na may tumila.”

“Oh I see.” Sagot nya naman

Katahimikan ang sumunod. Hanggang sa may isang taxi na tumila sa harap ko. Tumingin naman ulit siya as.if undersranding the situation na sasakya na ako.

“Ikaw may sundo ka ba?”

“Wala. Hinihintay ko lang rin na makasakay ka.”

Mahina pero malinaw at dire-diretso ang pagkakasabi niya. Hindi agad ako nakagalaw nang marinig ang sagot niya.

“Sige na, go ahead. Madilim na rin sa daanan pauwi. Ingat ka.”

He took a few steps away from the taxi.

“Ingat ka rin pauwi.” Nasabi ko nalang rin sa kanya

The next day hindi ko alam kung sinasadya na ba ng grupo nila pero madalas kaming magkasalubong.

Habang naka upo ako at naghihintay sa mga kaibigan kong may pinoproseso sa registrar namin.

Nakita ko nanaman si Kean but this time ay mag isa lang siya. Nang magtagpo ang mga titig namin, he halted his steps for a second before walking straight to my direction.

Nung una akala ko nandoon sa may malapit sakon ang mga kaibigan niya pero nagulat ako nang tunakip ang anino niya sa akin.

“Can I sit beside you?”

Tumingala ako sa kanya at tumango. Hindi ko alam anong sasabihin ko sa kanya kaya nanahimik nalang ako.

“Dito ulit ang klase nyo?” Tanong nya

“Ah oo. Dito kami sa building nyo tuwing MTTH.” Tumango-tango naman siya

“Architecture?” tanong nya ulit, umiling naman ako

“Business Ad.”

“Oh I see.” May bahagyang ngiti sa mga labi niya nang sabihin nya iyon “Kaya pala… kasi magkalapit lang ang buildings natin.”

Tumango naman ako sa kanya. I knew what he meant. Kaya pala laging nagkakasalubong kami kasi halos magkakapareho ang classrooms namin pagdating sa minors.

“Nakasakay ka ba agad kahapon?” Tanong ko naman sa kanya

“Hmm hindi agad. Hindi kasi dun ang sakayan ko talaga.”

Okay, so I wasn’t that dense, guys. Kaya alam kong hihirit siya kapag pinatulan ko ang sinabi niya.

“Mga kabarkada mo?” He asked again

“Andun sa registrar may pina-process.”

“Oh, same thing with my squad. Kung bat kasi ayaw nilang maniwalang magbayad nalang agad ng mga yun nung enrollment palang eh.”

“Yeah, matigas rin ulo nung dalawang iyon.”

Just when we were about to say something again ay saka ko naman natanaw ang mga kabarkada niya.

“Andyan na pala mga kabarkada mo. Una na ako.” Agad akong tumayo at sinuot ang bag ko

“Stephie!” Napalingon ako sa kanya na nung sadaling iyon ay nakangiti “Kean.”

Inabot niya ang kamay niya sakin.

“Stephanie.” Nagkamayan kami

Ilang beses pang naulit na magtagpo kami ni Kean sa loob ng campus. Sa mga sumunod na linggo.

Amd it wasn’t during the firsr week of September when we had some time inside the cafteria to really have some talk.

Pareho kaming kumakain ng mga snacks namin nang magsimula siyang magtanong.

“Buti you don’t find it weird na I’m always trying to strike up a conveersation with you.”

Napatingin ako sa kanya.

“Hmm hindi naman ganun ka weird kaso nagkakasalubong naman tayo madalas eh.”

“Sabagay. Pasenya ka na sa mga kabarakda ko mukhang binubuking agad ang motibo kp sayo.”

Hindi na ako makatingin ng diretso sa kanya nang sabihin niya iyon.

“I mean, siguro naman halata na.”

Tumango nalang ako habang painom-inom ng juice

“Will it be okay with you kung sabay ulit tayong mag cafeteria ng gantong oras bukas? Mag wi-weekend na rin kasi.”

“O sige okay lang sakin. May isa ron akong subject na hindi ko kaklase sina Jera kaya mauuna silang umuwi kesa sakin kapag Friday.”

“That’s good. Wala rin akong klase prior your last subject kapag Friday. Hintayin nalang kita sa building kung saan ang klase mo.”

“Okay sige. Sa building lang rin naman namin.”

That day, sabay na kaming pumunta sa sakayan ng jeep at magkatabing umupo.

“San nga pala babaan mo?”

“Kanina sa may Magsaysay.”

“Ha? Eh lagpas ka na ah.”

“Okay lang, gabi na rin hintayin lang ulit kitang makasakay pauwi sa inyo. Tapos sasakay pabalik, mabilis lang naman makasakay papunta sa Magsaysay.”

Hindi nalang ako umimik kahit pa nagukat ako sa mga sinabi niya. Sabay nga kaming bumaba sa babaan ko.

Hindi ko alam paano pero tingin ko mula nung humakbang ako pababa sa jeep kasunod nya ay marahan niya nang nilagay ang kamay niya sa balikat ko para akbayan ako.

“Sige na, may taxi na sasakay na ako. Ingat ka pabalik.” Sabi ko na kanya

“Okay, ingat ka rin.” Marahan niyang inalis ang kamay niyang naka akbay sa akin “May klase naman kayo sa building namin sa Lunes kaya for sure andun rin kami same time.”

Tumango ako.

“Bye. Goodnight Steph.”

“Goodnight Kean.”

Kumaway kami bago ako sumakay sa taxi. We were automatically stuck in traffic kaya I had some time to check on Kean. And as he said, maya maya lang ay nakasakay na rin siya pabalik sa Magsaysay.

===========
Yan na muna guys. Medyo napahaba pa nga eh haha
By the way, etong story na to eh nakatambak sa Drafts ko. Ang daming nangyari the past few weekes kaya di na ako nakadalaw dito sa site. I had a very bad fever kaya antagal ko ring naka fully recover.
Sobrang personal at memorable kasi neto sakin nannagyari nung college ako.
Kaya gusto kong i-share sa inyo, so I can also set this story and part of my life totally free.

Have a good day, guys!

xoxo, Stephie