Nakatanaw si Helen sa mga kalumpon ng mga matatandang parang mga bata na naglalaro sa dakong iyon ng Hospicio. Isa si Helen sa maraming nagtatrabaho bilang caregiver sa home for the aged dito sa Hospicio de San Jose. Ang Hospicio ay hindi lang bahay ampunan, ito rin ay pansamantalang tahanan ng mga taong walang masilungan. Mga taong tila ba pinabayaang lumaboy sa lansangan. Mga taong sa kanilang katandaan ay iniwanan doon ng mga nag-aalaga sa kanila para doon na nila gugulin ang huling hininga.
Matangkad si Helen sa karaniwan. Nasa 5’9″ ang kanyang height. Maputi ang kanyang kutis, ang kanyang mga daliri sa mga kamay ay hugis kandila. Mahaba ang kanyang buhok na laging nakalugay at tumatabing sa isang bahagi ng kanyang mukha. Halos lampas ito sa kanyang balakang. Tubong Surigao si Helen. At maipagmamalaki nya na isa siya sa maraming natulungan ni dating pangulong Fidel V. Ramos na makapag-aral at maging propesyonal na caregiver.
29 years old na si Helen ng magtagpo ang landas nila ni propesor Artemio Domingo. Isang umaga iyon, buwan ng Enero. Nagkaroon ng medical mission sa loob ng Hospicio.
“Helen,dali kunin mo yung alaga mo at sabi ni sister Fely, kailangan daw dalhin doon sa pavilion ang mga alaga natin.” Si Ofel ang nagsalita. Ito ang pinaka-matalik nyang kaibigan sa Hospicio. Isa rin itong caregiver na tulad nya. Taga Pangasinan si Ofel. Pinuntahan ni Helen yung kanyang alaga na nakahiga at tinulungan itong maka-upo sa wheelchair at marahan na nyang itinulak. Sa tantya ni Helen ay nasa 90 years old na ang kanyang alaga. Nanay ito ng isang mataray na nagpakilalang negosyante, na medyo galante, kasi pag dumadalaw ito sa kanyang alaga, lagi itong may pasalubong na suhol kay Helen. Kung anu-ano lang. Minsan mumurahing make-up, minsan pabango, at minsan nakabilot na isang daang piso.
Okey naman kay Helen kahit na walang ‘suhol’ na pasalubong. Trabaho para sa kanya ang pag-aalaga sa matanda.
Naroon na ang mga dumating na grupo ng mga doktor na magbibigay ng isang buong araw na libreng konsulta at mga libreng gamot sa mga residente ng hospicio. Inagaw ang pansin ni Helen ng dalawang sa tingin nya ay mag-asawang mga doktor. Maganda at maputi ang tsinitang babae. Subalit hindi maipaliwanag ni Helen ang abot-abot na pagsikdo ng kanyang dibdib ng makita nya ang makisig na lalaking katabi nito. Hindi mag-kasing edad ang mga ito. Hinuha ni Helen ay mas may edad ang makisig at mukhang kagalang-galang na lalaking katabi ng tsinitang doktor.
Nang ilapit nung isang caregiver ang kanyang alaga para ma-check-up ni Leah, agad na napansin ni Tim ang caregiver. Naka-tabing ang mahabang buhok nito sa kanang bahagi ng kanyang mukha. Nakalitaw lang ang isang mata nito at ang kaliwang pisngi. Maganda ang mata ng caregiver na nakatitig sa kanya. Pakiramdam ni Tim parang nababato-balani siya ng kaharap. Nang akma siyang tumayo para tulungan si Leah na iaayos yung pagkakalagay ng pang-kuha ng blood pressure sa matanda, hindi sinasadyang tinamaan ng balikat ni Tim ang dibdib ng caregiver. Nilingon ito ni Tim. Ngumiti lang ito. Pinagpawisan si Tim at para siyang naliyo. Nang ngumiti ang caregiver, lumitaw sa kaliwang pisngi nito ang malalim na biloy. Saglit na natulala si Tim, ang nakita nya ay ang anino ni Lynn. Ang biloy ng caregiver ay nagpapa-antak ng nadaramang pangungulila ng batang propesor sa kanyang nawawalang ‘lihim’ na kabiyak ng dibdib.
“Mahal, paki-kuha naman ng gamit ko sa kotse, yung ilaw, sisilipin ko lang ang mga mata ni lola.” Si Leah ang bumasag sa pag-mumuni-muni ni Tim. Pero parang paraan iyon ng doktora para iparinig sa lahat ng naroroon, lalo na sa matangkad na caregiver na pag-aari na nya ang makisig na propesor.
Nang agad na tumalima si Tim at tinungo ang lugar na kinahihimpilan ng kanilang sasakyan ay tinapunan ng tingin ni Leah ang caregiver na nasa kanyang harapan. Una nyang napansin ang hubog ng mga daliri nito. At natitigan ni Leah ang sariling mga daliri sa kamay. Maganda ang hubog ng mga daliri ng caregiver. Kakaiba ang dating nito, iyon ang naisip ni Leah at naiintriga siya sa pagkaka-ayos ng mahabang buhok nito na tinatakpan ang kalahati ng kanang mukha. Parang may isang bahagi sa isip ni Leah na nagsasabing magiging kabahagi niya ang babae na nasa kanyang harapan. Woman’s intuition ba?
Halos ika-apat na ng hapon ng matapos ang grupo nina Leah sa medical mission na yun. Matapos ang kuhanan ng retrato at ilan pang samut-saring programa ay lumisan na ang mga ito doon sa ‘eyot’ sa Pasig river na kinatitirikan ng Hospicio de San Jose.
Naibalik na nya ang kanyang alaga sa silid nito at napa-inom na nya ng gamot ng lumakad na si Helen papunta sa silid bihisan nila upang magpalit ng damit. Living out siya at kasama ang kaibigang si Ofel, nangungupahan sila sa kabilang dulo ng Ayala Bridge na sakop na ng Manila. Naka-ugalian na ni Helen na maligo muna bago umuwi sa kanilang inuupahang silid.
Hinubad nya ang lahat ng saplot sa kanyang katawan. at lumitaw ang napakagandang hubog ng kanyang katawan. mula sa leeg pababa sa kanyang malusog na dibdib, pababa sa bewang at sa kanyang balakang, masasabing tila hinubog ng isang dakilang eskultor ang kanyang kabuuan. Itinapat ni Helen ang katawan sa binuksang dutsa. Malamig ang tubig na bumagsak sa kanyang maalindog na katawan. Parang nakadama siya ng ginaw. Sa 29 years old na edad nya, wala pang isang kamay na lahi ni Adan na nahaplos ang kanyang basal na katawan..Nakararamdam na rin siya ng tawag ng laman. Lalo pa at fertile siya. Yung takda na kung saan tulad ng mga halaman, ay dumarating ang panahon ng pamumulaklak, siya man, sa kanyang kasarian ay dumarating ang mga sandaling hindi man nya gustuhin ay parang may hinahanap ang kanyang pagkababae. Parang naghahanap siya ng kamay ng isang mapagpalang Adan na magbibigay pagpapahalaga sa kanyang pagkababae.
Wala sa loob na nahaplos nya ang kanyang dibdib. May nadama siyang init na umahon mula sa ibaba ng kanyang puson. Kinuha nya ang manipis na na sabon sa habonera sa di kalayuan. Binasa nya ang sabon sa tila ulan na buhos ng tubig mula sa dutsa. At inihaplos nya ang sabon sa buo nyang katawan. Ng sumayad ang palad nya na pinadulas ng bula ng sabon sa kanyang kaselanan, napansin nya madulas na ang bukana nito. Ilang ulit nyang kinuskos ng kinuskos ang madulas na sabon sa bukana ng kanyang kaangkinan. Bakit pumasok sa isipan nya na ano kaya kung palad ng makisig na doktor kanina ang humahaplos sa kanyang kaangkinan?
Pinagbuti niya ang pagkuskos ng sabon sa kanyang hiyas hanggang napapaungol na siya. At inabot nya ng isang kamay ang isang malusog nyang dibdib. Iniisip nya na ang makisig na doktor ang lumalamas kabilaan sa tayong tayo na na nyang mga dede. Napapasinghap na siya. At sa ilalim ng dutsa, nairaos nya at umalpas ang pag-iinit ng kanyang pagkababae.
Naakit siya sa doktor na yun. Yun ang damdaming sumisigid kay Helen habang tinutuyo ng twalya ang kanyang katawan. Nakaharap na siya sa maliit na salamin sa banyo ng kanilang bihisan sa Hospicio. Hinawi ni Helen ang nakatakip na buhok sa kanang bahagi ng kanyang mukha. Gusto nyang maiyak ng tumambad sa kanya ang kanyang repleksyon sa salamin.
Limang taong-gulang pa lang siya noon. Naroroon sila ng kanyang ina at ng kanyang kapatid na sanggol na halos siyam na buwan pa lang na nailuwal ng kanyang ina sa kanilang barung-barong sa gitna ng bukid. Mahimbing siyang natutulog. Hindi nya namalayan ang pagdating ng lasing na ama. Ayon sa kwento ng kanyang nanay, natabig ng kanyang ama ang gasera na naka-sindi sa itaas ng duyan ng natutulog nyang kapatid na sanggol. Tumama ito sa kawayan na sahig ng kanilang kubo. Agad na nagsiklab ang dingding ng kanilang barung-barong na yari lang sa pinagdikit-dikit na cogon. Nataranta ang kanyang ina ng naging na malaki na ang apoy. Tumakbo ito palabas at naiwan silang magkapatid sa loob ng nag-aapoy ng barung-barong.
Nagising siya sa nakakapasong init na lumalamon sa kanilang kinahihigaan. Ewan kung anong lakas ang pumasok sa lilimang-taong gulang nyang katawan at ang una nyang naisip ay iligtas ang kapatid na nagpapalahaw ng iyak sa nag-aapoy na duyan na kinahihigaan nito. At yakap yakap ang sanggol na kapatid. sinuong nya ang nagngangalit na apoy na tumupok sa kanilang barong-barong. Kasamang nasunog ang kanyang lasing na ama. Nailigtas nya ang kanyang sanggol na kapatid. Ang naging sukli ng kanyang ginawa ay tataglayin nya habang buhay.
Naramdaman ni Helen ang luha na masaganang dumadaloy mula sa kanan nyang mata na pinapangit ng peklat na nag-pausli dito. Pati ang kanyang kanang bahagi ng bibig ay hindi pinatawad ng pilat na resulta ng sunog na iyon. Lumitaw ang isang bahagi ng kanyang kanang gilagid at parang biniyak ang kanyang bibig. ” Sino ang magkaka-gusto sa mukhang ito? ” Walang tinig niyang sigaw na parang kinakausap ang kaharap na salamin.
“Gaga ka Helen, para maisip man lang na pangarapin ang makisig na doktor na pag-aari na ng isang normal at napakagandang doktora!” Ito ang sigaw nya sa kanyang isip. Subalit, hindi tayo ang nagpapasiya sa bawat kaganapan sa ating buhay. Minsan nagaganap ang hindi natin inaasahan.At kabaliktaran naman na minsan, hindi nangyayari yung ating kagustuhan. Ito ang enigma ng buhay. Ito ang tadhana. At ito ang magaganap.
Kalmado na si Helen ng ipasiya nyang lumabas na sa banyo ng kanilang silid bihisan. Nasalubong nya si Ofel sa pasilyo ng Hospicio ng naglalakad na siya. ” Hintayin mo na ako, naka bihis ka na pala,” Sabi ng kaibigan sa kanya. Iniabot sa kanya ang papel na hawak.
“Ikaw na nga ang magbigay nito sa Admin at magbibihis na ako,” Tuloy -tuloy na itong tinungo yung kanilang silid bihisan. Binasa nya ang iniabot na papel ng kanyang kaibigan habang tinutugpa ng kanyang mga paa ang daan patungo sa admin ng Hospicio. Listahan iyon ng mga nagpuntang mga doktor kanina na nagsagawa ng katatapos lang na medical mission. Iisa lang naman ang doktor doon na lalaki. Parang nagkainteres si Helen na malaman ang pangalan ng makisig na doktor.
“Hmm, Artemio A. Domingo pala ang buong pangalan nito. Pwedeng Art at pwedeng ‘Temyong’ ang palayaw nito’, Naisip niya. Tiningnan din nya ang iba pang mga pangalan na nakalista doon. Mayroon doon na Dra. Leah B. Domingo. “Baka ito yung magandang doktora na tumawag sa makisig na doktor ng ‘mahal’. “So mag-asawa na sila?”, Parang nakadama si Helen ng biglang frustration. “Talo agad”, Naisip nya. Pero nabasa nya na may mga nakalagay doong mga mobile number ng mga ito. Binasa nya ng paulit-ulit ang number ni Dr. Artemio A. Domingo. Isa sa mga assets ni Helen ay ang pagiging matandain sa mga numero. Agad nyang naka-bisa ang numero ng telepono ng makisig na doktor.
Alam ni Helen kailangan nyang bumili ng cell phone na kasalukuyang nauuso.
Kasalukuyang nasa harap siya ng kanyang laptop ng tumunog ang telepono nya. Tiningnan ni Tim yung inbox sa kanyang telepono. May isang message doon na kapapasok lang. Wala sa loob na binuksan nya ang cell phone at binasa ang nasa inbox.
“Good morning Dok, si Helen po ako dito sa Hospicio, nakuha ko po yung number nyo dito sa admin. Gusto ko lang po makipag-kaibigan, kung pwede.” Matagal na binasa ni Tim yung message. Ito ba yung matangkad na caregiver na nasagi nya yung di…