Lumipat ako dito bago ako mag-18. Dinala ako ng aking tatay dito, pero ngayon ay lumipat na s’ya sa ibang State, kaya naman mag-isa akong nakatira dito sa US. Nakahanap ako ng magandang trabaho, at maayos na apartment. Sariling sikap, sabi nga.
Ngayon, bakit ganito ang titulo nitong nobelang ito?
Simple lang: Mahiwaga ang aking tamod.
Oo, tama ang pagkakabasa mo.
Mahiwaga ang tamod ko.
Nagsimula ang lahat isang buwan ang nakalipas:Kaka-break lang namin ng aking girlfriend, si Marissa. Tubong Toronto. Minahal ko s’ya at minahal n’ya ako, ngunit sabi nga, minsan may mga bagay na hindi talaga matiwasay ang kinahahantungan. Umuwi s’ya sa Canada, at nanatili ako sa dito sa siyudad ko.
Malungkot ako ng mga araw na ‘yon, at sinubukan kong lunurin ang kalungkutan sa trabaho. Halos araw-araw ay alas-diyes na ng gabi nang makauwi ako, maski hindi naman kailangan, dahil alam kong kung umuwi ako ay iisipin ko lang nang iisipin ang nangyari sa amin ni Marissa.
Marami akong mga kaibigan dito, at madami sa kanila ang sinusuportahan ako sa panahong ito. Ngunit sa huli, ako pa rin ang nananatiling tagahawak ng aking malungkot na puso.
Isa sa mga gabing ito ay nakatayo ako sa isang madilim na kalsada. Alas-onse na nang gabi. Nanggaling ako sa isang bodega, (ang tawag nila sa mga parang sari-sari store na pinatatakbo ng mga Mexicano)at may nakita akongmatandang ale sa kabilang sidewalk na nagtatangkang tumawid.
Hindi ko naman ito agad inalantala. Sanay ang mga tao ditong tumawid maski wala sa ayos. Ngunit nang mailawan ang ale, napansin kong naka-shades ito, at mayroong tungkod.
Bulag ang matanda. Uugod-ugod s’yang umusad sa daanan.
“Hey! Don’t cross! You got a green light!” sigaw ko.
Ngunit hindi tumigil ang matanda sa kanyang paglakad. Anak ng pating, bingi pa yata.
“Hey! You got a green light!” subok kong muli, at kumaway pa ako, ngunit walang tigil ang mabagal na pag-usad ng matanda. Kinakabahan ako. Naisip kong alalayan ang matanda, nang marinig ko ang kotseng humaharurot.
Isang puting kotse, nakapatay angheadlights, at nagpapatugtog ng ubod ng lakas nahip-hop music. Malamang lasing.
Wala nang panahong mag-isip. Biglang nawala ang bigat ng aking katawan, at tumakbo ako at sumigaw patungo sa ale. Hindi ko alam kung nakatulong ba o naka sagabal pa ang aking pag-sigaw, sapagkat mukhang nagulantang ang ale, at tumigil s’ya sa gitna ng daan. Hindi pala bingi, mahina lang ang pandinig.
Parang nag-slomo ang mundo. Tumalon ako at naitulak ang ale mula sa peligro. Narinig ko ang pagtili ng preno ng kotse, ngunit alam kong hindi sila makakatigil sa tamang panahon. Naramdaman ko ang bayolenteng paghambalos ng kotse sa aking balakang, at umikot nang umikot ang mundo. Nawalan ako ng malay.
***
Nagising ako sa loob ng aking kuwarto. Agad kong kinapa ang aking sarili. Kumpleto naman ako. Walang nawala. Walang masakit. Nanaginip lang ba ako?
“You saved my life”. Nagulantang ako sa tinig na nanggaling sa tabi ng aking kama. Duon, nakaupo sa akingoffice chair,ang matandang aleng sinagip ko.
“I uh…think I did”, sagot ko. “Why…are you in my room? Wait, why am I in my room? Am I dead?”
Logical na tanong naman ‘di ba?
Tumawa ang ale. “No you’re not dead. You’re far from dead. You’re actually maybe as far from dead as you possibly can.” sabi n’ya. “You just might be at the beginning of your new life.”
…