“Ahhh, Jacob, baka pwede na tayong umuwi.. Umaga na eh..” May pasok pa tayo mamaya? Anya ko..
Jacob: Ganun ba? O cge hahatid na kita, o baka gusto mo muna magkape.. Para medyo maibsan yang nararamdaman mo..
Ako: Hindi na . Okay lang ako.. Kahit dyan mo na lang ako ibaba sa sakayan.. Kaya ko na umuwi. Para makapagpahinga ka na din…
Jacob: You sure? Then, if that’s the case, let’s go?
“Cge”.. Ang tanging salita na lumabas sa aking bibig..
Ilang minuto pa at nakarating na kame sa sakayan papuntang Guadalupe.
Ako: Pano, una na ako huh.. Salamat sa oras, at Jacob… Ahmmm, s_sana, a_atin a_atin lamang ito? Nauutal kong pakiusap sa kanya.. Hindi ko alam kung anong magagawa ni Sam pag nalaman nya ito..
Jacob: Huwag ka mag alala Kath, walang nangyare, at hindi tayo nagkita.. Okay? Cheer up.. Everything will be fine..
“Salamat”.. At tuluyan na nga akong nagpaalam sa kanya…
Pasado als singko na ng umaga ng dumating ako sa inuukupahan ko na apartment.. Nakahiga ako sa kama, at nakatitig lamang sa kisame.. Pinagmamasdan ang mga glow in the dark na buwan, bituin, na aking idinikit doon.. Nang hindi ko namamalayan ay napaluha na lamang ako.. Hindi ko alam kung ano na ang mga susunod na mangyayare.. Pero ang sigurado ako doon, ay hindi magiging madali ang lahat..
Kinaumagahan habang ako ay nasa opisina…
Ring-ring…
Hi!.. Yes Meann?(ang aming telephone operator)..
Ma’am Kath, may tawag po kayo, line two.. Wika ni Meann..
Sige, salamat! Sagot ko naman.
Ako: Hello? Kath, spaeaking!
Hi friend, Mik here! Kamusta? Sorry talaga last night hindi kita nasamahan.. Just got home lang din eh.. Well, anu bang nangyare sayo? You okay?
Si Mik pala ang nasa kabilang linya..
Ako: Ui, Hi! Goodmorning.. Well, don’t worry that’s fine .. I understand.. At wag ka magalala, okay lang ako.. Kinailangan ko lang ng makakausap..
Mik: Hmmp, about Sam? Pasenxa ka na kay Lance, hindi na dapat nya sinabi sayo yung bout sa event..
No. It’s okay.. Actually I wanna thank him sa heads up.. Ika ko naman..
Mik: So, sino nakasama mo kagabi? Kwento ka na..
Bahagya naman akong natuyuan ng laway at para bang may kung sinong nagnakaw ng voice box ko at hindi ako makapagsalita..
Mik: Hey… Still there?
Ai, oi sorry, m_madami la_ng akong ginagawa ngayon.. Alam mo na, paper works .. Pagdadahilan ko naman. Na sana hindi nya nahalata ang batong dumagan sa dibdib ko..
Mik: Hmmmp, Ganun ba.. Okay sige ganito na lang,.sunduin kita dyan mamaya 5pm.. Kailangan mo magkwento.. Bawi ako sayo.. Okay?
Ako: Paro Mik, I’m…..
No..! I insists.. So, see you later, power nap muna ako..Okay.. see you… Byes!.._ Mik
At naiwan naman kong tulala na nakatitig sa telepono.. Hindi ko alam kung pano ko haharapin si Mik despite of the fact, na mayroon syang tinatagong pagmamahal para kay Jacob.. (yes…pagmamahal…sa kanyang bayaw)
Als singko y medya ng hapon ng biglang nag ring ang aking telepono..
Si Mik.. Pagpapaalam na nasa parking lot na sya at hinhintay ang aking pagbaba.. Wala akong magawa kundi ang harapin na lang sya.. At sasabihin ko s a kanya lahat ng tungkol sa kagabi..
Ako: Hi, how are you…
Mik: Ikaw ang kamusta.. You look tired.. and stressed . Masyado mo naman ata dindibdib si Sam. Which you don’t need to do.. Alam naman nateng lahat na nadating talaga sya sa ganung punto ng buhay nya…Ayaw ng kausap.. Gusto magisa..
Ako: Kahit inaya kayo? Without telling me? Sa inyo nakapag text sa akin, hindi?
Mik: (natahimik) Well, friend for sure there’s a reason behind that.. Why not give him first the space that he’s obviuosly demanding?
Wala naman akong magagawa kundi hayaan muna sya at maghintay king kailan sya magiging handa na kausapin ako eh.. Ang gusto ko lang malaman, BAKIT? Ika ko naman kay Mik na tila hindi na din alam ang sasabihin..
Mik: Well, sa ngayon, composed your self, kalimutan mu muna yan, at may pupuntahan tayo..
Ako: huh? San? Kasama ba natin si Lance..?
Mik:. Nope… Girls night out..
Wala na akong nagawa kundi sumabay sa alon at hayaan si Mik sa kung ano mang gusto nya.. Alam ko naman na hindi nya ko ipapahamak o papabayaan..
Pumasok kame sa isang hotel. Ika limang palapag, pang 506 na kwarto.. Nappaka tahimik at lamig ng lugar.. Hindi ko natiis na magtanong..
Ako: Mik, anong ginagawa naten dito? Tsaka bakit tayo andito.. akala ko ba girls night out.. Bukod sa 6pm pa lang, wala akong nakikitang pwedeng makapgpalimot sa pinagdadaaanan ko ngayon..
Mik: Relax.. Just leave it to me..and, trust me.. Sabay kindat sa…