Noong taong 2017 ay nakipagsapalaran ako sa Maynila at nakilala ang masasabi kong naging matalik ko nang kaibigan na si Jose. Si Jose ay matanda sa akin ng limang taon pero sobrang makulit at masiyahin kaya hindi mo masasabing mas matanda eto sa akin. Lumaki mang wala ang magulang sa kanyang tabi ay hindi naman siya pinabayaan ng kanyang Lolo at Lola sa Cebu pero dahil nagka problema noon ang lupa nila ay napilitang makipagsapalaran si Jose sa Maynila upang matulungan niya ang mga eto.
Kami ay sabay na pumasok sa isang pagawaan ng pan de sal at masasabi kong naging maayos-ayos ang aming buhay. Dumating ang pandemya at bigla kaming tinanggal sa trabaho kung kaya ay napilitan siyang umuwi na lamang sa kanilang probinsya sa Cebu upang doon ay magtanim sa lupa ng kanyang Lolo at Lola.
Alam ni Jose na wala na akong ibang mapupuntahan kung kaya ay inimbetahan ako ni Jose kung gusto kong tumuloy muna sa kanila o kung sa hanggang kailan ko maibigan doon sa kanilang probinsya. Agad ko naman itong tinanggap at masaya akong makakapunta na nga ako ng Cebu sapagkat pangarap ko ring makapunta sa kanilang lugar.
Medyo naging madugo ang labanan sa sakayan patungo sa kanilang lugar sapagkat sa bukid nakatira ang kanyang Lolo at Lola, malayong malayo sa aking nakagisnan at nakalakihang siyudad. Ala sais na nang gabi nung kami ay sa wakas nakarating sa bahay ng Lolo at Lola ni Jose. “Lo, La, nakauli na jud ko! Asa man mo? ” yun ang rinig kong sigaw ni Jose.
Unang lumabas ng pintuan ay ang Lolo ni Jose na si Lolo Tereso, 68 years old at kung titingnan ay kagaya…