Noong taong 2017 ay nakipagsapalaran ako sa Maynila at nakilala ang masasabi kong naging matalik ko nang kaibigan na si Jose. Si Jose ay matanda sa akin ng limang taon pero sobrang makulit at masiyahin kaya hindi mo masasabing mas matanda eto sa akin. Lumaki mang wala ang magulang sa kanyang tabi ay hindi naman siya pinabayaan ng kanyang Lolo at Lola sa Cebu pero dahil nagka problema noon ang lupa nila ay napilitang makipagsapalaran si Jose sa Maynila upang matulungan niya ang mga eto.
Kami ay sabay na pumasok sa isang pagawaan ng pan de sal at masasabi kong naging maayos-ayos ang aming buhay. Dumating ang pandemya at bigla kaming tinanggal sa trabaho kung kaya ay napilitan siyang umuwi na lamang sa kanilang probinsya sa Cebu upang doon ay magtanim sa lupa ng kanyang Lolo at Lola.
Alam ni Jose na wala na akong ibang mapupuntahan kung kaya ay inimbetahan ako ni Jose kung gusto kong tumuloy muna sa kanila o kung sa hanggang kailan ko maibigan doon sa kanilang probinsya. Agad ko naman itong tinanggap at masaya akong makakapunta na nga ako ng Cebu sapagkat pangarap ko ring makapunta sa kanilang lugar.
Medyo naging madugo ang labanan sa sakayan patungo sa kanilang lugar sapagkat sa bukid nakatira ang kanyang Lolo at Lola, malayong malayo sa aking nakagisnan at nakalakihang siyudad. Ala sais na nang gabi nung kami ay sa wakas nakarating sa bahay ng Lolo at Lola ni Jose. “Lo, La, nakauli na jud ko! Asa man mo? ” yun ang rinig kong sigaw ni Jose.
Unang lumabas ng pintuan ay ang Lolo ni Jose na si Lolo Tereso, 68 years old at kung titingnan ay kagaya ng mga itsura ng mga lolo natin sa probinsya ay payat, puti na ang buhok, nasa 5’0 ang taas at masasabi mong matanda na talaga. Sunod na lumabas ng bahay ay si Lola Lagring, 67 years old, makikita sa katawan ang mga kulubot ng balat, medyo maputi, 4’11 ang taas at puti na talaga ang mga buhok nito.
Makikita mo sa lakad nila na hubog ang katawan sa mga gawain at sa mga tuhod na parang hindi pa nerarayuma. “Dong, sus salamat nakauli najud ka. Kumusta ka man?” ang sabi ni Lola Lagring. “Kumusta dong Jose, kalit man ang pag uli lage?” dagdag ni Lolo Tereso. “Lo, La, ito nga eh, medyo minalas kasi natanggal sa trabaho dahil sa pandemya, kami nitong kasama kong si Isagani, agad2 ay tinanggal nila ng walang maayos na dahilan. Ulila na rin to sa magulang La kaya isinama ko na.”sagot naman ni Jose. “Mabuti naman at sumama ka kay Jose, dong. Kesa maging tambay o maparewara buhay mo dun sa Maynila.” ani Lolo. “Kaya nga ho ay sumama na lang ako sa bespren ko dito sa probinsyo po ninyo kasi baka mas malasin ang pakikipagsapalaran ko dun sa Maynila. Subukan ko naman ho dito.” sagot ko naman. “Aysus pwede kaayo dong, na settle naman among yuta sa barangay, makatanom natag balik.” ani Lolo Tereso. “Magaling ho akong magtanim at magbungkal at maghukay Lolo, kayang kaya ko yan.” yan nalang ang sinabi ko sapagkat gusto ko nang pumasok at magpahinga dahil nga sa sobrang haba at layo ng binyahe namin.
Pagkatapos nun ay sabay na kaming lahat pumasok sa loob ng kanilang munting tahanan. Isa itong may kaliitan na kubo pero may dalawang kwarto, maliit na sala, lutuang yari sa palayok at maliit na banyo pangligo lamang; kasi pag gusto raw dumumi ay kailangan mong tumakbo doon sa “kabaulan” upang doon ay pumwesto ng maayos dahil hindi sanay ang dalawang matanda sa pag gamit ng inidoro.
Habang naguusap ang mag lolo at lola sa sala ay humingi nako ng pahintulot na kung pwede ay mauna na sa kwarto upang makutulog na sapagkat sobrang pagod nga ng katawan ko. Paglapag ko ng bag at paghubad ng medyas, pantalon at t-shirt; boxer brief nalang ang itinira; ay mabilis akong nakatulog at hindi na kumain ng hapunan.