Madalas kong makita sa canteen na aking kina kainan ang isang may katandaan ng lalaki, si mang JUAN isang janitor at nagt-trabaho sa tapat lang nang aking pinapasukan.
Kada lunch break nakikita ko sya at napapansin ang mga palihim nyang tingin sa akin. Sa totoo lang naiirita ako sa tuwing titingin sya sa akin. Iba kasi kung makatingin parang nakakabastos na rin.
Sabagay hindi ko rin naman sya masisisi, maganda ako at seksi kahit may asawa at dalawang anak na ako, napanatili ko parin naman ang kagandahang kinabaliwan ng asawa ko.
Ang MR ko ay isang mensahero ng isang bangko. Ako naman ay isang sekretary sa isang ahensya ng gobyerno. Hindi kami mayaman, minsan nga ang aming mga sinasahod ay kinakapos pa. Saktong-sakto lang talaga sa aming pamilya.
Trenta anyos na ako at ang mr ko naman ay tren y singko. At may limang taon na rin ako sa trabaho ko. Sa limang taon na yun ay limang taon ko na ring nakikita si mang JUAN, may limang taon na rin nya akong tinitingnan at minsan pa nga ay tinititigan. Dahil sa may respeto naman ako sa kanya at parang lolo ko na kaya hindi ko na sya kinumpronta, hinahayaan ko nalang kung baga.
Isang pagsubok ang dumating sa pamilya ko,na aksidente ang MR ko, nabangga sya at tinakbuhan. Kaya agaw buhay sya ngayon sa ospital. Hindi ko alam kung anung gagawin ko ng mga oras na iyun, natuturete ang isip ko. Isa pang malaking problema ay kung saan ako kukuha ng pera pang opera nya. Malaking gastus, isang malaking dagok.
May nakuha namang tulong si MR sa kanyang pinapasukan, yun nga lang kulang pa, malaki pa ang kakulangan. Sa mga kasamahan sa trabaho, mga kaibigan at kamag anakan ay nilapitan ko na. Pero kulang parin talaga. Kelangan na talagang ma operahan ang asawa ko sa lalong madaling panahon. Kung hindi lala ang tama nya at may posibilidad pang ika matay pa nya.
Isang kasamahan ang nagsabi sa akin na may inutangan sya na mababa lang kung magpatubo. Malaki ding halaga ang nautang nya.
Nang tanungin ko kung kanino, nagulat ako ng malamang si mang JUAN daw, ang janitor sa kabilang kumpanya. Nagpapautang pala ito at maraming hawak na ATM card ng empleyado, halos lahat daw yata ng empleyado sa kabila ay hawak nya.
Hindi ko akalain na ang matandang panay ang tingin sa akin ay ma pera pala, pero hindi..hindi ako lalapit sa kanya!.
Lunch break,hindi ako makakain. Nakatingin sa malayo at lumilipad ang aking isip. Nang may marinig akong nagsalita sa tapat ko, sa lalim daw ng iniisip ko malamang kundi pag-ibig, pera ang dahilan nito. Nabigla ako at nang tingnan ko kung sino..si mang JUAN pala ang janitor sa kabila!
Hindi ko namalayan nasa tapat ko na pala sya at nagsabi na kung pwede daw ba sya dito sa akin ay pumuwesto. Hindi na ako nakatanggi pa ng sya na ay umupo. Sa isip ko ang lakas naman ng loob ng matandang ito. Hindi naman ako umiimik habang tinitingnan sya habang kumakain.
Sa itsura nya parang hindi ito naliligo, medyo makapal na rin ang bigote nito. Maliit lang na tao at may kalakihan rin ang tyan. Natigilan lang ako ng marinig ko syang nagsalita. Malaki daw yata ang problema ko. Sinagot ko sya kung paano naman nya nasabi.
Nakikita daw nya kasi sa mukha ko, at sa tingin nya daw problema sa pera ang iniisip ko. Nagulat ako sa sinabi nya..manghuhula din pala sya. Pero ngiti lang ang sinagot ko sa kanya. Sabi pa nya mas lalo daw akong gumaganda kapag naka ngiti.
Kaya sinagot ko sya ng “ manong naman ang tanda nyo na para mang bola pa”
Sagot nya naman “hindi ako nambobola ineng…sa araw-araw pagnakikita kita, paganda ka ng paganda”
Natawa naman ako sa sinabi nya, mga lalaki talaga kahit uugod-ugod na nagagawa paring mambola. Gusto ko na sanang tumayo para iwanan na ang matandang ito. Pero nagulat ako sa ginawa nya ng biglang hawakan nya ang aking kamay.
“matutulungan kita sa pinansyal….bastat magsabi ka lang” mahinang sabi nito
Tila naman nangilabot ako sa ginawa ng matandang ito, may kagaspangan pa ang kanyang palad. Kaya agad ko itong iniiwas at agad na tumayo para umalis.
Pagka uwi dumeretso na ako sa ospital kung saan naruon ang aking asawa. Kanina pa pala ako hinihintay ng doktor nya at gusto akong makausap. Kelangan na daw operahan ang aking asawa at kung hindi lala raw ang impeksyon at kakalat na sa kanyang katawan na baka ikalason nito. Nanginig naman ako sa mga narinig ko sa doktor. Ang laki pa ng halagang kakailanganin ko para maisakatuparan na ang kanyang operasyon.
Habang naka upo duon ko naalala ang alok sa akin ni sa mang JUAN. Kaya nagdesisyon akong bumalik sa trabaho para hanapin sya at kausapin. Malapit na ako sa aking pinapasukan ng sya ay aking masalubong.
“ineng..”bati nya
“kala ko umuwi ka na?baket ka bumalik may nakalimutan ka ba?”taka nyang tanong sa akin
Hindi ko alam ang aking isasagot, nagdadalawang isip ako pero bahala na
“Eh,..mang JUAN w-wala po akong nakalimutan”sagot ko sa kanya
“k-kayo ho ang pakay k-ko kaya ako bumalik”
“A-ako.?” Takang sagot nito
“Opo..k-kayo nga” kanina lang halos tarayan ko ang matandang ito pero ngayon makikiusap pa ako sa kanya
“Mmm.. tungkol ba ito sa pera?” tanong nya
“o-oho..” mahina kong sagot
“m-magkano ba?”tanong nito
“m-mga b-bente mil po”sagot ko
Pansin ko ang pagka kunot ng kanyang mukha
“medyo malaki yata yan ineng…wala akong ganyang halaga”sagot nya
Para naman akong nanghinaan ng loob sa aking narinig, wala na yatang pag asa
“wala akong ganyang halagang dala..pero kung sasama ka sa akin sa bahay duon meron akong maibibigay..”biglang dugtong na salita nya sabay ngiti
Nabuhayan man ako pero para naman akong nenerbyos sa aking narinig..tila hindi ko gusto ang mga susunod na mangyayari. Gusto nyang isama ako sa bahay nya parang natutunugan ko na ang balak nya, pero sa isip ko bahala na matanda na ito pero kung sakali mang gawan nya ako ng masama kahit papaano ay bata ako baka masipa ko ang itlog nya.
Sumama nga ako kay mang JUAN, sa itsura ng lugar nya mukha ang mga nakatira dito ay mga isang kahig isang tuka..karamihan sa bahay yari sa mga tagpi-tagping yero at mga nabubulok na kahoy at playwood. Squatter ika nga.
Akala ko ganun din ang bahay nya pero hindi pala. May kaliitan man pero maayus ito at maaliwalas. Kumpleto din naman sya sa kagamitan at nalaman ko rin na suportado din pala sya nga mga anak na nasa ibang bansa na lahat.