Sabi nila, pag pulis daw matulis, pero hindi sa lahat ng bagay.
May isang pangyayari di ko malilimutan, ilang bwan pa lamang nang makaalis ang aking asawa mula nang ipetisyon siya ng magulang nya sa US. At ako naiwan habang hinihintay maayus ang mga papers ko para sumunod sa kanya. Naka assign pa ako sa isang probinsya kalapit lang ng Manila kaya umuupa na lang ako sa isang maliit at maayus na apperment. Siguro may 5 pinto sa isang compound. Nasa pang 3 pintuan ako. Tahimik naman liban na lang kung mapatugtog ang nasa unahang pinto. At since bihira ako nasa bahay kaya hindi naman ako na bubulabog.
Sa ika-apat na pinto may mag-asawang nakatira na may pwesto sa palengke kasama nila ang kanilang pamangkin na babae na kanilang pinag-aaral sa unibersidad malapit sa tinitirhan namin. Si Adeline, 24 anyos na, sa kadahilanan di siya kayang pag-aralin ng magulang kaya kinuha ng mga tiya para sila ang mag tustos dito. Mabait, masipag sa gawaing bahay, tuwing nakikita ko bago ako pumasok eh kung hindi nag lalaba ay nakapag linis na ng kanilang bahay pati na rin ang bakuran ng compound.
Isang araw maaga ako nagising at nagkape sa may pintuhan at sinisipat ang aming bakuran habang naghihintay ng oras para sa shift ko sa umaga.
“Hi Chief Joe, magandang umaga po,” anya ni Adeline na nakangiti nang lumitaw sa aking harapan. Muntik na akong masamid sa pagkakabigla ng kanyang bati
“Mha-magandang umaga din sayo Adeline, wala ka bang pasok?” aking nasambit na lang
“Pagkapananghalian pa po pasok ko Chief, kayo po, maaga po ata kayo nagising ahihihi.”
“Wala naman napa-aga nga gising ko, balak ko sana din mag linis ng bahay at ayusin ang bakuran, kaso naunahan mo na ako.” pagbibiro ko na lang sa dalaga
“Ganun po ba, gusto nyo ako na lang din mag linas ng loob ng bahay nyo?” alok ni Adeline na ikinahiya ko naman.
“Nako ‘wag na, nakakahiya naman sayo, kaya nga ako gumising ng maaga, tsaka konting walis walis lang naman ito at punas ng alikabok hahaha”
“Eh Chief, suma-side line po kasi ako eh….” Muntik ko na mabuga ang nahigop kong kape nang marinig ko ang dalaga sa kanyang na sabi.
“Ano kamo? Suma-sideline ka?!?”
“Opo Chief, suma-sideline ako ng labada, linis ng bahay at kung ano pwede nyo pagawang gawaing bahay. Para hindi naman nakakahiya sa Tiya ko na lagi sila nag bibigay ng baon at pang pa-aral sa kain, dapat nga nagbabanat na ako ng buto para sa matrikula ko, kaso ayaw ng mga Tiya.” Pag eeksplika nito
“Ah kala ko naman kung ano side line yan, huhulihin kita sige ka” biro ko
“Nako Chief, hindi ah tsaka alam ko pulis kayo takot ko lang makulong hahahaha”
Pinutol ko na ang aming usapan para makapag simula na din mag walis walis, tulad ng nasabi ko kanina kahit di naman yun talaga dahilan ng pagkakaaga ng aking gising.
Pagtalikod ko ay may pahabol na biro pa si Adeline sa akin ” Sir Chief, pa side line minsan ha hahaha.” At nginitian ko na lang siya at tuluyang pumasok ng bahay.
Noon lang ako nakipag usap sa aming kapit bihay, kundi tango lang sa pag bati sa mga ito pag nasasalubong ko. Sa edad kong 42 hindi ako ung tipo ng nakikipag kapitbahay ewan ko nga ba bakit pagpupulis ang naging kerera ng buhay ko dito sa Pinas.
Nagprepara ako sa aking pagpasok, naligo at nag ayus. Sa likod bahay ang aming labahan at maliit na kusina, dun ako kung minsan nag aahit ng bigote, at dahil natural ang liwanag dun. Sa bawat dibisyon ay may bakod na may 4ft and lang ang taas. ‘Yun sa mga iba…