Bumili na lamang siya ng skyflakes at tubig sa canteen. “Lilipas din to, Joyce. Sa susunod, kahit limang beses kang kumain ay di ka na mauubusan niyan. Pampalibag lubag niya sa sarili habang inuubos ang crackers. Pagkatapos ng halos walong oras na pagta trabaho ay tuluyan siyang lumabas para sa biometrics.
“Mag je jeep na lang siguro ako, Chai. ” Paalam nito sa kanyang kasamahan. Iniiwasan niya si Marco. Madami siyang iniisip ngayon. Wala siyang panahon na makipagplastikan o humingi ng tawad.
“Uy, ang choosy mo ha? Wag ka na mag commute, dito na ang company service. Ani nito, at iginiya ng nguso sa direksyon ng isang bus na papalapit sa kanila.
“Eh, yan ang company service natin?” Pagtataka ni Joyce. “Ha? Paano?” tanong nito sa kasama at napakamot ang ulo. “Ha? Anong paano? Yan kaya ang company service since ano ay ewan. Ulyanin ka na. Kabata bata mo pa” sagot ng kasamahan at nagpila papasok sa bus.
“Halika na nga, diba may klase ka pa? Sagot nito at inakay ang babaeng takang taka sa nangyayari ngayon. Pag upo pa lamang ay nagkwento na ang kaibigan na mula sa ibang department. Nakikinig lamang siya pero di naman pumapasok sa kanyang isipan ang pinagsasabi nito.
“Bakit wala yung mokong na yun? Di naman bus ang dinadala niya dati ah.” Mag iisang taon pa lamang siya sa kompanya. Sa loob nang apat na buwan ay tiniis niya ang mag commute ngunit sa sumunod na linggo ay ibinalita sa lahat na may libreng sakay. Akala nga ay jeep ang company service ngunit isang hilux na kotse ang laging sumusundo sa kanya. Araw-araw. Nambubulabog. Gusto sana niya itong ireport dahil medyo bastos ang bunganga nito at lagi din siyang tinutukso. Pero umurong ang dila niya noong sinabi ng lalaki na anak siya ng may ari ng kompanya. Masyado siyang uto uto upang magtanong at mag usisa. Walang komprontasyong naganap sa araw na yaon. Walang imik si Joyce at pinagpatuloy na lang ang benepisyo na kanyang natatamo. Lunes hanggang Huwebes.
Tipid na nga sa pera at medyo komportable din siya. Mahirap ang buhay. Mas mahirap nga lang sa syudad. Nakakatakot.
Sa loob nang apat na buwan ay may libreng sakay ang mga empleyado. Sa loob ng apat na buwan ay halos araw araw din niyang nakikita si Marco, maliban sa araw ng Huwebes. Doon niya nakilala ang driver na naging “kaibigan” din ang turing niya.
Natigil ang pag-iisip niya tungkol sa kay Marco, sa company service at mga nangyari sa mga nakalipas na buwan nung sunod sunod ang pag tunog ng selpon niya. Naging abala na rin siya sa pagrereply sa kanyang mga classmates, pamilya at sa dalawang lalaking kikitain niya.
Napatigil siya nung sumigaw ang katabi niyang babae. “Kuya, sa kanto ng **** lang ako. “
“Excited ka masyado ha?” tugon niya sa kaibigan at ngumiti.
“Oo naman beh, kahit lunes ngayon. Masay ang lola mo, nandun na kasi si jowa sa bahay. Alam mo na” sagot nito at tumawa ng medyo malakas. “Sus, edi ikaw na may jowa”
“Ay, beh. Siraulo din yun. Saka wag ka muna mag jowa ha? Alam mo naman na medyo inosente at manhid ka rin kaya wag muna beh. Sobrang busy mo na sa buhay. Di ko nga kaya ginagawa mo ei… Hays, Nandito ka sa lungsod ng **********. Ibang breed ang mga lalaki dito beh ha? Kaya, wag magtiwala agad” Ani ng kaibigan at nagsimulang inayos ang lalaki.
Masaya siya para sa kaibigan. Mukhang blooming lagi at nakangiti.
Kabaliktaran kung saan ano ang hitsura niya ngayon. Wala namang problema sa kanya yun at trabaho ang hanap niya sa kompanya.
Pinagpatuloy niya ang pag tetext sa mga tao.
Pagkatapos niyang magpaalam sa kaibigan ay nagsuot siya ng I.D kasabay ang pagsuot ng earphones.
Alas 6 na ng gabi at may trenta minutos pa siya para kumain ng hapunan. Pagkatapos niyang itext ang mga classmates…