Bumili na lamang siya ng skyflakes at tubig sa canteen. “Lilipas din to, Joyce. Sa susunod, kahit limang beses kang kumain ay di ka na mauubusan niyan. Pampalibag lubag niya sa sarili habang inuubos ang crackers. Pagkatapos ng halos walong oras na pagta trabaho ay tuluyan siyang lumabas para sa biometrics.
“Mag je jeep na lang siguro ako, Chai. ” Paalam nito sa kanyang kasamahan. Iniiwasan niya si Marco. Madami siyang iniisip ngayon. Wala siyang panahon na makipagplastikan o humingi ng tawad.
“Uy, ang choosy mo ha? Wag ka na mag commute, dito na ang company service. Ani nito, at iginiya ng nguso sa direksyon ng isang bus na papalapit sa kanila.
“Eh, yan ang company service natin?” Pagtataka ni Joyce. “Ha? Paano?” tanong nito sa kasama at napakamot ang ulo. “Ha? Anong paano? Yan kaya ang company service since ano ay ewan. Ulyanin ka na. Kabata bata mo pa” sagot ng kasamahan at nagpila papasok sa bus.
“Halika na nga, diba may klase ka pa? Sagot nito at inakay ang babaeng takang taka sa nangyayari ngayon. Pag upo pa lamang ay nagkwento na ang kaibigan na mula sa ibang department. Nakikinig lamang siya pero di naman pumapasok sa kanyang isipan ang pinagsasabi nito.
“Bakit wala yung mokong na yun? Di naman bus ang dinadala niya dati ah.” Mag iisang taon pa lamang siya sa kompanya. Sa loob nang apat na buwan ay tiniis niya ang mag commute ngunit sa sumunod na linggo ay ibinalita sa lahat na may libreng sakay. Akala nga ay jeep ang company service ngunit isang hilux na kotse ang laging sumusundo sa kanya. Araw-araw. Nambubulabog. Gusto sana niya itong ireport dahil medyo bastos ang bunganga nito at lagi din siyang tinutukso. Pero umurong ang dila niya noong sinabi ng lalaki na anak siya ng may ari ng kompanya. Masyado siyang uto uto upang magtanong at mag usisa. Walang komprontasyong naganap sa araw na yaon. Walang imik si Joyce at pinagpatuloy na lang ang benepisyo na kanyang natatamo. Lunes hanggang Huwebes.
Tipid na nga sa pera at medyo komportable din siya. Mahirap ang buhay. Mas mahirap nga lang sa syudad. Nakakatakot.
Sa loob nang apat na buwan ay may libreng sakay ang mga empleyado. Sa loob ng apat na buwan ay halos araw araw din niyang nakikita si Marco, maliban sa araw ng Huwebes. Doon niya nakilala ang driver na naging “kaibigan” din ang turing niya.
Natigil ang pag-iisip niya tungkol sa kay Marco, sa company service at mga nangyari sa mga nakalipas na buwan nung sunod sunod ang pag tunog ng selpon niya. Naging abala na rin siya sa pagrereply sa kanyang mga classmates, pamilya at sa dalawang lalaking kikitain niya.
Napatigil siya nung sumigaw ang katabi niyang babae. “Kuya, sa kanto ng **** lang ako. “
“Excited ka masyado ha?” tugon niya sa kaibigan at ngumiti.
“Oo naman beh, kahit lunes ngayon. Masay ang lola mo, nandun na kasi si jowa sa bahay. Alam mo na” sagot nito at tumawa ng medyo malakas. “Sus, edi ikaw na may jowa”
“Ay, beh. Siraulo din yun. Saka wag ka muna mag jowa ha? Alam mo naman na medyo inosente at manhid ka rin kaya wag muna beh. Sobrang busy mo na sa buhay. Di ko nga kaya ginagawa mo ei… Hays, Nandito ka sa lungsod ng **********. Ibang breed ang mga lalaki dito beh ha? Kaya, wag magtiwala agad” Ani ng kaibigan at nagsimulang inayos ang lalaki.
Masaya siya para sa kaibigan. Mukhang blooming lagi at nakangiti.
Kabaliktaran kung saan ano ang hitsura niya ngayon. Wala namang problema sa kanya yun at trabaho ang hanap niya sa kompanya.
Pinagpatuloy niya ang pag tetext sa mga tao.
Pagkatapos niyang magpaalam sa kaibigan ay nagsuot siya ng I.D kasabay ang pagsuot ng earphones.
Alas 6 na ng gabi at may trenta minutos pa siya para kumain ng hapunan. Pagkatapos niyang itext ang mga classmates ay lumabas siya muli at nagtungo sa isang karinderya. Kakilala niya rin ang serbidora doon.
“Hi, ateng! Yung dati kong order po” bati nito at pumuna sa bandang likuran at nagsimula magbasa ng handout. Medyo puno ang karinderya at may mga motor at mga sasakyan ding naka park sa harap ng karinderya.
“Langga, sorry medyo late ang order. Madaming kostumer ngayon uy. ” Saka nilapag ang inorder na pagkain.
“Okay ra ateng uy. Ngano gani daghan kaayo ug mga tao run?” ani nito at nagsimulang kumain.
“Ay naku may isa din kami suki dito langga na nagdala ng mga kasama. Tekaaa, saan nga ba sila? Teka, hanapin ko ha? ” at hinanap ang lalaking tinukoy.
“Ateng, wag na. Sige na, baka tawagin ka nila ma’am mo” ani niya at pinagpatuloy ang pagbabasa.
“Sige langga ha? Ituturo ko if mahanap ko ang mga yun”. Paalis na sana siya na marinig niya ang pamilyar na boses.
“Ate, kanin pa nga po at bulalo”
“Sige, sir. Teka lang”
Nilingon niya ang lugar ng pinanggalingan ng boses. Muntik na niyang mabitwan ang bote ng softdrink na hawak niya.
Sa isang medyo kalakihang lamesa, medyo kalayuan sa kanyang lokasyon ay may tatlong lalaki na nagtatawanan at tila hindi siya nakita.
Si Marco na iniiwasan niya. Ang lalaking gusto atang makantot siya, Ibang Marco ang nakikita niya ngayon. Naka formal ito na kasuotan. Malayo sa Marco na nakashort at t-shirt na kausap niya/
Ang lalaking nakita niya na katabi ng unggoy ay ang unang lalaking pumansin, nakasayaw niya sa bar ng kanyang kaibigan. Nakahalikan niya sa parking car. Ang lalaking kumuha ng thong niya pagkatapos siyang kainin. Uto uto lang siya pero di naman siya makakalimutin, nakalimutan niya ang pangalan ng lalaki pero nakakasiguro siya na siya nga yun.
Putangina, at ang huling lalaking nakatalikod sa kanya na tila pinakamatangkad sa kanilang tatlo ay ang lalaking kikitain niya sa byernes.
Nanginginig man ay nahimasmasan siya sa napakalakas ng alarm clock ng kanyang cellphone.
May sampung minuto na lang siyang natitira bago ang unang klase. Kabado man ay lumapit siya sa isang serbidora sa harapan at bumulong.
“Ate, bayad ako. “
“Neng bakit ang putla mo? ” tanong nito habang sinusuklian siya.
Napatingin ang ibang kumakain sa lakas nang boses ng babae. Nagsuot na lang siya ng face mask at di sumagot. Nanginginig man ay tinanggap niya ang sukli at kumuha ng lakas para dumaan sa harap ng tatlong lalaki at mabilis na tumakbo papasok ng gate at hinanap ang classroom.
Confident naman si Joyce na di siya makilala ng mga lalaki. Tatapusin niya ang araw na medyo kabado ang kaluluwa. Alas 11 ng gabi matatapos ang klase niya.
Samantalang, sa lamesa kung saan kumakain ang tatlong lalaki ay biglang nakatinginan pagkatapos dumaan ng babaeng naka pantalon at white shirt na backpack, nakapusod ang buhok, may suot na face mask at naka earphones.
Wala man ni isa ang nagsalita. Tanging tunog lamang ng mga kubyertos ang maririnig sa napakahabang limang segundo na yun.
Binasag ng serbidora ang katahimikan.
“Sir, libre daw ni ma’am. ‘ at inihain ang tatlong bowl ng bulalo.
“Thank you ate” sagot ni Marco.
“Bat ang tahimik niyo? “Usisa ng serbidora.
“Wala ho ate. Masarap kasi ang sabaw dito. Naging abala kami sa paghihigop ng mga sabaw” sagot ng lalaking nakatingin sa labas ng carindera.
“Oo nga ate, madami pala kayong mga suki na mga estudyante. Madaming maganda dito” ani ng lalaki at tumawa.
“Ay oo, marami talaga dito, ser. Yung dumaan kanina, isa yun sa mga estudyante dito. Night classes kinukuha niya ser”
“Ganun ba ate. Di ko nakita ang mukha ei” tugon ng lalaki na nakatingin na ngayon kay Marco.
Mahirap basahin ang expreksyon nito.
Ilang mga tanong pa ay umalis ang babae at nag asikaso ng ibang mga costumers.
Walang imik ang tatlo matapos nilang bayaran ang kinain. Walang gustong magtanong, magsalita sa mga panahon na yaon.
Tanging harurot lang nga kanilang mga sasakyan ang maririnig sa mga oras na yun.