Sinumpa 10

Mahimbing pa ring nakatulog si Ali dahil sa pagod. Samantalang si pinunong Azrel naman ay gising na. Nasa malalim itong pag-iisip dahil sa naganap. Mas lalo lamang siyang naguluhan sa kung sino nga ba ang nilalang na pinapasok niya sa kaniyang palasyo. Alam niyang walang masamang hangarin ang binata dahil nang dumulog siya sa kaniyang tagapayong salamngkero ay napatunayang malinis ang hangarin ni Ali.

‘Marahil ay naghahanap din ito ng kasagutan at lunas…’ hinuha ng pinuno. Iyon lamang kasi ang pinakaradikal na maging rason kung bakit siya naparito.

Muling pumasok sa isip ng pinuno ang mga naganap sa pagitan nila ng binata. Muling naalala ng kaniyang katawan ang bawat parte ng katawan ni Ali. Naramdaman muli niya ang pagtigas ng kaniyang kargada. Tinamaan muli siya ng libog ngunit tila ba naglaho ang lahat ng iyon nang maalala niya ang kaniyang reyna.

“Ano ba tong nagawa ko…” bulong ng pinuno sa kaniyang sarili. Puno ng pagsisisi ang kaniyang puso dahil nagustuhan niya ang mga nangyari kanina. Nakokonsensya siya dahil nagawa niyang pagtaksilan ang taong minamahal.

Pero ano nga bang maaaring gawin ng pinuno sa mga oras na iyon lalo’t buhay na ang nakataya dito. Tumingin ang pinuno sa natutulog na binata. Maayos na ang kalagayan nito. Nakaramdam ng pagkaginhawa ang pinuno dahil ligtas na ito…

Kinaumagahan, nagising na sa wakas si Ali. Iyon na ata ang pinakamahaba niyang tulog. Tila nanumbalik ang kaniyang lakas dahil sa nangyari kahapon. Mag-isa na lamang siya sa silid. Wala na ang pinuno. Nais niya sana itong makausap dahil malaki ang pasasalamat niya rito dahil sa pagligtas niya sa kaniyang buhay. Kaya naman agad agad itong bumangon at naglinis ng katawan. Habang nasa tubig ito ay isa-isang pumasok sa isip niya ang mga naganap sa kanila ng pinuno kahapon. Nag-init ang kaniyang katawan dahil dito at tumigas ang kaniyang alaga. Ikinulong niya ito sa kaniyang palad at saka dahan dahang tinataas baba ang kaniyang kamay.

“Ahhhh…” ungol ni Ali habang inaalala ang itsura ng pinuno habang siya’y kinakasta. Pinapantasya niya muli ang pinuno. Ang kaniyang isip ay nabalot na ng kalibugan at nais na niya lamang magpalabas.

Ilang minuto ding sinalsal ni Ali ang kaniyang alaga bago ito tuluyang labasan. Pulang-pula ang kaniyang mukha dahil sa naganap at nang humupa na ang kaniyang init sa katawan ay tinapos na niya agad ang pagligo.

Pagkatapos niyang nag-ayos ay lumabas na siya sa kaniyang silid upang hanapin ang pinuno. Sa katuyan ay nahihiya siyang harapin ito dahil sa nangyari. Pero kinakailangan niya itong makausap para maipaliwanag niya ang kaniyang sitwasyon lalo na’t alam niyang galit ang pinuno dahil sa pagsisinungaling niya.

‘Kaya mo to Ali,’ paulit ulit na sinasabi ni Ali sa sarili habang papalapit siya ng papalapit sa silid ng pinuno. Nang nakarating na siya doon ay inipon niya muna ang kaniyang lakas ng loob bago kumatok sa pinto.

“Pheeeeeeewwww…”

*tok tok tok…

“Pasok,” maotoridad na sabi ng pinuno mula sa loob ng silid. Binuksan ni Ali ang pinto at dahan dahan itong pumasok. Nakayuko ito dahil sa hiya habang sinasara ang pinto. Pagkasara niya ay nakayuko itong nakatayo doon.

“Patawarin niyo po ako pinuno!” sigaw ni Ali saka ito yumuko ng tuluyan. Kinakabahan ito sa reaksiyon ng pinuno dahil baka galit ito at ipapatay siya dahil sa pagsisinungaling. Ngunit masyado lamang itong kinakabahan dahil sa nangyari pero ang totoo ay walang ganung isip ang pinuno. Sa katunayan ay natatawa siyang nakatingin sa parang maiihi sa takot na si Ali. Pinipigilan lamang ng pinuno ang kaniyang tawa dahil gusto niyang asarin ito.

“Huwag niyo po akong papatayin, parang awa niyo na po!!” muling pagmamakaawa ni Ali. At dun na hindi napigilan ng pinuno na humalagpak sa tawa.

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA…..” tawa ng pinuno. Nang narinig ito ni Ali ay nanigas siya sa gulat. Inangat niya ang kaniyang katawan at nakita ang tumatawang hari. Ibig sabihin ay hindi ito galit sa kaniya. Nakaramdam siya ng konting kaginhawaan dahil dito at dahil na rin tila ba musika sa kaniya ang tawa ng pinunong Azrel

Nakaupo ngayon si Ali sa harap ng pinuno. Nahihiya pa rin ito dahil sa mga nangyari. Sa tuwing tinitignan niya kasi ito ay naaalala niya ang mga ekspresiyon noong sila’y nagtatalik at kapag nangyayari yun ay hindi niya napipigilan ang kaniyang damdamin. Kaya minabuti niyang huwag itong tignan sa mata. Hindi na ipinagtataka ng pinuno kung bakit ito hindi makatingin sa kaniya dahil maging siya ay nahihiya ring tignan ito. Pero kailangan nila itong pag-usapan dahil sa sumpa. Nasabi lahat ni Ali ang totoo mula sa kung paano niya natanggap ang sumpa hanggang sa pagkarating nila sa mundong ito. Pilit naman itong initindi ng pinuno.

“Ibig mong sabihin, nang pumasok kayo sa lagusan ay ikaw na lang mag-isa?,” nagtatakang tanong ng pinuno.

Malungkot na tumango bilang tugon si Ali.

“Kung gayon ay kailangan nating kumunsulta sa isang salamangkero. Marahil ay may alam sila tungkol dito. Ngayon ko lamang narinig ang ganiyang pangyayari pero hindi na nakapagtataka. Marami nang hindi maipaliwanag na nagaganap dito sa mundong ito. Simula nang lumaganap ang sumpang ito ay hindi na natihimik ang lahat ng kaharian,” lintanya ng pinuno.

Tahimik lamang nakikinig si Ali sa mga sinasabi ng pinuno dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Natatakot siya sa mga nangyayari dahil tila ba kahit ang mga kaharian dito’y walang magawa.

“Saka Ali, kailangan mong malaman na malala na ang lagay mo. Ngunit masasabi kong ang mga gaya mong diyan tinamaan ng sumpa ay maaaring mabuhay ng matagal hangga’t kayo’y nakikipagtalik”

“Ano pong ibig niyong sabihin? Gaya ko? Anong-” puno ng katanungan ang isip ni Ali ngayon dahil sa mga nalalamang impormasyon. Napabuntong hininga ang pinuno at ipinaliwanag sa abot ng kaniyang makakaya ang kaniyang nalalaman.

“Iba-iba ang tinatamaan ng sumpa. Kung saan may marka ng bulaklak na itim ay doon sinumpa ang mga apektado. May mga may marka sa kamay, sa paa at ibat ibang parte ng kanilang katawan at sa kaso mo ay ang iyong kaselanan. Hindi ko alam kung tama ang sasabihin ko ngunit maswerte ka dahil magagawan ng paraan ang iyong sumpa ngunit sa karamihan ay hindi ito naagapan ng kahit anong paraan.” paliwanag ng pinuno.

Maswerte? Maswerte bang masasabi na habang buhay itong dala-dala?

“Alam kong mahirap Ali pero lahat ay gumagalaw upang tuluyan nang mawala ito. Wag ka sanang panghinaan ng loob…” malungkot na sabi ng pinuno sa ngayo’y natutulalang binata.

“Ali…” tawag nito sa binata.

“Wag po kayong mag-alala, matagal ko nang tanggap ang sumpang ito…” pilit na ngiti ni Ali.

“Pero kailangan mo pa ring mag-ingat Ali. Kailangan meron ka laging kasama. Alam mo naman ang kalagayan mo hindi ba? Gaya na lamang kahapon, paano kung hindi ako napadaan noon? Ano na lamang mangyayari sayo? Mawawalan ng saysay lahat ng sakripisyo mo Ali.” paliwanag ng pinuno.

Yumuko lang si Ali dahil tama ang pinuno. Pero hindi na siya makakapayag na ang pinuno ang magiging katuwang niya rito dahil ayaw niyang magtaksil sa reyna. Pakiramdam niya kasi ay tila nagkasala sila ng malaki sa reyna dahil sa nangyari.

“Anong nasa isip mo Ali?” tanong ng pinuno..

“Tama po kayo pinuno…” sagot nito. Naghintay pa ang pinuno dahil parang may gusto pang sabihin si Ali. Gusto sanang idagdag ni Ali na ayaw niyang maulit ang nangyari sa kanila ng pinuno pero parang may pumipigil sa kaniya. Kung iisipin, sino pa bang maaaring makatulong sa kaniya maliban sa pinuno diba? Nagtatalo na ang kaniyang isipan sa kung ano ang gagawin. Nakokonsensya siya pero kailangan din niyang maging praktikal.

Bumuntong hininga ang pinuno. Sa isip niya’y kailangan pa ni Ali ng oras mag-isip.

“Kung gayon ay dumito ka na muna sa Asygrat pansamantala habang hinahanap ng aking mga tauhan ang iyong mga kasama. Mas ligtas ka rito Ali,” tumingin si Ali sa pinuno. Ngumiti naman ang pinuno pabalik upang ipakita ang kaniyang sinseridad.

“Mahahanap din natin sila Ali. At sa oras na mahanap sila ay pinapangako kong tutulong ang Asygrat sa paghahanap niyo ng lunas,” alam ng pinuno kung gaano kaliit ang tyansa nilang magtagumpay ngunit hindi niya maatim na sabihin ito kay Ali lalo’t kitang kita ang kagustuhan nitong gumaling.

Ngumiti si Ali sa sinabi ng pinuno.

“Salamat po pinuno. Tatanawin ko itong isang malaking utang na loob..” sagot ni Ali. Ngumiti’t tumango naman ang pinuno pabalik. Sa isip ng pinuno ay kahit maliit ang tyansa ay baka si Ali ang magiging susi para tuluyan nang mawakasan ang sumpang ito. Una palang ay ramdam na niyang espesyal si Ali. Tila ba nagbibigay ito ng enerhiya na hindi niya maipaliwanag na nagbibigay pag-asa sa kanila. Inalala muli niya ang mga nangyari sa kanila ni Ali kahapon. Hindi niya maipaliwanag ang kaganapang iyon. Nang sila’y nagtatalik ay nakaramdam siya ng kakaibang enerhiya na dumadaloy sa kaniyang mga ugat na kailanma’y di niya pa naramdaman.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Ali dahil hindi na niya nais pang maabala ang pinuno sa dami ng ginagawa nito. Bubuksan na sana ni Ali ang pinto nang hinawakan ng pinuno ang balikat nito. Nanigas ito sa gulat at agad lumingon. Tumingala siya at nagtama ang mga mata nila ni pinunong Azrel. Hindi naiwasan ni Ali na mamula dahil sa pagtama ng kanilang mga mata. Napakalakas ng presensiya ng pinuno. Nakakapanghina ang mga titig nito.

“Ah…m-may kailangan ka pa po ba pinuno?” nauutal na tanong ni Ali

Inilabas ni Azrel ang isang pulseras mula sa kaniyang bulsa. Isang simpleng pulseras ito na gawa sa pilak. Iniabot nito ang pulseras kay Ali.

“Kunin mo to Ali. Hindi lamang ito isang normal na palamuti. Binasbasan ito ng isang diwata upang malaman ko kung ika’y nasa panganib na at kung umaatake na naman ang sumpa,” paliwanag ng pinuno.

Inabot naman ito ni Ali at saka sinuot. Tumingin ito sa pinuno at ngumiti’t nagpasalamat.

“Maraming salamat pinuno,” sabi ni Ali.

“Walang anuman. Sige, makakaalis ka na..” sagot ng pinuno. Tumango naman pabalik si Ali saka yumuko ng bahagya bilang pagbibigay- galang saka ito lumabas ng silid.

Bumalik si Ali sa kaniyang silid. Pilit niyang winawaglit sa kaniyang isipan ang mga pangyayari. Ayaw niya munang isipin ang mga ito kahit ngayon lang. Nakatingin ito sa malayo mula sa kaniyang bintana. Napakaganda ng araw ngayon ngunit malungkot ang mga mata ni Ali. Nangungulila din siya sa presensya ni Andreas. Kinailangan muling maglakbay ni Andreas para sa isang misyon kaya naman matatagalan bago niya ito makikita.

Habang nakatingin sa labas ay napansin niya ang isang anyo na tila nag-eensayo sa baba. Tinignan niya itong mabuti at namukhaan kung sino ito. Si Somir. Napabuntong-hininga si Ali habang nakatingin sa barbaro. Iniisip niya kung kailangan kaya niya ito makakasundo? Nais kasi ni Ali na habang nandito siya ay magkaayos man lang silang dalawa.

Pero hindi niya alam kung saan magsisimula.

Samantala, abala si Somir sa pag-eensayo upang ibaling ang kaniyang atensiyon sa ibang bagay. Sa tuwing nag-eensayo siya’y mas nakakapag-isip siya ng maayos. Sa katunayan ay nais niyang makipag-ayos kay Ali dahil nagkamali nga siya ng akala rito. Wala itong masamang intensiyon ngunit isa lang ang nasisigurado niya, may dugong Severian ang binata. Hindi man niya tuluyang matatanggap ang binata ngunit habang nandito ito’y kailangan niyang maging sibilisado dahil maraming mga pagkakataon na sila’y magkikita lalo na’t sa iisang palasyo lamang sila nakatira.

“HAAAAAAAAA!!!” sigaw ni Somir habang winawasiwas ang kaniyang espada sa hangin.

Si Ali naman ay nakatingin lang kay Somir. Nakaupo ito sa isang silya habang nanonood sa nag-eensayong barbaro. Namamangha si Ali sa mga nakikitang galaw nito. Maliksi at mabilis. Sanay na sanay ito sa paghawak ng espada. Nasa ganung kalagayan lang si Ali hanggang sa unti-unti itong nakatulog. Sa pagtulog nito’y nagkaroon siya ng isang panaginip. Pero ang mga imaheng nakikita niya ay parang totoong totoo. Parang hindi panaginip.

Sa kaniyang panaginip ay lumulutang siya sa kalawakan. Pinapaligiran siya ng mga bituin at mga nagliliparang bato. Maraming nangyayari ngunit manghang mangha siya sa nakikita. Habang inililibot niya ang kaniyang paningin sa mga nakikita ay may isang maliwanag na pigyura na lumalapit sa kaniya.

Wala siyang maaninag na mukha nito. Halos mabulag siya sa tindi ng liwanag. Sumasakit ang kaniyang ulo habang pilit na binubuksan ang kaniyang mga mata. Sumisigaw na ito sa kaniyang panaginip dahil di niya nakakayanan ang pwersang bumabalot sa kaniya.

Hanggang sa may naramdaman siyang humawak sa kaniyang kamay. Napakalamig ng kamay na ito ngunit sa haplos nito’y nakaramdam siya ng kaginhawaan.

Pinilit buksan ni Ali ang kaniyang mga mata at namangha siya sa kaniyang nakita.

Isang magandang babae ang ngayo’y nakatingin sa kaniya. Napakaaliwalas ng mukha nito. Kulay lila ang balat nito at puti ang mga mata nito. Maikli ang kulay puti nitong buhok.

“Sino ka?” tanong ni Ali ngunit hindi sumagot ang babae. Ngumiti lang ito at kinumpas ang kaniyang kamay. May kung anong liwanag ang sumusnod sa bawat pagguhit ng daliri nito. Unti-unti ay may nabubuong isang bagay na nagliliwanag. Inabot ng babae ang bagay na ito kay Ali.

Tinanggap ito ni Ali. Nang tinanggap na ito ni Ali ay unti-unting naglalaho ang lahat. Nakaramdam ng takot si Ali nang unti-unting nabalot ng kadiliman ang paligid. Sumisigaw na ito sa kawalan at humihingi ng tulong ngunti walang nangyayari.

Unti-unting nawawala ang liwanag at kadiliman na lamang ang nanaig. May mga sigaw at magulong mga salita itong naririnig. Nakakaramdam siya ng parang pagkasunog ng kaniyang katawan.

Napakainit.

Para siyang matutusta sa tindi ng init nito ngunit tila walang nangyayari sa kaniyang katawan. Maya-maya pa ay nakaramdam siya ng mga kamay na nakakapasong humahawak sa kaniya. Sobrang takot na takot si Ali. Hindi niya alam ang gagawin. Hanggang sa..

“TULONG!!!!!” sigaw ni Ali at nagising itong humahangos at nakahawak sa kaniyang dibdib. Napakaklaro pa rin sa kaniyang isipan ang panaginip na iyon. Pinakaramdaman niya muli ang kaniyang katawan.

Wala na ang init. Wala na rin ang mga kamay na humahawak sa kaniya. Napakabilis ng paghinga ni Ali. Pilit niyang pinapakalma ang sarili nang mapagtantong panaginip lang ang lahat.

“Panaginip lang iyon ali…” paulit-ulit na sinasabi ni Ali sa sarili pero andun pa rin talaga yung takot.

Ilang sandali ang lumipas ay unti-unti nang umaayos ang pakiramdam ni Ali. Akmang lalabas sana ito sa kaniyang silid upang lumanghap ng sariwang hangin nang may napansin siyang bagay na naliliwanag sa kaniyang kamay.

Isang dilaw na diyamante. Nagtataka si Ali kung paano siya nagkaroon nito. Inaalala niya ang nakaraan kung may napulot o naibigay sa kaniyang ganito ngunit wala. hanggang sa naisip niya ang kaniyang panaginip. Possible kaya?

Pero paano?

Pinagmasdan niyang mabuti ang diyamante. Napakaganda nito ngunit hindi kasing liwanag sa kaniyang panaginip. Habang sinusuri ang diyamante ay naisip niya ang pinuno.

Mukhang kailangan na nilang kumunsulta sa isang salamngkero sa lalong madaling panahon.

Agad pumunta si Ali sa pinuno at ipinaliwanag ang kaniyang panaginip at kung paano niya nadala ang dilaw na dyamante sa totoong buhay mula sa kaniyang panaginip. Nang marinig ni Azrel ang kwento ni Ali ay nagulat ito.

“Sigurado ka ba sa nakita mo Ali?” di pa ring makapaniwalang tanong ni Azrel.

“Siguradong sigurado po ako pinuno.” tugon ni Ali saka muling inabot kay pinunong Azrel ang dilaw na dyamante. Manghang tinignan ito ni Azrel. Nang hawakan niya ito ay naramdaman niya ang taglay na kapangyarihan nito. Hindi ito basta bastang diyamante lang sapagkat..

“Hindi maaari…paano?…” naguguluhang sabi ni Azrel. Nag-alala na si Ali sa kinikilos ng pinuno kasabay nun ay nais niya ng sagot.

“Anong ibig niyong sabihin pinuno? A-alam niyo po kung ano yan?” tanong ni Ali.

Tumingin ang pinuno kay Ali. Tanging pagkalito lamang ang maipipinta sa mukha ng pinuno.

“Celestia….”

“Po?”

“Kung hindi ako nagkakamali, si Celestia ang nagpakita sa’yo” sagot ng pinuno.

“Sino po si Celestia?” tanong ni Ali.

Bumuntong hininga si Azrel upang pakalmahin ang sarili dahil sa gulat. Pagkatapos ay ipinaliwanag nito kung si Celestia.

“Si Celestia ang tagapagbantay ng Kalawakan. Isa siya sa mga pinakamalakas na nilalang sa buong kalawakan. Kontrolado niya oras at panahon kaya naman maaari niyang ibalik o pabilisin ang oras kung kaniyang nanaisin. Dahil sa matinding kapangyarihan ni Celestia ay labis siyang kinakatakutan ng ibang mga tagabantay at tinuring siyang pinuno ng lahat ng tagabantay. Iilang nilalang lamang ang nakakita sa itsura ni Celstia liban sa mga tagabantay. Mga hari at makapangyarihang mga diwata’t salamangkero lamang ang nabigyan ng pagkakataong makita ito. Isa na doon ang aking ama..”

“Pero bakit po kaya siya nagpakita sa akin.?” pagtataka ni Ali..

“Hindi ko rin alam Ali pero isa lang ang ibig sabihin nito,” sabi ng pinuno.

“Nasa panig natin ang diyosa…” masayang sabi ng pin…