‘Marahil ay naghahanap din ito ng kasagutan at lunas…’ hinuha ng pinuno. Iyon lamang kasi ang pinakaradikal na maging rason kung bakit siya naparito.
Muling pumasok sa isip ng pinuno ang mga naganap sa pagitan nila ng binata. Muling naalala ng kaniyang katawan ang bawat parte ng katawan ni Ali. Naramdaman muli niya ang pagtigas ng kaniyang kargada. Tinamaan muli siya ng libog ngunit tila ba naglaho ang lahat ng iyon nang maalala niya ang kaniyang reyna.
“Ano ba tong nagawa ko…” bulong ng pinuno sa kaniyang sarili. Puno ng pagsisisi ang kaniyang puso dahil nagustuhan niya ang mga nangyari kanina. Nakokonsensya siya dahil nagawa niyang pagtaksilan ang taong minamahal.
Pero ano nga bang maaaring gawin ng pinuno sa mga oras na iyon lalo’t buhay na ang nakataya dito. Tumingin ang pinuno sa natutulog na binata. Maayos na ang kalagayan nito. Nakaramdam ng pagkaginhawa ang pinuno dahil ligtas na ito…
Kinaumagahan, nagising na sa wakas si Ali. Iyon na ata ang pinakamahaba niyang tulog. Tila nanumbalik ang kaniyang lakas dahil sa nangyari kahapon. Mag-isa na lamang siya sa silid. Wala na ang pinuno. Nais niya sana itong makausap dahil malaki ang pasasalamat niya rito dahil sa pagligtas niya sa kaniyang buhay. Kaya naman agad agad itong bumangon at naglinis ng katawan. Habang nasa tubig ito ay isa-isang pumasok sa isip niya ang mga naganap sa kanila ng pinuno kahapon. Nag-init ang kaniyang katawan dahil dito at tumigas ang kaniyang alaga. Ikinulong niya ito sa kaniyang palad at saka dahan dahang tinataas baba ang kaniyang kamay.
“Ahhhh…” ungol ni Ali habang inaalala ang itsura ng pinuno habang siya’y kinakasta. Pinapantasya niya muli ang pinuno. Ang kaniyang isip ay nabalot na ng kalibugan at nais na niya lamang magpalabas.
Ilang minuto ding sinalsal ni Ali ang kaniyang alaga bago ito tuluyang labasan. Pulang-pula ang kaniyang mukha dahil sa naganap at nang humupa na ang kaniyang init sa katawan ay tinapos na niya agad ang pagligo.
Pagkatapos niyang nag-ayos ay lumabas na siya sa kaniyang silid upang hanapin ang pinuno. Sa katuyan ay nahihiya siyang harapin ito dahil sa nangyari. Pero kinakailangan niya itong makausap para maipaliwanag niya ang kaniyang sitwasyon lalo na’t alam niyang galit ang pinuno dahil sa pagsisinungaling niya.
‘Kaya mo to Ali,’ paulit ulit na sinasabi ni Ali sa sarili habang papalapit siya ng papalapit sa silid ng pinuno. Nang nakarating na siya doon ay inipon niya muna ang kaniyang lakas ng loob bago kumatok sa pinto.
“Pheeeeeeewwww…”
*tok tok tok…
“Pasok,” maotoridad na sabi ng pinuno mula sa loob ng silid. Binuksan ni Ali ang pinto at dahan dahan itong pumasok. Nakayuko ito dahil sa hiya habang sinasara ang pinto. Pagkasara niya ay nakayuko itong nakatayo doon.
“Patawarin niyo po ako pinuno!” sigaw ni Ali saka ito yumuko ng tuluyan. Kinakabahan ito sa reaksiyon ng pinuno dahil baka galit ito at ipapatay siya dahil sa pagsisinungaling. Ngunit masyado lamang itong kinakabahan dahil sa nangyari pero ang totoo ay walang ganung isip ang pinuno. Sa katunayan ay natatawa siyang nakatingin sa parang maiihi sa takot na si Ali. Pinipigilan lamang ng pinuno ang kaniyang tawa dahil gusto niyang asarin ito.
“Huwag niyo po akong papatayin, parang awa niyo na po!!” muling pagmamakaawa ni Ali. At dun na hindi napigilan ng pinuno na humalagpak sa tawa.
“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA…..” tawa ng pinuno. Nang narinig ito ni Ali ay nanigas siya sa gulat. Inangat niya ang kaniyang katawan at nakita ang tumatawang hari. Ibig sabihin ay hindi ito galit sa kaniya. Nakaramdam siya ng konting kaginhawaan dahil dito at dahil na rin tila ba musika sa kaniya ang tawa ng pinunong Azrel
Nakaupo ngayon si Ali sa harap ng pinuno. Nahihiya pa rin ito dahil sa mga nangyari. Sa tuwing tinitignan niya kasi ito ay naaalala niya ang mga ekspresiyon noong sila’y nagtatalik at kapag nangyayari yun ay hindi niya napipigilan ang kaniyang damdamin. Kaya minabuti niyang huwag itong tignan sa mata. Hindi na ipinagtataka ng pinuno kung bakit ito hindi makatingin sa kaniya dahil maging siya ay nahihiya ring tignan ito. Pero kailangan nila itong pag-usapan dahil sa sumpa. Nasabi lahat ni Ali ang totoo mula sa kung paano niya natanggap ang sumpa hanggang sa pagkarating nila sa mundong ito. Pilit naman itong initindi ng pinuno.
“Ibig mong sabihin, nang pumasok kayo sa lagusan ay ikaw na lang mag-isa?,” nagtatakang tanong ng pinuno.
Malungkot na tumango bilang tugon si Ali.
“Kung gayon ay kailangan nating kumunsulta sa isang salamangkero. Marahil ay may alam sila tungkol dito. Ngayon ko lamang narinig ang ganiyang pangyayari pero hindi na nakapagtataka. Marami nang hindi maipaliwanag na nagaganap dito sa mundong ito. Simula nang lumaganap ang sumpang ito ay hindi na natihimik ang lahat ng kaharian,” lintanya ng pinuno.
Tahimik lamang nakikinig si Ali sa mga sinasabi ng pinuno dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Natatakot siya sa mga nangyayari dahil tila ba kahit ang mga kaharian dito’y walang magawa.
“Saka Ali, kailangan mong malaman na malala na ang lagay mo. Ngunit masasabi kong ang mga gaya mong diyan tinamaan ng sumpa ay maaaring mabuhay ng matagal hangga’t kayo’y nakikipagtalik”
“Ano pong ibig niyong sabihin? Gaya ko? Anong-” puno ng katanungan ang isip ni Ali ngayon dahil sa mga nalalamang impormasyon. Napabuntong hininga ang pinuno at ipinaliwanag sa abot ng kaniyang makakaya ang kaniyang nalalaman.
“Iba-iba ang tinatamaan ng sumpa. Kung saan may marka ng bulaklak na itim ay doon sinumpa ang mga apektado. May mga may marka sa kamay, sa paa at ibat ibang parte ng kanilang katawan at sa kaso mo ay ang iyong kaselanan. Hindi ko alam kung tama ang sasabihin ko ngunit maswerte ka dahil magagawan ng paraan ang iyong sumpa ngunit sa karamihan ay hindi ito naagapan ng kahit anong paraan.” paliwanag ng pinuno.
Maswerte? Maswerte bang masasabi na habang buhay itong dala-dala?
“Alam kong mahirap Ali pero lahat ay gumagalaw upang tuluyan nang mawala ito. Wag ka sanang panghinaan ng loob…” malungkot na sabi ng pinuno sa ngayo’y natutulalang binata.
“Ali…” tawag nito sa binata.
“Wag po kayong mag-alala, matagal ko nang tanggap ang sumpang ito…” pilit na ngiti ni Ali.
“Pero kailangan mo pa ring mag-ingat Ali. Kailangan meron ka laging kasama. Alam mo naman ang kalagayan mo hindi ba? Gaya na lamang kahapon, paano kung hindi ako napadaan noon? Ano na lamang mangyayari sayo? Mawawalan ng saysay lahat ng sakripisyo mo Ali.” paliwanag ng pinuno.
Yumuko lang si Ali dahil tama ang pinuno. Pero hindi na siya makakapayag na ang pinuno ang magiging katuwang niya rito dahil ayaw niyang magtaksil sa reyna. Pakiramdam niya kasi ay tila nagkasala sila ng malaki sa reyna dahil sa nangyari.
“Anong nasa isip mo Ali?” tanong ng pinuno..
“Tama po kayo pinuno…” sagot nito. Naghintay pa ang pinuno dahil parang may gusto pang sabihin si Ali. Gusto sanang idagdag ni Ali na ayaw niyang maulit ang nangyari sa kanila ng pinuno pero parang may pumipigil sa kaniya. Kung iisipin, sino pa bang maaaring makatulong sa kaniya maliban sa pinuno diba? Nagtatalo na ang kaniyang isipan sa kung ano ang gagawin. Nakokonsensya siya pero kailangan din niyang maging praktikal.
Bumuntong hininga ang pinuno. Sa isip niya’y kailangan pa ni Ali ng oras mag-isip.
“Kung gayon ay dumito ka na muna sa Asygrat pansamantala habang hinahanap ng aking mga tauhan ang iyong mga kasama. Mas ligtas ka rito Ali,” tumingin si Ali sa pinuno. Ngumiti naman ang pinuno pabalik upang ipakita ang kaniyang sinseridad.
“Mahahanap din natin sila Ali. At sa oras na mahanap sila ay pinapangako kong tutulong ang Asygrat sa paghahanap niyo ng lunas,” alam ng pinuno kung gaano kaliit ang tyansa nilang magtagumpay ngunit hindi niya maatim na sabihin ito kay Ali lalo’t kitang kita ang kagustuhan nitong gumaling.
Ngumiti si Ali sa sinabi ng pinuno.
“Salamat po pinuno. Tatanawin ko itong isang malaking utang na loob..” sagot ni Ali. Ngumiti’t tumango naman ang pinuno pabalik. Sa isip ng pinuno ay kahit maliit ang tyansa ay baka si Ali ang magiging susi para tuluyan nang mawakasan ang sumpang ito. Una palang ay ramdam na niyang espesyal si Ali. Tila ba nagbibigay ito ng enerhiya na hindi niya maipaliwanag na nagbibigay pag-asa sa kanila. Inalala muli niya ang mga nangyari sa kanila ni Ali kahapon. Hindi niya maipaliwanag ang kaganapang iyon. Nang sila’y nagtatalik ay nakaramdam siya ng kakaibang enerhiya na dumadaloy sa kaniyang mga ugat na kailanma’y di niya pa naramdaman.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Ali dahil hindi na niya nais pang maabala ang pinuno sa dami ng ginagawa nito. Bubuksan na sana ni Ali ang pinto nang hinawakan ng pinuno ang balikat nito. Nanigas ito sa gulat at agad lumingon. Tumingala siya at nagtama ang mga mata nila ni pinunong Azrel. Hindi naiwasan ni Ali na mamula dahil sa pagtama ng kanilang mga mata. Napakalakas ng presensiya ng pinuno. Nakakapanghina ang mga titig nito.
“Ah…m-may kailangan ka pa po ba pinuno?” nauutal na tanong ni Ali
Inilabas ni Azrel ang isang pulseras mula sa kaniyang bulsa. Isang simpleng pulseras ito na gawa sa pilak. Iniabot nito ang pulseras kay Ali.
“Kunin mo to Ali. Hindi lamang ito isang normal na palamuti. Binasbasan ito ng isang diwata upang malaman ko kung ika’y nasa panganib na at kung umaatake na naman ang sumpa,” paliwanag ng pinuno.
Inabot naman ito ni Ali at saka sinuot. Tumingin ito sa pinuno at ngumiti’t nagpasalamat.
“Maraming salamat pinuno,” sabi ni Ali.
“Walang anuman. Sige, makakaalis ka na..” sagot ng pinuno. Tumango naman pabalik si Ali saka yumuko ng bahagya bilang pagbibigay- galang saka ito lumabas ng silid.
Bumalik si Ali sa kaniyang silid. Pilit niyang winawaglit sa kaniyang isipan ang mga pangyayari. Ayaw niya munang isipin ang mga ito kahit ngayon lang. Nakatingin ito sa malayo mula sa kaniyang bintana. Napakaganda ng araw ngayon ngunit malungkot ang mga mata ni Ali. Nangungulila din siya sa presensya ni Andreas. Kinailangan muling maglakbay ni Andreas para sa isang misyon kaya naman matatagalan bago niya ito makikita.
Habang nakatingin sa labas ay napansin niya ang isang anyo na tila nag-eensayo sa baba. Tinignan niya itong mabuti at namukhaan kung sino ito. Si Somir. Napabuntong-hininga si Ali habang nakatingin sa barbaro. Iniisip niya kung kailangan kaya niya ito makakasundo? Nais kasi ni Ali na habang nandito siya ay magkaayos man lang silang dalawa.
Pero hindi niya alam kung saan magsisimula.
Samantala, abala si Somir sa pag-eensayo upang ibaling ang kaniyang atensiyon sa ibang bagay. Sa tuwing nag-eensayo siya’y mas nakakapag-isip siya ng maayos. Sa katunayan ay nais niyang makipag-ayos kay Ali dahil nagkamali nga siya ng akala rito. Wala itong masamang intensiyon ngunit isa lang ang nasisigurado niya, may dugong Severian ang binata. Hindi man niya tuluyang matatanggap ang binata ngunit habang nandito ito’y kailangan niyang maging sibilisado dahil maraming mga pagkakataon na sila’y magkikita lalo na’t sa iisang palasyo lamang sila nakatira.
“HAAAAAAAAA!!!” sigaw ni Somir habang winawasiwas ang kaniyang espada sa hangin.
Si Ali naman ay nakatingin lang kay Somir. Nakaupo ito sa isang silya habang nanonood sa nag-eensayong barbaro. Namamangha si Ali sa mga nakikitang galaw nito. Maliksi at mabilis. Sanay na sanay ito sa paghawak ng espada. Nasa ganung kalagayan lang si Ali hanggang sa unti-unti itong nakatulog. Sa pagtulog nito’y nagkaroon siya ng isang panaginip. Pero ang mga imaheng nakikita niya ay parang totoong totoo. Parang hindi panaginip.
Sa kaniyang panaginip ay lumulutang siya sa kalawakan. Pinapaligiran siya ng mga bituin at mga nagliliparang bato. Maraming nangyayari ngunit manghang mangha siya sa nakikita. Habang inililibot niya ang kaniyang paningin sa mga nakikita ay may isang maliwanag na pigyura na lumalapit sa kaniya.
Wala siyang maaninag na mukha nito. Halos mabulag siya sa tindi ng liwanag. Sumasakit ang kaniyang ulo habang pilit na binubuksan ang kaniyang mga mata. Sumisigaw na ito sa kaniyang panaginip dahil di niya nakakayanan ang pwersang bumabalot sa kaniya.
Hanggang sa may naramdaman siyang humawak sa kaniyang kamay. Napakalamig ng kamay na ito ngunit sa haplos nito’y nakaramdam siya ng kaginhawaan.
Pinilit buksan ni Ali ang kaniyang mga mata at namangha siya sa kaniyang nakita.
Isang magandang babae ang ngayo’y nakatingin sa kaniya. Napakaaliwalas ng mukha nito. Kulay lila ang balat nito at puti ang mga mata nito. Maikli ang kulay puti nitong buhok.
“Sino ka?” tanong ni Ali ngunit hindi sumagot ang babae. Ngumiti lang ito at kinumpas ang kaniyang kamay. May kung anong liwanag ang sumusnod sa bawat pagguhit ng daliri nito. Unti-unti ay may nabubuong isang bagay na nagliliwanag. Inabot ng babae ang bagay na ito kay Ali.
Tinanggap ito ni Ali. Nang tinanggap na ito ni Ali ay unti-unting naglalaho ang lahat. Nakaramdam ng takot si Ali nang unti-unting nabalot ng kadiliman ang paligid. Sumisigaw na ito sa kawalan at humihingi ng tulong ngunti walang nangyayari.
Unti-unting nawawala ang liwanag at kadiliman na lamang ang nanaig. May mga sigaw at magulong mga salita itong naririnig. Nakakaramdam siya ng parang pagkasunog ng kaniyang katawan.
Napakainit.
Para siyang matutusta sa tindi ng init nito ngunit tila walang nangyayari sa kaniyang katawan. Maya-maya pa ay nakaramdam siya ng mga kamay na nakakapasong humahawak sa kaniya. Sobrang takot na takot si Ali. Hindi niya alam ang gagawin. Hanggang sa..
“TULONG!!!!!” sigaw ni Ali at nagising itong humahangos at nakahawak sa kaniyang dibdib. Napakaklaro pa rin sa kaniyang isipan ang panaginip na iyon. Pinakaramdaman niya muli ang kaniyang katawan.
Wala na ang init. Wala na rin ang mga kamay na humahawak sa kaniya. Napakabilis ng paghinga ni Ali. Pilit niyang pinapakalma ang sarili nang mapagtantong panaginip lang ang lahat.
“Panaginip lang iyon ali…” paulit-ulit na sinasabi ni Ali sa sarili pero andun pa rin talaga yung takot.
Ilang sandali ang lumipas ay unti-unti nang umaayos ang pakiramdam ni Ali. Akmang lalabas sana ito sa kaniyang silid upang lumanghap ng sariwang hangin nang may napansin siyang bagay na naliliwanag sa kaniyang kamay.
Isang dilaw na diyamante. Nagtataka si Ali kung paano siya nagkaroon nito. Inaalala niya ang nakaraan kung may napulot o naibigay sa kaniyang ganito ngunit wala. hanggang sa naisip niya ang kaniyang panaginip. Possible kaya?
Pero paano?
Pinagmasdan niyang mabuti ang diyamante. Napakaganda nito ngunit hindi kasing liwanag sa kaniyang panaginip. Habang sinusuri ang diyamante ay naisip niya ang pinuno.
Mukhang kailangan na nilang kumunsulta sa isang salamngkero sa lalong madaling panahon.
Agad pumunta si Ali sa pinuno at ipinaliwanag ang kaniyang panaginip at kung paano niya nadala ang dilaw na dyamante sa totoong buhay mula sa kaniyang panaginip. Nang marinig ni Azrel ang kwento ni Ali ay nagulat ito.
“Sigurado ka ba sa nakita mo Ali?” di pa ring makapaniwalang tanong ni Azrel.
“Siguradong sigurado po ako pinuno.” tugon ni Ali saka muling inabot kay pinunong Azrel ang dilaw na dyamante. Manghang tinignan ito ni Azrel. Nang hawakan niya ito ay naramdaman niya ang taglay na kapangyarihan nito. Hindi ito basta bastang diyamante lang sapagkat..
“Hindi maaari…paano?…” naguguluhang sabi ni Azrel. Nag-alala na si Ali sa kinikilos ng pinuno kasabay nun ay nais niya ng sagot.
“Anong ibig niyong sabihin pinuno? A-alam niyo po kung ano yan?” tanong ni Ali.
Tumingin ang pinuno kay Ali. Tanging pagkalito lamang ang maipipinta sa mukha ng pinuno.
“Celestia….”
“Po?”
“Kung hindi ako nagkakamali, si Celestia ang nagpakita sa’yo” sagot ng pinuno.
“Sino po si Celestia?” tanong ni Ali.
Bumuntong hininga si Azrel upang pakalmahin ang sarili dahil sa gulat. Pagkatapos ay ipinaliwanag nito kung si Celestia.
“Si Celestia ang tagapagbantay ng Kalawakan. Isa siya sa mga pinakamalakas na nilalang sa buong kalawakan. Kontrolado niya oras at panahon kaya naman maaari niyang ibalik o pabilisin ang oras kung kaniyang nanaisin. Dahil sa matinding kapangyarihan ni Celestia ay labis siyang kinakatakutan ng ibang mga tagabantay at tinuring siyang pinuno ng lahat ng tagabantay. Iilang nilalang lamang ang nakakita sa itsura ni Celstia liban sa mga tagabantay. Mga hari at makapangyarihang mga diwata’t salamangkero lamang ang nabigyan ng pagkakataong makita ito. Isa na doon ang aking ama..”
“Pero bakit po kaya siya nagpakita sa akin.?” pagtataka ni Ali..
“Hindi ko rin alam Ali pero isa lang ang ibig sabihin nito,” sabi ng pinuno.
“Nasa panig natin ang diyosa…” masayang sabi ng pinuno. Nakaramdam din ng tuwa si Ali dahil isang makapangyarihang nilalang nasa panig nila. Ibig sabihin lamang nito ay malaki ang tyansa nikang magtagumpay.
“Kailangan na nating dumulog sa salamangkero ng Asygrat at nang mabigyan tayo ng sagot sa iyong naging panaginip,” sabi ng pinuno kay Ali, “maghanda ka at pupunta tayo sa kagubatan kung saan naninirahan si Yosev. Siya ang pinakamagaling na salamangkero sa buong Asygrat at ang aking tagapayo.”
“Kung ganun po ay bakit hindi siya dito sa palasyo namamalagi?”takang tanong ni Ali.
Sumeryoso ang mukha ng pinuno at tila nagpipigil ng galit. Nakakuyum ang kamao nito dahil muli nitong naalala ang ginawa sa matalik na kaibigan at tagpayo.
“Maraming nainggit sa kakayahan ni Yosev. Ang mga hayop na yun ang nagtulong-tulong para ikulong si Yosev sa sarili nitong tahanan. Ngunit sadyang malakas si Yosev kaya nagawa niyang baguhin ang mahika na ipinataw sa kaniya. Nagtagumpay ang mga ibang salamangkero na ikulong ito ngunit maaari pa ring makadalaw ang kahit sino rito. Ang problema lang ay hindi na ito makakalabas sa kaniyang tahanan.” kwento ng pinuno.
Nakaramdam ng awa si Ali sa pinagdaanan ng salamangkero. Dahil sa inggit ay nagawa nila itong ikulong para sila ang mamayagpag sa mundo ng mahika.
“Hindi ko na nahuli ang mga salamangkerong ito dahil malakas ang kanilang pwersa. Pero hindi ako susuko hangga’t hindi ko napapalaya ang aking kaibigan.” sabi ng pinuno.
Si Yosev ay isang tapat na kaibigan at kasangga ng pinuno mula pa nang sila’y mga bata. Parang kapatid na ang turing nito sa kaniya kaya naman labis ang galit niya sa pagkakakulong nito kahit wala naman itong nagawang masama.
“Wag na nating pag-usapan ang nakaraan. Ang mahalaga ay makuha natin ang impormasyong kailangan natin,” walang emosyong sabi ng pinuno. Ngayon lamang naramdaman ni Ali ang lamig ng tono ng pinuno. Hindi siya sanay.
“Masusunod…” sagot na lamang ni Ali at lumabas ng silid at naghanda sa kanilang pagpunta sa kakahuyan.
Lulan ng isang karwahe ay naglakbay ang dalawa sa kakahuyan. Tahimik lamang sila sa buong biyahe. Nang nakarating lamang sila sa mansyon ni Yosev saka muling nagsalita ang pinuno.
“Nandito na tayo,” sabi ng pinuno.
Lumabas sila sa karwahe at nang nakita ni Ali ang bahay ni Yosev ay namangha ito sa laki at ganda nito. Kasama ang pinuno ay naglakad na sila papasok sa teritoryo ng salamangkero. Nang makarating sila sa pinto ay may nakatayong lalaking nakangiti sa kanila. Ito na nga si Yosev.
“Kinagagalak ko ang inyong pagdalaw pinuno,” pagbati ni Yosev sa kanila. Bahagya siyang yumuko para magbigay-pugay sa kaniyang pinuno.
“Kinagagalak din kitang makita ulit aking kaibigan,” pagbati naman ni pinunong Azrel.
“Ako po si Ali, kinagagalak po kitang makilala ginoong Yosev,” pagpapakilala ni Ali.
“Magandang araw sa iyo Ali..” pagbati naman ni Yosev kay Ali.
“Tara sa loob at doon tayo mag-usap,” sabi ni Yosev at binuksan ang pinto saka pinapasok ang kaniyang bisita. Namangha si Ali sa ganda ng bahay ni Yosev. Pinagmasdan niya ang bawat detalye ng disenyo ng bahay at bigla-bigla nalang nagsisilabasan ang mga ideya sa kaniyang isipan. Nasasabik ang binata sa maaari niyang madisenyong alahas base sa mga nakitang disenyo ng bahay. May ibang dating kasi ang bahay na ito kay Ali. Para bang nagbigay ito ng inspirasyon sa kaniya.
Sumunod ang dalawa sa may-ari ng bahay. Tumaas sila sa ikalawang palapag ng bahay at pumasok sa isang silid. Walang nakatakas sa paningin ni Ali na detalye sa mansion at mukhang napansin ito ni Yosev dahil kanina pa niya nakikita ang pagkilatis ng binata sa kaniyang bahay. Sa katunayan ay natutuwa siya rito.
“Napakaganda ng bahay niyo ginoo,” hindi naiwasang sabihin ni Ali.
“Maraming salamat Ali..” sagot naman ni Yosev habang naghahanda ng maiinom.
“Inom muna kayo..” alok ni Yosev. Nagpasalamat naman ang dalawa at uminom. Nagliwanag ang mukha ni Ali dahil sa sarap ng kung anumang pinainom sa kanila. Kailanman ay hindi pa niya natikaman ang ganitong lasa ng inumin.
“Ang sarap naman nito,” bulong ni Ali sa sarili pero narinig ito ng pinuno at ni Yosev kaya’t kapwa napatawa ng bahagya ang dalawa. Namula naman sa hiya si Ali ngunit tuloy lang ito sa pag-inom.
“Iyan ay katas ng aspiro, isang prutas na matatagpuan lamang sa Dimia,” sabi ng pinuno kay Ali.
“Ngayon lamang ako nakatikim ng ganitong juice eh,” masayang sabi ni Ali.
“Juice?” takang tanong ni Azrel.
“Ah…opo pinuno, yun po ang tawag namin sa ganito sa mundo ko,” paliwanag naman ni Ali.
Napatango lang ang pinuno. Sa katunayan ay maraming salita ang natutunan ni Azrel mula sa mundo ni Ali nang dumating ito sa kanilang palasyo at ang lahat ng salitang ito ay nakatatak sa kaniyang utak.
“Mukhang may natutunan na naman tayong bagong salita kaibigan,” biro ni Yosev at napatawa ang lahat.
“Masaya akong muli na namang napuno ng tawa ang bahay na ito. Buti at naisipan niyong dumalaw rito,” sabi ni Yosev. Ngumiti lang si Azrel sa sinabi ng kaibigan. Ibinababa nito ang kaniyang tasa at huminga ng malalim. Sumeryoso na din ang ekspresiyon nito.
“Sa katunayan ay kailangan namin ang tulong mo.” sabi ng pinuno.
“Kahit ano kaibigan. Hangga’t abot ng aking kapangyarihan…” sagot ni Yosev.
Ipinaliwanag nila ang nangyari. Habang nakikinig si Yosev ay hindi ito makapaniwala sa mga nangyayari.
“Hindi pa rin ako makapaniwala na nagpakita ang dakilang Celestia sa isang hindi hari o salamangkero,” sambit ni Yosev,” marahil ay may malalim na dahilan si Celestia kung bakit siya nagpakita sa yo.”
“Siguro po. Pero nang natanggap ko ang diyamante bigla na lang akong binalot ng kadiliman. Sobrang nakakatakot po iyon. Para akong hinihila ng ilang mga kamay. Para bang nilalamon ako ng dilim,” sagot ni Ali.
“Kung tama ang aking palagay ay may nais iparating si Celestia tungkol diyan. “
“Dravos…” biglang turan ni Yosev.
Nanlaki ang mga mata ni Azrel nang marinig ang pangalang binanggit ni Yosev.
“Hindi maaari….” ang tanging nasabi lang ni Azrel. Naramdaman ni Ali ang tensyon sa hangin. Kinabahan ito dahil sa ipinakitang ekspresyon ng dalawang magkaibigan nang binaggit ang Dravos.
“Ano pong ibig niyong sabihin? Sino po si Dravos?” tanong ni Ali.
“Si Dravos ang diyos ng kadiliman. Siya lamang ang pwedeng tumapat sa kapangyarihan ni Celestia. Ang ibig sabihin lang ng panaginip mo ay may namumuong pag-aalsa sa kalawakan. Mukhang nagpaplano si Dravos ng isang digmaan laban sa mga tagabantay..” paliwanag ni Yosev.
Nanginig sa takot si Ali dahil sa narinig.
“K-kung ganun, b-bakit saakin nagpakita ang tagabantay?” nauutal na tanong ni Ali na ngayo’y takot na takot kaya naman hinawakan ni Azrel ang mga kamay nitong nanlalamig at nanginginig na.
“Patawad ngunit hindi ko alam Ali..Ang nasisigurado ko lang ay malaki ang magiging ambag mo sa digmaang ito.” malungkot na sabi ni Yosev. Hindi na nakasagot pa si Ali. Pakiramdam niya’y para siyang mauubusan ng lakas sa mga nalalaman. Hindi niya aakalaing aabot ito sa ganito. Simple lang naman ang nais niya, ang gumaling pero habang papalapit siya ng papalapit sa lunas ay pahirap ng pahirap. Sa lahat ng pipiliing maging espesyal ay bakit siya pa?
Umiiyak na si Ali dahil sa mga nalaman. Isa lamang siyang mortal at di hamak na mahina kumpara sa mga naglalakasang diyos sa kalawakan. Napakasama ng tadhana sa kaniya. Napaksimple lang ng pangarap ni Ali. Hindi niya kailanman ninais na maging isang bayani pero heto siya ngayon, isang mahalagang instrumento sa parating na digmaan.
“Ali…” pagtawag ni Azrel sa pangalan nito habang inaalo ang umiiyak na binata. Matinding pagkahabag ang nararamdaman ngayon ni Azrel para sa binata. Hindi rin siya makapaniwala sa mga nalaman. Marahil nga ay may espesyal sa binatang ito kaya siya itinadhana para sa malalaking bagay.
Ilang araw nalugmok si Ali sa kaniyang silid. Takot na takot pa rin ito sa kaniyang maaaring maging tadhana. Samantala, hindi naman nagkulang si Azrel sa pagbantay rito. Ilang beses na siyang ipinagtabuyan ng binata pero hindi ito sumuko sa pag-alaga rito. Ipinaramdam niya rito na hindi siya nag-iisa. Maging ang asawa nito ay tila naging isang ina sa binata.
Malaki ang pinagbago ni Ali simula ng araw na iyon. Lagi itong nakatulala at nag-iisip. Habang dumadaan ang araw ay unti-unti nang natatanggap ni Ali ang mga pangyayari. Nakatulong ang pag-aasikaso sa kaniya ng mga pinuno ng Asygrat. Laking pasasalamat ni Ali sa mga ito dahil hindi nila ito sinukuan.
Unti-unting bumabalik ang dating Ali ngunit mapapansin pa rin ang malaking pinagbago nito. Nabawasan ang kaniyang pagiging masiyahin at mas sumeryoso ito lalo na sa pag-aaral tungkol sa kalawakan at kung ano ano pang bagay. Ilang linggo na ang lumipas simula nang managinip si Ali. Hindi na muli nagparamdam si Celestia rito. Wala ring balita tungkol sa kaniyang ama kaya naman mas nangangaba ito sa kalagayan ng mga ito.
“Hnnngggghhhh…..” impit na ungol ni Ali habang nilalapirot ni pinunong Azrel ang utong nito. Gustong-gusto ng pinuno na dinidilaan at nilalaro ang utong ng binata dahil napakasensitibo nito. Natutuwa siya kapag nakikita ang nasasarapan ngunit nahihirapang mukha ni Ali. Nabubuhay ang dugo niya kapag nangyayari yun at mas lalo lamang siyang ginaganahan. Samantalang si Ali naman ay mahigpit ang kapit sa kaniyng kobre kama dahil sa matinding sensasyong dulot ng paglapirot ngpinuno sa kaniyang utong. Pinipilit niyang huwag gumawa ng ingay ngunit sa simpleng hawak lamang sa kaniyang katawan ay napapaungol ito sa sarap.
“Shhh…..Akala ko ba ayaw mong may makarinig sa tin?” pang-aasar ng pinuno kay Ali. Nakadama ng inis si Ali sa pang-aasar ni Azrel ngunit mas nangingibabaw ang sarap ng bawat haplos ng kamay nito sa kaniyang buong katawan.
“Balita ko sinusubukan mong mag-aral ng mahika..” banggit ni Azrel habang patuloy na minamasahe ang basang butas ni Ali.
“Hmmmmm….Opo, dahil kailangan ko ring ipagtanggol ang sarili ko…” sagot ni Ali
“Bakit? Sa tingin mo ba di kita kayang protektahan?” tanong ni Azrel sabay sipsip sa utong ni Ali. Napahiyaw naman sa sarap si Ali.
“Hindi naman sa ganun pinuno,. Ngunit hindi sa lahat ng oras ay nasa tabi ko kayo,” katuwiran ni Ali. Tama si Ali sa isip ni Azrel. Darating ang panahon na aalis din ang binata at ipagpapatuloy ang kaniyang paglalakbay habang siya’y nakabantay at nakagabay lang mula sa malayo sapagkat hindi niya maaaring iwanan ang kaniyang kaharian ng mahabang panahon. Gustuhin man niyang samahan ito hanggang sa huli ay may responsibilidad siya dito sa Asygrat.
Habang iniisip ito ay tila ba nakakaramdam ng kirot ang pinuno. Napalapit na kasi ito sa binata. Tinuring na niya itong kaibigan kaya naman mahirap tanggapin ang mangyayari sa hinaharap. Napansin ni Ali ang tila tumatamlay na pinuno
“May problema po ba?” tanong ni Ali
“wala…” pilit na ngiting sagot ni Azrel bago tuluyang sakupin ang mga labi ni Ali nang akmang magsasalita pa sana ito. Nagulat si Ali sa biglang paghalik sa kaniya ni Azrel ngunit nadala agad ito sa mapusok ngunit matamis na halik ni Azrel. Napakasarap ng bawat hagod ni Azrel sa mga labi ni Ali kaya naman para na itong malalasing sa sarap. Ilang ulit na nilang ginawa ito ngunit ang pakiramdam ay parang nung una pa rin. Sa katunayan ay alam ng reyna ang namamagitan sa kanila. Hindi kaya ni Azrel na maglihim sa asawa kaya naman inamin niya ang lahat dito. Naintindihan naman ng reyna ang dahilan kaya kahit masakit ay tinanggap niya ito. Hindi na sinabi ni Azrel kay Ali ang nangyari.
Bilang respeto sa reyna ay tanging sa silid lamang ni Ali sila nagtatalik sa tuwing inaatake ng sumpa si Ali. Mabigat man sa kalooban nilang tatlo ang mga nangyayari ay wala silang magagawa kundi hayaan itong mangyari. Hanggang sa nasanay na lamang sila sa ganitang relasyon.
“Ahhhhh….tangina” ungol ni Azrel habang kasalukuyan siyang sinusubo ni Ali. Damang dama ni Azrel ang bawat sipsip at paglaro ng dila ni Ali sa kabuuan nito. Si Ali pa lang ang nakakagawa nito sa kaniya.
“Uhmmmmpppp” tunog ng bawat subo ni Ali sa kahabaan ng pinuno. Sarap na sarap siya sa paghagod ng burat ng pinuno sa kaniyang bibig at lalamunan. Mas lalo itong ginaganahan habang tinitignan ang nahihirapan at nasasarapang mukha ng pinuno. Nakakadagdag libog din ang mga ugat nito sa kamay na naglalabasan dahil sa gigil. Ang mga masel din nito sa katawan ay nagbibigay lakas sa kaniya upang pagbutihin pa ang ginagawa. Kapwa sila sarap na sarap sa ginagawa at tila ayaw nilang matapos ito.
Maya-maya pa ay tinutok na ni Azrel ang kaniyang matigas at basang basang burat sa bukana ni Ali. Dahan dahan nitong pinapasok ang kaniyang kabuuan at swabe itong pumasok. Kapwa sila napahiyaw sa sarap dahil sa muling pag-isa ng kanilang mga katawan. Bawat ayuda ni Azrel ay nagbibigay ng ibayong sarap sa kanilang dalawa. Dahan-dahan ngunit madiin ang bawat paglabas-masok ni Azrel kaya naman damang dama ni Ali ang bawat bahagi ng kahabaan ng katalik sa kaniyang lagusan. Napapaungol ito sa sarap lalo na kapag tinatamaan ni Azrel ang bahagi ng kaniyang katawan na nagbibigay ng ibayong ligaya sa kaniya.
“Ahhh…….pinuno,” mahinang ungol ni Ali. Nakatagilid na kinakantot ni Azrel ang binata. Nakayakap ito sa likod ni Ali kaya damang dama ni Ali ang init na nagmumula sa katawan ni Azrel. Isa ito sa paboritong posisyon ni Ali dahil pakiramdam niya ay ligtas siya sa mga bisig ng pinuno at saka ramdam niya ang mainit na yakap nito sa kaniyang likuran habang siya’y nakakapit sa mga braso nito sa kaniyang harapan.
Gamit ang kaniyang isang kamay, pinisil pisil ni Azrel ang bilugang pang-upo ni Ali. Nilalamas lamas niya ito.
“Hmmmmmm…..” Ungol ni Ali habang ginagawa ito ng pinuno.
Malaya na ring naglandas ang kamay ni Ali sa leeg patungong mukha ng pinuno. Pinilit niyang abutin ang mga mapupulang labi nito na nagaantay ng isang halik. Natunugan naman ni Azrel ang nais mangyari ni Ali kaya siya na mismo ang naglapat sa kaniyang labi sa mga labi ni Ali. Marubdob na hinalikan ni Azrel si Ali at kasabasy ng kanilang mainit na halikan ay bumibilis ang ginagawang pag-ayuda ni Azrel.
Dahil sa matinding sensasyong nararamadaman ay humiwalay si Ali sa kanilang halikan upang huminga. Napakabilis ng tibok ng kaniyang puso at habang mas lumalalim ang bawat pagkantot sa kaniya ni Azrel ay mas lumalakas ang mga ungol nito. Tila musika sa pandinig ni Azrel ang mga ungol ni Ali. Mas ginaganahan siyang kantutin ito dahil dito. Isa pang nagugustuhan niya ay kung paano tanggapin ni Ali ang kaniyang kabuuan ng walang kahirap-hirap. Nagagawa niya ang hindi niya nagagawa sa asawa kay Ali. Kaya naman sa tuwing ginagawa nila ito ni Ali ay binibigay na lahat ni Azrel ang kaniyang makakaya upang maging maligaya at paligayahin si Ali. Ikinulong ni Azrel sa kaniyang palad ang alaga naman ni Ali. Kasabay ng kaniyang mabilis na pag-ayuda ay mabilis din nitong sinasalsal ang alaga ng binata. Puro hiyaw sa sarap ang maririnig mo kay Ali dahil sa napakasarap na sensasyong hatid nito sa kaniya.
“Lalabasan na ako Ali…” madiing sabi ni Azrel habang patuloy na kumakantot.
“Malapit na din ako pinuno,” nahihirapang sabi naman ni Ali na ngayong mahigpit ang kapit sa braso ni Azrel.
Ilang sandali pa ay nagpasabog na ng kani-kanilang katas ang dalawa. Kumalat ang tamod ni Ali sa kobre kama habang si Azrel naman ay muling nagpalabas sa loob ng sinapupunan ni Ali.
“AHHHHHHHHHHHHHH…..” sabay nilang hiyaw nang narating nila ang kasukdulan. Mabilis ang kanilang paghinga at unti-unting lumuluwag ang yakap nila sa isa’t isa habang humuhupa ang init na kanilang nararamdaman. Pakiramdam ni Ali ay punong puno ang kanilang kalooban dahil sa dami ng ipinunla ng pinuno.
Nang huhugutin na ni Azrel ang kaniyang nanlalambot na kargada ay napansin niya ang pagliwanag ng marka sa lagusan ni Ali. Matingkad na kulay rosas ito kaya naman namangha siya. Pakiramdam niya rin ay tila lumakas ang kaniyang enerhiya pagkatapos ng kanilang pagniniig. Matagal na itong napapansin ni Azrel ngunit hindi niya ito binibigyan ng kahulugan ngunit ngayon ay baka may ibig sabihin na ito. Ngayon niya rin lang nakita ang isang may sumpa na nag-iiba at nagliliwanag ang marka.
“Ali..” tawag ng pinuno kay Ali nang pareho na silang kumalma.
“Po?” tanong ni Ali.
“Napansin kong nagliwanag ng ilang sandali ang iyong marka at saka naging kulay rosas ito. Pansin ko rin ang patuloy na pagtingkad nito.” sabi ng pinuno.
“Ano po kayang ibig sabihin nun?” takang tanong ni Ali.
“Hindi ko rin alam, pero isa lang ang kilala kong makakasagot dito.” sagot naman ni Azrel.
“Sino?” tanong naman ni Ali.
“Si Eslan, isang manggagamot na maraming alam tungkol sa sumpa. Naglalakbay din ito para humanap ng lunas at hanggang ngayon ay hindi pa ito nakakabalik,” sagot naman ni Azrel.
“Kung ganun, paano po natin malalaman ang kasagutan?”
Sandaling natahimik si Azrel. Nag-iisip ito kung paano nga ba nila ito matutunton nang biglang mayroong ideya na pumasok sa kaniyang isipan.
“Si Yosev. Maaaring may alam si Yosev upang matunton natin si Eslan.”