Sinumpa 2

Wala sa sariling nakatitig si Ali sa salamin habang inaayos ang kanyang uniporme. Hindi maganda ang bawat araw na pumapasok siya sa eskwela. Laging andun ang takot sa kanya na baka ito na ang maging huling araw niya sa mundo o kung kailan ba siya tuluyang mawalan ng hininga. Araw-araw yun ang iniisip niya sa tuwing pumapasok siya sa eskwela. Dahil sa sumpa sa kanya, nasira ang kanyang kabataan. Maaga siyang namulat sa kamunduhan dahil sa kailangan niya itong gawin sa sarili. OO minsan nagugustuhan niya pero madalas ay nagagalit siya sa sitwasyon niya. Gustong-gusto na niyang gumaling. Atat na atat siyang makanap ng lunas sa kanyang karamdaman. Nagsimula na din siyang magsaliksik tungkol sa kanyang kalagayan ngunit sa halip na sa mga siyentipikong sanggunian siya naghahanap ay sa mga libro ng kulam at iba pa siya naghahanap ng sagot. Pero ni isa ay wala siyang mahanap.

Pagkatapos mag-ayos ay lumabas na siya para sa almusal. Sabay-sabay muli silang mag-anak na nag-almusal at pagkatapos ay inihatid na siya ng kanyang ama sa paaralan. Mabibigat ang kanynag mga hakbang patungo sa silid-aralan at pagkarating niya’y sinalubong siya ng kanyang matalik na kaibigang si Sarah at iba pa nilang dalawang babaeng kaibigan at maya-maya pa ay nagsimula na ang kanilang klase.

Pagdating ng hapon ay nararamdaman na ni Ali ang muling pagsikip ng kanyang butas. Kung dati ay nakakauwi muna siya bago nangyayari yun ngunit iba na naman ngayon. Kita niya sa orasan na malapit nang matapos ang klase..

“Konting tiis na lang…” turan ni Ali sa kanyang isipan. Napapangiwi siya sa pagsikip nito ngunit sa kabutihang palad ay hindi pa naman siya nahihirapang huminga ngunit sa isip niya ay kailangan na niyang umuwi dahil kung hindi ay maaari na niya itong ikamatay.

Dali siyang tumayo at nagmistulang may iniindang sakit. Napansin naman ito ng kanyang guro at nang magpaalam si Ali na masama ang kanyang pakiramdam ay pinayagan itong umuwi na. Pagkalabas ng silid ay agad siyang tumakbo sa sakayan pauwi. Ramdam na niya na unti unti na siyang nahihirapang huminga. Palala lamang ito ng palala habang tumatagal. Taimtim siyang nagdadasal na sana bigyan pa siya ng pagkakataon at oras para mabuhay. Araw-araw na ganito ang kanyang nararanasan at pagod na pagod na ang binata. Gusto niya ng normal na buhay ngunit parang sa tingin niya’y hirap ang tadhanang ibigay ito sa kanya.

Pagkarating niya sa bahay nila ay halos mapigtas na ang kanyang hininga. Dumeretso siya sa kanyang kwarto na halos mawalan na ng hangin. Agad niyang inilabas ang kanyang laruan at pinahiran ng pampadulas at unti unti niyang pinapasok sa kanyang likuran. Dahan-dahan niya itong pinapasok at bawat pagpasok ay may kasamang sakit na para siyang pinupunit dahil muli na namang magbubukas ang kanyang butas.

ilang mahihinang ulos pa ang ginawa ni Ali nang tuluyan nang bumuti ang kanyang kalagayan. Napaluha na lamang siya sa nangyari. Ito na ang kinakatakutan niya.

Araw araw ay dahan dahan siyang pinapatay ng sumpa.

—————–

Malalim na ang gabi ngunit si Armando ay dilat na dilat pa rin. Ilang gabi siyang di dinadalaw ng antok dahil sa mga rebelasyong kanyang natuklasan. Hirap na hirap na siyang makahanap ng solusyon sa kanyang problema. Awang-awa na din siya sa kanyang bunsong anak dahil sa kalagayan at ito ang dahilan kung bakit hindi siya susuko sa paghahanap ng lunas, ng sagot sa kanyang mga katanungan at alam din niyang ang matandang iyon lamang ang maaaring makatulong sa kanya. Desidido na si Armando na pagtuunan ito ng pansin nang sa gayun ay maging maayos na ang lahat at para na rin sa kanilang katahimikan. Napagdesisyunan niyang bukas na bukas ay muli siyang paparoon sa tirahan ng matanda upang humingi ng tulong.

Kinaumagahan ay maagang umalis si Armando. Hindi na niya nagawang magpaalam sa asawa dahil sa himbing ng tulog ni Nerissa at ayaw niya itong istorbohin. Alam din ni Armando ang hirap na dinadanas ngayon ng kanyang asawa kaya mahalaga ang bawat minuto ng pahinga.

Habang nagmamaneho ay maraming tumatakbo sa isip ni Armando lalo na ang dahilan ng pagkakasumpa ng kanyang anak. Malakas ang kutob niyang ang pagkakasumpa ng kanyang anak ay dahil sa nakaraan. Hindi niya mapigilan ang galit dahil sa pagkakadamay ng kanyang anak sa isang kasalanang wala naman silang kinalaman. Hindi rin niya maiwasang hindi magalit sa ama dahil sa nagawa nitong pagpaslang kay Ben.

Mataas na ang sikat ng araw ng nakarating si Armando sa bahay ng matanda. Pagkarating niya ay nandoon ang matanda sa may pintuan at para bang alam niyang darating si Armando sa kanyang tahanan. Agad namang sumenyas ang matanda na pumasok si Armando na siya namang agad sinunod ng huli. Pagkarating sa sala ay pinaupo ng matanda si Armando habang naghahanda siya ng maiinom. Pagkatapos ay umupo na ang matanda sa kanyang silya malapit sa bintana. Humigop ang matanda ng tsaa saka nagsalita.

“Bakit ka naparito?” tanong ng matanda.

“Maramai pong bumabagabag sa aking isipan ngayon…Gusto ko po ng kasagutan.”

Nakatingin lamang ang matanda sa labas habang sila ay nag uusap. Puno pa rin ng kaba si Armando at baka tulad noong huli nilang pag-uusap ay baka hindi niya maproseso ng maigi ang kaniyang malalaman.

“kailangan mo ng kasagutan ngunit handa ka ba sa mga ito?” mahina ngunit makahulugang turan ng matanda. Saglit na natigilan si Armando. Marahil nga ay hindi magiging maganda ang sagot na kaniyang ninanais ngunit mas mainam na malaman niya ito at masaktan o kung anuman kesa manatili siya sa dilim. Biglang sumagi sa kanyang isipan ang kanyang anak kaya naman buong lakas loob siyang sumagot sa matanda ng oo.

“Kung gayun ay ano pang nais mong malaman?” seryosong tanong ng matanda.

———————–

Tanging kaskas lamang ng lapis ang maririnig sa sailid ni Ali. Nakasentro ang kaniyang atensyon sa ginuguhit. Magaling si Ali sa sining. Ito ang kanyang libanagan at bukod dun ay gusto niyang pasukin ang mundo ng sining bilang kaniyang karera. Gusto niyang pasukin ang makulay na mundo ng fashion designing partikular na ang pagdidesenyo ng mga alahas. Mahilig si Ali sa mga alahas. Nais niyang gumwa ng mga alahas na magpapalabas sa kumpiyansa ng mga magsusuot nito. Gusto niyang maramdaman ng mga magsusuot ng kaniyang mga alahas na sila ay maganda. Mula noong siya ay bata ay hinahasa na niya ang kaniyang natuklasang talento sa pagguhit at handa rin siyang matuto pa at mas gumaling sa larangang pinili.

Konti na na lamang ay matatapos na niya ang kaniyang ginuguhit. Isa itong kwintas. Ang kwintas na ito marahil ang kaniyang pinakamatagal na ginawa at masasabi niyang isa sa mga pinakamalapit sa kaniyang puso. Ang kwintas na ito kasi ay ang pangarap niyang maging totoo at ibibigay niya ito sa kaniyang ina bilang regalo.

Dahil sa matinding konsetrasyon sa ginagawa ay hindi niya napansin na madilim na pala. Pagtingin niya sa kaniyang orasan ay alas otso na ng gabi. Ramdam na rin niya ang pananakit ng kaniyang kamay at balikat. Nag-inat ng ilang minuto si Ali at pagkatpos ay bumaba siya sa sala. Nadatnan niya doon ang kaniyang kuya Albert, ang panganay sa kanilang magkakapatid. Nakahiga lamang ito sa sofa habang suot pa rin ang kaniyang uniporme sa trabaho. Siya ay nagtatrabaho sa isang grocery store bilang isang merchandiser habang nagrereview para sa darating na board exam. Graduate ng kursong civil engineer si Albert samantalang ang kaniyang kambal naman na si Alvin ay nag-aaral pa lamang para maging doktor. Fraternal twins sina Albert at Alvin kaya naman hindi sila ganoon magkamukha ngunit halos pareho ang hubog ng kanilang katawan at magkasing tangkad din. Kaya naman hindi sinasayang ng magkapatid ang kanilang itsura at pinapasok din ang pagmomodelo bilang mga freelance models. Ito ay kanilang ginagawa kung kailangan nila ng extra dahil hindi lahat ay hinihingi nila sa kanilang mga magulang.

Hindi masyadong malapit si Ali sa kaniyang kuya Albert ngunit nagiging kuya naman pa rin si Albert sa kaniya. Hindi lang sila madalas magbonding. Nang nakita ni Ali ang kaniyang kuya sa ganoong posisyon ay naawa ito at bilib sa kuya dahil nagagawa nitong pagsabayin ang trabaho at pagrereview kaya naman sigurado siyang magiging maayos din ang kinabukasan ng kaniyang kuya. Lumapit siya rito at bahagyang tinapik sa braso upang gisingin.

“Hmmmm..”

“Kuya..”

Naalimpungatan naman si Albert at nakita ang kapatid.

“O Ali. Anong kailangan mo?”

“Mukhang pagod po kayo kuya, sa kwarto na po kayo matulog para makapagpahinga kayo ng maayos.”

Bumangon naman si Albert at nag-inat habang humihikab at ngumiti sa kapatid.

“Ikaw, kumusta ka ? Maayos ba pakiramdam mo?” tanong ng kaniyang kuya. Hindi lihim sa kanila ang kalagayan ni Ali kaya naman todo protekta ang mga ito sa kaniya.

“Ayos lang ako kuya.”

“Mabuti naman kung ganun. Sige taas na ako. Pagod ang kuya eh..” saad ni ALbert habang ginugulo ang buhok ni Ali na siya naman ikinahagikgik nito.

“Siya nga pala may binili akong siopao jan. Kainin mo habang mainit pa.”

“opo kuya salamat..” sagot ni Ali at tumungo na ito sa kusina habang ang kuya Albert niya ay tumungo sa taas para magpahinga. Habang kumakain si Ali ay narinig niya ang pagbukas ng pintuan. Sumilip siya sa sala at nakita niya ang ama habang tinatanggal nito ang sapatos. Kita niya sa ekspresyon ng ama ang lungkot at pagkadismaya.

‘Bakit kaya malungkot si papa?’ tanong ni Ali sa sarili. Maging siya hindi rin maiwasang hindi malungkot pagkakita sa ama. Marahil isa na naman sa dahilan ay ang paghahanap nito ng lunas para sa kanya. Lumabas si Ali sa kusina at sinalubong ang ama. Nakangiti itong humarap sa kanyang ama nang sa gayun ay maiparamdam niya na okay lang ang lahat. Kahit iyon man lang ang magawa niya para makabawi, ang pagsilbihan ang ama sa abot ng kanyang makakaya.

“Papa,” abot tengang ngiti ni Ali sa ama. Ngumiti naman pabalik ang ama saka yumakap sa anak habang hinahaplos ang ulo neto. Kalahating minuto din ang tinagal ng kanilang pagyayakapan bago naghiwalay.

“Gusto niyo po ba ng kape? Ipagtitimpla ko po kayo. Saka may tinira din po akong siopao para sa inyo, binili po ni kuya Albert. Ang sarap po nung siopao papa, sigurado akong magugustuhan niyo po. At kanina po sa school, alam niyo po bang napili po ako bilang isa sa mga mafefeature sa isang art exhibit. Sabi ng teacher ko malaki ang tyansa na mabili ang mga art works sa exhibit na iyon papa. Excited na nga po ako eh. Nagsisimula na po akong magplano kung ano ang gagawin ko sa exhibit. Isa pa po papa baka maging daan po ito para makakuha ako ng scholarship sa isang university. Tapos kanina……”

Nakangiti lamang si Armando habang nakikinig sa kwento ng anak. Malaki na nga ang kanyang bunso. Nagpaplano na para sa kaniyang hinaharap. Sadyang kay bilis ng panahon na parang kahapon lang ay karga-karga pa niya ito, pero ngayon alam na niya ang gagawin sa buhay. Alam niyang malayo ang mararating ng anak sa daan na kanyang tatahakin at lagi siyang nakasuporta rito. Bilib siya sa tapang at lakas ng loob ng anak na kahit may iniindang sumpa ay hindi mo ito makikitaan ng pagsuko sa buhay.

‘Pangako anak, gagawin ni Papa ang lahat para sa kinabukasan mo. Kahit pa kailangan kong isakripisyo ang sarili ko para rito,’ turan ni Armando sa sarili.

Pansin pa rin ni Ali ang lungkot sa mga mata ng ama kahit pa nakangiti ito. Wala nga talagang maitatagong emosyon sa mga mata. Nangako si Ali sa sarili na mabubuhay siayng masaya. Hindi niya hahayaang tuluyan siyang kainin ng sumpa. Hindi ito magiging hadlang para mabuhay siya ng masaya. Hindi niya sasayangin ang mga pagsisikap ng kaniyang mga magulang at mga kapatid para siya ay protektahan at ang mga pagsasakripisyo ng mga ito para lamang makahanap ng lunas.

“Eto na po ang kape niyo papa.”

Ngunit parang hindi ito narinig ng ama dahil mukhang malalim pa rin ang iniisip neto.

“Papaa…” muling tawag ni Ali ngunit wala pa rin..

“Papa..” nilakasan niya ng konti ang pagtawag at siya namang pagbalik sa wisyo ng ama.

“Oh, pasensya na, pagod lang si Papa. Ano sanang sasabihin mo anak?”

“Magkape po muna kayo, papa. Gusto niyo po bang ipaghanda ko kayo ng panligo niyo?”

“Huwag na anak. Dito ka na lang muna habang nagkakape si Papa. Ako na bahala dun mamaya.” sagot ng ama.

Tumango tango lang si Ali saka nagkwento muli sa kung ano ang mga ginawa niya ngayong araw at aliw na aliw ang ama sa mga kwento ng anak. Ngunit sa kaloob-looban ni Armando ay ang lungkot, galit at pagkalito sa kung ano ba ang maaari niya pang gawin. Nakahanap nga siya ng solusyon, pero tila isa iyong malaking biro.

Mahigit kalahating oras din ang tinakbo ng usapan ng mag-ama at kahit papano ay naging magaan ang loob nila pareho sa kabila ng mga problemang kinakaharap at doon nga ay natapos na naman ang isang araw.

Kinaumagahan ay sabay-sabay ang mag-anak na kumain ng…