Love y’all. Please sana mapagtiisan niyo itong short chapter na to.
And suggest din kayo ng portrayers ng characters, baka bet ko den
Limang araw na ang nakakalipas nang may mangyari sa mag-ama. Limang araw na ding hindi inaatake si Ali ng sumpa. Pawang katotohanan nga ang mga tinuran ng matanda. Kitang-kita sa itsura ni Ali ang pagbuti ng kaniyang kalusugan. Unti-unti ring lumalakas ang kaniyang katawan. Tunay ngang dahil sa ibinahaging enerhiya ng kaniyang ama sa kaniya ang dahilan ng mga ito. Ngunit ang katanungan ay hanggang kailan magtatagal ito?
‘Kung sakali bang aatakehin ulit ako ng sumpa, gagawin kaya ulit namin iyon ni Papa?’ tanong ni Ali sa sarili. Mula nang may mangyari sa kanilang mag-ama ay tila nag-iba ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Di makapaniwala si Ali na ang kaniyang mismong ama ang unang magpaparanas sa kaniya ng ganun. Di niya mawari kung ano ang gagawin. Di niya maitatangging nagustuhan niya ang pangyayari sa pagitan nilang dalawa ngunit di maalis sa isipan niya ang kamalian nito. Mali sa mata ng Diyos at mali sa mga mata ng iba lalo na at sarili niya itong ama. Dugo’t laman nila ay iisa kaya di niya mapigilang magalit sa sarili dahil sa pagkagusto sa pangyayari at lalo na sa sumpang ipinagkaloob sa kanya na kung wala ang sumpang ito, hindi sila aabot sa ganito.
Sa trabaho naman ay tila wala sa sarili si Armando. Hindi pa rin mawaglit sa kaniyang isipan ang pangyayarisa gabing iyon. Napatunayan niyang iyon lamang nga ang magagawa niya para maligtas ang anak sa tiyak na kamatayan. Alam niyang mali, alam niyang nakaksuklam ito para sa nakararami pero ano pa bang magagawa niya? Ano pa bang paraan ang maaari niyang gawin? Saan pa ba siya hihingi ng tulong kung lahat ng santo at mga diyos na ang kaniyang dinasalan? Ano pa bang dapat niyang gawin para maisalba ang anak sa sumpang di naman nila ginusto?
Wala…
Wala na siyang ibang magagawa kundi ang bagay na iyon. Labis ang takot na naramdaman niya nang halos bawian na ng buhay ang kaniyang anak sa kanyang harapan. Hindi maipaliwanag ang takot sa kaniyang puso na baka kung wala siyang gawin sa gabing iyon ay tuluyan nang mawawala sa kanila si Ali at hinding hindi siya papayag na mangyari iyon. Kaya naman handa siyang muling ialay ang sarili kung ang kapalit nun ay ang kaligtasan ng kaniyang anak.
Simula nang may mangyari sa kanila sa gabing iyon ay nag-iba ang kanilang pakikitungo sa isa’t isa. Medyo umiiwas si Ali sa kaniya dahil siguro sa hindi rin niya maproseso ang mga pangyayari. Ang tanging magagawa lamang ngayon ni Armando ay kausapin ang anak at magpaliwanag ng maigi at kung maaari pa ay dadalhin niya ito sa matanda upang siya na mismo ang magpaliwanag sa kaniya sa lahat ng dapat niyang malaman.
“Ayos ka lang ba pre?” tanong ng kaibigan at katrabahong si Marko.
“Ah, oo… May iniisip lang.” sagot ni Armando.
“Huwag kang mag-alala pre, konti nalang at malulutas na rin natin ang mga nagaganap na pagpatay.”
Hindi makasagot si Armando dahil hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa kaibigan ang hindi kaniyang mga natuklasan. Oo nga’t kasama niya si Marko nung una nilang pinuntahan ang tahanan ng matanda ngunit nag-aalangan pa rin si Marko na maniwala sa matanda dahil hindi ito naniniwala sa mga ganoong bagay.
Pero kailangan niya ng tulong. At alam niyang si Marko lamang ang mapagkakatiwalaan niya na tutulong sa kaniya.
“Marko, may kailangan akong sabihin sayo.” seryosong sambit ni Armando habang nakapatong ang ulo sa kaniyang mga palad at nakayuko.
“Ano yun?” nag-aalalang tanong ni Marko at nagsimula na ngang magkwento si Armando.
————————
“Lola, kailangan ko rin ang tulong niyo. Ung mga nagaganap na pagpatay…”
“Ah…Iyon nga pala ang dahilan kung bakit ko kayo pinapunta dito noon.” sagot ng matanda.
“Opo..”
Sandaling natahimik ang paligid. Lalo lamang kinakabahan si Armando dahil sa tensyon.
“Si Esmeralda. Kailangan mong hanapin si Esmeralda at pigilan ang kaniyang planong pagbuhay kay Ben. Gaya ng sabi ko noon, ang kapalit ng buhay, ay buhay din. Kailangan ng mga sakripisyo para makumpleto ang ritwal at palagay ko ito na ang pinakahuling parte ng ritwal dahil bumibilis na siya sa pagpaslang ng mga tao. Kaya kailangan na siyang pigilan bago pa mahuli ang lahat.”
Hindi alam ni Armando kung ano ang isasagot. Ano namang laban niya sa isang makapangyarihang mangkukulam?
“Kapag nakumpleto ni Esmeralda ang ritwal, hindi lang babalik ang buhay ni Ben kundi siya rin ang magiging pinto upang tuluyan nang makapasok ang at malukob ng mga demonyo ang mundong ito. Malaki ang nakataya rito, Armando.”
“Pero paano? Walang akong kapangyarihan upang pigilin ito. Anong magagawa ng mga baril laban sa mga demonyo?” nawawalang pag-asang sagot ni Armando.
“Kailangan niyong maglakbay sa mundo ng mga mahika. Hanapin niyo ang salamangkerong asul ang kaliwang mata at berde ang isa. Siya ang nakakaalam kung paano pipigilan ang ritwal. Patawad ngunit hanggan dito na lamang ang aking nalalaman.”
Tahimik lamang si Armando. Hindi siya makapaniwala muli sa mga nalalaman. Hindi niya alam ang sasabihin. Nagpasalamat na lamang siya sa matanda dahil sa malaki ang naitulong nito sa kaniya kahit pa sobrang hirap ng mga sagot na nakuha niya lalo na ang tungkol sa kaniyang anak. Nagpaalam na din si Armando ngunit bago siya umalis ay nagsalita ang matanda.
“Alam kong mahirap ang gagawin mong mga desisyon Armando. Pero isipin mo ang kapakanan ng iyong mga mahal sa buhay. Hinding hindi kayo matatahimik kapag tuluyan nang magwagi si Esmeralda. Bumalik ka rito kung nakapagisip-isip ka na. Nawa’y patnubayan ka ng mga diyos sa iyong desisyon..”
Ngumiti lamang ng pilit si Armando.
“Paalam at salamat muli lola. Pag-iisipan ko ito ng maayos.”
———————————————–
Ikinuwento lahat ni Armando ang nangyari maging ang tungkol sa kaniyang anak. Kaya naman labis ang gulat ng kaibigan. Hindi siya makapagsalita sa gulat at kailangan niya ng oras upang maproseso ito sa kaniyang utak. Maniniwala ba siya sa mga kwento ng kaibigan? Kung nagsisinungaling man ito, ano namang dahilan? Wala.
Kilala niya si Armando. Hindi ito sinungaling at kung may sinasabi ito ay mapagkakaiwalaan mo itong tunay at walang halong kasinungalingan. Kaya naman kahit mukhag imposible ay pilit niyang itinatatak ang kaniyang mga nalaman sa kaniyang isipan. Wala siyang ibang magagawa kundi ang paniwalaan ang kaibigan.
“Anong plano mo?” tanong ni Marko sa kaibigan.
“Ang tapusin na ang kabaliwang ito.” Seryosong sagot ni Armando at kitang kita ang determinasyon sa kaniyang mga mata.
_______________________________
Nasa kanyang kwarto lamang si Ali buong araw. Buong araw itong nagpinta at doon niya ibinuhos ang lahat ng kaniyang dinaramdam. Maya-maya pa ay nakarinig siya ng katok sa kaniyang pinto.
“Sino yan?” malakas na sabi ni Ali.
“Ang papa to anak.”
Nagulat si Ali nang marinig ang boses ng kaniyang papa dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung paano ito pakitunguhan. Magulo pa ang kaniyang isip.
“Anak, kailangan nating mag-usap.” pakiusap naman ni Armando.
Di pa man handa si Ali na makaharap ang kaniyang ama, wala siyang magagawa kundi ang harapin na ito dahil baka makahalata ang kaniyang ina na may problema sa pagitan nilang mag-ama at iyon ang iniiwasan ni Ali. Ayaw niyang makadagdag pa ito sa inaalala ng kaniyang ina. Kaya naman ay tumayo na si Ali at pinagbuksan ng pinto ang ama.
Pagkabukas ay nakita ni Ali ang nakangiting mukha ng kaniyang ama ngunit kita ang lungkot sa kaniyang mga mata. Di na napigilan ni Ali ang sarili at napaiyak itong yumakap sa ama. Di maitatangging miss na niya ito dahil ilang araw na din silang hindi nag-uusap. Yumakap naman pabalik si Armando at inalo ang umiiyak na anak. Ilang minuto rin sila sa ganoong posisyon nang tuluyan nag tumahan si Ali.
Nakaupo na ngayon sila sa kama at si Ali ay nakasandal sa balikat ng ama habang nakayakap sa braso nito. Tahimik ang paligid. Tanging ang musik…