Sinumpa 4

hiiii…mejo tinamad akong iedit tong chapter na to. HAHAH…I hope mapagtiisan niyo pa den,SALAMATTT…

Kahit ilang araw na ang lumipas ngunit batid pa rin kay Albert ang gulat sa mga nangyari. Naiintindihan man niya ang lahat pero hindi pa rin niya ito tuluyang naitatak sa kaniyang isipan. Parang panaginip lamang ang lahat para sa kaniya. Para bang nililinlang lamang siya ng kaniyang utak. Hanggang ngayon ay hindi niya lubos matanggap ang sinapit ng kaniyang kapatid. Ilang araw itong hindi makatulog sa gabi dahil sa mga pangyayaring ito. Ang gusto na lamang niyang mangyari ay tuluyan na itong malutas. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa kagaguhang ito.

Kahit na ganun ang tumatakbo sa isip niya ay hindi pa rin nagbago ang tingin niya sa kaniyang kapatid. Mas kailangan siya ngayon ng kaniyang kapatid dahil alam niya rin naman kung gaano kahirap ang sitwasyon niya. Sa totoo lamang ay bilib siya sa tibay at lakas ng loob ni Ali dahil sa kabila ng lahat ng ito ay nananatili ang matamis na ngiti nito sa kaniyang labi. Ang tanging magagawa lamang niya ay maging sandalan ng kapatid.

Kasalukuyang nag-aayos si Albert para muling pumasok sa trabaho. Habang inaayos ang kaniyang uniporme ay may tumunog ang kaniyang telepono. Nang kinuha niya ito, nakita niyang ang kaibigan ang tumatawag at agad naman niya itong sinagot.

“O tol. Napatawag ka”

“Sa makalawa na pala ang exam tol. Baka gusto mong sumabay sa akin papunta roon?”

“O sige tol, sabay na ako sayo para makatipid na rin sa pamasahe. “

“Sige tol. Sana makapasa tayo sa unang subok”

“OO yan. Matagal din natin itong pinaghandaan.”

“oo nga eh. O siya sige at ihahatid ko pa tong asawa ko sa trabaho.”

” Sige tol. Salamat ulit.”

Napabuntong hininga si Albert pagkababa ng telepono. Kinakabahan siya dahil sa makalawa na nga ang exam. Hindi niya alam kung makakapagfocus siya sa dami ng mga inaalala na mga pangyayari. Iwinaksi na lamang niya ito sa kaniyang isipan at dagling lumabas ng bahay dahil mukhang mahuhuli na siya sa trabaho.

————————-

Kasalukuyang nasa paaralan si Ali kaya naman kahit papano ay may ibang siyang napagtutuunan ng pansin. Nagsusulat si Ali sa kaniyang papel nang may maramdaman siyang kumakalabit sa kaniyang tagiliran at mahinang tinatawag ang kaniyang pangalan. At mukhang alam na niya kung sino ito kaya naman inis itong lumingon ngunit isang malawak na ngisi ang kaniyang nakita pagkalingon. Naiinis man siya ay hindi niya maiwasang mamangha sa kagwapuhan ng lalaking to kaya naman mahirap sa kaniya ang itago ang pagkainis.

“Ano ba yun?” may konting inis na saad ni Ali na sinagot naman ng lalaki ng pabirong simangot. D naman maiwasan ni Ali ang mapangiti sa isip dahil sa kakyutan nito.

“Pahingi sagot” mahinang bulong ng lalaki. Napairap na lamang si Ali dahil sanay na siya dito.

“Akin na yang cellphone mo” mahinang bulong naman pabalik ni Ali. Agad namang binigay ng lalaki ang kaniyang cellphone kay Ali. Gamit ang cellphone ay kinunan niya ng larawan ang kaniyang papel saka binigay kay ang cellphone sa lalaki.

Siya si Jared, ang kaniyang kaibigan mula pagkabata. Halos sabay silang lumaki ni Jared dahil matalik na magkaibigan ang kanilang mga nanay. Likas kay Jared ang pagiging palakaibigan kaya kahit mailap noon si Ali ay nagawa niya itong kaibiganin. Alam din ni Jared ang kasarian ng kaibigan ngunit hindi ito naging hadlang para sa kanilang pagkakaibigan. Simula pa man noon ay si Jared na ang naging isang sandalan ni Ali at siya rin ang nagiging tagapagtanggol nito sa mga nanunukso at balak manakit sa kanya.

Noong 13 taong gulang sila, minsan nang nabugbog si Ali ng mga kaklase niyang bully. Nag-away kasi sila noon ni Jared dahil nagtampo si Ali nang hindi siya nito sinamahang bumili ng mga gamit sa pagguhit at pagpinta. Nalaman kasi ni Ali noong panahong iyon na magkakaroon ng sale sa mall kaya at kasali ang mga art materials dito sa mga nagbagsak presyo. Kaya naman excited si Ali na matapos ang klase at dahil na din nangako si Jared na sasamahan siya netong bumili. Nang pupunta na sana sila sa mall ay may tumawag na grupo ng mga lalaki kay Jared upang maglaro ng basketball.

“Ali, pwede bang maglaro muna. Isang round lang, pleasee..?” pagmamakaawa ni Jared habang nakanguso.

“Isa lang ha..” maktol naman ni Ali. Nang pumayag si Ali ay nakangising tumakbo si Jared sa court at nakipaglaro. Sa isip ni Ali, talagang magaling ang kaibigan sa basketball. Manghang mangha siya sa kaibigan dahil sa galing neto sa paglalaro kaya naman maging siya ay natutuwang nanonood.

Ngunit ang isang round ay naging tatlo hanggang sa naging lima kaya naman nang nagkaroon ng timeout ay agad lumapit si Ali sa kaibigan upang sana ay kumbensihin nang umalis na sila at baka magsara ang mall. Ngunit hindi inaasahan ni Ali ang magiging sagot ng kaibigan.

“Pwede bang ikaw nalang pumunta ngayon Ali? Nagkayayaan kasi ng isa pang round eh. Kulang kasi sila eh.” Nag-aalangang pakiusap ni Jared. Agad namang sumama ang mukha ni Ali at kitang kita ang paglungkot ng mukha. Hindi niya pinansin si Jared at agad kinuha ang bag at dagling naglakad palayo kahit pa tinatwag siya ng kaibigan. Nang nakalabas siya ng court ay lumingon siya at nakitang nakikipaglaro na si Jared sa mga basketbolistang mga yun. Galit man siya at naiinis kay Jared ay determinado siyang makuha ang gusto sa mall dahil ito na ang huling araw ng sale. Kaya iwinaksi niya ang pagkainis at agad tumungo sa paroroonan.

Alas siyete na nang pauwi si Ali ngunit nakapagsabi naman na siya sa kaniyang mga magulang at sa kabutihang palad ay hindi pa naman siya nakakaramdoon ng pag-atake ng sumpa. Masaya siyang naglalakad ngunit nang makarating siya sa may mga tindahan ay may mga pumigil sa kaniyang grupo ng lalaki. Sila ang mga kaklase niyang lagi siyang tinutukso at sinasaktan. At bago pa man siya makasigaw ay agad nila itong hinila sa isang eskinita at duon pinagsusuntok at pinagsisipa. Ilang mura at masasakit na salita ang kaniyang natanggap. Bawat mga salita at suntok na kaniyang natatamo ay unti unting bumabasag sa kaniyang pag-asang mabuhay. Ramdam na niya ang hilo at namamanhid na ang kaniyang katawan at nang mapansin ito ng isa sa mga kasamahan nila ay tinigilan na nila si Ali at baka daw mapatay nila ito. Ngunit sa isip ni Ali ay mas mabuti nalang siguro kung ganun.

Baka sakaling sa kabilang buhay ay magiging maganda ang kaniyang magiging kapalaran. Puro sakit at paghihirap na lamang ang kaniyang naranasan sa mundong ito. Bago mawalan ng malay ay isang liwanag ang kaniyang nakita.

Nagising si Ali sa ospital. Andun ang kaniyang mga magulang at andun din si Jared. Kitang kita sa mukha ni Jared ang pagsisisi at lungkot. Kaya simula noon ay hindi na muling nawala si Jared sa kaniyang tabi.

———–

Natapos na ang kanilang klase at sabay umuwi sina Jared at Ali dahil magkapitbahay rin naman sila. Tawanan at biruan ang pumupuno sa daan habang kapwa sila may hawak na shake na binili sa gilid gilid. Namiss ni Ali ang ganito. Namiss niya ang kaibigan dahil madalang na silang nagsasabay sa pag-uwi dahil sa mga practice ni Jared sa basketball. Maging si Jared ay namiss ang ganitong setup at labis ang pag-aalala nito kay Ali sa tuwing hindi sila sabay umuuwi kaya naman sinisigurado niyang nakakasakay muna si Ali ng tricycle bago siya dumadalo sa kanilang ensayo dahil ayaw niyang maulit na naman ang kalunos-lunos na sinapit ng kaibigan sa mga loko lokong tao.

Mahal na mahal ni Ali ang kaibigan. Masayang masaya siya na sa kabilang mga paghihirap na kaniyang naranasan at nararanasan ay binigyan pa rin siya ng Diyos ng isang taong kaniyang maaasahan. Para siyang nagkaroon ng isa pang kapatid sa katauhan ni Jared.

Pagkauwi ni Ali ay nadatnan niya ang ama na kakagaling sa banyo. Tanging twalya lamang ang suot nito. Kitang kita ni Ali ang V line ng ama at ang katakam takam nitong katawan. Napalunok si Ali sa nakita. Kahit ilang beses nang nahawakan at natikman ni Ali ang am ay hindi pa rin siya nasasanay makita ang ama sa ganung ayos. Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Ali at tuluyan na nga siyang nalibugan. Ramdam niya ang unti unting pagkislot ng kaniyang ari.

“Andiyan ka na pala anak. “

“Ah, o-opo..” pilit nilalabanan ni Alia ang pagkautal dahil sa kaba at dahil hindi niya kaya ang tensyon ay agad siyang nagpaalam na umakyat muna sa kwarto para magpalit. Mabilis na naglakad si Ali pataas ng hagdan at dagling sinara ang pinto ng kwarto at pinakalma ang sarili.

“Kumalma kang shuta ka…” saway ni Ali sa sarili. Ilang minuto pa ang lumipas ay kumalma na si Ali. Agad siyang nagpalit ng damit at bumaba sa kusina upang magmeryenda. Nadatnan naman niya doon ang kaniyang kuya Albert na nagkakape. Nagaalangan naman siyang humarap sa kaniyang kuya dahil muli na namang nanunumbalik ang pag-aalala niya sa mga nalaman ng kaniyang kuya ngunit bago pa man siya makaalis ay nakita na siya ng kaniyang kuya.

“Oh Ali. Halika, may dala akong ensaymada. Magmeryenda ka muna.” sabi ni Albert. Ngumiti naman ng alanganin si Ali at dahan dahang pumasok sa kusina at umupo. Napansin naman ni Albert ang pagkabalisa ng kapatid kaya agad nitong hinawakan ang kamay ng kapatid. Nagulat naman si Ali rito at napatingin sa kaniyang kuya.

“Ali, pwede kang magrelax kapag kasama mo ako. Wag ka nang mailang saakin ha? Gaya ng sabi ko, naiintindihan ko ang mg nangyari. Wag kang mag-alala Ali, gagawin natin lahat upang mawala na yang sumpang iyan sa yo okay?”

Agad namang tumayo si Ali at yumakap sa kapatid.

“Matatapos din to Ali..”

Pagkatapos ng madamdaming pag-uusap ng magkapatid ay puro tawanan at kamustahan ang naganap at di nila namalayang gabi na pala. Napagdesisyunan naming mag-ayos na ng aming mga ginamit. Ngunit nagtataka ako kung bakit wala si Papa. Mukhang may lakad siya kanina. Kaya pala naligo kanina. Pero upang makasigurado ay tinanong ko si kuya.

” Ah may pinuntahan sila ni tito Marko. Mukhang nagmamadali nga eh. Parang importante. Baka tungkol na naman sa kaso ng pagnanakaw sa kabilang barangay.”

“Ah, kaya pala. Mukhang may panibago na namang problema. Marahil ay gagabihin na naman si Papa o baka bukas na siya makauwi.”

Nagkibit balikat na lamang si Alvin. Pagkatapos nilang nag-ayos ay nauna nang umakyat sa kaniyang silid si Alvin para makapagpahinga na. Nalalapit na ang kanyang exam kaya kailangan niya ng lakas at dapat handa siya para rito. Samantalang si Ali naman ay nanatili muna sa sala at nanonood. Hindi pa kasi siya makatulog kaya nais niya munang libangin ang sarili . Ilang sandali pa ay di niya namalayan na nakatulog na pala siya sa sofa.

Alas-una na ng madaling araw nang nakauwi si Armando. Kita sa mukha nito ang pagod. Natagalan ang kanilang imbestigasyon dahil marami pang inasikaso. Pagkapasok ni Armando ay nakita niyang nakabukas ang tv at sa sofa ay nandoon ang kaniyang bunsong anak na malalim na ang tulog.

“Naku, ang batang to talaga..” mahinang saad ni Armando saka napangiti ng bahagya. Agad naman niyang pinatay ang tv saka kumuha ng kumot sa kwarto ng anak. Pagkapasok niya sa kwarto ng anak ay nakita niya ang mga gawang sining nito. Manghang mangha si Armando habang pinagmamasdan ang mga ito. Kitang kita sa mga gawa ni Ali ang kagalingan at kasanayan sa napiling larangan. Nakangiti lamang si Armando habang isa isa nitong sinusuri ang mga likha ng anak. Proud na proud siya na biniyayaan siya ng isang anak na hindi lang talentado kundi mabuti at mapagmahal na anak. Pero agad na namang pumasok sa kaniyang isipan ang sumpa. Pero agad niya itong iwinaglit sa kaniyang isipan. Hanggang may buhay, may pag-asa. At naniniwala siyang malalagpasan din nila ito. Agad namang kinuha ni Armando ang pakay saka bumaba sa salas at kinumutan ang anak. Isang halik sa noo ang ibingay niya sa anak saka umalis papuntang silid upang magpahinga.

——————-

Ilang araw na ang lumipas. Natapos na rin ang pagsusulit ni Albert kaya naman nakakahinga na ito ng maluwag. Kasalukuyan silang masayang naghahapunan at ngayon ay kumpleto silang mag-anak na nagsasalo-salo kaya naman labis ang kasiyahan nilang lahat. Muli ay kumpleto silang naghahapunan. Kahit sa sandaling panahon ay nagkakasama muli sila dahil sa mga susunod na araw ay muli na namang silang maghihiwa-hiwalay dahil sa may sari-sarili na rin silang buhay at trabaho. Nakakalungkot man sa isipan ni Nerissa at Armando ay nasanay na sila rito. Oras na talaga para magsarili ang kanilang mga anak.

“Kumusta naman ang pag-aaral mo bunso?” tanong ni Alvin, ang kakambal ni Albert.

“Ayos lang naman kuya. Naghahanda na po ako para sa pagkokolehiyo.” masayang sagot ni Ali.

“mabuti naman kung ganun. Kung may kailangan ka tawagan mo lang si kuya ha?” sagot naman ni Alvin at masayang tumatango tango si Ali na parang batang paslit na napagbigyan sa gusto. Nagpatuloy ang mag-anak sa salo-salo.

Kwentuhan at tawanan.

Nandun din ang asaran ng mga magkakapatid na para bang muli silang bumalik sa pagkabata. Di mawala ang ngiti sa labi ng mag-asawa. Di maitago ang saya sa kanilang mga mukha sa nasisilayan. Para bang kuntentong kuntento na sila sa buhay at nakikita ang mga anak na nagmamahalan at nagkakasayahan. Di na rin naman napigilan ni Nerissa ang mapaluha na agad namang napansin ni Armando kaya agad niyakap ang asawa. Napansin din ito ng mga magkakapatid.

“Mama..Bat po kayo umiiyak?” maluha luha na din si Aisha nang makita ang umiiyak na ina. Agad itong tumayo at lumapit sa nanay saka nito niyakap. Nagsitayuan naman ang mga magkakapatid na lalaki at yinakap din ang ina. Ilang sandali din silang magkakayakap hanggang sa tumahan na si Nerissa at Aisha.

“Ang pangit mong umiyak Aisha,” biro ni Alvin kaya naman agad itong nakatanggap ng batok mula kay Aisha.

“Che!”

Natapos ang araw nilang masaya na para bang wala ng katapusan ang kaligayahang ito at nakalimut sa mga problema sa kani-kanilang buhay.

Kinabukasan nga ay isa isa na ding umalis ang mga magkakapatid at si Nerissa at ang tanging naiwan muli ay sina Armando, Alvin at Ali.

“Mag-iingat kayo lagi dito ha?” muling paalala ni Nerissa sa mga anak.

“Armando ah, bantayan mo tong mga to ha. Lalo na tong isang prinsesa natin” sabay haplos sa pisngi ni Ali na siya namang ikinangiti ni Ali.

“Makakaasa ka mahal.” sagot naman ni Armando. “Dalasan mo ang pag-uwi mahal ah.,” dagdag pa ni Armando

“Gagawin ko lahat ng makakaya ko..” at muli silang nagyakapang mag-anak.

“O siya, mauna na ako at baka mahuli ako sa biyahe.” at tuluyan na ngang umalis muli si Nerissa.

Pagkaalis ni Nerissa ay nagtipon ang mag-aama. Dahil sa mismong araw na ito ay pupunta na sila sa bahay ng matanda. Simula na ito ng laban at alam nilang magiging mahirap at mahaba ang proseso nito.

Nag-aalala man si Ali ay alam niyang hindi siya papabayaan ng kaniyang ama at kuya kaya panatag ang loob niya na lumabas. Sa kanila ito humuhugot ng lakas at pati na rin sa kaniyang ina at iba pang mga kapatid. Pati na rin sa kaibigang si Jared.

Sila ang mga taong nagbibigay ng lakas at dahilan kung bakit dapat pa siyang lumaban.

Upang mas makasama pa niya ang mga ito ng mahabang panahon

Deretso ang tingin ni Armando sa bunsong anak na tila ba nagtatanong ito kung handa na ba ito sa kanilang susuungin. Bahagya namang napatango si Ali, nangangahulugang handa na siya sa misyong ito. Kaya naman naghanda na ang mag-aama dahil mamayang gabi ay pupunta na sila sa matanda upang humingi ng tulong.

Ilang sandali na lang ay mag-aalas dose na ng gabi. Iyon ang panahon ng kanilang byahe papunta sa tirahan ng matanda. Habang tumatakbo ang oras ay mas tumitindi ang kabang nararamdaman ni Ali. Hindi siya mapakali sa dami ng tumatakbo sa kaniyang isipan. Napansin naman ito ni Albert kaya hinawakan nito ang kamay ng kapatid. Ramdam ni Albert ang nanlalamig na kamay ni Ali.

“Magiging maayos din ang lahat Ali. Pangako.” Alanganing ngiti naman ang ganti ni Ali. Gustuhin man niyang maging positibo pero hindi niya maiwasang hindi isipin ang posibleng masamang mangyayari.

“Kuha lang ako tubig. Upo ka lang diyan” malumanay na saad ni Albert. Tumayo siya at dumiretsong kusina upang kunan ng isang basong tubig ang kapatid. Pagbalik ay binigay niya ito agad kay Ali. Kahit papano ay nakatulong ito para kumalma si Ali.

“Kuya..”

“Hmmm?” tugon ni Albert habang kinakalikot ang cellphone.

“Kuya…” mahina at nahihirapang sambit ni Ali. Nang mapansin ito ni Albert ay agad niyang ibinaba ang cellphone at nag-aalalang umalalay sa kapatid. Nahihirapang huminga si Ali. Dahil sa kaba ay nablanko ang isip ni Albert. Alam niyang inaatake n…