Sinumpa 6

Alas-8 na ng umaga nang makarating ako sa hardin ng mga bulaklak upang hintayin si Mang Dante. Ang paalam ko kila papa ay nais ko muling maglakad bilang ehersisyo ngayong araw kaya naman hindi na sila nagtanong pa. Alam din nila kung gaano ko kagusto pumunta sa gubat. Dahil dala ko muli ang basket ni lola ay naisipan kong pumitas ng mga berry at iba pang prutas na makukuha dito. Bukod sa mga makakaing prutas ay pumitas din ako ng mga prutas na hindi pamilyar sa akin dahil gusto kong pag-aralan ang mga ito gamit ang aklat na binigay sa akin ni lola. Habang pumipitas ako ng mga prutas ay napansin ko ang isang prutas na bilog ngunit kakaiba ang kulay nito. Sa baba nito ay kulay itim habang pumapagitna ay nagiging lila at ang pinakataas nito ay asul. Tatlong magkakaibang kulay. Nakakmangha ito at talaga namang napakaganda. Pinitas ko ang isa rito at nilagay sa aking basket na halos mapuno na rin.

Halos sampung minuto ang lumipas nang merong tumawag sa aking pangalan.

Si Mang Dante.

“Magandang umaga Ali.” bati ni mang Dante.

“Magandang umaga po mang Dante.” bati ko pabalik. May mga hawak itong mga kahoy. Halatang kakagaling niya lang sa pangangahoy at pagahahanap ng mga prutas dahil may hawak itong dalawang tangkay ng ubas. Ibiniba ni mang Dante ang kaniyang mga bitbit na kahoy at saka ngumiti. Napakagwapong nilalang din talaga ni mang Dante at malaking tao na halos kasintangkad lang ni papa. Nakacheckered din na polo ito na kakikitaan mo ng kalumaan. Nakamaong ito at tsinelas.

“Pasensya na at napaghintay pa kita. Nakita ko kasi ang mga ubas na ito sa daan kaya kinuha ko muna. Paborito kasi ito ng anak ko eh.” sabi ni Mang Dante. Isa rin palang mapagmahal na ama si mang Dante. Natuwa ang puso ko dahil dito kasi gaya ko ay maswerte din ang anak ni mang Dante sa kaniyang ama.

“Nako wala po sakin yun. Maswerte po ang anak niyo sa inyo mang Dante. Halatang mahal na mahal niyo po siya.” nakangiti kong saad.

“Mahal na mahal ko talaga ang anak kong iyon. Isa pa, siya na lang ang natititrang pamilya ko at ako na lamang ang inaasan niya.” saad naman ni mang Dante.

Nalungkot naman ako dahil sa narinig. Hindi ko man alam ang pakiramdam ng hindi kumpleto ang pamilya ay alam kong malungkot iyon dahil ako man ay labis na malulungkot kong mawala sa akin ang pamilya ko. Napansin naman ni mang Dante ang pag-iba ng timpla ko kaya naman tinapik niya ang balikat ko at sinabing,

“Kahit dalawa na lang kami ng anak ko ay masaya pa rin kami. Kaya wala ka dapat ikalungkot sa sitwasyon namin. “

Tumango na lamang ako bilang tugon. Maya-maya pa ay nilandas na namin ang daan patungo sa kanilang tahanan. Habang nasa daan ay nagkwentuhan kami ni mang Dante tungkol sa buhay nila dito.

“Simple lang ang buhay dito pero hindi ka mawawalan ng pagkain. Mahiwaga dito sa amin kaya sagana sa likas na yaman at responsibilidad naming alagaan ito kundi ay maaari itong bawiin sa amin.”

“Kaya po pala napakaganda ng lugar na ito at may kakaibang dala sa king pakiramdam.”

Patuloy lamang kami sa pag-uusap kaya naman marami akong natutunan tungkol dito. Halos mahigit 20 minuto kaming naglalakad nang marating na namin ang tirahan nila mang Dante. Isang cabin ang kanilang tinitirhan. Nababalot ng mga halaman ang bahay ngunit pinapaganda lamang ng mga ito ang bahay. Dalawang palapag ang bahay at malawak ang bakuran nito. Inilibot ko ang aking paningin at pinagmasdan ang ganda ng kanilang bakuran. Napapaligiran kasi ito ng iba ibang bulaklak, gulay at halaman. Meron din silang maliit na lawa na kung saan may mga patong lumalangoy at lumulutang na lilies. Napakaganda ng kanilang tahanan. Mararamdaman mong inaalagaan talaga ito.

Maya maya pa ay nakarinig ako ng tahol ng aso. Paglingon ko ay may nakita akong aso na masayang tumatakbo at tumalon kay mang Dante. Dahil dito ay muntik itong matumba ngunit sa kabutihang palad ay hindi. Binaba ni mang Dante ang mga hawak nito saka lumuhod at nakipaglaro saglit sa aso. Samantalang ako ay tuwang tuwa na pinapanood sila.

Maya maya pa ay inimbitahan na ako ni mang Dante na pumasok sa kanilang bahay. Simple rin ang loob ng bahay ngunit malinis. Pinaupo ako ni mang Dante sa kanilang sofa habang tinatawag ang kaniyang anak na marahil ay nasa ikalawang palapag. Ilang sandali lang ay bumaba na rin ang isang binata na nakashorts ng maikli at oversized na t-shirt. Napakagwapo rin nito o mas maiging tawagin siyang maganda dahil sobrang ganda talaga nito. Matangkad ito ng di hamak sa akin ngunit kasing-katawan ko din. Morenong moreno din ito gaya ng kaniyang ama.

“Anak, siya nga pala si Ali.” pakilala sa akin ni mang Dante kaya tumayo ako at pinakilala ang aking sarili. Nakangiti naman ito sa akin at nagpakilala din.

“Hi Ali, ako nga pala si Cairo.” masayang bati nito sakin at lumapit ito sa akin saka yumakap.

“Ikinagagalak kong makilala ka Ali.” sabi nito habang nakayakap sa akin. Gulat man ay yumakap naman ako dito pabalik. Masayahin din pala itong si Cairo. Sigurado akong magkakasundo kami nito.

“Mag-kwentuhan muna kayo jan at aayusin ko lang ang mga kinahoy ko.” sabi ni mang Dante.

“Opo tay.” nakangiting sagot naman ni Cairo samantalang ako ay napatango nalang sabay ngiti rin pabalik.

Itinuloy na namin ni Cairo ang pagpapakilala sa isa’t isa. Masyang kasama si Cairo dahil maingay at masayahin ito. Nakakadala ang kaniyang mga tawa at nakakamangha siyang magkwento dahil may mga kasama itong pagsasabuhay. Nabanggit din niyang hilig niyang lumalangoy sa talon na pinuntahan namin ni papa noong nakaraan. May mga lugar din siyang kinuwento na pumukaw sa king atensiyon dahil base sa pagkakalarawan ni Cairo sa mga ito ay talaga namang napakaganda. At nais kong puntahan ang mga ito sa pagdating ng tamang panahon. Panandalian kong nakalimuta ang aking mga problema habang kausap si Cairo. Kahit ngayon pa lamang kami magkikita at mag-uusap ay para bang napakatagal na naming magkakilala. Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon.

Maya-maya pa ay inilibot niya ako sa kanilang tahanan. Nagsimula kami sa kaniyang silid na kung saan nalaman kong isa pala siyang manunulat. Ang kaniyang mga sinulat na aklat ay naipalimbag na din sa mga karatig bayan na kung saan naging patok ang mga ito sa masa.

“Napakagaling mo palang manunulat Cairo. Gusto kong basahin lahat ng mga gawa mo.” masaya kong sabi sa kaniya.

“Salamat Ali! Ito may ibibigay ako sayo.” sabi ni Cairo sabay kalkal sa kaniyang drawer. Mula doon ay inilabas niya ang isang aklat at inanbot niya saakin. Nagpasalamat naman ako kaagad at binuklat ang libro dahil sa excitement.

“Hindi pa inilalabas yan Ali. Kaya bilang regalo, ikaw ang unang makakabasa niyan. ” sabi ni Cairo kaya naman labis ang aking saya at niyakap ko ang aking bagong kaibigan.

“Walang anuman Ali. Tara sa labas at ililibot kita sa aming bakuran”

Tumango naman ako at ibinaba ang libro at pumunta sa kanilang bakuran. Ipinakita niya saakin ang kanilang mga tanim at mga alagang hayop. Masaya kaming naglaro at nagtawanan hanggang sa tinawag na kami ni mang Dante.

“Magmiryenda muna kayo” sigaw sa amin ni Mang Dante.

“Opo tay!” sagot naman ni Ali at dagli kaming pumasok sa kanilang bahay.

Nakahanda sa mesa ang ubas na pinitas ni mang Dante at may tinapay at juice din.

“Nga pala Ali, si Cairo gumawa ng tinapay na iyan. Tikman mo dahil masarap gumawa ng tinapay si Cairo.” namangha naman ako sa narinig.

“Napakarami mo palang talento Cairo. Baka naman pwede mo akong turuan minsan.” biro ko kay Cairo at napatawa nalang kaming tatlo. Kumuha ako sa tinapay at kinain ito. Tama nga si mang Dante, masarap ang tinapay na lalo pang pinasarap ng aroma nito.

Ilang minuto pa ang lumipas ay tumikhim si mang Dante na siyang kumuha sa atensiyon naming dalawa ni Cairo.

“Gaya nang nasabi ko kahapon, ipapaliwanag ko ang sakit mo Ali.” seryosong sabi ni mang Dante kaya naman sumeryoso na din kami ni Cairo. Kapwa kami humarap kay mang Dante habang hinahanda ang aking sarili sa pwede kong malaman na maaaring makatulong para sa aming problema.

“Ali, gaya mo ay may karamdaman din si Cairo.”

Di na ako nagulat dito dahil nasabi na niya ito kahapon. Tumingin ako kay Cairo at nakangiti lamang ito ng pilit. Kita ko rin sa mga mata niya ang paghihirap na dinadanas niya. Naiintindihan ko siya dahil alam ko kung gaano ito kahirap.

“Nagsimula ito nang minsan nagpunta sa hardin si Cairo dalawang taon na ang nakakalipas. Gaya mo ay nahawakan niya ang itim na bulaklak na iyon.” panimula ni mang Dante.

“Gaya mo ay nasugatan rin siya rito ngunit nakauwi muna ito bago siya nakaramdam ng panghihina.”

———————————————–
Flashback:

Nanghihinang nakauwi si Cairo dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nahihirapan itong makahinga at halos hindi na makalakad. Labis na nag-aalala ang kaniyang amang si Dante habang inaakay ang anak papasok ng kanilang bahay.

“Anong nangyari sa yo anak?” nag-aalalang tanong ni Dante at napansin ang duguang kamay nito.

“May sugat ka anak! Ano bang nangyari? Teka, kailangan nating pumunta sa manggagamot!”

Balisa at di na makapag isip ng maayos si Dante dahil halos mag-agaw buhay na ang kaniyang anak. Agad niyang pinasan sa kaniyang likuran si Cairo at mabilis na tinakbo ang daan patungo sa isang kilalang manggagamot sa kanilang lugar. Masukal ang daanan at puno ng mga matatalim na damo na isa isang sumugat kay Dante ngunit hindi niya alintana ito at ang nasa isip niya lamang ay mailigtas ang kaniyang anak.

“Kapit ka lang anak, malapit na tayo.!” hinihingal sa sambit ni Dante ngunit halinghing lamang ang naging sagot ni Cairo.

Ilang minuto pa ang lumipas at narating na nila ang bahay ng doktor kaya naman nagsisigaw na si Dante upang marinig sila. Agad namang may lumabas sa pintuan ng bahay at inalalayan ang mag-ama papasok.

“Ihiga mo siya rito” saad ng doktor na agad namang sinunod ni Dante.

“Anong nangyari sa kaniya?” tanong ng doktor habang sinusuri ang kalagayan ni Cairo. Napansin ng doktor na sobrang bilis ng pulso ni Cairo na halos triple sa bilis kumpara sa normal na pulso. Delekado ang lagay ngayon ng binata.

“Hindi ko alam ang nangyari sa kaniya. Basta umuwi na lamang siyang sugatan at nanghihina.” sabi naman ni Dante na hindi pa rin kumakalma.

“Kailangan muna nating pakalmahina ang kaniyang puso dahil sobrang bilis ng pagtibok nito.” sabi ng doktor saka tumayo at hinanap ang medisina na kailangan. Kinuha niya ang isang bote na may kulay pulang likido. Agad siyang kumuha rito at pinatakan ang labi ni Cairo. Maya maya pa ay unti +-unti na itong kumakalma at nang pinakiramdaman muli ng doktor ang pulso nito ay unti unti itong bumabalik sa normal. Nakatulog na din si Cairo kaya naman parang nabunutan ng tinik si Dante.

“Antayin na lamang natin siyang magising para malaman natin ang nangyari sa kaniya” sabi ng doktor at lumabas muna para kumuha ng maiinom.

Lumipas ang isang oras at nagising si Cairo. Nanghihina pa rin ito ngunit nakakapagsalita na.

“Anong nangyari sayo anak?” nag-aalalang tanong ni Dante habang hawak ang kamay ng anak.

“Hindi ko rin alam itay. Ang natatandaan ko lang po ay nasugatan ako kaya naisipan kong umuwi. Pero habang pauwi ako ay nakaramdam ako ng pananakit sa aking sugat at unti unti na akong nanghihina at nahihirapang huminga. Yun na lamang po ang natatandaan ko.” kwento ni Cairo.

“Paano ka nasugatan?” tanong naman ng doktor.

“May isang itim na bulaklak akong nakita. Kakaiba ito sa lahat ng bulaklak na nakita ko kaya naman binalak ko itong pitasin. Pero nang nahawakan ko ito ay labis pala ang talim ng kaniyang mga talulot. Para itong kutsilyo na humiwa sa aking balat. ” sagot ni Cairo.

“Anong itsura ng bulaklak?” muling tanong ng doktor.

“Itim ito at pula sa gitna.” sagot ni Cairo.

Dahil sa narinig ay agad tumayo ang doktor at may hinahanap sa kaniyang aklat. Nang makarating na siya sa pahina na kaniyang hinahanap ay nakumpirma niya ang kaniyang hula sa maaaring pinagdadaanan ni Cairo.

“Hindi basta-basta ang bulaklak na sumugat sa iyo Cairo..” panimula ng doktor.

“Bakit naman po?” takang tanong naman ni Cairo.

Umupo ang doktor sa tabi ni Cairo na ngayon ay nakaupo na sa kama. Huminga ito ng malalim bago sinalaysay kay Cairo ang mga dapat niyang malaman. Si Dante ay taimtim din naghihintay sa sasabihin ng doktor.

“Ang bulaklak na iyon ay tumubo dahil sa dugo ng isang masamang encantada. Ang encantadang iyon ay binabalot ng kadiliman ang kaniyang puso at kaluluwa dahil sa pagkaganid at kagustuhang sakuoin at pagharian ang kaharian ng Sevede. Marahil alam niyo na ang kaharian na ito sapagkat ang lugar natin ang tulay sa mundo ng Sevede at mundo ng mga mortal. Dahil dito ay naging kalaban ng kaharian ang encantada. Nagsama sama ang pinakamakapangyarihang salamengkero at pinakamalas na mandirigma upang tuluyan nang puksain ang kasamaan ng encantada at ng kaniyang mga alagad.”

“Nagtagumpay naman ang mga Seveden at mga kaalyado nitong kaharian na tapusin ang kasamaan ng encantada. Pero bago mamatay ay nag-iwan siya ng sumpa sa buong kaharian. Gamit ang dugo at natitirang lakas ay nagawa nitong isumpa ang kaharian ng Seveden. At sa huling hininga nito ay tumubo ang kakaibang bulaklak na itim at parang kutsilyo sa talim.”

“Marami ang nasawi dahil sa mga nasugatan dito sa bulaklak na ito sapagkat hindi nila alam ang lunas rito. Kaya naman inutusan ng hari ng Sevede ang mga salamangkero na ubusin ang mga bulaklak na ito.”

“Ngunit sa pag-aakala nilang ubos na ito ay napansin nila na may mga nasasawi pa rin dahil dito kaya naisip ng hari na pagbawalan ang mga Seveden na hawakan o titigan manlang ang mga bulaklak na ito. Inutusan niya din ang mga mngagamot at mga salamangkero na pag-aralan ang mga dulot ng bulaklak na ito. “

“Sa kasamaang palad, wala na akong alam pa kung natagpuan nila ang lunas.”

Parang binagsakan ng langit si Dante dahil sa nalaman. Si Cairo naman ay naluluha na din dahil dito.

“Ang ibig mong sabihin,mamamatay ang anak ko?” madiin na tanong ni Dante.

“Huminahon ka muna Dante..”

“Paano ako hihinahon??!!” malakas na sigaw ni Dante at napahagulgol si Cairo sa gulat. Agad naman itong niyakap ng ama saka pinatahan. Nagsisisi si Dante dahil sa pagsabog nito sa galit na ayaw na ayaw mangyari ng kaniyang anak.

“Pasenysa na anak..tahan na..shhhh” pag-aalo ni Dante kay Cairo.

“Nagbigla lang si tatay..tahan na”. Habang nasa ganung sitwasyon ay muling nagsalita ang doktor kaya naman tumingin ang mag-ama rito.

“Wala mang natagpuang lunas pero may solusyon upang mapatagal ang buhay ni Cairo.”

Kapwa namang nabuhayan ng loob ang mag-ama dahil sa sinabi ng doktor.

“Ang nais ko lang sana ay kayanin niyo ang suwestiyon na ito dahil ito ay marahil isang kahibangan para sa nakararami ngunit ito na lamang ang natitirang paraan para magpatuloy ang buhay ni Cairo,” saad ng doktor.

“Basta mabuhay lamang ang anak ko. Iyon lang ang mahalaga sa akin,” pakiusap ni Dante

—————————————————————–

Nang maka-uwi ang mag-ama galing sa manggagamot ay kapwa sila hindi nagsasalita. Kapwa sila nakaupo sa sala at nakayuko at nasa malalim na pag-iisip. Tunay ngang nakakagulat ang suwestiyon ng doktor at kapwa di nila alam kung magagawa ba nila iyon. Ilang sandali pa ay binasag na ni Cairo ang nakakabingin katahimikan.

“Ano pong gustong niyong kainin tay?” tanong ni Cairo sa ama upang basagin ang katahimikan. Napaangat naman ng ulo si Dante saka tumingin sa anak na ngayon ay nakatayo na sa kaniyang harapan.

“Wag ka na mag-abala pa anak, kakagaling mo lang sa sakit at baka mapano ka pa. Ako nalang muna magluluto ngayon ha?” wika ni Dante. Hindi na tumutol pa si Cairo at nakangiting tumango sa ama. Tumayo na si Dante saka dumeretso sa kusina.

Wala sa sariling naghanda ng makakain si Dante. Habang si Cairo naman ay naisipang magpahangin muna kaya’t lumabas muna siya at nagmuni-muni sa kanilang hardin habang natutulog sa kaniyang kandugan ang alaga nilang aso.

Maya-maya pa ay tinawag na siya ng kaniyang ama. Dali-dali naman itong pumasok sa kanilang bahay. Huminga muna siya ng malalim bago tuluyang pumasok sa kanilang bahay. Dumeretso na siya sa kusina kung saan nakahanda ang mga pagkain at nakaupo na ang kaniyang ama sa pwesto nito. Umupo na din si Cairo.

“Kain na anak..” wika ni Dante

“Opo tay.” sagot naman ni Cairo.

Tahimik lang sila pareho habang kumakain. Tanging tunog ng kubyertos lamang ang maririnig sa paligid at maging ang mga huni ng kuliglig ang maririnig senyales na dumilim na. Natapos silang kumain na hindi nag-uusap. Nakapaghugas na din ng pinggan si Cairo ay wala pa ring pag-uusap ang naganap. Naisipan ni Cai