ENJOY!
————————————————————-
Labis na pagkahabag ang naramdaman ni Ali nang marinig ang kwento sa buhay ni Cairo. Ngunit nagagalak din siyang makita itong masaya at kunteto sa buhay nilang mag-ama. Pareho sila ng pinagdadaanan ngunit hindi sila pareho ng sitwasyon. Kung si Cairo ay masaya na sa buhay nilang mag-ama, siya ay may responsibilidad pa sa kaniyang pamilya. At ang sumpang ito, kahit may paraan upang hindi umatake ay walang kasiguraduhan kung kailan ito mawawalan ng bisa. Maraming maaaring mangyari sa mundong kaniyang ginagalawan kaya hindi niya pwedeng ipagsawalang-bahala na lamang ito.
“Malaking tulong po ang inyong mga sinabi mang Dante para sa aming misyon,” saad ni Ali.
Kita sa mukha ng mag-ama ang pagtataka dahil sa sinabi ng binata.
“Misyon?” tanong ni Cairo.
Tumanga si Ali bilang tugon,
“Maglalakbay kami patungong Sevede para hanapin ang lunas ng sumpang ito,” sagot ni Ali
Nagulat ang mag-ama sa tinuran ni Ali at mukhang hindi na mababago ang isip nito dahil kita sa mukha nito ang determinasyon. At ang tanging mabibigay lamang nila ay ang kanilang suporta at dasal na sana ay magtagumpay ito sa pinaplano.
Lumapit si Cairo sa kaibigan at niyakap ito. Yumakap naman pabalik si Ali at nagtagal sila sa ganung posisyon. Labis na natutuwa ang puso ni Ali dahil sa bagong kaibigan na andito sa kaniyang tabi. Napangiti lamang si Dante sa kaniyang nakikita dahil matagal nang panahon mula nang magkaroon ng nakakasundong tao ang kaniyang anak.
Nang matapos ang kanilang yakapan ay nagpaalam na si Ali sa mag-ama dahil baka hinahanap at nag-aalala na rin ang kaniyang tatay sa kaniya.
“Mauna na po ako mang Dante, hanggang sa muli Cairo,” pamamaalam ni Ali.
“Kung kailangan mo ng tulong, alam mo kung saan kami hahanapin,” sagot naman ni mang Dante.
“Salamat po ulit, mang Dante. Sa lahat ng naitulong niyo sa akin,” huling sambit ni Ali at naglakad na ito pauwi.
Nang makarating ito sa bahay ng matanda ay sinabi niya sa lahat kung ano ang kaniyang nalaman. Nagulat ang lahat nang ikinuwento niya ang kaniyang mga narinig mula kay Dante. Maging ang matanda ay labis na ring naguluhan. Mukhang hindi nga sapat ang kaniyang nalalaman tungkol sa sumpa. ANg kwentong narinig at natuklasan niya ay hindi buo kundi meron pa ngang kulang sa kaniyang nalalaman.
“Mukhang may mga dapat pa tayong malaman tungkol sa sumpang ito. Sa tagal ko nang nananatili sa mundo ng mga tao ay marami akong hindi nalalaman na ngayon ko lang nabatid,” malungkot na turan ng matanda.
“Naiintindihan po namin lola. Kaya sa lalong madaling panahon ay kailangan na po naming pumunta ng Sevede para matuklasan ang mga bagay na dapat nating malaman,” sagot naman ni Albert.
“Tama si po si Albert. Pero bago kami pumunta ay kailangan muna naming magpaalam sa aming mga pamilya,” turan naman ni Marko.
Nagulat si Ali sa narinig mula sa kaniyang tiyuhin kaya napatingin ito sa kanila.
“Napagdesisyunan naming sabihin sa aming mga pamilya ang balak natin upang hindi sila gaanong mag-alala,” sabi ni Armando.
“Mahirap itong itago anak, lalo na sa mama mo. Kaya naisipan namin na sabihin ang totoo kung saan tayo pupunta,” sabi muli ni Armando sa anak. Tumango naman si Ali bilang tugon. Labis na mag-aalala ang kaniyang ina pag nagkataon at baka pigilan pa sila nito. Ngunit tama rin ang kaniyang ama. Ang kailangan lang nilang problemahin ay kung paano kukumbinsehin ang kaniyang ina.
______________________________________________________________________–
“Ha??!” gulat na turan ni Nerissa pagkatapos ng sinabi ni Armando. Tumindi ang tensyon sa hangin. Tahimik ang lahat at hinayaan nilang iproseso muna ni Nerissa ang kaniyang narinig. Maging ang ibang mga kapatid nila Ali ay andun din at parehong gulat sa mga nalaman.
“Alam kong mahirap mahal, pero ito na lamang ang paraan upang maging normal ang buhay ng ating anak. Alam mo kung gaano na siya nahihirapan sa kaniyang kalagayan,” mahinahong sabi ni Armando sa asawa.
Tuluyan nang napaiyak si Nerissa dahil sa nalaman. Oo, alam niya ang mga paghihirap ng kaniyang anak dahil sa lintik na sumpang iyon pero hindi niya maiwasang hindi matakot. Base sa mga binanggit ni Armando sa kaniya ay delekadong lugar ang Sevede para sa mga mortal. Natatakot siya na baka hindi na makabalik ang mga ito o baka may masamang mangyari sa kanila doon.
Pero tama din ang kaniyang asawa. Parang walang pinagkaiba ito sa buhay ng anak niya ngayon. Lagi itong nahihirapan at habang lumilipas ang panahon ay palala ng palala ang paghihirap nito. Marahil ang paglalakbay nila sa Sevede ang magiging daan para sa hinahangad nilang normal na pamumuhay.
Nakayakap na sa kaniya ang kaniyang mga anak upang pagaanin ang loob nito. Tumingin siya kay Ali na ngayon ay umiiyak na din sa kaniyang harapan. Labis ang lungkot at sakit na nararamdaman nito habang nakatingin sa anak.
Karapatan din ng kaniyang anak ang maging masaya at hindi iyon mangyayari hangga’t may sumpa sa kaniyang katawan.
Hinaplos nito ang mukha ng anak. Pinunasan niya ang mga masasaganang luhang patuloy na umaagos mula sa kaniyang mga mata. Niyakap niya ang kaniyang bunso hanggang sa silang buong pamilya ay magkakayakap sinyales na payag ang lahat sa magaganap na paglalakbay.
Ipinagdarasal na lamang nila ang kaligtasan ng isa’t isa.
Kinagabihan ay nakatulog na ang lahat maliban sa mag-asawa na magkayakap sa kanilang kama. Inaalo pa rin ni Armando ang kabiyak at sinisigurado na mag-iingat sila doon.
“Huwag mong papabayaan ang mga anak natin doon ha?” garalgal na sabi ni Nerissa.
“Huwag kang mag-alala mahal, hindi mawawala sa paningin ko si Ali,” paninigurado muli ni Armando.
“Teka may kukunin lang ako,” sabi ni Armando saka bumangon sa pagkakahiga. Agad itong nagtungo kung saan naroroon ang kaniyang bag. Hinanap niya sa bag niya ang isang bagay na nais niyang ibigay sa asawa.
“Ano ba yun mahal?” sabi ni Nerissa na ngayon ay nakaupo na. Naglakad papalapit sa kaniya si Armando na may matamis na ngiti. Umupo ito sa kama at tinabihan ang asawa saka ito humalik sa noo ni Nerissa. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang binuksan ang kaniyang palad.
Tumambad sa mga mata ni Nerissa ang isang bato na hindi pangkaraniwan. Kulay asul ito at parang dyamante. Para itong asul na kristal at talaga namang napakaganda. Napangiti si Nerissa sa surpresa ng asawa.
“San mo naman nakuha to?” tanong ni Nerissa habang manghang-mangha pa rin sa ganda ng bato.
“Nang dumayo kami nila Ali sa kabundukan ay may isang talon doon. Sobrang ganda doon at malinis ang tubig. Doon ko nakita iyan at ikaw agad ang naisip ko,” sabi ni Armando na siya namang ikinapula ni Nerissa. Ilang taon na silang mag-asawa ngunit hindi pa rin nawawala ang kilig sa pagitan nila. Kinikilig pa rin si Nerissa sa mga sinasabi ng asawa na para bang teenager palang sila.
Natuwa naman si Armando nang makitang nakangiti na ang asawa. Maya-maya pa ay nagharutan na ang dalawa. Rinig sa buong silid ang masayang tawa ng mag-asawa na para bang wala silang pakialam na gabi na at tulog na ang lahat.
Hanggang sa nauwi ito sa mainit na pagtatalik na matagal na mula nang huli sila nagsiping. Kaya naman sinulit nila ang bawat segundo na ipinagkaloob sa kanila. Gaya ng dati, andun pa rin ang kasabikan sa kanilang dalawa.
_______________________________________________________________________________
Kinaumagahan ay masayang nagsalo-salo ang mag-anak sa agahan. Tawanan at kwentuhan sila na para bang walang nangyari kagabi. Marahil ay mas gusto nilang ang masayang mukha ng isa’t isa ang kanilang makita bago sila muling maghiwa-hiwalay, dala ang pag-asa na matatapos din lahat ng ito.
Masaya si Ali na makita ang harutan ng kaniyang mga nakakatandang kapatid, ang lambingan ng kanilang mga magulang at kung paano siya pagsilbihan ng kaniyang mga kuya at ate. Mamimiss niya rin ang luto ng kaniyang ina. Mamimiss niya ang lahat ng mga nakagawian niya ngunit kung gusto niyang manatili ang mga ito ay sa lalong madaling panahon, kailangan nilang matagpuan ang lunas sa sumpang sakit na to.
Ramdam na rin ni Ali na lumalala ang kaniyang karamdaman. Bukod sa mga sintomas na lagi niyang nararamdaman ay tila ba lagi itong nag-iinit. Madalas siyang nakakaramdam ng libog at kadalasan ay nahihirapan siyang pigilan ito. Hindi pa niya to nasasabi sa kaniyang ama dahil baka mag-alala lamang lalo ito kaya naman pilit niya itong tinatago. Ngunit habang tumatagal ay nahihirapan na din itong magpigil.
Maya-maya pa ay tumunog ang kaniyang cellphone kaya para bang bumalik siya sa realidad. Tinignan niya kung sino ito at natuwa siya nang makita na si Jared ito. Agad niyang binuksan ang message ni Jared.
‘Busy ka ba? Tara gala’
-Jared
Nasasabik na din siyang makasama ang kaibigan kaya naman sumagot ito agad ng OO.
“Ah…,” panimula ni Ali upang makuha ang atensiyon ng kaniyang pamilya. Napatingin naman lahat sa kaniya dahil mukhang meron itong sasabihin.
“Nag-aaya po si Jared na mamasyal, pwede po ba akong pumunta?” paalam ni Ali.
“Osige, pero wag masyadong gagabihin ah. Saka mag-iingat kayo,” sagot naman ni Armando.
“Salamat papa!” masayang tugon naman ni Ali bago ito tumakbo sa kaniyang silid para mag-ayos.
Sobrang excitement ang naramdaman nito dahil muli silang magbobonding ng kaniyang best friend. Matagal na kasi nang sila ay lumabas at namasyal. Ipinapangako niya sa sarili niya na susulitin niya ang araw na ito. Pagkatapos niyang magbihis ay agad na itong bumaba. Pumunta muna siya sa dining area para magpaalam sa mga magulang.
“Alis na po ako mama,” sabi nito sabay halik sa pisngi ng ina.
“Sige anak, mag-iingat kayo ha?” sabi naman nito.
“Opo,” sagot naman nito saka kumaway sa kaniyang mga kapatid at sa ama.
Lumabas na ito sa kanilang bahay at nakita niya si Jared na nakasandal sa kanilang gate. Ibang klase din ang dating ng binata dahil talaga mabibighani ka talaga sa kaniya. Matangkad, makisig at gwapo. Maliban dun ay nakakatuwa itong kasama. Agad sinaway ni Ali ang sarili dahil di na naman niya naiwasang humanga sa kaibigan. Sino ba namang hindi?
Hindi mayaman sila Jared. Simple lang ang kanilang pamumuhay. Sa tuwing sabado at linggo ay makikita mo ang binata kargador sa palengke o di kaya’y nagkokonstruksiyon. Sabi nito noon sa kaniya na kailangan niyang kumita ng extra para pambaon niya at sa tuwing may kailangang bayaran sa school.
Responsable na ito noon pa man kaya labis na humahanga si Ali sa kaniya.
Isang simpleng itim na tshirt na yumyakap sa kaniyang magandang katawan, itim na jogging pants at puting sapatos ang suot nito. Simple lang kung tutuusin pero parang mamahalin tignan dahil suot niya.
‘Bagay talaga lahat sa mokong na to.’ sabi ni Ali sa kaniyang isip pero ayaw niyang purihin ang kaibigan dahil aasarin lamang siya nito ng magdamag.
“Andito ka na pala,” sabi ni Ali habang naglalakad palapit sa kaibigan. Tumingin naman si Jared sa kaniya saka ngumiti.
Lumundag ang puso ni Ali dahil sa nakakasilaw na ngiti ng kaibigan. Para bang mawawalan na ito ng hangin sa nararamdaman.
Napansin ni Jared na natulala ang kaibigan. Naguluhan naman ito sa inaasta ni Ali na parang nawala na ito sa sarili.
“Huy!” sabi ni Jared sa kaibigan at dun lang natauhan si Ali.
“Ahhh…A-ano..,” nauutal na sabi nito
“Ayos ka lang?” tanong naman ni Jared. Pansin na din nito na namumula na ang si Ali at dahil maputi si Ali nagmistula itong kamatis sa pula. Napatawa na lamang si Jared dahil sa napansin. Nakakatawa man pero nakukyutan siya sa kaibigan. Umakbay ito kay Ali.
“Tara na nga,” sabi nito nang hindi nakasagot si Ali.
Si Ali naman ay naguguluhan sa inaasta. Tinapik niya ang sarili sa kaniyang utak dahil parang hindi normal ang inaasta niya. Sobrang lakas ng pagkabog ng puso niya na ngayon niya lang naramdaman kapag kasama ang kaibigan. Ang nasa isip niya ay parang may enkantasyon ang ngiti ni Jared kanina dahil ginulo nito ang sistema niya.
‘Paano ako mag-eenjoy neto? Hays….’ saad ni Ali sa isip.
Pero dahil inaabangan niya ang magiging lakad nila ay pinilit niyang pakalmahin ang sarili at i-enjoy ang araw na ito na nakalaan para sa kanilang dalawa. Dahil hindi niya alam kung kailan pa ang susunod.
O may susunod pa kaya?
Buong araw na puro ngiti at tawa ang dalawang magkaibigan. Kung hindi mo sila kilala ay iisipin mong magkasintahan ang mga ito. Labis ang pag-alaga at pag-alaga ni Jared kasi kay Ali. Kahit pagtusok ng straw sa milktea ay ginagawa ni Jared para sa kaibigan. Ganun na talaga sila noon pa na parang nakasanayan na ni Jared na gawin iyon. Kumain sila sa isang buffet na kung saan sila ang magluluto ng kanilang kakainin. Habang busy si Ali kumakain ay si Jared naman ay busy sa pag-ihaw. Dahil napansin ni Ali na wala pang kinain si Jared ay kumuha siya ng isang dahon ng lettuce. Nilagyan niya ito ng karne, kanin, pinatakan ng lemon juice saka sinawsaw sa ketchup.
“Ahhhhh..” sabi ni Ali para isubo ang pagkain kay Jared. Ngumanga naman si Jared at kinain ang ginawa ni Ali. Tumayo naman ang mga balahibo ni Ali nang maramdaman ang pagdampi ng labi ni Jared sa kaniyang daliri nang pinakain niya ito. Ngunit pinagsawalang-bahala na lamang niya ito.
“Mmmmm…” sabi ni Jared habang nginunguya ang pagkain. Napangiti naman si Ali
“Masarap??” tanong ni Ali habang nakangiti at nag-eexpect ng papuri mula sa kaibigan.
Dahil puno pa ang bibig ni Jared ay tumango-tango lang ito habang binabantayan at ginugunting ang mga karne. Natuwa naman si Ali sa naging responde ng kaibigan. Pinagpatuloy ni Ali ang pagpapakain kay Jared at si Jared naman ang nagluluto.
Ngunit dahil likas na may pagkasutil si Ali ay nagharutan sila doon. Muli ay puro tawa at ngiti ang makikita sa mgha mukha nila. Para talaga silang mag-jowa na nagd-date. Ilang oras din silang nagtagal doon bago sila tuluyang umalis.
Maya-maya pa ay di na napigilan ni Jared ang paghalakhak dahil sa kalagayan ni Ali. Para itong matutumba dahil sa bigat ng tiyan. Masyado atang naparami ang kaniyang kain. Si Ali naman ay nakaramdam ng inis sa pang-aasar ni Jared kaya tumingin siya ng masama dito.
Ngunit sa mga mata ni Jared ay parang isang nakasimangot na kuting si Ali na imbes na matakot ay nakyutan lamang ito sa kaniya. Dahil dun ay abot tenga ang ngiti nito. Pagkatapos magbayad ay inalalayan niya si Ali sa paglalakad dahil iniinda pa rin nito ang bigat ng pakiramdam. Hindi naman mawala wala ang pagtawa ni Jared na siyang dahilan para sapukin ito ni Ali.
“Sorry na..HAHAHAHHAHAH..” sabi ni Jared.
“Ang sama mo!” malakas naman na sabi ni Ali, ” buhatin mo ko.,” tuloy nito.
Tumingin si Jared sa nagmamakaawang mukha ni Ali at biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Parang matutunaw ang puso niya sa ekspresiyon ni Ali ngayon. Para bang hindi hinihipnotismo siya nito na sumunod sa lahat ng kaniyang gusto.
“Pasan ka sa lilod ko,” utos ni Jared saka lumhod. Agad namang nagliwanag ang mukha ni Ali at sumakay sa likod ni Jared.
“Ang bigat mo,” pabirong sabi ni Jared kaya naman muli siyang nakatanggap ng sapok sa kaibigan
“Che!”
Ngunit ang totoo ay magaan lamang si Ali para kay Jared. Kayang-kaya niya itong pasanin hanggang sa kung saan man sila pupunta. O marahil ay dahil si Ali ito.
Paano kaya kapag sa iba, ganun din kaya magiging trato niya sa kanila?
Madilim na ang kalangitan ngunit maliwanag pa rin dahil sa mga iba ibang ilaw sa paligid. Tila ba nakikiayon ang panahon sa kanilang dalawa dahil walang naging aberya sa kanilang lakad. Napakaaliwalas din ng panahon. Napapangiti ng palihim si Ali dahil sa tuwang nararamdaman dahil muli niyang nakasama si Jared.
“Anong plano mo sa kolehiyo?” pagbasag ni Ali sa katahimikan.
“Mag-aaral?” pabirong sabi ni Jared sabay tawa ng bahagya. Napasimangot naman si Ali sa naging sagot ng kaibigan.
“Seryoso nga kasiii.. Anong kukunin mo sa kolehiyo?” muling tanong ni Ali.
Sa totoo lang ay hindi pa alam ni Jared kung makakapasok siya sa kolehiyo. Hindi niya alam kung kakayanin ba ng kaniyang ina ang pag-aralin pa siya sa kolehiyo lalo at sobrang mahal iyon. Hindi rin naman siya ganun katalino para sa mga scholarships.
Kaya para sagutin ang tanong ng kaibigan ay mahirap sa kaniya dahil siya mismo ay hindi alam ang sagot.
“Hindi ko pa alam eh,” sabi ni Jared habang nakatingin ng deretso sa daan. Napabuntong hininga na lamang siya dahil hindi niya talaga alam kung ano nga ba ang gusto niya. Ang tanging pangarap niya lamang ay mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang pamilya. Yun lang. Hindi nga niya alam kung ano nga ba talaga ang mag…