Sinumpa 7

*no hot scene sa chappy na to..heheh

ENJOY!

————————————————————-
Labis na pagkahabag ang naramdaman ni Ali nang marinig ang kwento sa buhay ni Cairo. Ngunit nagagalak din siyang makita itong masaya at kunteto sa buhay nilang mag-ama. Pareho sila ng pinagdadaanan ngunit hindi sila pareho ng sitwasyon. Kung si Cairo ay masaya na sa buhay nilang mag-ama, siya ay may responsibilidad pa sa kaniyang pamilya. At ang sumpang ito, kahit may paraan upang hindi umatake ay walang kasiguraduhan kung kailan ito mawawalan ng bisa. Maraming maaaring mangyari sa mundong kaniyang ginagalawan kaya hindi niya pwedeng ipagsawalang-bahala na lamang ito.

“Malaking tulong po ang inyong mga sinabi mang Dante para sa aming misyon,” saad ni Ali.

Kita sa mukha ng mag-ama ang pagtataka dahil sa sinabi ng binata.

“Misyon?” tanong ni Cairo.

Tumanga si Ali bilang tugon,

“Maglalakbay kami patungong Sevede para hanapin ang lunas ng sumpang ito,” sagot ni Ali

Nagulat ang mag-ama sa tinuran ni Ali at mukhang hindi na mababago ang isip nito dahil kita sa mukha nito ang determinasyon. At ang tanging mabibigay lamang nila ay ang kanilang suporta at dasal na sana ay magtagumpay ito sa pinaplano.

Lumapit si Cairo sa kaibigan at niyakap ito. Yumakap naman pabalik si Ali at nagtagal sila sa ganung posisyon. Labis na natutuwa ang puso ni Ali dahil sa bagong kaibigan na andito sa kaniyang tabi. Napangiti lamang si Dante sa kaniyang nakikita dahil matagal nang panahon mula nang magkaroon ng nakakasundong tao ang kaniyang anak.

Nang matapos ang kanilang yakapan ay nagpaalam na si Ali sa mag-ama dahil baka hinahanap at nag-aalala na rin ang kaniyang tatay sa kaniya.

“Mauna na po ako mang Dante, hanggang sa muli Cairo,” pamamaalam ni Ali.

“Kung kailangan mo ng tulong, alam mo kung saan kami hahanapin,” sagot naman ni mang Dante.

“Salamat po ulit, mang Dante. Sa lahat ng naitulong niyo sa akin,” huling sambit ni Ali at naglakad na ito pauwi.

Nang makarating ito sa bahay ng matanda ay sinabi niya sa lahat kung ano ang kaniyang nalaman. Nagulat ang lahat nang ikinuwento niya ang kaniyang mga narinig mula kay Dante. Maging ang matanda ay labis na ring naguluhan. Mukhang hindi nga sapat ang kaniyang nalalaman tungkol sa sumpa. ANg kwentong narinig at natuklasan niya ay hindi buo kundi meron pa ngang kulang sa kaniyang nalalaman.

“Mukhang may mga dapat pa tayong malaman tungkol sa sumpang ito. Sa tagal ko nang nananatili sa mundo ng mga tao ay marami akong hindi nalalaman na ngayon ko lang nabatid,” malungkot na turan ng matanda.

“Naiintindihan po namin lola. Kaya sa lalong madaling panahon ay kailangan na po naming pumunta ng Sevede para matuklasan ang mga bagay na dapat nating malaman,” sagot naman ni Albert.

“Tama si po si Albert. Pero bago kami pumunta ay kailangan muna naming magpaalam sa aming mga pamilya,” turan naman ni Marko.

Nagulat si Ali sa narinig mula sa kaniyang tiyuhin kaya napatingin ito sa kanila.

“Napagdesisyunan naming sabihin sa aming mga pamilya ang balak natin upang hindi sila gaanong mag-alala,” sabi ni Armando.

“Mahirap itong itago anak, lalo na sa mama mo. Kaya naisipan namin na sabihin ang totoo kung saan tayo pupunta,” sabi muli ni Armando sa anak. Tumango naman si Ali bilang tugon. Labis na mag-aalala ang kaniyang ina pag nagkataon at baka pigilan pa sila nito. Ngunit tama rin ang kaniyang ama. Ang kailangan lang nilang problemahin ay kung paano kukumbinsehin ang kaniyang ina.

______________________________________________________________________–

“Ha??!” gulat na turan ni Nerissa pagkatapos ng sinabi ni Armando. Tumindi ang tensyon sa hangin. Tahimik ang lahat at hinayaan nilang iproseso muna ni Nerissa ang kaniyang narinig. Maging ang ibang mga kapatid nila Ali ay andun din at parehong gulat sa mga nalaman.

“Alam kong mahirap mahal, pero ito na lamang ang paraan upang maging normal ang buhay ng ating anak. Alam mo kung gaano na siya nahihirapan sa kaniyang kalagayan,” mahinahong sabi ni Armando sa asawa.

Tuluyan nang napaiyak si Nerissa dahil sa nalaman. Oo, alam niya ang mga paghihirap ng kaniyang anak dahil sa lintik na sumpang iyon pero hindi niya maiwasang hindi matakot. Base sa mga binanggit ni Armando sa kaniya ay delekadong lugar ang Sevede para sa mga mortal. Natatakot siya na baka hindi na makabalik ang mga ito o baka may masamang mangyari sa kanila doon.

Pero tama din ang kaniyang asawa. Parang walang pinagkaiba ito sa buhay ng anak niya ngayon. Lagi itong nahihirapan at habang lumilipas ang panahon ay palala ng palala ang paghihirap nito. Marahil ang paglalakbay nila sa Sevede ang magiging daan para sa hinahangad nilang normal na pamumuhay.

Nakayakap na sa kaniya ang kaniyang mga anak upang pagaanin ang loob nito. Tumingin siya kay Ali na ngayon ay umiiyak na din sa kaniyang harapan. Labis ang lungkot at sakit na nararamdaman nito habang nakatingin sa anak.

Karapatan din ng kaniyang anak ang maging masaya at hindi iyon mangyayari hangga’t may sumpa sa kaniyang katawan.

Hinaplos nito ang mukha ng anak. Pinunasan niya ang mga masasaganang luhang patuloy na umaagos mula sa kaniyang mga mata. Niyakap niya ang kaniyang bunso hanggang sa silang buong pamilya ay magkakayakap sinyales na payag ang lahat sa magaganap na paglalakbay.

Ipinagdarasal na lamang nila ang kaligtasan ng isa’t isa.

Kinagabihan ay nakatulog na ang lahat maliban sa mag-asawa na magkayakap sa kanilang kama. Inaalo pa rin ni Armando ang kabiyak at sinisigurado na mag-iingat sila doon.

“Huwag mong papabayaan ang mga anak natin doon ha?” garalgal na sabi ni Nerissa.

“Huwag kang mag-alala mahal, hindi mawawala sa paningin ko si Ali,” paninigurado muli ni Armando.

“Teka may kukunin lang ako,” sabi ni Armando saka bumangon sa pagkakahiga. Agad itong nagtungo kung saan naroroon ang kaniyang bag. Hinanap niya sa bag niya ang isang bagay na nais niyang ibigay sa asawa.

“Ano ba yun mahal?” sabi ni Nerissa na ngayon ay nakaupo na. Naglakad papalapit sa kaniya si Armando na may matamis na ngiti. Umupo ito sa kama at tinabihan ang asawa saka ito humalik sa noo ni Nerissa. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang binuksan ang kaniyang palad.

Tumambad sa mga mata ni Nerissa ang isang bato na hindi pangkaraniwan. Kulay asul ito at parang dyamante. Para itong asul na kristal at talaga namang napakaganda. Napangiti si Nerissa sa surpresa ng asawa.

“San mo naman nakuha to?” tanong ni Nerissa habang manghang-mangha pa rin sa ganda ng bato.

“Nang dumayo kami nila Ali sa kabundukan ay may isang talon doon. Sobrang ganda doon at malinis ang tubig. Doon ko nakita iyan at ikaw agad ang naisip ko,” sabi ni Armando na siya namang ikinapula ni Nerissa. Ilang taon na silang mag-asawa ngunit hindi pa rin nawawala ang kilig sa pagitan nila. Kinikilig pa rin si Nerissa sa mga sinasabi ng asawa na para bang teenager palang sila.

Natuwa naman si Armando nang makitang nakangiti na ang asawa. Maya-maya pa ay nagharutan na ang dalawa. Rinig sa buong silid ang masayang tawa ng mag-asawa na para bang wala silang pakialam na gabi na at tulog na ang lahat.

Hanggang sa nauwi ito sa mainit na pagtatalik na matagal na mula nang huli sila nagsiping. Kaya naman sinulit nila ang bawat segundo na ipinagkaloob sa kanila. Gaya ng dati, andun pa rin ang kasabikan sa kanilang dalawa.

_______________________________________________________________________________

Kinaumagahan ay masayang nagsalo-salo ang mag-anak sa agahan. Tawanan at kwentuhan sila na para bang walang nangyari kagabi. Marahil ay mas gusto nilang ang masayang mukha ng isa’t isa ang kanilang makita bago sila muling maghiwa-hiwalay, dala ang pag-asa na matatapos din lahat ng ito.

Masaya si Ali na makita ang harutan ng kaniyang mga nakakatandang kapatid, ang lambingan ng kanilang mga magulang at kung paano siya pagsilbihan ng kaniyang mga kuya at ate. Mamimiss niya rin ang luto ng kaniyang ina. Mamimiss niya ang lahat ng mga nakagawian niya ngunit kung gusto niyang manatili ang mga ito ay sa lalong madaling panahon, kailangan nilang matagpuan ang lunas sa sumpang sakit na to.

Ramdam na rin ni Ali na lumalala ang kaniyang karamdaman. Bukod sa mga sintomas na lagi niyang nararamdaman ay tila ba lagi itong nag-iinit. Madalas siyang nakakaramdam ng libog at kadalasan ay nahihirapan siyang pigilan ito. Hindi pa niya to nasasabi sa kaniyang ama dahil baka mag-alala lamang lalo ito kaya naman pilit niya itong tinatago. Ngunit habang tumatagal ay nahihirapan na din itong magpigil.

Maya-maya pa ay tumunog ang kaniyang cellphone kaya para bang bumalik siya sa realidad. Tinignan niya kung sino ito at natuwa siya nang makita na si Jared ito. Agad niyang binuksan ang message ni Jared.

‘Busy ka ba? Tara gala’

-Jared

Nasasabik na din siyang makasama ang kaibigan kaya naman sumagot ito agad ng OO.

“Ah…,” panimula ni Ali upang makuha ang atensiyon ng kaniyang pamilya. Napatingin naman lahat sa kaniya dahil mukhang meron itong sasabihin.

“Nag-aaya po si Jared na mamasyal, pwede po ba akong pumunta?” paalam ni Ali.

“Osige, pero wag masyadong gagabihin ah. Saka mag-iingat kayo,” sagot naman ni Armando.

“Salamat papa!” masayang tugon naman ni Ali bago ito tumakbo sa kaniyang silid para mag-ayos.

Sobrang excitement ang naramdaman nito dahil muli silang magbobonding ng kaniyang best friend. Matagal na kasi nang sila ay lumabas at namasyal. Ipinapangako niya sa sarili niya na susulitin niya ang araw na ito. Pagkatapos niyang magbihis ay agad na itong bumaba. Pumunta muna siya sa dining area para magpaalam sa mga magulang.

“Alis na po ako mama,” sabi nito sabay halik sa pisngi ng ina.

“Sige anak, mag-iingat kayo ha?” sabi naman nito.

“Opo,” sagot naman nito saka kumaway sa kaniyang mga kapatid at sa ama.

Lumabas na ito sa kanilang bahay at nakita niya si Jared na nakasandal sa kanilang gate. Ibang klase din ang dating ng binata dahil talaga mabibighani ka talaga sa kaniya. Matangkad, makisig at gwapo. Maliban dun ay nakakatuwa itong kasama. Agad sinaway ni Ali ang sarili dahil di na naman niya naiwasang humanga sa kaibigan. Sino ba namang hindi?

Hindi mayaman sila Jared. Simple lang ang kanilang pamumuhay. Sa tuwing sabado at linggo ay makikita mo ang binata kargador sa palengke o di kaya’y nagkokonstruksiyon. Sabi nito noon sa kaniya na kailangan niyang kumita ng extra para pambaon niya at sa tuwing may kailangang bayaran sa school.

Responsable na ito noon pa man kaya labis na humahanga si Ali sa kaniya.

Isang simpleng itim na tshirt na yumyakap sa kaniyang magandang katawan, itim na jogging pants at puting sapatos ang suot nito. Simple lang kung tutuusin pero parang mamahalin tignan dahil suot niya.

‘Bagay talaga lahat sa mokong na to.’ sabi ni Ali sa kaniyang isip pero ayaw niyang purihin ang kaibigan dahil aasarin lamang siya nito ng magdamag.

“Andito ka na pala,” sabi ni Ali habang naglalakad palapit sa kaibigan. Tumingin naman si Jared sa kaniya saka ngumiti.

Lumundag ang puso ni Ali dahil sa nakakasilaw na ngiti ng kaibigan. Para bang mawawalan na ito ng hangin sa nararamdaman.

Napansin ni Jared na natulala ang kaibigan. Naguluhan naman ito sa inaasta ni Ali na parang nawala na ito sa sarili.

“Huy!” sabi ni Jared sa kaibigan at dun lang natauhan si Ali.

“Ahhh…A-ano..,” nauutal na sabi nito

“Ayos ka lang?” tanong naman ni Jared. Pansin na din nito na namumula na ang si Ali at dahil maputi si Ali nagmistula itong kamatis sa pula. Napatawa na lamang si Jared dahil sa napansin. Nakakatawa man pero nakukyutan siya sa kaibigan. Umakbay ito kay Ali.

“Tara na nga,” sabi nito nang hindi nakasagot si Ali.

Si Ali naman ay naguguluhan sa inaasta. Tinapik niya ang sarili sa kaniyang utak dahil parang hindi normal ang inaasta niya. Sobrang lakas ng pagkabog ng puso niya na ngayon niya lang naramdaman kapag kasama ang kaibigan. Ang nasa isip niya ay parang may enkantasyon ang ngiti ni Jared kanina dahil ginulo nito ang sistema niya.

‘Paano ako mag-eenjoy neto? Hays….’ saad ni Ali sa isip.

Pero dahil inaabangan niya ang magiging lakad nila ay pinilit niyang pakalmahin ang sarili at i-enjoy ang araw na ito na nakalaan para sa kanilang dalawa. Dahil hindi niya alam kung kailan pa ang susunod.

O may susunod pa kaya?

Buong araw na puro ngiti at tawa ang dalawang magkaibigan. Kung hindi mo sila kilala ay iisipin mong magkasintahan ang mga ito. Labis ang pag-alaga at pag-alaga ni Jared kasi kay Ali. Kahit pagtusok ng straw sa milktea ay ginagawa ni Jared para sa kaibigan. Ganun na talaga sila noon pa na parang nakasanayan na ni Jared na gawin iyon. Kumain sila sa isang buffet na kung saan sila ang magluluto ng kanilang kakainin. Habang busy si Ali kumakain ay si Jared naman ay busy sa pag-ihaw. Dahil napansin ni Ali na wala pang kinain si Jared ay kumuha siya ng isang dahon ng lettuce. Nilagyan niya ito ng karne, kanin, pinatakan ng lemon juice saka sinawsaw sa ketchup.

“Ahhhhh..” sabi ni Ali para isubo ang pagkain kay Jared. Ngumanga naman si Jared at kinain ang ginawa ni Ali. Tumayo naman ang mga balahibo ni Ali nang maramdaman ang pagdampi ng labi ni Jared sa kaniyang daliri nang pinakain niya ito. Ngunit pinagsawalang-bahala na lamang niya ito.

“Mmmmm…” sabi ni Jared habang nginunguya ang pagkain. Napangiti naman si Ali

“Masarap??” tanong ni Ali habang nakangiti at nag-eexpect ng papuri mula sa kaibigan.

Dahil puno pa ang bibig ni Jared ay tumango-tango lang ito habang binabantayan at ginugunting ang mga karne. Natuwa naman si Ali sa naging responde ng kaibigan. Pinagpatuloy ni Ali ang pagpapakain kay Jared at si Jared naman ang nagluluto.

Ngunit dahil likas na may pagkasutil si Ali ay nagharutan sila doon. Muli ay puro tawa at ngiti ang makikita sa mgha mukha nila. Para talaga silang mag-jowa na nagd-date. Ilang oras din silang nagtagal doon bago sila tuluyang umalis.

Maya-maya pa ay di na napigilan ni Jared ang paghalakhak dahil sa kalagayan ni Ali. Para itong matutumba dahil sa bigat ng tiyan. Masyado atang naparami ang kaniyang kain. Si Ali naman ay nakaramdam ng inis sa pang-aasar ni Jared kaya tumingin siya ng masama dito.

Ngunit sa mga mata ni Jared ay parang isang nakasimangot na kuting si Ali na imbes na matakot ay nakyutan lamang ito sa kaniya. Dahil dun ay abot tenga ang ngiti nito. Pagkatapos magbayad ay inalalayan niya si Ali sa paglalakad dahil iniinda pa rin nito ang bigat ng pakiramdam. Hindi naman mawala wala ang pagtawa ni Jared na siyang dahilan para sapukin ito ni Ali.

“Sorry na..HAHAHAHHAHAH..” sabi ni Jared.

“Ang sama mo!” malakas naman na sabi ni Ali, ” buhatin mo ko.,” tuloy nito.

Tumingin si Jared sa nagmamakaawang mukha ni Ali at biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Parang matutunaw ang puso niya sa ekspresiyon ni Ali ngayon. Para bang hindi hinihipnotismo siya nito na sumunod sa lahat ng kaniyang gusto.

“Pasan ka sa lilod ko,” utos ni Jared saka lumhod. Agad namang nagliwanag ang mukha ni Ali at sumakay sa likod ni Jared.

“Ang bigat mo,” pabirong sabi ni Jared kaya naman muli siyang nakatanggap ng sapok sa kaibigan

“Che!”

Ngunit ang totoo ay magaan lamang si Ali para kay Jared. Kayang-kaya niya itong pasanin hanggang sa kung saan man sila pupunta. O marahil ay dahil si Ali ito.

Paano kaya kapag sa iba, ganun din kaya magiging trato niya sa kanila?

Madilim na ang kalangitan ngunit maliwanag pa rin dahil sa mga iba ibang ilaw sa paligid. Tila ba nakikiayon ang panahon sa kanilang dalawa dahil walang naging aberya sa kanilang lakad. Napakaaliwalas din ng panahon. Napapangiti ng palihim si Ali dahil sa tuwang nararamdaman dahil muli niyang nakasama si Jared.

“Anong plano mo sa kolehiyo?” pagbasag ni Ali sa katahimikan.

“Mag-aaral?” pabirong sabi ni Jared sabay tawa ng bahagya. Napasimangot naman si Ali sa naging sagot ng kaibigan.

“Seryoso nga kasiii.. Anong kukunin mo sa kolehiyo?” muling tanong ni Ali.

Sa totoo lang ay hindi pa alam ni Jared kung makakapasok siya sa kolehiyo. Hindi niya alam kung kakayanin ba ng kaniyang ina ang pag-aralin pa siya sa kolehiyo lalo at sobrang mahal iyon. Hindi rin naman siya ganun katalino para sa mga scholarships.

Kaya para sagutin ang tanong ng kaibigan ay mahirap sa kaniya dahil siya mismo ay hindi alam ang sagot.

“Hindi ko pa alam eh,” sabi ni Jared habang nakatingin ng deretso sa daan. Napabuntong hininga na lamang siya dahil hindi niya talaga alam kung ano nga ba ang gusto niya. Ang tanging pangarap niya lamang ay mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang pamilya. Yun lang. Hindi nga niya alam kung ano nga ba talaga ang magpapasaya sa kaniyang eh. Kung saan siya lulugar.

Ang totoo ay naiinggit siya kay Ali. Dahil may pangarap si Ali. Alam ni Ali ang gusto niyang gawin sa hinaharap. Samantalang siya ay tinuon ang pansin sa paghahanap ng pagkakakitaan.

Di na siya nangarap para sa sarili. Pero paano nga kaya kapag dumating na ang oras na natuklasan na niya ang nais niyang gawin sa buhay? Yung paggising niya ay alam na kung ano ang gusto niyang gawin sa hinaharap?

Pero paano kapag ang pangarap na yun ay hindi niya matutupad? Sa kalagayan niya kasi ngayon ay alam niyang mahirap ang mangarap. Kailangan niyang kumayod para sa kaniyang pamilya. Para kahit papano ay guminhawa ang kanilang buhay.

Maraming mga katanungan ang tumatakbo sa isip ngayon ni Jared. Magiging sino nga ba siya sa hinaharap?

“Ayos ka lang ba?” tanong ni Ali sa kaibigan.

“Ayos lang ako,” nakangiting sagot ni Jared pero sa kaniyang mata makikita ang kalungkutan.

Ilang metro na din ang kanilang nilakad pero tila walang kapagurang nararamdaman si Jared. Sabagay, magaan lang naman si Ali para sa kaniya kaya kahit ilang metro pa yan ay kaya niya itong buhatin. Maya-maya pa ay may nakita silang bench kaya naisipan nilang umupo muna doon. Napakaganda ng pwesto na yun dahil kitang kita nila ang ganda ng mga ilaw sa kanilang harapan. Buhay na buhay ang gabi ngunit dahil nasa sulok sila ay tahimik pa rin.

“Alam mo, pangarap kong maidisplay ang mga gawa kong alahas dun,” sabi ni Ali habang nakatinigin sa isang building sa kanilang harapan na kung saan maraming nakadisplay na alahas.

“Gusto kong makita ng lahat ang mga disenyo ko na nakadisplay sa mga isa diyan.”

Napangiti naman si Jared habang nakatingin sa kaibigan na punong puno ng pag-asa. Kita sa mga mata nito ang saya habang binabahagi ang kaniyang pangarap. Alam naman ni Jared na matutupad ni Ali lahat ng kaniyang gusto. Talentado at madiskarte ang kaniyang kaibigan. At siyempre, lagi siyang nakasuporta rito. Kahit nasa malayo siya, lagi niyang ipagdadasal at susuportahan si Ali sa mga pangarap nito.

“Ikaw pa ba? Sa sobrang galing mo, baka bukas anjan na mga disenyo mo” masayang sabi ni Jared.

“Loko,” sagot naman ni Ali saka nagtagpo ang kanilang mga mata. Ilang segundo rin silang nagkatitigan at parang bumagal ang paggalaw ng paligid. Bumilis ang tibok ng puso ni Ali habang nakatitig sa mapupungay na mata ni Jared. Di niya maisalarawan ang kaniyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Hindi rin niya mabasa ang iniisip ng kaibigan. Ang alam niya lang ay unti unting naglalapit ang kanilang mukha. Napalunok si Jared nang maramdaman ang init ng hininga ni Ali.

Sa isang pulgadang distansya ng kanilang mga labi ay tila bumalik sa wisyo si Jared ngunit tila ba nawawala ito kada paghinga ni Ali.

“Pwede ba?” mahinang sambit ni Jared.

“Ang alin?” pabulong na sagot naman ni Ali.

“Ito..” bigkas ni Jared sa malalim na boses saka pinaglapat ang kanilang mga labi. Nagdulot ito ng libo libong boltahe ng kuryente sa buong katawan ni Ali na tila ba nanghihina na ito sa tindi ng sensayong nararamdaman.

Maya-maya pa nang hindi tumutol si Ali ay hinawakan ni Jared ang ulo nito saka pinalalim ang halik. Nadadala na din si Ali sa ginagawa ni Jared kaya naman nakikipagsabayan na ito. Isang malalim at matamis na halik ang ginagawad nila sa isa’t isa at wala silang pakialam sa mga matang nakatingin sa kanila.

—————————————————————

Napapangiti na lamang ng basta basta si Ali sa tuwing naalala ang naganap sa pagitan nila ni Jared. Napahawak ito sa kaniyang labi habang kinikilig na sinasariwa ang pakiramdam ng labi ni Jared sa kaniyang labi. Bagong bago ang ganitong pakiramdam sa kaniya. Pero hindi maitatanggi ang saya na nararamdaman niya. Wala silang label sa ngayon. Marahil nga ay nadala lamang sila ng pangyayari. Alam niyang hindi dapat siya umasa na may patutunguhan ang kaniyang nararamdaman pero hindi niya mapigilang hindi umasa.

Pagkatapos kasi ng kanilang halikan ay dumiretso na sila pauwi. Tahimik lamang sila hanggang sa naihatid siya ni Jared kaya hindi nila iyon napag-usapan. Hiling na lamang niya na sana ay hindi ito makaapekto sa relasyon nilang dalawa. Sa gabing iyon ay nakatulog si Ali ng mahimbing at may ngiti sa labi.

Dumaan pa ang ilang araw at laging magkasama sila Ali at Jared. Hindi nila napag-uusapan ang mga nangyari ngunit kapansin-pansin ang pagbabago ng trato nila sa isa’t isa. Mas naging sweet ang kilos ni Jared na para bang kasintahan niya si Ali. Napapansin na din ito ng mga taong nakapaligid sa kanila ngunit tila ba wala silang pakialam sa mga sabi-sabi ng iba. Ang mahalaga sa kanila ay masaya sila sa piling ng isa’t isa.

“Anak..” tawag ni Armando sa anak habang ito ay abala sa pagguhit.

“Po?” sagot naman ni Ali saka lumingon sa kinaroroonan ng ama.

“Pansin namin na parang nagkakamabutihan na kayo ni Jared ah.” sabi nito saka umupo sa kama ng anak. Si Ali naman ay d alam kung ano ang isasagot sa sinabi ng kaniyang ama.

“Magkaibigan lang po kami ni Jared, Pa.” sagot na lamang nito.

“Hindi ko naman pinagbabawalan ang pakikipagrelasyon mo anak, ang gusto ko lang ay maging open ka sa amin ng mama mo.” sabi ni Armando.

“Pa, wag po kayong mag-alala, kung magmamahal man po ako, sisiguraduhin kong kayo po ang unang makakaalam.” sabi ni Ali sabay kandong sa ama na ikinatawa naman ni Armando.

“Ang laki-laki mo na papababy ka pa rin ah!” biro ni Armando saka bahagyang pinalo ang pwet nito ngunit di ito pinansin ni Ali. Sa halip ay yumakap ito ng mahigpit sa ama.

“Saka Pa, sisiguraduhin kong maayos na lalaki po ang ipapakilala ko sa inyo,” sabi naman ni Ali.

“Aba’y dapat lang. Pero kung si Jared din lang, talagang payag na payag ako. Napakabait na bata saka masipag.” bulalas ni Armando.

“Tay naman eh, magkaibigan lang po talaga kami ni Jared.” sabi naman ni Ali kahit na sa kaloob looban niya ay kinikilig siya sa tuwing binabanggit si Jared.

“O siya sige, pero anak, bago mo pasukin ang pakikipagrelasyon ay kailangan mo munang gumaling. Sana hindi mo makalimutan na may misyon pa tayo sa Sevede,” malungkot na paalala ni Armando sa anak. Bigla ring nagbago ang timpla ni Ali dahil sa sinabi ng ama.

Tama ang kaniyang ama. Hindi dapat mawala sa isip niya ang sumpang ito. Hindi siya dapat pumayag na may makaabala sa kanilang misyon.

“Wag po kayong mag-alala itay, lagi pong nakatatakak sa isip ko ang misyon na iyan,” paninigurado ni Ali sa ama. Napabuntong hininga naman si Armando.

“Pasensya na anak kung nasabi ko iyon. Ayoko lang na lumihis ang isip mo dahil sa ibang bagay. Naiintindihan mo naman ako anak diba?” malungkot na saad ni Armando.

Ngumiti naman si Ali sa ama sabay sabing, “Opo papa, malinaw na malinaw po.”

Sa pangalawang pagkakataon ay muling nagyakapan ang mag-ama.

Ang isang simpleng yakapan ay nauwi sa isang mainit na kaganapan.

————————————————————-

SEVEDE

Nagsisigawan ang mga tao. Humihingi sila ng tulong. Dinig na dinig ang mga iyak ng mga batang namumulat sa realidad. Magulo ang paligid at bawat sulok ay nababalutan ng dugo. Malalakas na pagsabog ang narinig ni prinsepe Raquim habang ito ay nangangaso kasama ang kaniyang mga kawal. Naalarma ang mga ito sa mga narinig kaya naman inutos ng prinsipe na hanapin ang pinanggagalingan ng pagsabog.

Maya-maya ay isang gwardiya ang sumigaw upang kunin ang atensiyon ng mga kasama.

“Mahal na prinsepe, natagpuan ni Andros ang pinanggalingan ng pagsabog,” sabi ng isang kawal. Tumango naman ang prinsepe saka sinenyasan ang mga kasamang kawal na tummungo sa kinaroroonan ng pagsabog. Sakay ng kani-kanilang kabayo ay mabilis nilang narating ang isang munting nayon na kung saan nagaganap ang kaguluhan.

Kalunos-lunos ang nasaksihan ng grupo sapagkat nagkalat ang dugo at mga putol putol na katawan ng mga tao.

Sinalakay sila ng mga Malvagio, isang uri ng nilalang na kumakain ng mga laman ng tao. Kulay pula ang mga ito na kawangis ng lobo. Nakalitaw ang dalawang pangil ng mga ito na kasinhaba ng isang punyal. Isang kagat lamang nito ay nakakamatay na. Hindi sila ganun kalaki ngunit sobrang bilis at liksi ng mga ito. Isa ang mga Malvagio sa kinakatakutan sa Sevede at isang nilalang lamang ang sinusunod ng mga ito. Siya rin marahil ang nag-utos sa mga Malvagio na salakayin ang nayon na ito.

Agad na inutos ng prinsepe na paslangin ang lahat ng mga Malvagio. Gamit ang kaniyang kapangyarihan ay nagawa nyang patayin ang kalahati. Ang ibang kawal naman ay isa isang pinaslang ang mga natitirang hayop. Ngunit dahil likas na matalino ang mga Malvagio ay nagawang makatas ng ilan sa kanila.

Mahusay man sa pakikipaglaban ang mga kawal ay may ilang sugat pa rin silang natamo dahil sa bilis kumilos ng mga halimaw.

Wala na ang mga halimaw. Wala na rin ang mga pagsabog na dulot ng mga bombang pinapasabog ng mga taga nayon upang paailisin ang mga halimaw. Tanging mga pagtangis na lamang nga mga taong naiwang buhay ang maririnig sa paligid. Lubos ang kalungkutang nararamdaman ng prinsepe ngunit mas nangibabaw sa kaniya ang galit.

“Sergio,” tawag ng prinsepe sa punong kawal.

“Kamahalan,” tugon naman ni Sergio.

“Mag-iwan ng ilang kawal dito upang magbantay at magmatyag. Iparating sa hari ang nangyari upang makapagpadala agad sila ng tulong dito.” utos ni Prinsepe Raquim.

“Masusunod po.” tugon naman ni Sergio saka agad tumalima sa pinag-utos ng prinsepe.

Inutusan din ng prinsepe ang mga naiwang kawal na tulungan ang mga natitirang buhay.

“Bigyan ng maayos na libing ang mga nasawi..” malungkot nitong sabi. Habang sinusuri ang paligid, dumako ang kaniyang mga mata sa isang batang lalaki na sa tansya niya’y pitong gulang pa lamang. Humihinga pa ito kaya agad niya itong nilapitan. Agad niyang kinarga sa kaniyang mga kamay ang bata. Unti-unti ay namumulat ang mga mata ng bata. Kita sa ekspresiyon nito ang iniindang sakit. Wala na ang isang paa nito at maraming dugo ang lumalbas sa kaniyang tiyan. Gamit ang kaniyang kapangyarihan ay sinubukan niyang gamutin ang bata.

Ngunit parang walang nangyayari.

“K-kayo po ba a-ang p-prinsepe?” nahihirapang bigkas ng bata.

“Ako nga, kaya wag kang mag-alala, ligtas ka na..” masuyong sabi ng prinsepe.

Ngumiti ang bata. Kahit nahihirapan ay nagawa nitong ngumiti. Tinaas nito ang kaniyang kamay upang abutin ang mukha ng prinsepe. Nang mahawakan niya ang mukha ni Raquim ay labis na natuwa ito.

“Pagl-laki ko, p-pangarap k-kong maging isang k-kawal p-par m-m-marami akong mat-tulungan g-gaya niyo.” sabi ng bata.

“Paglaki mo, sigurado akong magiging isa kang magaling na kawal..” sabi naman ng prinsepe habang patuloy na ginagamot ang bata ngunit hindi talaga tumatalab ang kaniyang kapangyarihan.

Ngumiti muli ang bata sa tinuran ng prinsepe. May gusto pa sana itong sabihin ngunit nahihirapan na itong magsalita at makahinga. Naalarma na ang prinsepe sa inaasta ng bata.

‘Hindi maaari,’ sa isip ng prinsepe. Patuloy siya sa panggagamot at ramdam na niya ang panghihina dahil sa enerhiyang kaniyang ginamit.

“K-kamahalan…” mahinang sabi ng bata.

“Ano yun?” pilit pinapasigla ng prinsepe ang kaniyang boses upang hindi mahalata ang kaniyang paghihirap at ang mga luhang nagbabadya nang tumulo.

“P-pakiusap, tulungan n-niyo r-rin pong m-marating n-g kapatid k-ko ang -kaniyang p-pangarap. G-gusto po niyang maging i-isang s-salamangkero.”

Tumangi-tango naman ang prinsipe,” Oo, tutuparin ko ang mga pangarap niyo ng kapatid mo, kaya lumaban ka, hmm?”

Ngunit hindi na sumagot ang bata. Nakangiti itong unti-unting pumipikit. Hanggang sa tuluyan na itong nawalan ng hininga. Hindi kinaya ng kaniyang katawan ang mga natamo kaya naman sa huli ay binawian ito ng buhay.

Napaiyak na ang prinsepe.

‘Patawad at kami ay nahuli ng dating,’ sabi nito sa kaniyang isip habang tumatangis. Maya-maya ay may batang umiiyak na lumapit sa kanila. Kamukhang-kamukha nito ang kargang bata. Marahil ito ang sinasabi nitong kaniyang kapatid. Umiiyak ang bata habang nakahawak sa kamay ng kapatid.

Pangarap ng kambal na magsilbi sa palasyo. Pangarapa nilang magkaroon ng maraming pera at makapangasawa at magkaroon ng mga anak. Pangarap nilang makakain ng tatlong bese sa isang araw at manirahan sa isang tahanan na puno ng pagmamahal. Ngunit dahil sa nangyari ay hindi na ito matutupad pa.

Dinaluhan ng prinsepe ang umiiyak na bata. Ilang oras din ang lumipas na nasa ganung pwesto lamang sila. Nakatulog na ang bata dahil sa pagod. Ang kapatid naman nito ay nakabalot na sa isang mamahaling kumot na ipinasadya ng prinsepe na siyang gagamitin sa bata. Kinarga ng prinsepe ang kapatid ng namatay na bata at dinala sa nakahandang kanilang tutuluyan.

Maya-maya pa ay nagising ang bata. Malungkot ang mukha nito at mugtong mugto ang mga mata dahil sa kakaiyak.

“San po yung kapatid ko?” sabi ng bata.

Hindi alam ng prinsepe kung paano ito sasagutin kaya naman niyakap na lamang niya ang bata. Tahimik lamang ang bata.

“Magiging maayos din ang lahat,” masuyong sabi nito sa bata.

“Kapatid ko…” muling iyak ng bata. Awang-awa si Raquim sa bata. Hinayaan lamang nito ang bata ilabas ang lahat ng kaniyang luha hanggang sa ito ay tumahan at biglang nagsalita.

“Ang aming ama..” panimula ng bata, “siya po ang may kasalanan.”

Nabigla ang prinsepe sa tinuran ng bata, “Anong ibig mong sabihin?”

“Inutusan po niya ang kapatid ko na tumakbo sa ibang dereksyon habang kami kasama ng aking ina ay nagtago. Hanggang sa inatake ang kapatid ko ng halimaw. ” sabi nito at muling napaiyak habang patuloy na isinasalaysay ang mga pangyayari. Nagpupuyos naman sa galit ang prinsepe dahil sa mga marinig. Ginawang pain ang bata. Ginawa siyang pain ng kaniyang sariling mga magulang na dapat ay pumrotekta sa kanila. Nagdilim ang paningin ng prinsepe.

“Sergio..” maotoridad na tawag nito sa punong kawal.

“Kamahalan,”

“Hanapin niyo ang magulang ng batang ito at iharap niyo agad sa akin,” sabi nito. Malamig at puno ng gaalit ang pagkakasabi nito. Naramdaman ni Sergio ang galit ng prinsepe kaya agad niyang sinunod ang utos.

“Uhhhhh,” dumuwal ng dugo ang lalaki dahil sa ginawang pagsipa ng prinsepe dito. Pinagsusuntok niya ang lalaki na kung hindi pa pinigilan ng punong kawal ay baka namatay na ito.

“Huminahon po kayo kamahalan,” pigil ni Sergio sa prinsepe. Kumalma naman ang prinsepe.

“ANO BANG KASALANAN KO???!!!!” sigaw ng lalaki.

Nakakamatay na titig ang ginawad sa kaniya ng prinsepe maging ang mga kawal ay puno ng galit na tumingin sa lalaki.

“Ano nga bang kasalanan mo hayop ka?” nanggigigil na turan ng prinsepe.

Ipinakita ng prinsepe ang isang pulseras. Nang makita ito ng lalaki ay nanlaki ang mga mata nito sa gulat. Alam niya kung kanino ang pulseras na iyon. Hindi ito makapagsalita sa takot.

“A-ano…ahhhh” natatakot nitong sambit.

“ANO???!!” sigaw ng prinsepe. Agad lumuhod ang lalaki at nagmakaawa na huwag siyang patayin ngunit nakatanggap lamang ito ng sipa mula sa prinsepe.

“TINAMAAN SIYA NG SUMPA!!” iyak ng lalaki. Napatigil ang prinsepe. Ang sumpa na naman. Mas tumindi ang galit nito dahil sa lecheng sumpa na iyan at ang kawalang-hiyaan ng lalaking ito na siyang unang dapat pumoprotekta sa kaniyang anak ngunit ng dahil sa sumpa ay nagawa niya itong ipain sa isang halimaw.

“Hindi iyon sapat na rason para ipain mo ang anak mo sa halimaw..” mahina ngunit nakakatakot na sabi ng prinsepe.

“Hindi mo ako masisisi, walang lunas ang sumpa na iyon!” sigaw ng lalaki

“Ang sabihin mo makasarili ka. Hindi ka karapat dapat na tawaging ama o kahit TAO manlang hayop ka!” sigaw ng prinsepe dahil sa galit. Nagdilim lalo ang paningin ng prinsepe at ang espada nitong nagligtas ng mga buhay mukhang babalutan na naman ng dugo.

“Wag, parang awa mo na…” pakiusap ng lalaki pero ang prinsepe ay tila ba walang naririnig. Maging ang mga kawal ay hinayaan na ang prinsepe sa nais nitng gawin dahil maging sila ay pagkasuklam ang nararamdaman para sa lalaki. Hindi mawala sa isip nila ang batang punong puno ng pangarap na nakahandusay sa malamig na lupa. Ang tinig ng bata na punong ouno ng saya habang binabanggit ang pangarap nilang magkapatid na ngayon ay hindi na niya matutupad sa buhay na ito. Para sa kanila ay isang ganap na bayani ang bata kaya naman isang marangal na libing ang ibibigay nila rito. Ang bata ay isa nang ganap na kawal gaya ng kaniyang pangarap.

“WAGGGGG!!”

Sa ilalim ng bilog na buwan, sa mapayapang kalangitan ay binalot ng isang sigaw.

Isang masakit na sigaw.

Isang sigaw ng demonyong pinabalik sa impyernong kinabibilangan.