Hindi nagtagal ay tumigil na ang karwahe. Nakarating na sila sa kanilang destinasyon. Mas tumindi ang kaba niya nang pinababa na siya sa karwahe. Pinilit niyang kumawala pero lubhang malalakas ang mga nakahawak sa kaniya.
“Huwag ka nang magtangkang kumawala, mas masasaktan ka lang,” rinig niyang sabi ng isa sa kanila.
“Lakad!” maotoridad na sabi ng isa. Pero dahil sa takot ay nanginginig ang mga tuhod nito kahit pinipilit niyang maglakad ng maayos. Kaya naman halos kaladkarin na siya ng dalawang barbaro. Pagkatapos ay tinulak siya kaya naman napaluhod siya sa sahig. Tinanggal na din ang piring sa kaniyang mga mata at ang nakabusal sa kaniyang bibig.
Namumugto ang kaniyang mga mata dahil sa iyak. Tumingin siya sa kaniyang paligid at hinuha niya ay nasa Asygrat na ito.
“Pinuno, natagpuan namin ang Severian na ito na nagmamanman sa kakahuyan ng Asygrat. Marahil ay ipinadala ito ng hari ng Sevede,” sabi ng nakakatandang barbaro sa kaniyang pinuno na nakaupo sa isang trono. Nasa 40 na ang edad nito. Katabi niya ay ang kaniyang asawa.
Napangisi naman ang kanilang pinuno dahil sa sitwasyon.
“Pano kayo nakakasiguro na espiya ito?” tanong ng pinuno.
“Amoy ko ang dugong Severian na nananalaytay sa kaniyang dugo. Kailanman ay hindi nagkamali ang aking pang-amoy sa pagkilatis kung Severian ang isang nilalang,” sagot ng nakakatandang barbaro.
“Alam ko ang kakayahan mo Somir. Sabihin na nating Severian ito, pero pano ka nakakasiguradong espiya siya?” tanong ng pinuno. Hindi nakasagot si Somir.
“Hindi tanga ang Sevede upang magpadala ng ganitong espiya. Kitang kita sa wangis nito na parang hindi ito makakapatay ng lamok!” namamanghang tawa ng pinuno.
“Pero kahit na, Severian pa rin ang nilalang na to,” katwiran naman ni Somir.
“Hindi ako Severian!” sigaw ni Ali, “kaya parang awa niyo na po, kailangan ko pong hanapin ang pamilya ko,” pagmamakaawa ni Ali. Umiiyak na din ito dahil sa halo halong emosyon. Takot at pag-aalala ang nangingibabaw.
“Kung hindi ka Severian, pano ka nakapunta dito?” tanong ng pinuno.
“Galing ako sa Dimian. S-sa lupain ng mga engkanto..” humihikbing sagot ni Ali.
“At ano namang sadya mo dito encantado?” muling tanong ng pinuno. Hindi alam ni Ali kung paano sasagot. Natatakot siya na kung aaminin niya ang tungkol sa sumpa ay mas manganib ang buhay niya sa kamay ng mga barbaro.
“N-naligaw lang po ako. Kasama ko ang aking pamilya upang maglakbay at maghanap ng mga sangkap sa isang lunas. N-nagkaroon n-ng di inaasahang p-pangyayari, kaya ka-kami nagkahiwalay,” kinakabahang pagsisinungaling ni Ali. Ipinagdadasal niya na sana ay makalusot ang kaniyang kasinungalingan at palayain siya ng mga ito.
Natahimik ang paligid. Kinakabahan si Ali sa nakakabinging katahimikan. Hindi siya makatingin sa mga mata ng pinuno kaya nakayuko lamang ito. Para bang may kapangyarihan ang mga mata nito na psunurin ang kung sino man ang titigan niya.
“Sarim!” tawag ng pinuno sa punong tagapaglingkod. Dali dali naman ang tagapaglingkod na lumapit sa pinuno.
“Kamahalan..”
“Maghanda ng silid para sa ating panauhin. Maghanda ka rin ng mga kasuotang maaari niyang gamitin.” utos ng pinuno.
“Masusunod po,” tugon ng tagapaglingkod at sinunod ang utos ng pinuno. Nagulat si Ali sa inutos ng pinuno. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o kaya’y matakot sa kung anumang pinaplano ng pinuno.
“Pero kuya-” pagtutol ng barbaro pero agad itong pinutol ng pinuno.
“Nakapagpasya na ako Somir at iyon ay ang ituring ang encantadong ito bilang bisita. Wala nang makakapagpabago sa aking isipan,” sabi ng hari. Umugting ang panga ni Somir dahil sa galit ngunit alam niyang kailangan niyang sundin ang huling utos ng pinuno kahit pa man kapatid niya ito. Hindi na lamang sumagot si Somir at umalis dahil sa galit.
“Hayaan mo na ang aking kapatid encantado. Ano nga palang pangalan mo?”
“A-ali po, pi-pinuno,” nauutal na tugon ni Ali.
“Nagagalak akong makilala ka Ali. Sana ay maging masaya ka sa paninirahan mo dito pansamantala. Wag kang mag-alala at magtatalaga ako ng mga barbaro na hahanap sa pamilya mo. Ngunit sa ngayon ay dumito ka muna dahil delekado ang mundo sa labas ng Asygrat,” sabi ng pinuno.
Hindi alam ni Ali ang mararamdaman pero mas nangibabaw ang tuwa at pasasalamat dahil nagkamali siya sa iniisip tungkol sa pinuno.
“Maraming salamat po pinuno!” masayang tugon ni Ali.
Tinanggal na din ng barbarong si Andreas ang mga tali sa kaniyang katawan at kitang kita ang mga sugat sa katawan nito.
“Sumama ka sa tagapaglingkod ko upang makapagpahinga ka. Bukas na bukas ay sisimulan na natin ang paghahanap sa pamilya mo,” sabi ng pinuno.
“Maraming salamat po ulit pinuno,” muling pasasalamat ni Ali at tumango lang ang pinuno bilang tugon. Sumama si Ali sa tagapaglingkod at nang makaalis na ito ay umalis na din si Andreas.
Nang wala nang tao sa paligid maliban sa mga gwardiya at ilang tagapaglingkod ay di na naiwasan ng reyna ang magsalita.
“Aking hari, hindi ko maintindihan kung bakit mo tinuring na bisita ang Severian. Alam mong may kakayahan si Somir na kumilatis kung Severian ang isang nilalang kaya impossible na nagsisinungaling ang iyong kapatid,” tanong ng reyna. Napangisi naman ang pinuno.
“Alam ko. Alam ko din na nagsisinungaling ang Severiang iyon. Naaamoy ko ang masamng enerhiya mula sa kaniya ngunit may bagay na di ako maipaliwanag. Kaya kailangang dumito muna siya para mabantayan ng maigi. Hindi natin alam kung ano ang dala ng nilalang na iyon,” sagot ng hari.
“Pero hindi ba mas ligtas kung paalisin na lamang natin siya dito?” muling tanong ng reyna.
“Hindi muna sa ngayon.” huling sabi ng hari at nagpaalam na may gagawin pang mga trabaho. Hindi naman mapakali ang reyna dahil sa panganib na maaaring dala ng dayo ngunit dahil nakapagpasya na ang hari ay kailangan niyang magdoble ingat.
Samantala, si Somir ay nag-eensayo upang ilabas ang kaniyang galit. Hindi niya maintindihan kung bakit pinatuloy ng hari ang Severian na iyon sa kanilang lupain. Paano na lamang kung may panganib na dala ito? Panganib lamang at kamalasan ang dala ng mga Sevrian sa buhay nila at hindi niya alam kung bakit ganun na lamang iyon kinalimutan ng kaniyang kapatid.
“Somir”
Lumingon ito sa kung sino man ang tumawag sa kaniya at nainis siya ng makita ang kaniyang kuya. Kaya naman hindi nya ito pinansin at ipangpatuloy ang pag-eensayo.
“Somir!” muling tawag ng hari sa maotoridad na boses. Agad namang napatigil si Somir. May ganung takot ang dala ng hari kaya naman kinakatakutan ito dahil sa kakayahan nitong mapasunod ang ninuman.
“Naiintindihan ko ang iyong galit, pero gusto ko lang ipaalam sayo na iba ang kutob ko sa nilalang na iyon. Kaya kailangan ko ang tulong mo na bantayan lahat ng kilos at galaw nito.” sabi ng hari.
Nang marinig ni Somir ang sinabi ng hari ay naintindihan niya na kung ano ang pinaplano ng kaniyang kuya.
Kasalukuyang naliligo si Ali sa isang bukal sa likod ng palasyo. Nakababad lamang ito sa mainit na tubig at tila ba nasa langit ang kaniyang pakiramdam. Ngunit maraming tumatakbo sa kaniyang isip na bumabagabag sa kaniya. Hindi siya pwedeng magtagal dito dahil sa sumpa. Kailangan niyang mahanap ang kaniyang pamilya bago pa man umatake muli ito. Nag-iisip na ito ng plano kung paano makakaalis sa lugar na ito ngunit hindi gumagana ang kaniyang utak sa pagod. Kailangan niya ng pahinga ngunit sa dami ng inaalala niya ay napapagod siya sa kakaisip at pag-aalala lalo na sa kaniyang mga kasama.
Nang matapos na ito sa paliligo ay bumalik siya sa silid na itinalaga sa kaniya. Sinuot na niya din ang hinanda ng tagapaglingkod at humiga sa malambot na kama. pagkahiga niya ay agad siyang dinalaw ng antok dahil sa pagod sa dami ng pinagdaanan niya ngayong araw. Ipinagdadasal niya na sana maging maayos ang lahat bukas.
Maagang nagising si Ali. Saktong pagkagising niya ay pasikat na ang araw. Ngunit ang nakakuha sa atensiyon niya ay kung gaano kaganda ang tanawin. Napakaganda ng kalangitan. Kaya naman agad itong bumangon sa higaan at tumingin sa labas. Hindi na maalis ang ngiti nito dahil sa ganda ng umagang sumalubong sa kaniya. Tila ba binibigyan siya ng kalangitan ng lakas upang lumaban. Maya-maya pa ay may ideyang pumasok sa isip ni Ali kaya naman agad agad niyang kinuha ang kaniyang bag at doon inilabas ang isang sketchbook. Nakaugalian na ng binata ito na kung may papasok na ideya sa isip niya ay kailangan na niya itong gawin para hindi mawala.
Umupo ito sa silya malapit sa bintana at sinimulang gumuhit. Sa ekspresyon pa lang nito ay hindi maipagkakaila ang saya na kaniyang nararamdaman sa gitna ng pinagdadaanan niya ngayon.
Ang hindi niya alam ay may isang pares ng mga matang nakamasid sa kaniya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman dahil sa kaniyang nakikitang ginagawa ng binata. Mali nga ba siya ng iniisip tungkol kay Ali? Ngunit para kay Somir ay walang mabuting maidudulot sa kanila ang pakikipagkaibigan sa Severian. Magdudulot lamang ito ng panibagong gulo sa pagitan ng dalawang lupain. Umalis si Somir sa kinatatayuan dahil aminin man niya o hindi, sinisigaw ng puso niya na mabuting tao ang binata.
Pero ang barbaro ay sanay nang hindi pakinggan ang puso.
Samantala, si Ali naman ay abala pa rin sa ginagawa nang may pumasok sa silid niya. Dahil masyado itong nakatutok sa ginagawa ay parang napupunta siya sa ibang mundo na hindi niya namamalayan ang nangyayari sa paligid niya. Ang nagbukas ng pinto ay walang iba kundi si Andreas. Batid ni Andreas na hindi siya napansin ni Ali na siyang pinagtataka niya kaya tinignan niya kung anong ginagawa nito. Lumapit siya ng kaunti at nakitang abala ang binata sa pagguhit ng isang alahas.
Hindi alam ni Andreas pero nalilibang siyang pinapanood si Ali habang gumuguhit. Bawat paggalaw ng mga kamay ni Ali ay parang nakakatuwa para sa binatang barbaro. Una pa lang ay ramdam na niya na mabuting tao si Ali. Unang kita pa lang niya rito ay alam niya wala itong gagawing masama. Pero dahil sa utos ni Somir ay kailangan niya itong igapos. Nakita niya ang namumula at sugatang pulso ni Ali. Agad naman itong nakaramdam ng pagkahabag.
“Encantado..” pagtawag niya rito ngunit hindi siya nito pinapansin. Sa isip ni Andreas ay baka nga masyado itong tutok na tila ba wala na itong pakialam sa paligid. Kaya naman mas lumapit pa ito at kinalabit ang binata. Napaiktad naman si Ali dahil sa gulat at tumingin kay Andreas. Nanlaki ang mga mata nito sa takot at tila di makapagsalita. Napansin naman iyon ni Andreasa at nalungkot siya dahil alam niyang masyado itong natakot sa kanila kahapon.
“Wag kang mag-alala, hindi kita sasaktan. Tatawagin lamang kita para sa agahan,” masuyong sabi ni Andreas.
Hindi naman iyon inasahan ni Ali. Sa katunayan ay nakaramdam siya ng kakaiba sa kaniyang tiyan dahil sa malalim at masuyong boses ng barbaro dahil ngayon niya lang mas napakinggan ito. Tahimik kasi ito mula nang una pa lang silang nagkita.
Alanganin itong tumango bilang pagsang-ayon. Pansin iyon ni Andreas ngunit naiintindihan niya ito. Marami pang araw at pagkakataon upang mas lalo silang magkakilala. Sa mga panahong iyon ay ipaparamdam niya rito na hindi siya masamang tao.
Inayos ni Ali ang kaniyang mga gamit at nagpaalam muna kung pwede siyang magpalit ng damit dahil nakapang tulog ito. Nakangiting tumango naman ang barbaro at lumabas ito ng silid upang hintayin si Ali.
Nang nakapag-ayos na si Ali ay lumabas ito ng silid. Pagkakita ni Andreas kay Ali natulala ito at kasabay nun ay ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya. Tila ba nakakita ito ng anghel sa kaniyang reaksiyon. Bagay na bagay ang damit na suot ni Ali sa kaniya. Yan ang iniisip ni Andreas habang nakatingin dito.
Ang hindi alam ni Andreas ay nagsasalita na pala si Ali pero hindi niya naririnig dahil sa pagkatulala.
“Ah, pasensiya na..Uhmm. Tara, naghihintay na ang pinuno sa hapagkainan,” tugon ni Andreas nang namalayang nakatulala na pala ito ng matagal. Nakaramdam ito ng hiya at agad na tumalikod at nagsimulang magalakad. Naguguluhan naman si Ali sa inaasta ng barbaro pero natutuwa siya nang makita itong namumula. Para bang napaka-cute nitong tignan na pulang-pula. Di niya akalain na may ganitong katauhan din pala ang barbarong ito. Biglang gumaan ang loob niya kay Andreas dahil dito.
Binagtas ng dalawa ang malawak at mahabang pasilyo para makarating sa hapag. Manghaang mangha si Ali sa strktura ng buong palasyo. Maganda din ang mga disenyo at mga pinintang larawan na nakasabit sa mga dingding. Samantalang si Andreas naman ay natutuwa sa kasiglaan ni Ali. Para itong batang paslit na manghang mangha sa mga bagay na ngayon niya pa lang nakita.
Habang nakatingin ang barbaro kay Ali ay bigla na naman siyang pumasok sa isip niya. Nalungkot ito nang maalala muli kung gaano kasigla ang palasyo noon dahil sa kaniya ngunit isang masalimuot na pangyayari ang naganap at nawala ang sigla ng buong Asygrat.
Nasa malalim na pag-iisip si Andreas nang mapansin na nakarating na sila sa kainan. Kinakabahan ng lubos si Ali dahil hindi niya alam kung paano makitungo sa pinuno ng Asygrat. Nang maramdaman ni Andreas ang panginginig nito ay sinigurado niya na mabait ang pinuno sa mga taong malinis ang hangarin. Napangiti naman si Ali sa narinig at kahit papano ay naibsan ang nararamdamang kaba. Huminga ito nang malalim nang binuksan ng alalay ang pinto.
Bumungad kay Ali ang malawak at magandang silid. Parang mas malawak pa ito sa buong bahay nila kaya naman halos malula siya sa laki at ganda nito. Sa harap niya’y isang mahabang mesa na punong puno ng pagkain. Nakaupo doon ang pinuno, ang kaniyang asawa, dalawang batang lalaki at si Sorim na ngayon ay malamig ang mga matang nakatingin sa kaniya. Bigla naman siyang kinabahan kaya napayuko na lamang ito.
“Mabuti at nandito na ang aking mahal na panauhin. Halika at samahan mo kami sa pagkain,” nakangiting anyaya ng pinuno sa kaniya. Nahihiyang ngumit si Ali at bumati pabalik sa pinuno. Iginiya naman siya ni Andreas upang makaupo na ito at makakain. Ang hindi niya lang gusto ay katabi niya ngayon si Somir.
‘Malulunok ko pa kaya ang pagkain dito?,’ tanong ni Ali sa sarili dahil sa lamig ng tingin ni Somir sa kaniya. Ngunit nang makita niya ang mga pagkaing nakahanda ay para bang nawala lahat ng takot niya at ang gusto niya lang ay lantakin ang lahat ng pagkain sa harap niya.
“Kumain na tayo,” sabi ng hari kaya naman sobrang tuwa ni Ali. Agad siyang kumuha sa mga pagkain sa harap niya at napapapikit ito sa sarap bawat subo. Hindi niya namamalyan na lahat ng mga mata ay nakatitig na pala sa kaniya. Nang marealize niya yun ay napatigil ito sa pagkain at yumulo.
“Pasensya na po,” mahina nitong sabi ngunit tumawa lang ang pinuno at ang kaniyang asawa. Hindi naman inasahan ni Ali ang matatanggap na reaksiyon kaya napatingin ito sa kanila. Natuwa bigla ang puso niya nang makita ang masayang tawa ng mag-asawa. Naalala niya ang kaniyang mga magulang na ganyan din kung tumawa. Bigla niyang namiss ang mga araw na sabay silang kumakain at sabay naglilinis ng bahay. Bumalik lahat ng masasayang alalaala ng kaniyang buhay dahil dito.
“Pasensya na Ali, natuwa lamang kami dahil sa sigla mong kumain. Kaya kain lang nang kain, lahat nang ito ay para sa ating lahat,” masayang sabi ng asawa ng pinuno.
“MmHmm,” pagsang-ayon naman ng hari. Agad nagliwanag ang mukha ni Ali at tinuloy ang pagkain.
“Ang sarap po ng mga pagkain Pinuno,” sabi ni Ali na halos hindi na maintindihan dahil punong puno ang bibig nito.
“Dahan-dahan at baka mabulunan ka,” sabi naman ni Andreas na natutuwa rin sa sigla ni Ali,
Masayang kumain ang lahat. Maging si Somir, kahit hindi niya aminin ay alam niya sa kaniyang sarili na hindi kapahamakan ang dala ni Ali. Ngunit andun pa rin ang pagaagam-agam niya kaya naman babantayan pa rin niya ito.
‘Isang araw pa lamang niya rito, paano kung pakitang-tao lang lahat ng mga ito?’ tanong ni Somir sa sarili. Sa kanilang lahat, siya ang pinakamahirap magtiwala. Ang tiwalang minsan nang nabasag ay mahirap nang ibalik. Ang masama pa doon ay naapektuhan ang iba dahil dito. Nagiging mahirap na sa kanila ang magtiwala sa kahit sino.
Nang matapos ang kanilang pagsasalo-salo sa pagkain ay nagpaalam na ang mag-asawa dahil sa trabaho at gayundin si Somir.
“Andreas, ipasyal mo muna si Ali sa bayan nang sa gayon ay masanay siya rito. Ikaw naman Ali, wag kang mag-alala dahil hindi ko kinalimutan ang pangako ko sa iyo,” sabi ng pinuno bago sila umalis.
Hindi alam ni Ali kung bakit sobrang bait ng pinuno sa kaniya. Natatakot tuloy siya na baka may kapalit ang lahat nang ito. Ngunit mas pinipili niya na isiping mabuti lang talaga itong tao ngunit alam niyang kailangan niya pa ring mag-ingat dahil ayon sa mga natutunan niya tungkol sa mga barbaro, hindi sila nagtitiwala agad sa kung sino-sino.
————————
PALASYO NG SEVEDE
Sa pinakatagong parte ng palasyo matatagpuan ang isang munting dampa na kung saan ito ay naging pribadong lugar ni prinsepe Raquim. Ito ay naging sanktruaryo para sa kaniya dahil sa magandang pwesto nito. Tahimik at mapayapa ang paligid kaya naman sa tuwing may bumabagabang sa kaniyang isipan ay dito siya nagpapalipas ng oras para makapag-isip. Maliban doon, may iba pang dahilan kung bakit niya pinatayo ang sanktuaryong ito.
“Ahhhhhh…..Raquim,” hiyaw ng isang babaeng nasa ilalim ng prinsepe.
Patuloy lang ang prinsepe sa mabilis at malalim nitong pag-ulos sa babae. Libog na libog na ito sa bawat daing at ungol sa sarap ng kaniyang katalik na lalong nagpapataas sa init na nararamdaman.
Samantalang ang babae naman ay halos mawalan ng ulirat sa tindi ng sensasyong hatid ng kayamanan ng prinsepe. Bawat pagsalakay nito sa kaniyang kaselanan ay langit ang hatid nito sa kaniya.
Kapwa sila hinihingal at naghahabol ng hininga habang pinapaligaya ang isa’t isa. Sinusulit nila ang oras na meron sila ngayon.
“Sige pa…” Pagsusumamo ng babae na hindi na niya alam kung saan ibabaling ang kaniyang ulo kaya naman ang kaniyang mga kamay ay pumulupot sa leeg ng prinsepe at niyakap ito. Damang dama ng prinsepe ang malulusog nitong hinaharap kaya naman mas lalo itong ginanahan sa pag-ayuda. Damang dama ng prinsepe ang paghulma ng kaniyang ari sa loob ng babae.
Kapwa sila nabihag ng ng pagnanasa ngunit ibang tao ang nasa isip ng babae. Ibang tao ang iniisip niyang nagpapaligaya sa kaniya ngayon. Ang bawat halik, haplos at yakap na pinapadama sa kaniya ni Raquim ay ibang tao ang kaniyang iniisip. Sana kahit sa ganung paraan, maibsan ang kaniyang konsensya para sa taong mahal.
“Lalabasan na ako…” Mahinang bulong ng prinsepe sa tenga ng kaulayaw.
“Hmmmmmm ” pigil na ungol ng babae. Maging siya ay nararamdaman na ring malapit siyang labasan.
Mabilis namang umayuda ang prinsepe. Halos magiba ang kama sa tindi ng kaganapan. Nagpapalitan sila ng malalakas na ungol at halos mayanig ang buong kagubatan sa lakas ng kanilang daing.
“aAhhhhhhh!!…” Sabay nilang hiyaw nang marating nila ang kasukdulan.
Napahiga ang prinsepe sa tabi ng babae. Kapwa nila hinahabol ang kanilang hininga. Pawisan at humahangos ang dalawa habang nakatingin sa kisame.
Tumingin ang prinsepe sa babae.
“Ayos ka lang ba? Patawad, napasobra ata ako..”
Napatawa lang ang babae sa sinabi ng prinsepe.
“Ayos lang ako Raquim. Alam mo namang wala lang sa akin to.” sagot ng babae
Nagkatitigan ang dalawa. Nang humupa na ang init na kanilang nararamdaman ay tila ba nag-iba ang ihip ng hangin. Kapwa sila tumayo at sinuot ang kanilang mga damit.
“Salamat ulit Raquim sa tulong mo,” sabi ng babae sa prinsepe habang inaayos nito ang kaniyang buhok. Ngumiti lang si Raquim sa babae. Medyo mabigat ang kaniyang pakiramdam. Nakokonsensya siya sa mga namamagitan sa kanila ng dalaga. Ngunit sa sitwasyon nila’y ni isa sa kanila ay walang magagawa.
“Bukas na bukas ay muli akong maglalakbay. Kung kailangan kong halughugin ang buong mundo ay gagawin ko mahanap lamang ang aking kapatid. Buhay man o patay..” determinadong turan ng prinsepe.
Tahimik lang nakatitig sa kaniya ang babae. Natatakot rin siya sa maaaring kinahinatnan ng kapatid ni Raquim. Ngunit ang tanging magagawa lamang niya ay magdasal.
“Kung ganun ay mag-iingat ka. Ngunit bago ka umalis, may ibibigay ako sa iyo na sana ay makatulong sa paghahanap mo kay Cynrad,” sabi ng babae.
“Ano yun?” tanong ni Raquim.
May dinukot ang babae sa kaniyang bulsa. Isang kwintas. Ngunit ito ay hindi pangkaraniwang kwintas lamang.
Namangha ang prinsepe habang pinagmamasdan ang nagliliwanag na kwintas.
“Ano to?” tanong muli ni Raquim.
“Kumunsulta ako sa isang babaylan upang humingi ng tulong sa paghahanap kay Cynrad. Ito ay kwintas ni Cynrad na binigay niya sa akin bago siya naglakbay. Binasbasan ito ng babaylan at sana’y maging matagumpay ang kaniyang ginawang ritwal rito at ihatid ka sa kinaroroonan ni Cynrad,” sabi ng babae saka inabot ang kwintas kay Raquim.
“Ano namang m…