Sinundot Ng Sanggano

Part 1: Ako si Bryant

“Uy, ano na, handa ka na ba? Nagumpisa na ang kainan!”

Text ko sa kababata kong si Tina. Siguro sa buong 19 years na nabubuhay ako, 14 nun kilala ko si Tina.

Nakatira ang family naming sa isang subdivision, at sa gilid ng subdivision, sa tawid ng pader, ay ang isang community din na kung tawagin sa amin ay gillage (gilid ng village). Bilang nauna ang gillage, mas matagal nang naninirahan ang mga tao dito kesa sa aming subdivision, pati nga main road nung subdi naming ay papunta din sa main na daan ng gillage. Dahil nga sa ganun, hindi din strikto ang paglabas-masok ng mga taga gillage sa amin, lalo na kung gagamitin ito’ng shortcut papunta sa daan naman na papuntang sakayan papuntang Makati. Marami din butas ang pader na naghihiwalay sa kanila at sa amin, at sa isa sa mga butas na ito lumulusot si Tina at iba pang mga bata galing sa gillage para makipaglaro sa mga tiga-subdi.

Five years old ako nun, buwan lang ang pagitan naming ni Tina, at nang lumaki kami, dahil nga kami ang magka-edaran, e kami ang close. Nun nga nagumpisa ako magbinata e dun ko napansin si Tina pala ay hindi na ang kababata ko, kundi isang maganda at kaaya-ayang dalaga. Sa madali’t sabi, matagal na akong may dinadalang damdamin para sa kanya. Nagtapat ako sa kanya minsan na nakaupo kami sa swing sa may playground na malapit sa exit ng subdi. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko nun, at si Tina naman ay namumula ng husto, hindi maktaingin sa akin, pero nagkaaminan din kami. First kiss namin ang sumunod, at yun ang opisyal na naging kami. Tahimik muna kami sa relasyon naming dalawang buwan na ang itinagal, lalo na sa mama ni Tina. Ang may alam lang ay ang pamilya ko, kaya imbitado si Tina irthday ni ate. Naghahanda na akong gumayak para sunduin siya nang may sumigaw.

“Mang Ruel, umalis na po kayo, lasing po kayo!” ani ng alsang boses ng ate ko.

Hindi mo din maiiwasan, pati yung mga tambay din sa subdi at sa gillage e madalas din magkahanapan at magkainuman. Notorious dito si Mang Ruel, sanggano na sa balita naming e galing sa squatter sa tabi ng gillage. Madalas mo siya makikita, naglalakad na walang pang-itaas, kahit tirik ang araw e nakainom, nambabastos ng mga babae at nambu-bully ng mga bata. Isa ako sa mga binu-bully niya noon, hanggang nang lumaki na ako, at siguro na din dahil umuwi na si papa galing abroad, e nilubayan na niya ako. Nagkaroon na din ako ng lakas ng loob simula nun, at ang dating takot ko sa sanggano e nawala na, at malakas na din ang loob ko na sawayin siya kapag andito siya sa amin. Pumunta ako kay ate para rumesbak, at dinatnan ko ang eksena na hawak niya sa braso ang ate ko at gumagawa ng eskandalo, yung bf ni ate nakahandusay sa kalsada.

“Bitawan mo ate ko!” sigaw ko, pasabay ng tadyak sa tagiliran ni Mang Ruel, at napaupo siya sa pwersa, kasabay na natumba si ate paharap sa kanya, na nagkakawag naman hanggang bitawan siya ng sanggano at tumakbo papunta sa bf niya.

“Dave, Dave! Ok ka lang ba?” tarantang tanong ni ate, sabay yugyog kay kuya Dave.

Si Mang Ruel naman, ay bumangon ulit, poporma pa sana pero natigilan nang makita niya si papa palabas ng bahay na may dalang pamalo. Ang masayang tipon ng pamilya at mga kaibigan ni ate ay nasira sa pangyayaring ito.

Nagbago ang timpla ni Mang Ruel, at ang madalas na barubal niyang pananalita ay naging tila pasuyo.

“Trixie naman, pasensya na, napadaan lang ako dito para bumati ng happy betdey sayo, e nakita ko yang kumag na yan na umiihi sa poste ng gate niyo, syempre sinuway ko kasi bastos.” sabi ng sanggano.

“Hindi po gawain ni Dave yan, nagpaalam po siyang may kukunin sa kotse! Umalis na po kayo!” sagot ng ate ko, habang si kuya Dave naman ay nahimasmasan, hawak ang panga niya.

“Ruel, wala akong pakealam kung tanod ka dun sa inyo, basta dito, wala kang palag. Ano, hahambalusin kita, o aalis ka?” banta ni papa, at nakatunog na din ang ibang mga lalaking kaibigan ni ate na nakapalibot kay papa.

“Heto na, heto na, aalis na. Tangina ka ‘nyor ha, lintik lang ang walang ganti, tinadyakan mo ako.” paiwang banta niya sa akin bago ito tuluyang lumusot sa butas sa pader.

Inalalayan naming si kuya Dava papasok sa kwarto ni ate, at sabi nitong kailangan lang niya mahiga sandali, kaya si ate naman ay lumabas ulit para humarap sa mga bisita. Kami ni papa e nag-usap tungkol sa nangyari, hanggang sa nang magdilim na nung matapos kami, at pumunta na din kami upang kumain.

Saka ko lang naalala si Tina.

Tinignan ko ang phone ko, at may ilan na reply ni Tina sa akin. Pagka unlock ko, ang mga message ay

“wala ka pa, heto na heto na maglalakad na haist.”

“pakisundo naman ako dito sa may playground, hinatak ako ni Mang Ruel dito, sinisita ako.”

“Tolits, nasaan ka na, di daw ako papayagan ni Mang Ruel tumuloy diyan, bawal na daw lumusot ng walang sundo na taga subdi”

Lahat ng mga message nay un ay may kalahating oras na since ma send, kaya dli-dali akong umalis dala ang pamalo ni papa.

Pagdating ko sa playground, walang tao dun, kaya nag message ulit ako. Nangangamba ako para kay Tina.

“Tinay, nasaan ka? Andito ako playground.” Matapos limang minute wala pa reply, kaya nagpunta ako sa bahay ni Tina, kabado kasi iniisip ko kung ano na ang nagyari, at baka tambangan ako ni Mang Ruel.

“Tita, si Tolits po, andyan po ba si Tinay?” tawag ko mula sa labas ng bahay nila. Sumagot ang nanay ni Tina, wala daw, umalis kaninang alas kwatro, nung mag message siya.

Nasaan si Tina?

*************************************************

Madaling naireport sa pulisya ang pagkawala ni Tina, pati na rin ang hinala namin na may kinalaman si Mang Ruel, base sa mga message ni Tina. Ang masaklap niyan, walang testigo na makakapagsabi kung ano talaga ang nangyari, maliban sa isang magbabalot na ang kwento ay nakita daw niya na may nakita siyang isang babae na isinakay sa isang kotse ng isang lalaking malaki ang pangangatawan, na siya ring nagmaneho ng sasakyan papalayo. Hindi daw niya naplakahan, at madilim na kaya hindi niya matukoy kung itim daw ba o dark blue yung kotse.

Sising-sisi ako na hindi ko na lang sinundo si Tina mismo sa bahay nila. Paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko na siguro kung sinundo ko siya, hindi siya madudukot ni Mang Ruel, pero siguro rin na kung hindi ko ipinagtanggol yung ate ko, hindi rin magkakaroon ng dahilan para dukutin siya. Yung babaeng minamahal ko, dinukot ng sanggano, at malamang sa malamang ay dahil ito sa mga pangyayari nung kaarawan ni ate Trixie.

Mga isang linggo na ang nakalipas, at wala paring solidong lead ang pulisya. Nagkakaalaman ngayon na si Mang Ruel, hindi lamang isang sanggano na naging tanod sa may gillage, kundi may kapatid ito’ng tauhan ng congressman namin. Ang hinala ay nagtatago ito sa kung saan man, at dahil kahit papaano ay may kapit, hindi talaga siya pagtutuunan ng pansing tugisin. Sa katunayan nito, ang mga pinagsangkalanan ay ang magbabalot… at ako.

Dumating sa punto na ako na ang tinatanong ng pulis, ano daw ba ang relasyon ko kay Tina, di daw ba kaya nawawala si Tina ay dahil sinalubong ko siya sa playground, at mula doon ay ako na ang may ginawang masama. Ipinagtanggol naman ako ng aking pamilya, lalo na si ate, na nagsabi ng kwento ng mga pangyayari na suportado naman ng mga bisita, lalo na si kuya Dave na may may bakas parin ng pagkakagulpi niya. Parati akong dumadaan sa bahay nila Tina nung una, hanggang sa sabihan ako ng nanay niya na hindi din nila kayang nakikita ako, lalo na nung lumbasa ang bali-balita na ako daw dapat ang may kargo sa hindi pagsundo kay Tina. Kami na ng pamilya ko ang magpakalat sa social media na nawawala si Tina, at kung may nakakaalam sa kanyang kinaroroonan, sana’y bigyan kami ng alam. Kasabay niyan ay nagkaroon na rin ng paghihigpit sa daanan sa subdi at sa gillage, nagkaroon na ng gwardiya, at tinapalan na ang mga butas sa pader na dinadaanan ng mga tao. Ultimo mga bata, hindi na pinapayagan tumawid, at iniwasan na din ng husto ang playground.

************************************************************

Tatlong buwan ang nakalipas. Isang araw, bigla na lang ulit nagkaroon ng bulong-bulongan sa gillage, nakalap ng mga gwardiya ng subdi. Kesyo nakita na daw ulit yung maton na tanod, at nahanap na din daw yung dalagang nawawala. Dali-dali akong nag message, nag text, tumawag kay Tina, pero walang sagot. Pansin ko na lang din na seen naman messages ko, pero nire-reject yung mga tawag ko. Naisipan ko pumunta ulit sa bahay nila, pero nang makarating ako’y di na ako hinarap, tila ba hindi na talaga ako pinapansin ng pamilya ni Tina. Ang tangi na lang nakausap ko ay ang bunso nilang si Let, na nakita ko’ng naglalaro sa kalsada nang ako’y paalis na.

“Let! Kuya Tolits ito! Kumusta na kayo?”

“Sabi po ni mama wag daw kita kausapin.”

“Bakit naman daw? Balita nakauwi na daw si ate Tinay mo?”

“Sabi ni mama, wag mo na daw guluhin si ate Tinay, para daw mailagay na sa tahimik yung buhay niya.”

“Bakit, ano na ba nangyari kay ate Tinay mo? Nasa bahay niyo ba siya?”

“Hindi po kuya, umuwi lang si ate Tinay sandali para sabihin kay mama na titira na siya kay Mang Ruel.”

**********…