Siya Si Nicole Chapter 4

=======================================================================
All Names, characters, dates, places and incidents on this story are altered. Any resemblance to actual events are purely coincidental.

=======================================================================

Minsan talaga mahirap umamin sa taong gusto mo lalo na kung kaibigan mo sya. Siguro dahil takot kang mabasted? Or baka may magbago? O baka mawala pagkakaibigan nyo.

Chapter 4

Alas tres na nga ng natulog na din si Christian at Mark at ako nalang ang naiwan mag isa sa gazeebo. Nakaupo ako habang ineenjoy ang tanawin ng dagat. Kahit nakadami na ako ng alak ay gising na gising pa din ang diwa ko. Siguro dahil sa nangyari samin ni Sam kanina. Iniisip ko pa din kung anong gagawin ko. Di ako makapag decide kung anong gagawin, paano kung malaman nila to sa trabaho? Paano pag nalaman to ni Nicole?. Di ako mapakali at medyo kinakabahan ako. Nasa ganun akong ayos ng biglang may tumapik sa balikat ko.

“Huyy mukhang ang lalim ng iniisip mo”

Napabalikwas ako para tingnan kung sino ito.

“Sam? Hilig mo talagang mang gulat. Akala ko tulog ka na”
“I can’t sleep ehh. Ikaw bat di ka pa natutulog?” tanong nito. Lumapit ito at tumabi sa upuan ko. May dala din itong kumot na inabot sakin.

“Baka lamigin ka”
“Thank you. Nagpapahangin lang ako. Di ako makatulog ehhh” Ngiti ko naman sakanya. “Gusto mo ng coffee?” alok ko sakanya.
“Sure why not.” Ngiting sagot naman nito sakin.

Umalis nga ako sa kinauupuan ko at nagtimpla ng kape. Di ko alam pero medyo gumaan na ang pakiramdam ko ng mga panahon na yun. Matapos akong makapag timpla ng kape ay bumalik na ako sa gazeebo.

“Here. Di ko alam kung anong kape gusto mo ehh kaya 3 in 1 nlng tinimpla ko” Sabay abot ko ng tasa sakanya.

Ngumiti si Sam. “That’s okay. Basta ikaw gumawa.”
“Haha loko.” Sagot ko sakanya habang umiiwas ng tingin.
“Gusto mng dun tayo matulog sa secret room ko?” pang iinis nito lalo sakin.
“Wag ka nga at baka patulan ulit kita.” Sabay titig ko sakanya.

Namula bigla ang mukha nito at umiwas ng tingin sakin. Medyo napaisip ito.

“Ano bang nagustuhan mo sakin?” tanong ko sakanya. “Di naman ako gwapo o macho kagaya ni Mark” dagdag ko.
“Yeah your not, but I like your simplicity. Your honest and you work hard” Seryosong sagot nito.
“un lang?” maikling tanong ko.
“Yeah for me that’s enough”

“Sorry Sam. Any other time I would have liked you” Malungkot na sabi ko sakanya.
“I know. And that’s fine. We can stop talking about it.” Pagtatapos nito. Halatang ayaw nya itong pag usapan.

“Pero pagbigyan mo muna ako ngaun” dagdag nito ng bigla itong sumandal sa dibdib ko. Inakbayan ko naman ito at hinila palapit sakin. Pra kaming magsyota ng mga panahon na un habang nagkwekwentuhan ng kung ano anong bagay. Halos 6am na ng maghiwalay kami para matulog.

=======================================================================

Nagising ako ng mga bandang 11am na. Paglabas ko ng kwarto ay nakita kng nag aayos na ang iba ng mga gamit. 12pm kasi ang check out time namin.

“Huy pre kain ka na. Di na kita ginising kasi sabi ni Sam 6am ka na daw natulog.” Salubong sakin ni Christian.
“salamat pre.” Sagot ko.

Dumiretso na nga ako sa may lamesa at nagsimulang kumain. Habang kumakain nga ako ay nakita ko ulit si Nicole na kasama pa din si Mark ng mga oras na un. Nakaramdam ulit ako ng selos lalo na at lagi silang magkasama. Sa buong team building namin ay di man lang kami nakapag usap. Parang biglang naging awkward ang turingan naming sa isat isa. Binilisan ko nalang ang pagkain para makapag ayos na din at maligo.

Saktong alas dose nga ay ready na kaming lahat para umalis. Saktong pasakay na ako sa may driver seat ng lumapit si Sam sakin at inabutan ako ng Starbucks.

“San ka nakakuha nito?” manghang tanong ko sakanya.
“I had Art get one earlier. Lalo na alam kng puyat ka at ikaw driver namin.” Ngiting sagot nito.
“Thanks Sam.” Maikling sagot ko dito.
“Hooyy tama na yang sweetness nyo tara na” biglang asar naman ni Christian.

Nakaupo ito sa harapan ng van sa passenger side. Alam kng sinadya nyang lakasan ang boses nito para marinig ng lahat ng tao sa loob kaya naman lahat sila ay biglang dumungaw sa bintana. Napansin kung pati si Nicole ay tumingin samin. Parang nakasimangot ito or imagination ko lang.

“Haha loko para di daw ako makatulog sa daan.” Pabalik kng sagot kay Christian. Habang pinapakita ung Starbucks coffee

Sumakay na nga ako at sinimulan ko na din mag drive. Panay ang sulyap ko sa rearview mirror dahil nasa likuran lng ng upuan ko si Nicole. Katabi nito ng mga sandaling yun si Sam at Diane. Napapansin din siguro nyang napapatingin ako sakanya.

Buti nalang at walang masyadong traffic nung pauwi na kami. Kaya wala pang dalawang oras ay nasa Manila na kami. Isa isa na nga silang nagbabaan hanggang sa si Mark, Sam, Diane, Nicole at Kim nalang ang naiwan. Tahimik lang silang nakaupo.

“Sinong unang bababa sainyo?” tanong ko sa grupo para basagin ang katahimikan.
“Ibaba mo nalang ako sa may Boni station” sagot ni Kim. “Sabay ako Kim.” Dagdag naman ni Sam.
“Eh ikaw Mark? Nicole?” tanong ko.
“Dun nalang kami sa may bandang Ortigas bro” sagot ni Mark.
“Next time nalang Mark medyo masakit kasi ulo ko gusto ko munang umuwi” sambit naman ni Nicole.
“Ganun ba? Hatid nalang kita sainyo.”
“Okay lang andito naman si Diane”
“Hatid na kita, tsaka mainit sa daan baka mapano ka”
“Wag ka ng makulit please!” biglang taas ng boses ni Nicole. Kaya naman bigla kaming nagulat nina Diane ng pagtingin ko sa rearview mirror.
“Sorry masakit lng talaga ulo ko ngayon.” Biglang bawi ni Nicole
“Ok. Sorry.” Sagot ni Mark sabay taas ng dalawang kamay nito tanda ng pagsuko.
“You sure your okay Nicole?” pag aalalang tanong naman ni Sam.
“Yeah I’m fine Sam, thank you.” Sagot nito sabay sandal ng ulo nito sa balikat nya at pumikit.

Ilang minuto pa nga ay bumaba na si Sam at Kim. At sumunod na din si Mark. Kaming tatlo nalang nina Diane at Nicole ang naiwan sa Van.

“San mo pala ibabalik tong Van Tom?” tanong naman ni Diane.
“Sa may Makati tsaka nalang ako mag MRT pauwi sa Mandaluyong.”

Di naman sumagot si Diane. Ng marinig kng nagbubulungan ang dalawa.

“Ikaw na masabi” narinig kng sinabi ni Diane.
“Eish ikaw na” sagot naman ni Nicole.
“ikaw na sabi mo gusto mo sya kausapin di ba”
“Nahihiya ako ehhh”

Pagtingin ko nga sa rearview mirror ay nakita kng nagbubulungan ang dalawa.

“Sa Pasay ka na din ba baba Diane? Di ba hahatid mo si Nicole?” kunwaring Tanong ko sakanila. Alam ko na din kasi kung san nakatira si Nicole dahil napuntahan ko na to last year.

“Hindi kahit ibaba mo nalang ako sa may Quezon Ave station”
“Hah? Paano si Nicole? Di mi sya hahatid?” tanong ko.

Di naman sumagot si Diane kaya di ko na din ito kinulit. Sa isip ko pwede ko din namang diretsong ihatid si Nicole sakanila. Pagdating nga naming sa Quezon Ave station ay bumaba si Diane. Pero nabigla ako na biglang bumaba din si Nicole at lumipat sa passenger seat ng Van. Siguro ayaw lng nyang nasa likod since dalawa nalang naman kaming naiwan.

Nagpatuloy na nga ako sa pagdradrive. Walang nagsasalita saming dalawa. Nagpapakiramdaman at nag aantay kami kung sinong unang magsasalita.

“Masakit pa ba ulo mo? Meron akong gamot dyan” pagbabasag ko sa katahimikan. Umasta nalang ako na parang dati.
“Hindi, ok lang ako.” Sagot naman nito habang naka ismid at sandal sa may bintana ng sasakyan.
“Okay ka lang ba? Bat parang ang lungkot mo ehh kagagaling lang natin ng outing.?”
“Mag drive ka lang dyan.” Pautos na sagot lang nito.

Mukhang masama nga pakiramdam nito. Di ko sya maintindihan kaya napabuntong hininga nalang ako.
“Haayyyy..” medyo napalakas ata. Dahil bigla itong tumingin sakin. Pinagpapawisan ako bigla. Bigla itong lumapit sa akin kaya naman para akong kahoy sa tigas habang focus na focus sa pagdradrive.

“Galit ka ba?” tanong nito.

Umiling nalang ako dahil hindi ako makatingin sakanya. Unti unti syang lumalapit sakin.

“Galit ka yata ehh.” Pangungulit nito. Mas malapit na sya ngaun. Amoy na amoy ko ang pabango nito at ramdam ko ang hininga nya sa pisngi ko.

“Hindi nga.” Kunwaring inis na sagot ko. Di ako mapakali ng mga oras na un. Sobrang lapit na ng katawan nya sakin. Ramdam ko sa braso ko ang damit nito.
“Ang cute mo pala pag naiinis ka” bulong nito sa tenga ko biglang nag init ang katawan ko dahil dun. Buti nalang nasa red light kami kundi baka nabangga ko ang sasakyan.

“wag ka magulo nagdradrive ako, baka mabangga tayo” inis na sagot ko para maitago ang nag iinit kng mukha. Kahit na naka aircon ay ang init init ng pakiramdam ko.
“Hahhaa. Okay, okay” ngiti nito.
“Tsaka akala ko ba masakit ulo mo, kanina lang ang sungit sungit mo” hirit ko sakanya.
“Di pwedeng tumino ang mga masusungit?” ngiti nito.

Inirapan ko nalang si Nicole at binaling ang atensyon ko sa pagdradrive. Pinipilit kng pakalmahin ang init na nararamdaman ko.

“Huyy relax ka lang, ang stiff ng katawan mo” pang iinis pa nito lalo habang sinusundot sundot ang braso ko. “So ganun pala epekto ko sayo haha”
“Pag tayo talaga nabangga Nicole ikaw pangbabayad ko sa may ari nitong sasakayan” bigla kng nasabi.
“hahaha loko mas mahal ako kesa dito sa sasakyan noh.” Sakay naman nito sa biro ko.
“hahaha wag ka magulo at malapit na tayo sainyo.” Tawa kong sabi. Nawala ang tensyon saming dalawa.

Mga ilang minuto nga ay malapit na kami sa Barangay nila

“uhhhmmm ok lang ba na wag muna tayo umuwi?.” Seryosong tanong nito.
“huhh bakit naman?”takang tanong ko.
“gusto ko muna kumain. Tara samg.” Sagot nito.
“Sure ka? Okay na ba pakiramdam mo nyan? Gusto mong ayain din natin sina Sam?”

Bigla itong sumimangot.

“Ikaw bahala.” Simpleng tugon nito.
“ikaw na mag message sakanila di ako makapag type ehh.” Sabi ko naman.

Pero di nya ito ginawa kaya hinayaan ko nalang.

“Ahh may alam akong masarap na kainan sa may Pasay saktong malapit lang kung saan ko to sasauli” pag iiba ko ng usapan. “Sakto gusto ko din mag Samg gutom na din ako ehh” dagdag ko.

“Sige siguraduhin mng masarap dun ahh kundi ikaw magbabayad”
“ayy libre mo ako?” ngiti kng tanong

“Oo na. Dapat nga ikaw manlibre ehh di mo ako pinansin buong outing” pagtatampo nito.

“luhhh ayaw ko maging third wheel noh” sagot ko. Pagkakataon ko na din ito para malaman kung ano nga ba ang relasyon ni Nicole at Mark.

“so dahil dun kaya di mo ko pinansin buong araw? Ano yan nagseselos ka?” pang iinis nito. Humarap ito sakin. Nag aantay ng sagot.

“Hahaha. Di ahh pero syempre kaibigan ko si Mark, kaibigan kita. Mamaya pag nag away kayo maipit ako sa gitna.” Hirit ko naman.

“Di naman siguro” simpleng sagot nito

Putcha di nya man lang tinanggi kaya medyo nalungkot ako.

“So kayo na nga?” tanong ko. “bagay na bagay kayo” Ngumiti nalang ako kahit alanganin. Wala na akong magagawa.

Di ito umimik. Nag antay pa ako ng ilang minuto at inaantay ang sagot nito pero di sya nagsasalita. Nakatingin lang ito sa labas ng bintana ng sasakyan.

“basta sabihin mo sakin pag sinaktan ka nya. Kahit kaibigan ko un lagot sya sakin.” Pagbabasag ko sa katahimikan.
“Sige” simpleng bulong lang nito.

Naramdaman ko ang bigat ng dibdib ko dahil sa mga sinabi ni Nicole

Wala pa ngang 20min ay nakarating na kami sa pagsasaulian ko ng Van. Pagka abot ko ng susi ay dumiretso naman na kami ni Nicole sa kainan. Dahil sa medyo tahimik ito habang naglalakad kaya naman dirediretso ang mga banat ko ng dad jokes na tinatawanan naman nito. Dahil dun di ko namalayan na hawak hawak ko na pala ang kamay nya. Napansin ko lang ito ng bubuksan ko sana ang pinto ng restaurant pero bigla nyang hinigpitan ang hawak nito sa kamay ko parang ayaw pakawalan.

Kaya naman nung pumasok na kami ng resto ay taas noo akong naglalakad, dahil sa dami ng mga matang napatingin samin. Ikaw ba naman ang may ka holding hands na kasing ganda at sexy ni Nicole siguradong maraming maiinggit sayo.

Pagka upo at order nga namin ay nagsimula na ulit kaming magkwentuhan. Parang di kami nagkita ng matagal sa dami ng pinagusapan namin. Kahit na minsan ay paulit lng ang topic. Napag isip isip ko din ng mga panahon na yun na siguro nga hanggang dito nalang talaga kaming dalawa. Pero may bagay pa din akong gustong malaman para mapanatag na ang loob ko.

“May tatanong ako sayo.” seryosong tanong ko
“hmmm mukhang seryoso yan ahh” sagot naman nito habang tuloy pa din sa pagkain.

“kasi naman di mo sinagot kanina. Curious lng ako pero kayo na talaga ni Mark?” kinakabahan ako sa magiging sagot nito.

“hmmm hndi. Pero nanliligaw sya. Alam mo naman di ba nangyari samin ng ex ko kaya di pa ako ready” seryosong sagot nito

“yieeee halos di nga kayo mapag hiwalay kahapon kaya akala, sweet nyo kayang tingnan.” Pang iinis ko.
“talaga ba bagay kami?” tanong nito.

“Oo naman gwapo sya, at maganda ka, both single na din. Para kayong model na dalawa.” Pang aasar ko sakanya. “Tsaka di ba ikaw pa nga nag invite sakanya kaya siguro todo rampa ka ng bikini mo kagabi” dagdag ko.

Medyo naasar ito at sinipa ang paa ko sa ilalim ng mesa.

“di lang naman para sakanya ung pagsuot ko ng bikinoi ahh. Tsaka sya makulit sumama kaya pumayag nalang ako” pagklaklaro nito

“Sabi nya invited daw sya kaya pumayag na din ako nung nag paalam sya sakin.” tanong ko naman

“di ahh nasabi lang nina Diane. Tapos kinukulit nya ako kaya pumayag nalang ako, tsaka kaibigan mo naman sya kaya okay lang siguro naisip ko.”

“ohhh… Inggit nga ako ehh buong araw kayong magkasama di man lang kita nakausap” bigla kng nasabi. Huli na para bawiin ko ang mga sinabi ko.

“I mean kaya nga team building kasi need ibuild ung team. Sina Sam lang tuloy nakakwentuhan ko di ako makasingit sainyo ehh”

“ahhh ganun..” sagot lang nito. Di ko alam kung kumbinsido sya sa sagot ko.

“tsaka alagang alaga ka nya kahapon nakakahiya naman sa inyong dalawa haha”

“Sus nambola ka pa. Ehhh ikaw kumusta kayo ni Sam.” Medyo nabigla ko sa tanong nya.
“Sabi nya umamin na sya sayo pero wala syang sinabi kng anong nangyari” dagdag pa nito.

“Haaa… ehhhhh ann-oo kwaan” utal kng sagot. “Okay lang naman, kinausap nga nya ako kagabi at sinabi nyang gusto nya ako kaso”

Di ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang sumingit si Nicole.
“Kaso ano?” halata mng inaantay talaga nito ang sagot ko.

“Sinabi ko nalang na di pwede kasi ako manager nya at ahente ko sya. Bawal kasi un sa trabaho”

“Ohhhhh so kung di mo sya ahente papatulan mo sya?”
“Bakit naman hindi. Maganda sya, mabait at maalagahin. Di naman siguro sya mahirap mahalin” sagot ko.

“ohhh.. hmmmm.. dahil lang ba sa trabaho kaya di mo sya sinagot?” pag uusisa nito.

“Oo, at meron na din kasi akong ibang gusto”

Biglang nabuhayan ang mga mata nito.

“Talaga? Kilala ko ba yan?” excited nitong tanong
“haha hindi wala sa trabaho” pagsisinungaling ko.
“Aba sa tagal nating magkaibigan wala kang sinabi sakin kahit ano ahh” kunwaring tampo nito.

“Di lang naman trabaho buhay ko noh at may iba naman akong kaibigan maliban sainyo”

“Pakilala mo naman kung ganun. Kikilatisin ko kung papasa sya sakin”

“Aba aba so need ko approval mo ganun?” naka ngiti kng tanong

“Oo naman kung pamimigay kita sa iba dapat pasado sakin” Medyo may diin na pagkakasabi nito.

“Pamigay talaga ha” tawa kng sagot sakanya. “Ikaw din pag sasagutin mo na si Mark sabihan mo muna ako” balik ko sakanya.

“Di na baka tumandang dalaga nalang ako” pagbibito nito

“sa ganda mng yan? Impossible. Di ka nga nauubusan ng manliligaw ehh” biro ko naman

“wala naman ako mapapala sa mga yan. Masasaktan lang ulit ako.”
“di naman siguro. Di naman lahat ng lalaki parang ung sa ex mo” sabi ko
“di mo din alam. Makakahanap ka din” dagdag ko
“sana nga.” Simpleng sagot nito

Halos umabot na nga ng 8pm ang pagkwekwentuhan naming dalawa. Halos 9pm na nung makadating kami sa inuupahan nya. Sobrang pagod na din at antok ako ng mga panahon nay un na halos pumipikit na ang mga mata ko nung nakasakay kami.

“Kanina pa kita napapansin na sobrang inaantok. Gusto mo magkape muna sa loob?” tanong nito
“Di na at baka mas lalo akong di makatulog.” Sagot ko naman. Halatang lutang na ako sa sobrang antok at pagod.
“Lika na, tsaka wala akong kasama sa loob ng bahay naka bakasyon ung dalawang matanda baka samakalawa pa ang balik nila”

“ganun ba? Antok na kasi talaga ako ehh gusto ko na din matulog tsaka may trabaho na tayo bukas” sagot ko. Walang ibang nasa isip ko ng mga panahon na yun kundi maka uwi at matulog (hindsight 20-20)

“kahit dun ka na sa sala ma…