All Names, characters, dates, places and incidents on this story are altered. Any resemblance to actual events and persons are purely coincidental
=======================================================================
Chapter 6
Pagkalipas nga ng ilang minuting magkayakap kami ni Nicole ay tumayo ito na walang kahit anong damit at dumiretso sa banyo. Ako naman ay nag ayos ng sarili at sinuot ko na din ang aking mga damit kahit medyo malagkit sa pakiramdam. Maliligo nalang ako sa bahay sabi ko nalang sa sarili ko. Lumabas ako sa kwarto nito at dumiretso sa kusina para mag init ng tubig at initin din ang natirang pizza kagabi para gawing pang umaga.
Bagong paligo nga si Nicole paglabas nito ng kanyang kwarto. Nagsuot na din ito ng oversized shirt at mini shorts. Pagkatimpla nya ng kape ay umupo ito sa harapan ko. Medyo seryoso ang mukha at halos ilang minuto din kaming ndi nagkikibuan. Halos di rin ito mapakali sa kinauupuan nito.
“uuhhhmm Nicole?” Seryosong tanong ko sakanya. “yung nangyari satin…”
“wag mo na isipin yun Tom.” Biglang singit nito. “Ako naunang nag aya di ba” dagdag nito. Nahihiya din ito dahil di ito makatingin ng diretso sakin.
Di kasi mawala sa isip ko ang sinabi nya kaninang “may extra charge”. At ayaw ko naman ito maoffend at baka mali masabi ko. Pero gusto ko din maging klaro ang lahat kung anong totoong nangyari saming dalawa.
“Pero sabi mo kasi kanina “may extra charge” diretsong tanong ko. Parang sasabog ang puso ko sa bilis ng tibok nito. Sobra akong kinakabahan ng mga panahon na yun.
Bigla nya akong sinampal pero di ito malakas. Tinanggap ko naman ito pero nabigla ako ng bigla itong napa luha. Nilapitan ko sya para sana yakapin pero pinigilan nya ako.
“Sorry Tom pero need ko kasi ng pera ngaun.” Sagot nito habang humihikbi.
Kumuha naman ako ng tubig at inabot sakanya. Habang hinahaplos ko ang likod nito para tumahan.
“Anong problema? Sabihin mo sakin” pag aalo ko dito.
Kinompose nito ang sarili nito. At bumalik naman ako sa upuan ko sa harapan nya.
“Tumawag lolo ko kasi nung nakaraang linggo, nag covid positive yung lola at baby ko” maluha luhang sinabi nito.
“di naman daw Malala pero ang laki na ng bills nila sa hospital dahil halos 3 weeks na silang andun” dagdag nito. Ramdam ko ang bigat ng problema nya sa tono ng kanyang boses. Hinayaan ko nalang syang magkwento para hindi tuluyang masira ang mood ni Nicole.
“Kaya di ko alam kung san ako kukuha ng pangdagdag bayad sa bills nila. Meron naman akong konting ipon at sa lolo at lola ko pero kulang pa din.” Sabi nito. habang seryoso lang akong nakikinig.
“At nakakainis pa di ako maka uwi samin dahil walang byahe. Di ko na alam gagawin ko Tom” maluha luha nitong sabi
“kaya gusto kong maglasing kagabi. Pero nung narinig ko ung sinabi mo…” at di nya ito naituloy dahil napaiyak na ito
Dun ko naisip na akala ko totoo ang nangyari samin ni Nicole. Un pala ay dahil sa kailangan nito ng pera. Kahit ganun ay naawa ako sa kalagayan nito. Siguro nga ay panahon na din para sabihin ko ang nararamdaman ko sakanya.
“Nicole tahan na.” pag aalo ko dito. “Okay lang naman sakin un” habang nakatingin ako sakanya
“sayo okay. Pero sakin hindi. Ayaw kong mag iba tingin mo sakin. Baka isiping mng ganun din akong babae” umiwas ito ng tingin. Kaya naman ako na ang lumapit sa kinauupuan nito at hinawakan ang kanyang mga kamay. Di naman ito tumanggi. Aamin na ako sakanya.
“Alam mo Nicole nung una palang ay gusto na kita. Nung nasa training palang kayo nun may crush na ako sayo.” Sabi ko. Tumingin ito sakin na parang matagal na nyang alam ang nararamdaman ko.
“Matagal na kitang gusto, kung alam mo lang ay naiinggit nga ako sa ibang mga lalaki na nagagawa nilang umamin at manligaw sayo, habang ako naman walang lakas ng loob para umamin kasi natatakot akong mawala pagkakaibigan natin” dagdag ko.
“At kilala ko ang pagkatao mo. Di ka ganun. Wag na wag mng isipin ang mga ganyang bagay.” Pag kukumbinsi ko dito
Di ito umimik.
“Ayaw ko lang isipin mo na bayaran din akong babae kasi di ako ganun, at ayaw kong magbago tingin mo sakin bilang kaibigan” seryosong sagot nito habang nakayuko.
“Nicole, gaya ng sabi ko nga kanina mahal kita. At di ganun ang tingin ko sayo.” Nakahinga na ako ng maluwag. Sa wakas ay umamin na din ako.
Pero nung mga panahon na yun ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ano kaya ang sasabihin nya?
“Alam ko naman Tom. Kahit sabihin nating magkaibigan ang trato natin sa isat isa, di naman ako manhid para maramdaman un. Pero sorry di pa ako ready” simpleng tugon nito. Di ito maka tingin sakin.
Hinaplos ko nalang ang likod ng ulo nito at di naman nya ito sinaway.
“Sorry talaga Tom. Alam ko baka nag expect ka dahil sa may nangyari satin.” Malungkot na tugon nito
“Okay lang yun.” Sagot ko kahit na dismayado ako sa naging sagot nya. Pero wala akng magagawa para sa anak at lola nya ang nangyari.
“Magkano pa ba kulang?” pag iiba ko ng usapan
“Ha?” kunot noong tanong nito
“Ung kulang nyo sa hospital” pag klaklaro ko.
“hayyy….” Napabuntong hininga ito ng malalim. “Halos 900k. Nabayran ko na ung 550K kaya naubos ipon ko.” Dagdag nito.
“ehh paano ung ex mo? Wala ba sya maitutulong?” pag uusisa ko.
“tinawagan ko din sya pero 50k lng nabigay nya wala din kasi syang trabaho ngayon dahil sa pandemic”
“Magkano pa balance?” tanong ko ulit
“Meron pang 300K” sabay pakita nito ng pic ng bill nila sa hospital.
Buti nalang may ipon din ako nasabi ko sa isip ko. Pwede ko itong ipautang sakanya. Ng mga panahon na yun ay wala akong ibang maisip kundi tulungan sya. Di ko ako sanay na nakikita syang ganito. Sa isip isip ko magaling syang magtago ng problema sa mga tao.
“Pero kumusta na lola at baby mo” tanong ko ulil. “Okay na ba sila”
“Okay naman na sila. Asymptomatic ung baby ko kaya buti nalang pero ung lola ko medyo lumala sakit nya kaya na ICU sya ng ilang araw pero sabi ng lolo ko okay na silang dalawa” sagot nito.
“Makakalabas sila sa susunod na linggo kaya need ko na isettle ung bills bills nila” dagdag nya.
“Di mo natry si Sam? Sigurado akong tutulungan ka nun”suhestyon ko sakanya.
“nahihiya kasi ako sakanya” sagot naman nito
“Kung gusto mo pwede kitang pahiramin. May ipon din naman ako kahit papano sakto pwede mng bayaran ung balance nyo sa hospital” sabi ko sakanya
Di makatingin ng diretso si Nicole sakin. Alam mng di ito mapakali kasi pinaglalaruan lang nya ang baso sa harapan nya.
“Nakakahiya naman sayo” nahihiyang sabi nito.
“Wag ka na mahiya para naman sa baby at lola mo yun tsaka utang naman un kahit wala ng interest basta bayaran mo buwan buwan” suhestyon ko sakanya
“Sure ka?” pag aalangan na tanong nito.
“Oo naman may tiwala naman ako sayo. At kung di mo man mabayaran book nalang kita ng 20x” pagbibiro ko dito.
“Gago haha” tumawa ito bigla at kinurot ang braso ko. Napalitan ng ngiti ang lungkot nya knina
“Kesa naman sa escort mapunta di ba? Pero hala paano an ung mga pang tuition nila” dagdag biro ko sakanya.
“Gago ka talaga di ako ganun noh, di na yun mauulit akala mo haa” ngiting sagot naman nito.
“Pinapatawa lang kita eto naman. Napakaseryoso mo kasi” pagpapatawa ko sakanya.
“loko pero kung sakaling di ako makabayad ng isang buwan alam mo na” balik asar naman nito sakin.
“Haha sure ka? Di ko yan tatanggihan.” Sagot ko sakanya
“Napaka manyak mo talaga. Di ko alam na ganyan ka pala” pang aasar naman nito sakin.
“Lluuhhhh pag nalaman nina Christian mga kalokohan ko alam kng sayo galing yun” kunwaring galit na sabi ko sakanya.
“As if naman, safe ang sikreto mo sakin”
“di break na ulit kayo ng ex mo? Ano tawag na dun ex-ex?” pag iiba ko ng usapan
“napaka gago mo talaga hahah” lakas ng tawa nito sa biro ko.
“Wag ka magagalit ha” malambing na sabi nito. “pero sisingilin muna kita sa nangyari kagabi plus extra charge” parang bata itong naniningil.
Napatawa ako ng mahina. “sigurista, pwedeng utang muna?” biro ko.
Tumawa naman ito. “napakaloko mo talaga”
Pinag usapan pa naming ang ibang detalye ng kasunduan naming sa uutangin nya. At dinadasal ko na sana may mga buwan na di ito makabayad. Kaya naka isip ako ng rason.
“Para mabilis ka makabayad sakin kung sakali kahit 25k per month ibayad mo. At pwede na natin ibawas ung kagabi sa uutangin mo” sabi ko sakanya habang sinusulat ko ang kasunduan.
“niloloko mo na ako nyan ehh. Di ko kaya ang 25k sa isang buwan.”sagot nito “gusto mo lang atang di ako makabayad para ano.” Nahihiyang sabi nito. Sabay kagay nya ng labi habang nakatingin sakin.
“Di ahh pero need ko din kasi ung pera next year, kasi gusto ng lola ko dn mag open ng grocery store nya sa probinsya namin”
“actually nga ung pera na papahiram ko ipon ko yun para dun kaya need ko din na buong pera ung babalik” dagdag ko. Medyo seryoso ung tono ko para maconvince ito.
Di naman ito umimik at mukhang kumbinsido naman ito.
“Ok sige pero baka may mga buwan na di ako makabayad ng buong 25k ha pero promise every month may bayad ako kahit medyo kulang ibabawi ko sa next month” sagot nito.
May idea din kasi ako kng magkano sahod nila, at alam kng every month pumapatak sa 50-60k ang sahod nila dahil sa field namin. Balak ko din naman na di sya piliting singilin.
“Uyy walang lalabas sa usapan natin ahh kahit kina Diane.” Pagkatapos naming magpirmahan.
“Oo naman. Alam ko naman na tiwala mo sakin nakasalalay dito.” Paniniguro naman nito.
“uhhmmm.. Oo pala Tom pwede ba ako magrequest ng work from home din? Kakapagod din kasi pumasok sa office mas maganda sana kung dito nalang ako sa bahay magtratrabaho” Pagbabasag ni Nicole sa katahimikan. “Para na rin makatipid ako sa gastos”
“Pwede naman kaso wala ka naman internet connection dito. Need mo pa muna mag apply” Sagot ko.
“Oo tumawag na ako ng PLDT kaso wala pa daw slot dito sa brgy natin. Di ba pwede ung prepaid”
“Ahh ganun ba? Need kasi ng internect connection para ma approve. Di kasi kakayanin pag prepaid lng lalo na malalaki ung files natin”
“Ayy sayang naman. Nakapagod lng kasi araw araw gumising ng napaka aga para lng pumasok. Lalo na schedule ung mga sundo natin. Tapos ang mamahal kasi ng pagkain sa office” sabi naman nito
“Wala ehh need na LAN or Fiber ung connection di kakayanin ng prepaid lang ung apps na gamit natin.” Sabi ko sakanya.
May naisip nanaman ako.
“uhhmmm May suggestion ako kung gusto mo” medyo alangan kng sabi sakanya.
“Ano yun?” sagot naman nito habang nag hihintay ng sasabihin ko.
” haa eeehh kung samin ka nalang kaya muna tumira?” suhestyon ko
“Haaa??? Seryoso ka” gulat na sagot ni Nicole
“Oo kasi may internet connection naman ako, kahit mag work from home ka nalang samin and makakatipid ka pa kasi di ka magbabayad ng rent at internet. Kahit ung kuryente at tubig paghatian natin” pagkukumbinsi ko sakanya. Sana pumayag sya sa isip isip ko.
“uuhhmmm di ko alam Tom parang di maganda tingnan” simpleng tugon nito.
“Wag ka mag alala sa office pa din ako magtratrabaho, tsaka may extrang room kami sa 2nd floor kahit dun ka tumira at first floor lang ako” sabi ko
“Wag ka mag alala di naman kita mamanyakin” pagpapatawa ko dito.
“Di naman un ung iniisip ko, pero syempre… ahh basta” sagot nito
“Para makatipid ka din at maka ipon. Sabi mo nga naubos ipon m di ba?” tanong ko.
“Hayyy siguro nga tama ka. Pero wag mo sirain tiwala ko sayo Tom” seryosong sinabi nito.
“Alam ko Nicole, alam ko kng san ang limitasyon ko” paninigurado ko naman dito. “Di ko sisirain ang tiwala mo sakin” dagdag ko.
“haayyy sige” simpleng tugon nalang nito.
=======================================================================
Nung araw din nay un ay binank transfer ko sakanya yung 300k. kinausap din namin si Sam para hiramin ang sasakyan nito. Ay pumayag naman syang ipagmaneho si Nicole para makauwi sakanila. Tuwang tuwa si Nicole ng mga panahon na yun, kaya naman sinabihan ko din sya na kahit umabsent ng ilang araw at gagamitan ko nalang ang leave credits nito para bayad pa din sya.
Kinabukasan nga ay sinundo na sya ni Sam at bumyahe na sila. Ako naman ay kinausap ang land lady ni Nicole at naintindihan naman nito ang sitwasyon. Kaya naman sinimulan ko na din ilipat ang mga gamit ni Nicole sa bahay namin. Excited ako ng mga panahon na yun, pero ayaw ko din naman ito itong itake advantage. Gusto ko pa din na kung magiging akin man si Nicole ay dahil sa gusto din nya ito.
Gabi na nga ng nakareceive ako ng text galing kay Sam nahatid na nya si Nicole at pauwi na din sya. Sinabi din nito na dadaan muna ito ng bahay dahil may pinapa abot si Nicole kaya naman sinabi kng aantayin ko nalang sya.
=======================================================================
“So dito ka pala nakatira. Malapit ka lang sa apartment ni Nicole ahh, iba na yan” pang aasar ni Sam. 10pm na ito nakarating samin.
“So kayo na?” pang aasar na tanong ulit nito.
“hindi ahh, magkaibigan lang kami, tsaka di ba need nya agad ng apartment saktong may alam akong bakante at nagustuhan naman nya” pagkukunwari ko nalang. Buti nalang naitago ko na lahat ng gamit ni Nicole sa 2nd floor bago pa dumating si Sam. Naka upo kami ngayon sa may kusina.
“Kumusta pala byahe mo? Ung lola at baby ni Nicole kumusta na din?” sunod sunod na tanong ko. Habang hinahanda ang pagkain na niluto ko kanina. Sabi din kasi ni Sam ay di pa ito kumakain dahil wala syang madaanang kainan na open kaya pinagluto ko sya saglit ng chicken nuggets at sopas.
“Her baby is okay, but her lola’s health got a little complicated. Kaya binalik sya sa ICU” malungkot na tugon nito. Halata mo din ang pag aalala sa mukha ni Sam.
Bigla kng naisip na baka magkulang yung perang dala nito dahil sa nangyari at kailangan ulit nito ng pera. Imemessage ko sana sya nung nagpatuloy si Sam sa pagkwekwento.
“Hhaayyy, naawa ako sa kaibigan kng yun. I was shocked tho, to see her Ex there.” Sabi nito.
Medyo napatigil ako sa ginagawa ko, pero nakabawi naman agad ako. Ayaw kng makahalata si Sam na nagselos ako bigla sa narinig ko.
“Andun ex nya?” tanong ko sabay abot ng tray ng pagkain kay Sam.
“Yeah he’s there. Sabi nya gusto nya…