Hindi ko alam pero parang ansarap sa pakiramdam na katabi ko si Snow. Yung pag-akbay pati na ung paghalik sa kanya, ang gaan sa loob nung oras na yun. Parang hindi taon yung binilang at lumipas na hindi ko sya nakausap o nakita man lang. Lahat ng naipon na badtrip, mura at asar ko sa kanya noon, parang nawala lang lahat. Nung makita ko sya kanina sa plaza, malayo pa lang alam na alam at sigurado akong sya yun. Nakakatawa alalahanin yung mukha nya nung sabihin kong lumingon sya.
“Dito ka na matulog mamaya…” sabi ko sa kanya pagtapos ko syang nakawan ng halik…
Di ko na sya inantay sumagot o magtanong. Giniya ko na syang maupo para maenjoy yung jamming. Nagpaalam ako para bumalik sa kusina at asikasuhin yung mga order na pulutan at inumin. Busy dahil mejo maraming tao.
Madalas naman talaga natulong na kong magasikaso sa mga kailangan at siguraduhin na okay serbisyo sa mga bisita at parokyano. Hands on owner sabi nga.
“Need any help?” narinig kong tanong ng pamilyar na boses.
Si Snow
“Di na, kami na bahala , kaya naman. Magenjoy ka na lang. May gusto ka ba? Dynamite? Drinks? “… nilingon ko naman sya saglit habang busy akong nagchecheck ng order.
“ikaw Sana” narinig kong sabi nya
Tinigil ko ung pag-aayos ng chicharon bulaklak sa platito saka tumingin sa kanya…
“Itong Ikaw Sana, masarap ba toh?” Nakangiti nyang ulit
Icow SaNu.
Pinakamabenta naming panghimagas sa Swordlily. Isang baso ng Cow’s milk plus Saging with Nutela.
Masayang natapos yung jamming session ng gabi na un. Pagod sa trabaho pero masaya.
Kami rin ni Snow, masayang natapos yung session namin ng gabing yun. Pagod na pagod, pero masaya. Sobra.
Habang pinapanood kong himbing na natutulog si Snow, nakaramdam ako ng kaba. Kumuha ako ng yosi sa drawer, pampakalma. Matagal tagal na rin akong hindi nagisisigarilyo.
Ayokong matulog. Baka magising ako, wala na sya sa tabi ko.Mawala na lang ulit sa tabi ko gaya noon.
= = =
Day 3 Thursday Morning
I woke up with my…