Snowlily

Day 2 Wednesday in Siargao

Kinaumagahan, dahil wala naman talaga akong maayos na plano sa Siargao, nagdecide na lang ako magpunta muna ng tabing dagat. May text akong natanggap galling kay Kuya Kaloy (yung habal driver ko kahapon) tinatanong nya kung mag tour daw ba ko.
Baka gusto ko raw pumunta ng Magpupungko. Sabi ko hindi muna today, ang plano ko lang maglibot muna sa Dapa. Baka gusto ko din daw
magsurfing, may kilala daw syang pwedeng magturo sa akin.

Sa loob-loob ko, kuya ako din may kilalang surfer.

Nireplayan ko na lang na tawagan ko na lang sya pag napagisipan ko na ung gusto kong gawin tapos nagpasalamat na lang din ako.

Sa may court ako nagpalipas ng oras nang umaga. Kaharap ng maliit na plaza yung beach, may barandilya na pwede kang maupo.
Nagvibrate phone ko. Twitter DM notification

“Hey…good morning : ) Nandito ka ba sa Siargao?”

“Kumusta? Wala, dito ko sa Dumaguete ngayon. Ikaw ba?”

“Ahh okay, akala ko kasi ikaw yung nakikita ko ngayon…naka green”

Tangina. Napalingon ako sa kinauupuan ko. Hinanap ko kung nasa paligid si Ethan.

“Ang cute mo LOL… tingin ka sa bandang kaliwa “

Pinigilan ko lumingon, pero nangingiti na ko sa totoo lang. Napailing. So andito nga sya.

“Huy! Sabi ko tingin ka sa kaliwa…”

Someone with familiar form was walking towards my direction. Habang palapit sya, I smiled.

Two old friends, meet again. Wearin older faces and talk about the places they’ve been before
Two old sweethearts who fell apart somewhere along ago…

“Hi Snow…”

Umupo sya sa tabi ko. Moreno si Ethan. Siguro dahil na rin babad sa araw kakasurf. Di katangkaran. He’s probably just 5’6, 5’7? Hawig ni
Scottie Thompson o baka dahil lang sa pisngi. Tamang nangamusta. Kelan daw ako dumating, kung may kasama ba ko. Hanggang kelan ako dito. Sinagot ko naman sya. Tapos sabi nya may papakita daw sya sa kin. Sumama ko.

Sa kanya na pala yung bed and breakfast na pinuntahan namin. And somehow, I felt proud for him. Hindi beach front, pero malapit pa rin. Maganda yung pagkakalayout ng lugar kahit maliit lang kung tutuusin. Hindi din naman kasi uso sa Siargao yung malakihan na mga establishmen…