Martes. Gaya ng dati, tambay sa Boardwalk bago mag surfing lessons. Masarap na hangin, easy access sa dagat araw araw. Simpler life. Hindi ako nagkamaling iwan ang Maynila para dito. Buti na lang.
Sa dami ng magagandang parte ng Siargao, itong Boardwalk ang palaging nagpapapaala sa kin kay Snow. Isang linggo pa lang kaming magkakilala, parehas bakasyunista sa Siargao. Mga empleyadong sukang-suka na sa Maynila pero walang magawa dahil kailangan. Pasalamat na rin may maayos na trabahong nagpopondo sa mga luho naming gaya ng pagbabakasyon.
Nagkakilala kami sa surfing lessons. Slim si Snow, average looking. Pero ang nakakuha ng atensyon ko sa kanya yung pang-anime nyang mata. Maitim na bilugan. Yung kapag tinitigan ka parang magnet, di ka makakaiwas. She works in retail. Car part sales. Kaya rin siguro kami nagclick agad. Bihira akong makakilala ng babaeng maalam sa kotse. Yung iba kasing babae, may kotse pero walang alam sa kotse hahahaha.
Kilalang tambayan dito sa General Luna ang Boardwalk. Kahit sino atang bumisita ng Siargao may kuha dito. Nakakabilib din ito BW. Kahit babad sa tubig hindi rumurupok ang kahoy na ginamit. Buti pa yung kahoy. Naalala ko tuloy….
= = =
“Boardwalk ako bukas ng umaga… Sama ka?” padala kong text kay Snow
“Anong oras?” sagot nya.
“Kaya mo ba gumising ng 6am?”
“Ang aga naman nyan! hahaha. Cge, matutulog na ko baka di pa ko magising”
Kinabukasan tinatawagan ko sya. Hindi nasagot. Nag-iwan na lang ako ng message.
“Ui, himbing pa ata tulog mo. Tumuloy ako BW. Tawagan mo na lang ako kung makakasunod ka pa : ) “
Paglipas siguro ng 30minutes, nagring telepono ko.
“Anjan ka pa? sorry overslept.”
“yep, sunod ka ba? Antayin kita”
“Uu, paalis na. may pagkain ka jan?”
“Wala hahaha, kape lang dala ko kanina. Ubos na!”
“Cge cge, 10 minutes tops!”
Pagdating nya, partida tulala ko mga ilang segundo. Nakataas ung pusod nya, expose ung leeg. Nakalight yellow na t-shirt saka brown shorts. Hanep ang cute nya pala sa umaga.
“S…