“Anong sino?” pabalik na sagot ni Ethan
Lintik. Pinaka ayaw ko sa lahat, sinasagot yung tanong ko ng isa pang tanong. Tapos yung napakaobvious na para bang graduate sa maang maangan school of acting.
Di ko na inulit yung tanong ko. Alam ko naman kung kelan naiwas ang isang tao sa mga bagay bagay na ayaw nilang pinaguusapan o inuusisa.
Tinuloy ko na lang yung pagkain ko sa pinaka walang lasang spaghetti sa Siargao. Paborito ko yun sa totoo lang. Pero ganun ata talaga pag nawawala ka sa mood. Lahat tumatabang.
“Galit ka ba?” tanong ni Ethan
Hindi ko makuhang sumagot. Di ko rin maintindihan. Pero bwisit na bwisit ako. Nagrerebelde yung internal organs ko sa inis.
“Wag ka magselos” …natatawa nyang sabi
“HINDI AKO NAGSESELOS. Hindi ko yan gawain. Insecure lang ang nagseselos.”
Pati ako nagulat sa naging reaksyon ko. Naramdaman ko nag init yung pisngi ko sa pagkapahiya. Sa inis.
“Ate, billout” senyas at sabi ko sa tindera
“Oi, di pa ko tapos kumain. Mag antay ka naman”
Hinintay ko naman syang matapos kumain. Tapos hinatid na nya ko pabalik sa resort.
Tapos next thing i know, naghananap na ko ng flight pabalik ng Maynila.
And left without notice.
====
Putakteng malaki. Ganyan yung eksena 4 years ago. Apaka immature ko hahaha.
Umuwi ako ng Maynila ng hindi nagpaalam kay Ethan. Kaya ko pala yun.
Napakalubhang case ng walkout sa buhay nya. I changed sim. Deactivated my socmeds. Got busy with my life back in the city. Pwede pala yun. Summer fling? Burnout recovery phase? Whatever the fuck it was, i was just thankful i met Ethan at a time na i badly needed someone unfamiliar.
Yung almost 2 months na pagtatago slash pagbabakasyon sa General Luna was th…