Story Ko Kwento Kwento Lang 1 – 1st Year

Kamusta?

Sensya na, walang maisip na title haha

Sa pandemic na to madaming naapektuhan. Sana ay okay lang kayo at ligtas.

Heads-up lang, di puro kalibugan kwento ko mejo makwento din ako, wala lang, bored lang talaga siguro ngayon kaya pagpasensyahan nyo na.

NOTE: LEGAL AGE LAHAT NG PANGALANG MABABANGGIT KO SA KWENTO KO.

Tawagin nyo nalang akong Wendel, dahil Wendel Ramos daw datingan ko, at ung iba sabe ay may hawig daw ako haha, pero idol ko naman talaga yun nung kabataan ko hehe

Bago lang ako mag-sshare ng story ko kahit na matagal nakong silent reader dito sa orig na account ko.

May mga experience tayo na mahirap paniwalaan pero nangyari, na kung ikkwento mo sa iba, baka sabihing “iinom nalang natin yan” kaya heto ako isshare anonymously yung experience ko.

Isa nakong retiradong mandaragat, may lagpas 10 yrs nadin na experience dahil bata palang nakipagsapalaran nako sa maynila. Pagtungtong ko ng legal age para magtrabaho, nagsumikap ako na makapagtrabaho sa barko, dahil kasagsagan ng pagging in demand nito noon nung panahon namin. Natanggap akong on-call na cleaner at helper kada may dadaong dito sa maynila. Siguro ay maayos ako makisama kaya napalagayan ko ng loob halos lahat at sa awa ng nasa taas, nagkaron ako ng oportunidad na makasampa.

At ayun na nga, paunti unti nagkaexperience ako at nag aral ako tuwing bakasyon kaya kahit papano gumanda pwesto ko. Sapol nung magpandemic di na kami nakasampa pa, at nagdecide akong magretiro na dahil nakapagpundar naman kahit papano ng kabuhayan at mga ari-arian. Masasabi kong kaya ko padin sustentuhan sarili ko, at yun na nga, dahil kasi matandang binata ako. Nakakahiya man, pero wala eh.

Early 20s ako kayod kalabaw ako at aral para mapasok sa ranggo, naghangad ako mula sa pagiging helper at crew, pinalad naman. Masasabi kong may laban naman ako sa pag aaral di lang nabigyan ng oportunidad nung nag aaral palang ako dahil sa hirap ng buhay noon.

Buong 20s ko, wala akong ginawa kundi kumayod, mag aral at mag invest para sa sarili at pamilya. Napag tulungan namin ng kapatid ko ang kolehiyo nya at nakatapos din sya ng maritime. Pangako ko kasi sa sarili ko na ayaw ko danasin nya yung dinanas ko, at buti naman, pagkasampa nya ay di sya ganon nahirapan makapagsimula.

Ang bilis lang ng panahon noon, 30 nako nung narealize ko ng buo sa sarili ko na aba teka, binata padin ako, at halos lahat ng mga kasabayan ko ay pamilyado na. Ilang taon palang akong nakakaluwag noon dahil pinilit namin ng utol ko na makakuha ng mga lupain sa probinsya at pati ndn sa maynila, dahil yun ang pinakang swak na pag investan noon at hanggang ngayon naman, patuloy na tumataas ang value ng lupa. Kaya’t ilang taon palang ako nakaenjoy talaga ng buhay binata at napasarap nadin dahil walang responsibilidad, wala akong kailangang paalaman, walang kailangang uwian, walang kailangang maghanap pag akoy nasa pang gogood time.

Natupad ang pangako namin ng kapatid ko sa magulang namin na tumigil nang magbukid dahil napag tulung-tulongan naming mapatayo ang farm na dating binubukid at sinasaka ng mga magulang namin. Hanggang sa yun nga, nagbunga naman, nagkaron ng babuyan, manukan, bakahan, kambingan at nagsimulang kumuha ng tao ang erpat ko dahil nga umeedad na din.

Pyesta noon sa probinsya namin, nataon namang nakabakasyon ako may 3 o 4 na taon din akong di nakakauwi doon pag pyesta dahil ang baba ko kundi pasko, summer.

Ang kapatid ko naman nakagawa ng paraan para makauwi din kahit na 1 week lang. Pinaghandaan talaga namin yon dahil nga matagal nadin kaming di nakapagpyesta ng sama sama. Umuwi ako mag isa noon, pagbaba ko palang ng sasakyan ay amoy ko na ang amoy pyesta ba..

Sumalubong agad ang mga magulang ko. Madaming tao noon dahil nataong harvest din pala ng ilang pananim kaya kanya kanyang toka ang mga tao ng erpat ko. Mga kasamahan din naman nya yon sa pagbubukid at pagsaka at kilala ko karamihan doon.

Yun parin ang bahay namin, simple at gawa sa kahoy pinaayos lang nina ermat at erpat, ayaw ipagawang bato dahil mainit nga daw. Naayos nadin ang balkunahe na dati kong tinutulugan aba ngayon may mga kwarto na bahay kaya yung balkunahe ay naging tambayan.

Nauna na pala doon ang utol ko, “oh, nauna ka na pala di ka nagrereply sa text ko kala ko wala kapa”
” pasensya kana kuya, si misis kasi, gera kagabi hanggang kanina kaya di maganda mood ko nung nasa byahe” sagot ng utol ko
” ah ganon ba, nako ikaw paba, maayos nyo yan. Ayusin mo nga mukha mo, pambihira ka pyestang pyesta nakamatog ka. tara don kina itay makatagay tayo” yaya ko

Maagang may tagayan, pag pyesta samin umaga palang may inuman na, dahil sa mga lamang loob ng kinatay na baboy at kambing may mga pang pulutan na kayat maagang nagsimula ang inuman. Andon ung paborito kong dinuguan ng ermat ko. Sobrang sarap talaga at walang pinagbago. Nagpauna din pala ang inay ng paborito naming kaldereta ng kapatid ko.
“grabe sobrang sarap, walang ganto sa mga kinakainan ko doon sa malayo” sabi ko habang sarap na sarap akong kumakain

“Wendel? ikaw naba yan? aba’t mamang mama ka na.” bati ng isang lalaki.

Ang ninong andoy ko pala, isa sa matalik na kaibigan ng erpat ko, nung bata palang kami, nagtataho ang ninong andoy noon at kapag wala ako pasok nagpapasobra ang ninong Andoy ko ng taho para may mailako din ako, kailanmay di nya ko siningil sa tahong pasobra at sabi nya lagi noon na ipunin ko daw yung kita ko para may maipang baon at ipang bayad sa eskwela. Ang laki ng utang na loob ko dito kaya naman nung nakaluwag luwag ako twing magpapadala ako kina inay at itay, laging may pasabit ang ninong andoy.

“Ninong! Di mo ba ako nakilala? Samantalang ikaw malayo palang kilala ko na. gwapong gwapo padin, ‘nong. Lalaban pa sa mga chiks” biro ko

“pambihira ka talagang bata ka, hanggang ngayon pilyo kapadin. Sya nga pala, maraming salamat at dimo ako kinalimutan, nakakahiya na nga eh, ayoko na tanggapin yung ibang padala mo pero may pasulat kapa na para sakin at magtatmpo ka pag humindi ako” kwento nya

“aba syempre naman ninong, kung dimo ako tinulungan noon di ako makakatapos ng hayskul, maraming salamat sayo at sa taho mo. sobrang laking utang na loob ko sa yo yun, nong” sabay akbay ko sakanya at umupo na kami sa inuman.

Madaming kwento noon, mas masaya kainuman talaga mas nakakatanda dahil madami kang matututunan ng mga aral sa buhay. Di naman sa pag aano, pero nagsawa din ako kainuman mga kasama ko puro babae bisyo at ganon lang pinagkkwentuhan.

“ay teka, ikaw bay may asawa na, Wendel?” usisa ng ninong Andoy ko.

” nako, nong. yun nga ‘nong eh, napapasarap ata sa buhay binata hehe” sagot ko.

Kwentuhan, biruan at kainan lang maghapon, lambanog ang ininom namin at nung mejo ano na ay naglabas kami ng utol ko ng jack daniels.

May tama nadin ako noon at hapon na. Pinatigil na ng ermat ko ang erpat ko sa pag iinom kaya nung nagkakantahan at kwentuhan nalang lumapit sakin ninong Andoy ko.

“Sya nga pala, Wendel. May ipapakiusap sana ako…”
“syempre naman ninong, ikaw paba, basta kaya ko, ano po ba yon?”
“ipapakiusap ko sana yung apo kong si Karylle. Magkokolehiyo na kasi, at buti naman at matalino, natanggap bilang iskolar sa unibersidad sa maynila, kaya lang, wala naman kaming kaanak o kakilala doon, eh ipapakiusap ko sana na baka matulungan mo. nagsabi nako sa itay mo at sayo daw ako makipagusap dahil nga wala din naman kaming alam pareho sa buhay doon, pasensya kana..”

pinutol ko na sa pagsasalita ang ninong Andoy ko.. ” nako nong, ikaw paba. sige ho at may isang unit naman ako doon na bakante pa”

Sinabi nya kung saang unibersidad natanggap ang kanyang apo, diko na naabutan yon dahil ung mga anak ni ninong andoy nung magmaynila ako ay halos kasing edaran ko lang at mga wala pang asawa.

“nako, sobrang salamat talaga, Wendel. Alam mo ba yang apo kong yan, ang tawag sayo Ninong kahit na di mo naman inanaak. yung mga pinapadala mo kasing chocolate at mga imported na palaman gustong gusto nya kaya sapol nung maliit yan ang akala nya ninong nya nagpapadala sakanya. Hayaan mo’t pupunta yun mamaya para makausap mo din”

“hahaha ikaw ata nagsabing ninong ako noon, nong eh. haha dibale, wala naman problema yon nong. Eh kesa ho kung saan pa umupa yang si Karylle doon, doon nalang ho sa bakante kong unit, hamusya at tatawagan ko na yung katiwala ko doon na wag na ialok sa mga tenant” tahimik lang si ninong Andoy

” nako, eh Wendel, baka di namin makayan ang presyo ng pinapaupahan mo’t sabi ng itay mo ay nasa mga building daw yon”

“nong naman, pambihira ka, yun ba naman ay sisingilin ko pa sa inyo. Ako na bahala doon ang mahalaga ho ay makapagtapos ang apo nyo”

“nako maraming salamat talaga sainyo Wendel at sa kapatid mo, talagang di kayo nakakalimot kahit na di nyo na dapat kaming isipin pa.”

“wala ho yun nong, noong araw naman eh sino sino bang magkakasama? diba’t tayo tayo din” sabi ko

Pahapon na noon at dumating na nga ang kinakapatid ko. “uy Wendel, ikaw na pala yan laking lalaki mo ah, ngayon lang ako nauwi at nasa kabilang probinsya ako nagcoconstruction”, bati ni Jaime, kinakapatid ko. Mas matanda sakin si Jaime, kami kami magkakasama noon pag magbabasketbol pati sa mga trobol noon kami magkakasabwat.

” uy, Jaime. Biruin mo nga naman, ngayon lang ulit tayo nagkita. kamusta ba?” sagot ko

“sya nga pala, pasensya kana ha, at sayo namin nilapit si Karylle.”
“walang anuman pare, kayo paba, tara, pasok kayo nang makakain muna kayo, asan misis mo?” usisa ko
” wala pre, hiwalay na kami. sya nga pala si Karylle, teka, andon ata. Nak! halika muna dito” tawag nito
“oh, ayan ang Ninong mo, diba yung lagi mong tinatawag na ninong? O, magmano ka” dagdag nito

Umamin naman saakin “musta, Karylle. Kwento ng lolo mo, number one kadaw sa eskwela, ang galing mo!” puri ko
Di kumikibo ito at ngumiti lang.
” nako pasensya kana pare, mahiyain tong inaanak mo”

“haha ayos lang, tara’t makakain na”

Pag pasok namin ng bahay, dun ko nakita ng buo si Karylle. Sa labas kasi dahil pagabi na ay medyo madilim na. Ang ganda pala nito. Morena at may hawig kay bianca umali sa gma. Kamukang kamuka nya si bianca dun sa show na sahaya ba yon ung badjao ung role nya, basta yun yon. Balingkinitan ang katawan at sakto lang height.

Titingin tingin lang ito sa akin at nahalata ko namang nahihiya, kaya kinausap ko habang kumakain kami. “Oh, Karylle, ano bang kurso nakuha mo? Ang galing mo, iskolar ka kaagad. Tuwang tuwa ang ninong andoy at papa mo”

“ahh, ehh nursing po.” mahina nyang sagot

” aba tamang tama, dimo ba alam sa ibang bansa, patok na patok yan? Galingan mo at pag nakatapos ka may makokontak tayo na maipasok ka sa ibang bansa” sabi ko

“oh, yun naman pala eh, nako pare, dika magsisisi sa inanaak mo, napakagaling nyan sa eskwela at panlaban din ng eskwela sa beauty pageant” puri ni Jaime

tinignan ko lang si Karylle, sobrang ganda nya talaga para sakin, sa iba siguro’y pupunahin na morena sya pero sakin, sobrang ganda nya. pinay beauty talaga.

At yun na nga natapos na yung gabing yon ng kwentuhan, naguwian nadin at nagligpitan na. Dun padin ako natulog sa papag sa balkunahe dahil doon talaga ang masarap na tulugan ko.

“nako anak, ikay lalamigin dyan, may kwarto naman doon kana” sabi ni inay
” nako nay, dito po talaga ako sa pwesto ko dito, maginhawa, wag po kayong mag alala at may kumot naman ako”

matapos pyesta, 2 days lang umalis ndn ako dahil may mga inaasikaso ako sa Maynila at ang utol ko naman ay may family outing.

Nakatambay ako sa mall noon nung magtext kumpare kong bagong baba. Nag aaya nanaman ng night out. Pumunta ako pero nung nagdatingan na mga babae nyang kinuha umalis nako, diko alam pero umay nako sa ganon. Sapol nung nag 30s ako naumay nako sa alak, bisyo, babae at mga ganon ba. Paulit ulit lang kasi.

“pambihira ka pare, andito na mga chiks at magkakasiyahan na tayo babatsi ka? nabakla ka na ata” biro ng kumpare ko
” gago, retired nako jan haha sige na una nako”

Kapag nangangailangan naman ako ng tawag ng laman ay sa mga kilalang “aquarium” jan sa maynila ako nagpupunta. Pero wala talaga ako sa mood noon.

At yun nga lumipas ilang linggo at nakasampa ulit ako, 6 months 6 months ako noon. After 6 months, nakababa ulit ako, tumawag ang erpat ko para ipaalala yung pinangako ko sa ninong andoy ko tungkol kay Karylle.

Sabado noon. Kaya pagbaba palang direcho nako sa unit ko at rekta byahe dahil nga daw pasukan na nitong si Karylle ng Lunes.

Pagabi nako nakarating at nagdesisyong balikan din ang byahe dahil pag napasarap ako ng pahinga sa bahay namin ay panigurado tatanghaliin ng gising kinabukasan.

“nako nay, okay lang, kaya ko naman po ng balikan, sa susunod na linggo uuwi po ulit ako” paalam ko sa inay ko na nag aalala dahil sa kakabyahe ko lang pauwi, eto’t byahe nanaman paluwas.

Andon si Jaime at ninong andoy. ” pare, ikaw na muna bahala kay Karylle ha, wala kaming alam masyado sa maynila, sayo kami aasa. pasensya kana.”

“nako wala yun, kayo pa ba, sige pare, magtetext ako sayo pagkarating namin doon” paalam ko.

Ang ninong andoy ko naman ay nagpasalamat ulit at nagpabaon pa ng suman. “nako nong, nag abala kapa”
” aba syempre, paborito mo yan, sige na mag iingat kayo”

“tara na?” tanong ko kay Karylle
” ah, sige po” tahimik na sagot nito

Kumain lang ako ng hapunan noon at umalis nadin. alas syete na ata yon nung bumyahe kami

pick-up ang dala ko noon kaya’t medyo mataas, sinampa na ni karylle bag pack nya at ako naman may dala ng iba nyang gamit.

“nako, pasensya kana Karylle, mataas yan, sandali”

inalalayan ko sya habang umaakyat hinawakan ko sya sa kamay at likod para makaakyat ang lambot ng kamay nya at ang kinis. Pag akyat nya, ang bango dn ng buhok nya.

Sa unahan ko na sya pinaupo para sa backseat yung mga gamit.

Habang nasa daan tahimik lang kami. Nahihiya pa si Karylle.

“kamusta ba, Karylle? Ngayon kalang ulit makakapunta Maynila?” usisa ko
“o-opo, matagal nadin po nung nakapunta ako. kinakabahan din po ako” sabi nito
” wag kang mag alala, yung tutuluyan mo, malapit lang sa eskwelahan mo “
” okay po, sorry po talaga ninong, nakakahiya po sa inyo.”
“ano kaba,…