Ito pong panulat na ito ay typical adult reading material lamang at malamang ay hindi tumugma sa genre na hinahanap nyo sa website na ito. Pasensya na po. Pero the same way na lumalabas ka sa school room para mag-RECESS, eto na yun! Ituring nyo na lang na parang recess lang ang gagawin nyong pagbabasa sa hamak na istoryang ito.
Natapos ko ang pagsusulat nito dalawang taon na ang nakalipas. Na-publish sa isang website na hindi ko sasabihin kung saan. Gumamit ako ng ibang ALIAS sa naturang website kaya malamang sa malamang ay di nyo mahahanap. Kung mahanap nyo man, I assure you na ako yun dahil makikilala naman sa istilo ng pagsusulat. Ayaw kong pumunta kayo doon dahil ibang genre ang karamihan sa website na yon which you may find not appropriate to your liking.
I took the time to put as many chapters in one upload as much as possible. However, I had to limit it to 2 or 3 chapters so as not to pre-occupy your RECESS or shall I say your break from hard-x novels.
Ang titulo na Strawberry Skies ay galing sa kantang STRAWBERRY FIELDS FOREVER ni John Lennon. Ito pala ay ang yard ng isang orphanage na pambata na pinaglalaruan noon ni John Lennon.
At ang isa pang pinagkunan ko ng idea ay ang VANILLA SKY na film na pinagbidahan ni Tom Cruise na REMAKE ng “OPEN YOUR EYES” na gawa ng kastila.
Hindi naman po kasingganda ng mga pelikulang yan. Bagkus ay parang paglalaro lang ng isang character sa isang mala-panaginip na lugar. Tara, basahin nyo. Tingnan nyo kung nagising ba ang karakter? O, nilamon siya ng panaginip niya.
Strawberry Skies
CHAPTER 1
Ito po ang inyong Ate Sarah, ang gagabay sa inyo sa pamamagitan ng mga panulat na ipinaabot ng ating mga mambabasa. Ipinapauna ko po na maseselan ang nilalaman ng mga kwentong ito.
Kung kayo po ay may gulang na labimpito pababa ay mas mabuti po na huwag niyo nang ipagpatuloy ang pagbabasa dahil ipinagbabawal po ito ng ating batas. Ang mga kwento po ay tumatalakay sa buhay ng mga taong nais ibahagi at kung minsan ay upang magtanong din kung may pagkakamali ba silang nagawa sa buhay. Ang iba po ay nais lamang humingi ng payo. Ang iba ay nais umamot ng pang-unawa mula sa mambabasa. O, dapat dito ay ‘wag judgmental. Ang iba naman ay may hugot lang. Alam naman natin yung tunay na may hugot lang o umeepal na pala. Ang nakakatuwa ay ang mga naglalakas lang ng loob upang ipaalam ang kanilang naging masarap o masakit man na experyensya sa mundo ng seks. Eto, lahat tayo pasok dito.
Ipinapayo ko po na huwag sana nating husgahan ang mga taong ito. Pulutin na lamang ang aral na makukuha dito kung meron man. Kung mangba-bash, kalkulado lang para uma-aura pa rin. At sana ay maging aral sa inyo o mas maganda kung makatulong upang mas maging maayos ang inyong buhay nang dahil sa napulot na aral o kaalaman mula dito. Salamat po.
Ating tunghayan ang kwentong inialay sa atin ni Antonio G. ng Zamboanga. Nakuu, matutuwa kayo kay Antonio. Pero yung iba dyan, baka iba ang reaksyon. Bring it on lang. Kasama iyan sa pamumuhay natin bilang tao. Kesa naman naging bato ka. E di, walang tuwa at saya ang buhay mo.
Tuwang-tuwa si Antonio nang makapasa siya sa Licensure exam ng Civil Engineering. Pagkatapos ng matagal na pag-iistambay at pagre-review, sa wakas naging tunay na inhenyero na siya. May nais siyang patunayan. May hugot kumbaga sa termino ngayon ng mga kabataan. Gaano ba kalalim ang hugot niya? Tiyak na malalim dahil umabot pa sa puntong nagkwento siya dito sa atin. Madalas kung anong lalim ng hugot ganon din ang lalim ng pangyayari sa buhay at ganun din ang katapat na init ng pagpupunyagi para maka-move on.
May girlfriend siya, si Yzabelle. Isang accountant si Yzabelle. Maganda. Matalino. Match sila dahil sabi ni Antonio ay gwapo naman daw siya at baby face pa. Kung una daw siyang nakilala baka walang Alden Richards ngayon. Naks naman. Kung may hugot eto naman buga, kung may ibubuga nga.
Ang kwento ni Antonio o Anton na lang, ito naman ang gusto niyang tawag sa kanya. Siguro, sa sobrang talino ni Yzabelle, naisip nito na wala siyang future kay Anton dahil walang trabaho ito at tipong walang purpose sa buhay. Yun ang basa ni Anton sa kanilang relasyon. Actually, ayon sa kanya may plano naman talaga siya kaya lang nasa estado pa siya na umaasa sa magulang. Kaya, kahit sa mga date nila ay si Ysabelle ang gumagastos. Nahihiya si Anton pero kimkim niya ang pangako sa sarili na sa oras na kumikita na siya ay babawi siya sa minamahal na girlfriend.
Dinideyt niya si Ysabelle once a week. Pumapasok sila sa hotel sa karatig bayan. Siyempre nagse-sex sila.
CHAPTER 2
May nasabi si Yzabelle sa minsan na pag-date nila. Tandang-tanda niya…
“Para pala akong matrona na nagha-hire ng male prostitute para sa sex. Ha-ha!” Sabi ni Yzabelle sa kanya minsang kapapasok nila sa isang kwarto ng hotel.
Na-turn-off siya sa tinuran ni Yzabelle. Alam niyang joke lang iyon. Pero hindi nagawang tumayo ng kanyang manoy. Kinailangan niyang manigarilyo muna sa may bintana. Pinaligo muna niya si Ysabelle habang pilit niyang inaalis sa isip niya ang dalang panghihina ng pagkalalaki niya dahil sa sinabi ni Yzabelle.
Buong tatlong oras na hindi naalis ang tinurang iyon ni Yzabelle sa isip niya. Napaligaya niya si Yzabelle pero parang makina lang ang pakiramdam niya sa buong panahong iyon ng pagtatalik nila.
Oo nga naman, kapag nagkikita sila, may budget na si Yzabelle para sa kwarto sa hotel, sa pagkain at minsan ay inaabutan pa siya ng panigarilyo.
Habang nagtatalik sila, tinitingnan niya ang minamahal na si Yzabelle kung paano rumurehistro sa mukha nito ang pagpapaligaya niya rito. Buong pagmamahal na iniaalay niya ang kanyang lakas at init ng pagmamahal para mapaligaya ito. Kaya parang may hinanakit siya kung paano naisip nito na para lang siyang umuupa ng male prostitute? Tumatak ito ng husto sa isip ni Anton. Nasaktan ng todo ang ego niya. Ipinangako niya sa sarili na babawi siya. Magsisikap siya para hindi na muling mag-isip si Yzabelle na parang bayaran lang siya na nagbibigay ng sexual service sa isang matronang may pera.
Bago lumabas ang resulta ng Licensure examination sa engineering ay nasagot ang tanong niya. Nagpaalam noon si Yzabelle na mag-a-out-of-town sila para sa training sa bagong computer program na gagamitin ng kompanya. Isang buong linggo daw ang naturang training.
Nag-text si Yzabelle. Nakita niya ang notification. Hindi niya pinansin. Alam niyang sweet nothings lang iyon o kung hindi ay pangungumusta lang.
Sumunod ang isang text ng isang kaibigan niya. Ikakasal daw si Yzabelle. Of course, naisip niya ikakasal nga si Yzabelle. Pero, matagal pa iyon. Hindi pa siya handa.
Unti-unti, naintindihan niya ang laman ng text. Sinasabi pala nito na ikakasal si Yzabelle ilang minuto mula ng matanggap niya ang text. Ikakasal ito sa ibang lalaki. Obviously, hindi siya ang groom. Ang mahal niyang si Yzabelle ay ikakasal sa isang biyudong businessman na nakilala nito sa trabaho. Nagtext uli sa kanya ng pamamaalam si Yzabelle ilang minuto bago ito ikasal bukod pa sa naunang text na humihingi ng pang-unawa. Dahil sa lagi naman itong nagte-text sa kanya ng sweet nothings ay hindi niya rin kaagad nabasa. Hindi niya nabasa sa tamang oras ang huling dalawang text nito. Dalawang pinakamasakit na text.
Halos hindi siya makahinga nang makumpirma na totoo nga ang balita. Hindi niya magawang umiyak. Puro tanong ang pumapasok sa isip niya. Iisa ang umuukilkil sa isip niya. Iyon ay dahil wala siyang trabaho. Dahil wala siyang kwenta. Walang kakayahang magtaguyod ng isang pamilya. Parang male prostitute na babayaran para sa sekswal na serbisyo. Yun nga, walang kwenta.
Ang lalo pang nagpasakit sa pangyayari ay nang malaman niya na buntis na pala si Yzabelle ng dalawang buwan. Ibig bang sabihin nakikipagkita pa ito sa kanya habang dinadala na sa sinapupunan ang anak ng ibang lalaki? Double-whammy! Parang Combo-attack! Parang bigla siyang inatake sa puso tapos habang nahihirapang huminga eto at may dumating pang holdaper. “Holdap ito boss, taas ang kamay!” Masakit nga.
Ilang araw siyang hindi lumabas ng bahay. Nag-alala na ang kanyang mga parents at nag-iisang kapatid na babae. Humaba ang bigote niya at balbas. Nagpara siyang ermitanyo na nakatira sa kweba ng kalungkutan.
CHAPTER 3
Isang araw, nakita na lang ng parents niya na ahit na ang bigote niya. Nagpagupit na ng buhok. Masaya ang mukha, puno ng pag-asa. Nagbalik ang sigla. Kaya naging masaya uli ang pamilya nila. Pero isang araw uli, nagpaalam siyang pupunta ng Maynila para maghanap ng trabaho.
Ang totoong plano pala niya ay ang makapag-abroad. Mag-iipon daw siya ng dalawang taong experience bilang isang engineer dahil yun ang kalimitang hinahanap ng mga kumpanya sa abroad.
Nakitira siya sa isang tiyahin sa Maynila. Naghanap siya ng trabaho na punong-puno ng pag-asa. Lumipas ang ilang buwan, kahit hindi naman nagrereklamo ang mga magulang niya sa pagpapadala ng pera ay nakakaramdam na siya ng hiya. Wala kase siyang nakukuhang trabaho kahit lisensyadong engineer na siya.
Kahit nga may mga dalaga sa malapit sa tinitirhan niya wala raw nakakakuha ng atensyon niya dahil sa pangarap niyang makapunta ng abroad. At siyempre hindi niya babanggitin sa kwento niya na masakit pa rin sa kanya ang pag-iwan sa kanya ng girlfriend. Siguro, gusto niyang mag-abroad upang makalayo sa masakit na alaala.
Gusto na niyang bumalik sa Mindanao upang magbakasyon muna pero dahil sa andap na baka magkita pa sila ng dating girlfriend minabuti niyang ipagpatuloy ang paghahanap ng trabaho. Isang araw na gusto na niyang sumuko, nakausap niya ang empleyadong nasa front desk ng isang kompanyang gustong aplayan.
“Alam mo brod, marami kayong nag-aaplay sa position na yan. At tiyak ko, ang kukunin ay yung mga galing sa school na de kalibre. Pero, may isa pang bakante na engineer din ang hinahanap pero gusto ni bossing ay bakla. Eto, etong position na ‘to sa front desk ay bakante. Temporary lang ako dito.”
“Ha!? Bakit bakla ang gusto nila?”
“Kase, yung mga dating babaeng napunta rito kung hindi naging kabet ng engineer e, nabuntis. Kaya, kung bakla nga naman, maaaring walang maging problema. Pero, tingin ko hindi ka naman bakla kaya. Maghanap ka na lang ng iba. Marami dyan. Swerte-swerte lang talaga iyan.”
“Thank you brod.”
“Jeffrey ang pangalan ko. Check mo rin ang website ng company. Updated naman lagi ‘yon kung may vacancy.”
“Ok. Thanks.”
[ may kasunod pa. . . ]
[ author: graccubus 9.4.22 ]