Strawberry Skies [ Chapters 38 – 43 ]

… Namumungay ang mata ni Sheila sa pagkakatitig sa kanya. Parang kompletong package ng ligaya ang kanyang idine-deliver. Kumislot ang sandok niya. Biglang nagbuga ng puting gata para sa suman.

Habang pumupulandit ang gata mula sa sandok, habang pinipiga ni Anton ang mga huling katas ay pumailanlang ang malakas na sigaw.

“Aaay! Saklolooo! Magnanakaw! Magnanakaw! Help!”

CHAPTER 38

Biglang nahugot ni Anton ang sandok sa pagkakabaon sa suman.

“Aaaay Ano ba?” Napahiyaw si Sheila. Parang kinalas ang suman niya sa biglang pagkahugot ng sandok.

Dali-daling itinaas ni Anton ang boxer short niya at mabilis lumabas mula sa toilet. Nakita pa ng mata niya ang papalabas na nagmamadaling anino ng lalaki. Mabilis na hinabol niya ito.

Isang iglap, nadamba niya ito habang patalilis na mula sa pinto. Sumirko sila sa damuhan sa labas ng kwarto. Nang makatayo ay hinarap ang magnanakaw na may hawak palang patalim.

Walang sinayang na sandali si Anton. Binigwasan niya ng malakas na suntok ang hilo pang lalaki. Inundayan naman siya nito ng saksak. Pero nasundan agad niya ng marami pang suntok kaya’t napahiga ang lalaki. Kinubabawan niya ito at sinuntok ng sinuntok sa mukha. Nararamdaman niya ang hapdi ng mga saksak sa kanyang braso at katawan pero hindi siya tumigil sa pagsuntok. Hanggang parang gulay na ang lalaki dahil lamog na lamog na ang mukha nito. Sobra ang galit niya. Nasa isip niya na ginawan nito ng kahalayan si Glaize.

Nakatawag ng tulong sina Glaize sa labas ng resort. Mabilis naman na dumating ang mga tanod sa baranggay at nadala sa police station ang suspect. Kaagad na isinugod si Anton sa hospital dahil sa saksak sa tagiliran ng tiyan niya na hindi niya napansin.

CHAPTER 39

Matiim sa alaaala niya, hindi siya iniwan ni Glaize sa hospital. Alalang-alala ito sa kalagayan niya. Umiiyak ito hawak ang palad niya at panay ang “I love you” sa kanya.

“Anton, please hold on. Wag kang bibitaw ha? Ang saya-saya ko magmula ng makilala kita. Lumilipas ang oras nang hindi ko namamalayan kapag kasama kita. I think I love you. Yes, I love you. I realize, yan yung reason kaya nabubuo yung maghapon ko. Kahit wala kang ginagawa basta nasa tabi kita, Ang saya ko. Ang dali kong kwentahin ang depreciation value ng mga assets. Ikaw hindi ko makwenta. Parang nag-aapreciate pa ang value mo araw-araw.”

Siguro ang buong akala ni Glaize ay mamamatay na siya. Paggising niya pagkatapos ng operasyon ay nandun si Glaize. Sinalubong siya ng maaliwalas na ngiti.

Gusto na niyang maniwala na totoong mahal siya ni Glaize hindi lang bilang kaibigan kundi bilang tunay na boyfriend. Hayun, at bigla na namang dumadagundong ang alaala ni Yzabelle ang nagtaksil na girlfriend. Isang accountant na katulad ni Glaize. Dahil sa pag-iisip nito na wala siyang kinabukasan sa kanya ay humanap ng may pera at may trabaho. Napapailing siya kasunod ang mahabang buntong-hininga. Ganun pa rin ang desisyon niya. Magpapayaman siya sa abroad. Mag-iipon siya ng husto.

Lingid kay Glaize, ang isa pang dahilan kung bakit hinabol ni Anton ang magnanakaw ay dahil sa cellphone na bigay ni Yzabelle. Yun ang huling alaala ni Anton kay Yzabelle. Yun ang huling dahilan kaya hindi siya bumibitaw sa alaala ni Yzabelle.

Nalungkot si Anton nang makita ang kanyang cellphone sa side table ng hospital bed na wasak na. Tumilapon pala ito ng magrambulan sila ng magnanakaw. Bigla ang silakbo ng lungkot sa kanya. Bigla niyang nadama ang nananakit na katawan dahil sa bugbog at hiwa sa mga braso niya. Ang kamay niya ay naka-benda. Hindi niya maigalaw. Saka niya lang naalala na buong tapang pala na hinawakan niya ang patalim para hindi ito maisaksak ng tuluyan sa katawan niya.

Pagkatapos ng biglang lungkot ay huminga ng mahaba si Anton. Parang pinalaya sa dibdib ang isang alaala. Parang pinagluwag ng wasak na cellphone ang pakiramdam niya. Parang namaalam ang wasak na cellphone dahil nandito naman pala ang isang Glaize na handang punan ang espasyong iniwan nito sa puso niya.

CHAPTER 40

Napag-alaman ni Anton mula kay Glaize na ang mga cellphone pala nila ang kinuha ng magnanakaw. At kaya, nakaligtas ang mga cellphone nila dahil sa panlalaban niya maliban sa kanyang wasak na wasak na cellphone dahil sa semento ito bumagsak nang magpang-abot sila ng magnanakaw. Basag ang salamin pati ang mismong casing nito. Nakulong ang magnanakaw na tagaroon din pala sa baranggay na iyon.

“Kumusta kuya. Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba?” Tanong ni Sheila.

Dumalaw din ito sa kanya. Kasama si Vicky na nakangisi pa habang nagbabalat ng oranges na dala nila.

Biglang naalala ni Anton ang pangyayari. Naalala niya kung ano ang ginagawa nila ni Sheila bago naganap ang rambulan. Napuno na naman ng hangin ang dibdib niya. Biglang napigil ang paghinga. May mga gusto siyang sabihin kay Sheila. Gusto niyang humingi ng paumahin at magpaliwanag kay Sheila. Na ang nangyari ay silakbo lang ng pagnanasa. Pero hindi niya masasabi ngayon. Maririnig ni Glaize at ni Vicky. Nagtitigan na lang sila ni Sheila. Saka sinundan ni Sheila ng makahulugang ngiti, pilyang ngiti.

Hindi muna pinapasok ng doktor sa kanyang trabaho si Anton. Pinilit niyang lumabas na sa hospital dahil hindi na sagot ng health insurance ng kompanya ang mga susunod na araw na pananatili sa hospital. Nanatili siya sa condo para doon na lamang magpagaling.

Inisip ni Anton ipaalam sa Tita niya at sa mga magulang ang pangyayari subalit nagdesisyon siyang huwag na tutal hindi naman seryoso ang natamo niyang sugat. Tiyak na dadalawin siya ng mga ito at tiyak na magkakabukuhan na.

Sa kagustuhan niyang sa condo na lamang magpagaling, may nakaligtaan si Anton. Sa hospital, ay may nurse na umaasiste sa kanya at araw-araw ay naka-hospital gown siya kaya wala siyang problema sa pag-ihi. Sa condo pala ay iba na ang sitwasyon. Gustuhin man niyang bumalik sa hospital ay huli na.

Sa condo ay hindi siya makapag-suot ng gown kung saan ay madali lamang ang pag-ihi dahil wala siyang suot na damit panloob. Ngayon sino ang magbababa ng salawal niya? Hindi niya maigalaw ang kamay dahil naka-benda pa ito pareho.

CHAPTER 41

Unang beses na naihi siya ay nai…