Strawberry Skies [ Chapters 44 – 47 ]

“Oooh, Sheila. Dahan-dahan muna…. Ayan… Ooh. ‘Wag masyadong mahigpit. Nakaka-turn-off.”

“Sige. Sabihin mo kapag andyan na ha?”

Ilang sandali pa. Naninigas na ang mga kalamnan ni Anton habang parang walang kapagurang taas-baba ang kamay ni Sheila sa sandok.

“Ah, malapit nah…. Ooh… sige pah… Ayan nah… Oooo… Oh…. Oooh. Haah…. haaah…”

“Hi-hi-hi! Anlayo ng talsik. Umabot sa tiles.”

CHAPTER 44

Hindi makapaniwala si Anton sa ginawa ni Sheila. Hindi siya makapaniwala sa natutunan nito sa dating boyfriend. Napapatingin siya dito habang sinusubuan siya ng burger. At buong pagsamba siyang pinapainom ng drinks na siya rin mismo ang nagdala. Napaisip siya, kung hindi pala dahil sa nangyari sa kanila sa toilet ng resort ay malabong pagsilbihan siya nito. Tila nakatulong sa kanya ang pangyayari.

Naidlip na sa balikat niya si Sheila habang nanonood sila ng pelikula sa tv set nang marinig niya ang mahinang katok. Si Glaizze lang ang kumakatok ng ganun kahina.

Ginising niya si Sheila at inutusang sa higaan na matulog. Humalik pa ito sa labi niya bago sumunod. Kinakabahan si Anton sa mga nangyayari.

“Ay, salamat nakauwi ka. Kumusta ang dinner date?”

“Ok lang. Kumain ka na? May dala akong pang-ulam. Nagpabalot kasi ng isang buong lobster, saka tuna belly, saka hindi ko matandaan yung isa pa. Rice lang ang kulang.”

“Wow! talagang nagpapa-impress! Na-impress ka ba naman?”

“Sino ba naman ang hindi mai-impress, ang yaman pala ni John. Iniimbita nga ako sa farm niya. May-alaga daw siyang horses. Kung gusto ko raw mag-horse-back riding.”

“Aba! maganda yan! Pero ang duda ko ikaw ang gustong masakyan no’n.”

“Inimbita rin akong mag-aral ng golf. Siya raw mismo ang magtuturo sa akin.”

“Kuu, gusto lang yun maka-hole-in-one sa ‘yo.”

“May kabubukas lang daw na rooftop restaurant niya sa isang hotel dito sa Maynila. Niyaya din akong kumain dun minsan.”

“A, ikaw ang gustong kainin no’n.”

“Ha-ha-ha! Selos ka ‘no? Hindi halata.”

“Ha-ha!” Natawa rin si Sheila. Nakikinig pala mula sa kamang hinihigan.

“Ayan, pinagtawanan ka ni Sheila. Bumubula na ang bibig mo sa selos. Huminga ka naman.” Sabi ni Glaize kay Anton.

“Tseh! Basta’t huwag mo kaming biglang iiwan dito. Hindi namin kakayanin ang renta nito. Bigyan mo kami ng one-month na palugit para makahanap ng malilipatan.” Tugon ni Anton.

CHAPTER 45

Sinadya ni Anton ang pag-oover-acting. Kahit alam niyang maaaring mawala nga si Glaize dahil ubod pala ng yaman ang ka-dinner date nito. Subalit, wala siyang planong pigilan ito. Tutal sanay na naman siya sa kabiguan. Saka karapatan ng babae na mamili kung saan siya liligaya. Handa niyang tanggapin kung saan liligaya si Glaize katulad lang ng sa dati niyang gf.

Kung ang magiging asawa niya ay hindi magiging maligaya dahil sa kakulangan ng pera ay mas gugustuhin pa niyang ‘wag na itong mapangasawa. Ang mga magulang ni Anton ang idolo niya sa pag-aasawa. Kahit minsan ay hindi sumasapat ang pera nila noon ay hindi naging hadlang para maitaguyod sila at patuloy na nagmahalan hanggang tumanda na. Yun ang gusto ni Anton.

Sa kaibuturan ng puso niya ay pinatawad na niya si Yzabelle. Naisip niya na mas masasaktan siya kung makikita niyang hindi maligaya si Yzabelle sa piling niya. Kaya, ngayon at kailanman ay hindi siya hahadlang kung ano ang pipiliin ni Glaize. Isa pa, bakla ang pagka-alam nito sa katauhan niya at biru-biruan ang pagiging magkasintahan nila.

“Usog ka nga Ton. Dito ako mahihiga sandali sa kama mo. Pwede?”

“Kung gusto mo dito ka na forever!”

“Hmp. Naliligo ka ba? Ang baho mo na.”

“Syempre. Pa’no ako makakpaligo? Nagpapunas ako ng alcohol kay Sheila.”

“Sa sunod ako na ang magpupunas sa ‘yo. Ha!? O, usog ka pa ng konti. Baka mahulog ako.”

“Hmm. Bango ng sweetheart ko. Sana ‘wag ka munang iuwi ni John. Mami-miss kita.”

“Hay naku Ton. Inookray lang kita. Hindi ako maiuuwi ng John na iyon. Alam mo iyong sinisilaw ka sa kayamanan at ikaw naman na alam mong sinisilaw ka ay papatol ka naman, hindi magandang karakter ng tao iyon. Siguro kung na-typan ko siya kanina pwede pa. Ang yabang-yabang niya.”

“Ah, so, tayo pa rin sweetheart?”

“Hah, hindi ko karaka-raka ipagpapalit ang taong handang mamatay dahil lang sa cellphone ko.”

“May tama ka dyan sweetheart. Payakap pwede?”

“Selos selos ka dyan. Tumatabi nga ako sa ‘yo kahit ambaho mo.”

“E, hindi na lang ak…