Strawberry Skies [ Chapters 7 – 11 ]

CHAPTER 7

“…Yun lang, naging close friend agad kame ng girl, si Glaize. Bukod sa maganda physically ay maganda rin ang ugali ni Glaize. Nagka-crush ako instantly. Araw-araw basta may time, nandun siya sa front desk nakikipagharutan sa akin. Ate Sarah, malimit nagdadala siya ng sitsiriya, salad o kung ano mang kukutin ayun, bonding na kami sa ganun. Parang siya na nga yung reason kaya ako pumapasok sa trabaho… Everyday I’m always looking forward for a day to be filled with her presence.”

“…Nung mga time na yun Ate Sarah, parang gusto ko nang bumitaw sa plano ko. Gusto ko nang magpakalalaki at magtapat kay Glaize. Pero, naisip ko, tiyak na mawawalan ako ng trabaho. Ayoko nang mangyari ulit na iiwan ako ng babae dahil wala akong hanapbuhay. Kaya, status quo lang. Tuloy ang plano no matter what. Inisip ko na lang na mas mabuti na ito tutal lagi ko naman siyang nakikita araw-araw…”

Ayun, parang kulang pa raw ang araw na nagkikita sila sa opisina. Nagkikita pa sila kapag weekend. Namamasyal sa mall. Parang magsyota sila tingnan kung hindi alam na nagkukunyari siyang bakla. Nagho-holding hands sila at nagsusubuan sa restaurant. Nagagawa pa niyang akbayan si Glaize na hindi naiilang dahil alam nitong bakla siya. Sabi ni Anton, “May strange feeling ako na parang nagpe-pretend siya na ako ay boyfriend niya.” Kibit-balikat lang si Anton. Ride lang daw siya sa trip nito. Though nagka-crush daw siya head-over-heels kay Glaize mula sa unang paghaharap pa lang nila.

Sabi pa ni Anton, “I can’t believe I can find a woman who is both beauty, brains and sweet.”

Hindi napapagod si Anton na makita si Glaize araw-araw. Pero may bagay na umabot na sa sukdulan sa kanya. Yung routine niya na mula sa bahay ng Tita niya na kilos lalaki siya tapos mag-aala darna na magbabago ng anyo pagpasok sa restroom ng fastfood ay tila mabilis na pinagsawaan ni Anton. Naisip niya, tutal may sweldo na siya, baka mas hindi siya mahirapan kung sa ibang bahay siya titira at walang pupuna sa ikikilos niya. Isang bihis lang siya. Hindi na dadaan sa restroom ng mga fastfood. Diretso gayak na ng gay ang suot niya at ayos ng mukha niya.

Isang araw sa opisina, nasa harapan na naman niya si Glaize…

CHAPTER 8

“Sssst… girl, may alam ka bang boarding house malapit sa inyo?” Tanong ni Anton sabay patay malisyang hinawakan ni Anton ang malasutlang kutis na braso ni Glaize. Ang liga-ligaya ni Anton. [Heaven on Earth na raw!]

“Kase, pinagpapantasyahan ako ng mga boyz sa lugar namin… baka isang araw ma-reyp me… Alam mo naman… kung saan pinararaos yun kapag bakla ang nirereyp…” dugtong ni Anton. “At saka girl… ikaw lang ang makakaalam nito…” Inilapit ni Anton ang bibig niya sa may tenga ni Glaize sabay hawi ng mabango at malambot na buhok nito. “Hwag na hwag mong ipagkakalat… Virgin pa ako…” bulong ni Anton sabay… Hmmm… i-kiss nga kita “Tsup!”
Sumabog ang pigil na halakhak ni Glaize. “eee hi-hi-hi…ha-ha-ha!!!

Naka-kiss si Anton sa pisngi ng walang kamalay-malay na si Glaize. Buong akala niya’y tunay na bakla nga si Anton.

At para hindi makahalata sabay bawi niya… “O di ba? lalaki ako kase kiniss kita?

“Oo na, alam naman ng lahat dito na lalaki ka. Kahit nga mga aso’t pusa rito ang tanungin mo at isama mo na ang mga butike sa kisame ay alam na “mhin” ka nga di ba?” pauyam na sagot ni Glaize na tila ayaw niyang mahalata ang kanyang pagba-“blush” dahil sa halik ni Anton.

“May isang bed pa sa nire-rent kong condo. Kung gusto mo dun ka na lang tapos mag-share ka na lang sa rent.”

“Ha!? Tayong dalawa lang sa isang condo? Gusto ko yan.” Mabilis na tugon ni Anton.

CHAPER 9

“Ha-ha! Hindi. May kasama akong dalawang girls. Tunay na mga girls. Nagse-share kami sa upa. Ako yung original na nag-rent nung condo. Nung hindi ko kinaya naghanap ako ng ka-share. So far, ok naman kami.”

“Teka, pag-iisipan ko muna pwede?” Parang nalito bigla si Anton.

Tulala si Anton ng makaalis na si Glaize. Hindi niya akalain na ganun kalaki ang pagtitiwala at paniniwala ni Glaize na siya nga ay tunay na bakla.

Totoong pinag-isipan ni Darna este, ni Anton kung makikipisan siya kina Glaize. Makakasama niya si Glaize sa araw at gabi. Kung suswertihin pa baka makatabi niya sa pagtulog. Pero, nagdadalawang isip siya dahil kapag nakipisan siya ay malamang mabuking siya na nagkukunwari lang siyang bakla. Baka tumigas ang ‘ano’ niya ay tiyak na mabibisto siya, tapos ang maliligayang araw niya. Kaya,…

“Girl, thank you sa offer mo. Parang hindi maganda tingnan.” Tanggi niya sa offer ni Glaize.

Tumanggi siya sa offer ni Glaize. Naghanap siya ng ibang mare-rent na kwarto. Gusto niya ay kwarto dahil aarte na naman siya sa makakasama kung boarding house ang papasukan niya. Nag-excuse muna siya sa ‘schedule’ nila ni Glaize ng pamamasyal tuwing weekend. Naghanap siya ng kwartong mauupahan. Hindi niya inaasahan ang presyo ng mga kwartong for rent. Kakainin pala nito ang kapiranggot na sweldo niya. Laglag balikat ang bakla ng umuwi.

Hindi naman siya kinulit ni Glaize na pumisan sa condo. Hindi na siya nagpursigeng maghanap ng malilipatan. Pinanindigan na niya ang pagpapalit-anyo araw-araw sa fastfood restroom. Ang kaso pinagtitinginan na siya ng mga crew ng fastfood tuwing papasok siya. Ang susunod na restroom na pwede niyang pagpalitan ng attire ay lubhang malayo na.

Isang araw, dahil sa pagmamadali, napunit ang backpack niya habang papaalis sa bahay ng Tita niya. Nahulog ang eye liner niya, pang-eye shadow niya at ang pulbos! Ang malas pa, nakita ito mismo ng Tita niya na kapatid pa naman ng nanay niya. Patay-malisya siyang nagpaliwanag na hindi yon kanya kesyo inihabilin lang at hindi niya kaagad naibigay. Naniwala naman ang Tita niya na hindi kanya iyon. Maswerte lang siya dahil nang oras na iyon ay nakaalis na rin ang kanyang mga bruskong pinsan kaya hindi siya na-court marshall.

CHAPTER 10

Dahil sa insidente sinubukan niya kung….

“Glaize, open pa ba yung offer mo na bed para sa akin sa condo mo?” Tinanong niya si Glaize.

“Ay, sorry, magpapakasal na kami ng boyfriend ko kaya kami na lang ang titira doon. Kung gusto mo sa couch ka na lang. Kaya lang itatanong ko muna sa fiance ko kase baka hindi siya pumayag.”

“Ha!?” Matagal na napabuka ang bibig niya sa isinagot ni Glaize. Halos bumula manipis na laway sa bibig niya sa shock sa narinig.

Todong nagulat at nabigla si Anton sa sinabi ni Glaize. Parang naulit ang kanyang pagkabigo sa isang babae. Parang may bumara sa lalamunan niya. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya naitago ang lungkot sa mukha. Gusto niyang sisihin ang sarili sa ginagawang pagkukunyari. Gusto niyang sisihin ang kanyang pangarap kaya nawala ang babaeng gusto niya sa isang iglap lang. Isa na namang babae ang nawala sa buhay niya. Kung hindi sana siya nag-pretend na bakla, sana naligawan niya si Glaize. Sana nagkaroon siya ng chance bago man lang ito ikasal. Ngayon, huli na.

“Ay, ‘wag na Glaize. Hindi maganda. Congratulations, friend. Bakit hindi mo ipinakilala sa ‘kin ang bf mo na yan?”

“Hi-hi-hi!”

“Ano? Ba’t ka tumatawa? Ah, hmm. Alam ko na! Naokray mo ako, BRUHAAA!” Na-gets ni Anton kumbakit humagikhik Glaize. Gandang-ganda siya habang tumatawa ito sa ginawang pang-go-goodtime sa kanya. Natigilan siya. Nakatitig lang kay Glaize habang tutop ng kamay ang bibig niya. Hanggang matawa na din siya.

“Ha-ha-ha. Graveh ‘yon ha. Muntik na akong mahulog sa upuan kwo.” Sabi ni Anton.

“Hi-hi-hi! Ang lungkot-lungkot mo pala kung mag-aasawa na ako. Buti na lang hindi ko pa nakikilala ang fiance ko.” Nagparang lumang kanin si Anton sa harap ni Glaize ng araw na iyon. Luto na siya tapos, sinangag pa siya ni Glaize.

Isang araw yun na nag-roller-coaster ang damdamin niya sa kagagawan ng pang-ookray ni Glaize. Dun natanto ni Anton na totoong gusto niya si Glaize dahil nasaktan siya ng todo sa pag-aakalang totoong ikakasal ito.

Sineryoso na ni Anton ang paglilipat sa condo ni Glaize.

CHAPTER 11

“Baka magalit sa akin ang mama mo, Anton. Baka sabihin ay pinapaalis na kita rito.” Sabi ng Tita niya nang magpaalam siya upang lumipat sa condong nire-rent ni Glaize. Obviously, hindi niya sinabing mga babae ang kasama niya sa condo.

“Hindi po Tita, ipinaliwanag ko sa kanya ang sitwasyon ko. Kaya, wag kang mag-alala ‘di magagalit ‘yon.” Palusot niya.

“At bakit ayaw mong ihatid ka ng mga pinsan mo, ha? Hindi kaya sumama lang ang loob mo sa amin ha?” Tanong ng Tita niya na tipong naiintriga sa ikinikilos niya.

“Huwag na Tita, konti lang naman kase itong gamit ko. At lalong hindi sumama ang loob ko. Mas magiging madali lang talaga ang pagpasok ko sa opisina dun sa lilipatan ko.” Pangangatwiran ni Anton sa tila nakukumbinse na niyang tiyahin.

“Dadalaw ka rito ha!”

“Sure Tita. Sige po, Tsup! Tsup! Babu!” Napaniwala niya ang Tiyahin. Kaya lang, dahil sa tuwa ay nakalimot daw siya kaya’t parang bakla siyang nagpaalam dito kuntodo may kembot pa. Umalis siyang tigagal ang Tita niya sa inasal niya.

Nang marealize niya ang ginawi niya, napatanong siya sa sarili. “Ano ‘to? Nagiging bakla na ba akong totoo? Lord ‘wag naman po.”

[ haha! nagiging totoong bakla na si Anton. . . itutuloy natin ‘to. . . ]

[ author: graccubus 9.4.22 ]