+++++++++++++++++++++++++++++
“His love roared louder than her demons.”
“True love never fades, real love is for all ages.”
“Love conquers all difficulties, surmounts all obstacles, and effects what to any other power would be impossible.” – William Godwin
+++++++++++++++++++++++++++++
Mula sa sumulat ng mga likhang Pedro Pembuto, Kambal ng tadhana , Game ka na ba at Ganti ng Api. Nasanay kayo na sa akin mga likha na puro lola, nanay, tita, ate at mother in law ang kapartner ng ating bida. O di kaya naman ay kaedaran niya ang mga ito o mayroon naman nakakabatang kapatid ang kasama nito.
Kaya nga nakilala niyo ako sa tawag na Gilfmilflover. Bilang isang manunulat. Mas masarap kung ikaw ay lalabas sa tinatawag nilang comfort zone. Ako bilang isang manunulat, naging comfort zone ko na ang pagsulat ng storya na puro matatandang babae ang bida.( Sorry Tita lyka but babawi ako sa iyo soon). Paano naman kung baliktarin natin ang sitwasyon?
Kaya ko kaya gawin ito?
Kaya naman bilang handog ko sa mahigit Anim na libong kong Followers na sumuporta sa akin sa mahabang panahon, isang storya ang inyong mababasa tungkol sa pagmamahalan na wagas. Pagmamahalan na masasabi mong mali sa tingin ng napakalinis na lipunan.
Hanggang saan kaya aabot ang kanilang pagmamahalan kapag sinubok na sila ng panahon, ng lipunan at ng sarili nilang pamilya.
Enjoy and I hope, masatisfy ko kayo sa aking gawa.
+++++++++++++++++++++++++++++
Sa isang sikat na campus sa may dulo ng taft.
May isang classroom na napakatahimik ngayon. Halos di malaglagan ng karayom ang katahimakan ng mga mag-aaral. Pinagmamasdan nila ang isang lalaking professor na kasalukuyan ngayon na may inaannounce.
” Please see the name of our honor students sa board” ang sabi ng isang professor sa kaniyang klase.Isa isang tumayo ang mga excited na estudyante at lumabas ng kanilang classroom para silipin ang kanilang pangalan. May mga halos ihampas na ang mga dala nilang bag sa pader. May mga tahimik lamang na nakapila sa pintuan habang hinihintay ang paglabas nila.
Pero isang babaeng estudyante ang naiwan at nakaupo lamang ito.Bakas sa mukha nito ang kaba dahil ang dati ng maputi niyang mukha ay mas lalo pang pumuti.
” para kay babe” ang sabi nito at tuluyan na siyang tumayo at kinuha ang maliit na sling bag nito tsaka lumabas ng kanilang classroom.
Pinagtinginan naman ito ng mga kalalakihan na madaanan niya dahil sa angking ganda at kasexyhan nito. Naka dress itong pink na mas lalong nagpatingkad sa kanyang maputing balat. Bagay na bagay ang dress niya dahil sa fit ito.
Lalo tuloy lumantad ang kanyang di kalakihan pero sobrang bilugan na pwet na nagcompliment naman sa kanyang di kalakihan dibdib. Ang kanyang mapupulang labi na tila isang rosas na handa ng pitasin. Ang kanyang singkit na mata na mas lalong nagbibigay ng angking ganda sa mga kilay nitong mahahaba.Nakaheels din itong ginto na nagbigay ng tangkad sa kanyang 5’6″ height without heels.
” Makikiraan” ang malambing na sabi ng babae habang nakikisilip ito sa bulletin board. Tumama naman sa mga kalalakihan ang napakahabang itim na buhok nito na lampas ng ilang piye sa kanyang balikat
Napalingon naman sa kanyang ang mga lalaki na sumisilip din sa ilang pahina na nakadikit sa board.Tumabi naman ang mga kalalakihan. Nagtutulakan pa ang mga ito para bigyan ng daan ang napakagandang babae
” Hoy tabi tabi!!!!” ang sigaw ng isa sa kanila habang tinutulak ito.
” Thank you” ang sabi nito at Tinignan nito ang papel. Mabilis nito hinahanap ang kanyang pangalan sa listahan ng mga honor students.Gamit ang kanyang daliri ay iniscan nito ang papel at napahinto siya sa isang pangalan.
” San Isidro, Kristina Cassandra” ang pangalan na kung saan tumigil ang daliri nito. Isang malaking number 1 ang nasa tabi nito kasunod ang katagang president’s lister.
Umalis na ang babae sa malapit ng bulletin board. Narinig niya ang usap-usapan ng mga kalalakihan sa likod niya.
” wow siya pala yun” ang sabi ng isang lalaki na may dalang backpack.
” Swerte mo pre kapag yan girlfriend mo” ang sabi naman ng kausap nito.
Napailing na lang ang babae sa kanyang narinig. Parang mga langaw lang na naguusap sa likod niya ang mga ito. Hindi niya pinansin ang mga naririnig. kinuha nito ang kanyang lumang iphone 11 sa loob ng kanyang bag. At dinial ang isang numero.
Hindi ito sumasagot kaya pinatay na lamang niya ito at pinasok muli sa kanyang bag telepono. Lumakad na ito palabas ng campus at nagtitinginan ang mga kalalakihan na nadadaanan niya. Mga sipol at paswit ang inaabot niya sa mga kalalakihan pero hindi niya ito pinapansin.
Ang mahalaga sa kanya ngayon ay mabalita ito sa nag-iisang lalaki na pumukaw sa kanyang puso.
Siya lang naman ay si Kristina Cassandra San Isidro, o mas kilala sa tawag na KC. 20 years old. Ang nag-iisang president’s Lister ng kursong accountancy.