Sugar Kuya IV : Pregnancy 2

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincident

++++++++++++++++++++++++++

Masaya kami pamilya, tipikal na pamilyang laki sa probinsya. Mga anak na tumutulong sa kanilang mga magulang. Mga magulang na todo kayod para lang may makain ang pamilya.

Masipag si Tatay, isang magsasaka ito at siya na siguro ang pinakamasipag na taong nakilala ko. Bago pa tumilaok ang manok ay nakatayo na ito at nasa sakahan na. Late naman ito kung umuwi dahil magsideline pa ito bilang tricycle driver sa bayan. Kaya naman wala man halos limang oras ang tulog nito sa isang araw.

Simula ng mamatay sa sakit sa puso si Tatay ay naging mahirap na ang buhay namin. Kaya naman napilitan na magtrabaho sa ibang bansa si mama Flor. Grade 9 palang ako noon at si ate ay incoming first year college. Si Daisy naman ay grade 7 noon. Domestic helper naman si Mama sa japan ng ilang taon pero ang pinagtataka namin ng ate at ng bunsong kapatid ko ay napakaliit ng pinapadala nito sa amin. Saktong sakto lang para sa amin nila ate.

Di naman namin magawa tanongin si mama dahil sa baka magalit ito sa amin. Naiintindihan din naman namin na baka mahirap lang talaga ang buhay sa japan. Kaya naman natuto na lamang kaming tatlong magkakapatid na mamilipit sa maikling kumot.

Tatlo kaming magkakapatid na puro babae, si ate JC ang panganay sa amin, kasunod ay ako at ang bunso namin na si Daisy.

College na din si ate noon at patapos na din siya kaya naman nakakagawa ng paraan ito para madagdagan ang pera na pumapasok sa aming tahanan. Pumapasok si ate bilang staff sa isang kumpanya. Sa umaga ito pumapasok sa opisina at sa gabi naman ito pumapasok sa school. Ayos lang naman ito kay ate dahil sa siya naman daw ang panganay kaya siya dapat ang katulong ni mama sa pagpapalaki sa amin.

4 years ang tanda sa akin ni ate JC kaya siya ang talaga tumayong nanay sa amin ni Daisy. Kami naman ni Daisy ang nag-aasikaso sa bahay namin. Sabay ang oras ng pasok namin ni Daisy at parehas pa kami ng school. Grade 12 ako at grade 10 naman siya. Kaya kami ang nagluluto ng pagkain namin bago pumasok sa school at pagkauwi kami rin ay nagsasalitan sa iba’t ibang gawain bahay.

Patuloy pa rin naman ang padala ni Mama pero sadyang napakaliit nito at hindi kakayanin kapag parehas na kami tumungtong sa college ni Daisy. Hanggang sa isang araw habang kaming tatlo ay kumakain ng almusal. Isang email ang pumasok sa telepono ni Ate Jc.

” Bunso, Kc may email si Mama” ang sabi ni ate JC sa amin habang busy kami ni Daisy na kumakain. Napatingin naman kami sa isa’t isa ni Daisy.

” ano sabi ate?” ang tanong ko kay ate JC habang tumigil muna kami sa pagkain ni Daisy. Tumingin si ate JC sa amin at parang nabalot ito ng lungkot ang kaninang masayang mukha niya.

” ate? Ano na?” ang tanong ko kay ate. Tumingin lang ito sa amin at tsaka muli itong nagsalita.

” uuwi na daw si mama kasi tapos na ang contract niya” ang sabi ni ate JC, tuwang tuwa naman si daisy sa kanyang narinig pero kami ni ate ay nagtinginan at parang nagkakaintindihan.

Sinundo namin si mama sa airport. Nakita namin ang isang babae na akala mo ay hindi nanay ng tatlong dalagita. Nakasuot ito ng blue na dress na above the knee. Di naman ganito manamit si Mama noon, dahil napaka simple lang nito pag dating sa kasuotan.

Napatingin sa akin si ate JC pero kaagad naman kami niyakap nito ng mahigpit. Kahit na may kalituhan sa amin ni Ate JC ay nawala naman agad ito dahil sa init ng yakap ng mama namin.

Luhaan kaming apat na magkayakap sa arrival area at para lang kaming tanga na paikot-ikot dito. Kaagad na kami sumakay ng taxi dahil isang maliit na maleta lang ang dala ni Mama at isang balikbayan box.

Kaagad kami nagpadiretso sa terminal ng bus sa pasay. Sumakay kami dito at tahimik na nagbiyahe. Magkatabi kami ni ate JC habang si Daisy naman ang katabi ni Mama. Pasimple akong siniko ni ate JC.

” wala ka ba napapansin kay mama?” ang tanong nito sa akin. Pasimple sana akong lilingon kila mama sa kabilang isle ng bus pero kaagad ako siniko muli ni ate Jc.

” Wala naman ate” ang mahina kung usal dito.

” Parang may kakaiba sa kanya” ang sabi ni ate Jc kaya naman pinagmasdan na lang namin si Mama at daisy na magkayakap sa bus. Doon ko lang din naalala ang lahat. Ang sabi ni Mama ay 4 years ang contract niya sa japan pero wala pa man itong 3 years ay umuwi na siya.

Kauwi namin ay masaya si mama na binigay sa amin ang mga pasalubong niyang pabango at chocolates. Sinabi rin ni Mama na may natabi siyang maliit na halaga pero ilalaan niya daw ito sa isang negosyo. Napangiti naman kami ni ate Jc dahil mukhang ung mga natipid ni Mama na padala ay dito niya nilaan.

Pero isang malaking scam lang pala ito.

++++++++++++++++++++++++++++++++++

” Babe, what do you mean scam?” ang tanong ko kay Kc habang nakasandal pa din ito sa akin likuran.

” basta, makinig ka na lang” ang sabi ni Kc sa akin na may inis sa bo…