Sugar Kuya XIII: James And Kc’s History

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincident

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Ang nakaraan

Hanggang sa isang araw, dahil sa dami ng customers namin ay di ko natantya ang mga supplies namin. Bigla na lang kami nagkulang ng mga pansahog. Sakto na hindi pa dumadating ung nagdedeliver ng mga pansahog namin na isang trucker mula sa norte. Kaya naman napilitan akong magpunta sa palengke. Sinama ko ang dalawang tauhan ko at sumakay kami sa tuktuk na aking binili.

” anak, bibili lang kami ng mga panahog natin. Biglang naubusan eh….wag ka mag-alala…. Aabot pa naman ung ulam natin hanggang mamaya hapon..para ito sa mamayang gabing putahe” ang sabi ko kay KC ng iniwan ko muna ito sa cashier kasama ang iba pang tauhan ko.

” Osige ma” ang sabi nito sa akin at agad akong sumakay sa tuktuk namin na naghihintay sa labasan. Inistart pa lang ng tauhan ko ung tuktuk ng biglang lumabas si KC at humahangos na lumapit sa akin.

” Oh anak, bakit” ang tanong ko dito. Habang habol hininga siya na napahawak sa tuktuk.

” Ma, bili mo ako ng puto at bagoong” ang sabi ni Kc. Napatawa naman ako dahil sa mukhang di pa tapos ang paglilihi ni Kc. Tumango naman ako at pinaandar na ang tuktuk.

Mabilis naman kami namalengke ng sako sakong panahog. Pinasakay ko na ito sa likod at ibabaw ng tuktuk. Paalis na sana kami ng palengke Ng maalala ko ang pinabili ni Kc na puto. Kaya agad akong lumapit sa may gilid ng isang convinience store. Dito kasi ang nagtitinda ng puto at iba’t ibang kakanin.

” Manang, salwanang puto ( Manang pabili ng puto) ” ang sabi ko sa tindera na isang matandang babae na nasa edad ng 70. Kinuha ko ung dalawang balot ng puto na nakastyro. May cheese naman ito sa ibabaw.

” trenta na lang balang metung( 30 na lang bawat isa)” ang sagot sa akin ng matanda.Kaagad ko naman ito kinuha at nilagay niya sa isang plastic. Inabutan ko ito ng 1000.

” Ala kang barya( wala kang barya)?” ang sabi ng matanda habang tinataas nito sa liwanag ng araw ang isang libo ko.Matapos ay Nakita ko na kinakalkal nito ang laman ng suot niya parang apron. Nakita ko na panay buo na din ang pera nito. At may mangilan ngilan na bente pero sa tingin ko ay di aabot ito para sa sukli ko

” Ala man pu( wala man po) ” ang sagot ko dito habang bitbit ko na ang puto na hiling ng buntis kong anak. Kamot ulo tuloy ako. Mukhang matatagalan pa ako dito.

” agli mune, palibe ko mu ini( Saglit lang, papalit ko lang ito)” ang sabi ng matanda sa akin tumayo ito papunta sa mga kasamahan niya sa di kalayuan. Kita ko naman na nagbibilang na sila ng mga tigbebente at singkwenta. Mukhang mababaryahan nga ata talaga ang pera ko.

pero hindi ko alam kung bakit ako napalingon sa akin likuran. Tila ba may kung ano na pumipilit sa akin na lumingon ngayon. Kusa naman gumalaw ang ulo ko.Sa katapat na drugstore sa kabilang kalsada at biglang parang nanginig ang aking tuhod sa aking nakita.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++

” Tanaydamo ( Kapampangan curse)” ang bulalas ko sa akin sarili habang nakita ko ang magaling na si James.

Ang pinakamamahal na kasintahan ng aking anak na si Kc na nakatayo sa tapat ng drugstore. Kita ko din na nakaparada ang kotse nilang magkasintahan sa gilid.

Tila ba may hinihintay itong lumabas mula sa drugstore. Nakasalamin pa ang loko at nakapamewang pa na kala mo ay napaka importanteng tao. Pinagmasdan ko ito ng maigi pero mabilis lamang ito dahil sa may kumakalbit na sa akin balikat.

” Ining, ayni na ing sukli mu” ang sabi ng matanda sa akin sabay abot sa tigbenta at singkwenta at may barya ba. Di ko na ito binilang at nilagay ko na lang ito sa pouch na dala ko dahil sa baka mawala pa sa akin paningin ang aking pinagmamasdan.

Dali dali akong bumalik sa aking ginagawang pagsubaybay dito.

nasa harapan na siya ngayon ng isang naka park na van( di ko alam ung brand at model pero kamukha nito ung van na sikat ngayon dahil sa pinaghahanap ng pnp) at tila may kausap ito doon

may ilang lalaking naka itim na ang nasa may likod niya at mukhang pinagmamasdang mabuti yung bawat galaw ni James. Tila ba binabantayan nila ito.

” aba, mukhang bigtime pa ata ang kulasisi ng hayop na ito” ang sabi ko sa akin habang mabilis akong nagtago sa isang itim na fortuner malapit sa nagtitinda ng puto. pumuwesto ako sa gilid nito. Sakto lang na natatakpan ako ng mga sasakyan sa gilid nito pero kitang kita ko pa rin ang aksyon.

saka ko pinanood yung nagaganap sa kabilang kalsada habang may kausap sa van yung aking manugang na hilaw. Doon ko nakita ang kausap nito ng maigi. Isang babaeng nakashades na itim.

Medyo nakaharang ng kaunti ang pintuan ng van kaya naman hindi ko maaninag ang katawan nito kung sexy ba ito o hindi.

Kitang kita ko sa mga mwestra nila ni James na tila matagal na silang magkakilalang dalawa. Pasimple ko nilabas ang telepono ko at kinuhanan ng larawan ang dalawa.

Halos sampong minuto din sila nag-uusap hanggang sa sumakay na ang mga lalaking naka itim sa loob ng van at umalis na din ang mga ito. Nagtungo ang direksyon nito papuntang san simon.

Nakita ko rin si James na sumakay na sa kotse nila at nagtungo ito sa direksyon ng calumpit. Tiyak ako na pabalik na ito sa resort kaya naman mabilis din akong bumalik sa tuktuk namin.

” Ikit me atse ( nakita mo ate?)” ang tanong sa akin ng babae kong tauhan na siyang nagdrive ng tuktuk. Mukhang nakita niya rin si James na may kausap.

” Eneka masigla kang Kc ne, ika tamu mu ing dapat mikabulu keni( wag ka na lang maingay kay kc, tayo lang dapat ang makakaalam nito)” sabay turo ko sa katabi ko na isang tauhan ko din. Tumango ang dalawa at tuluyan na kaming umalis at bumalik sa karinderya.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++

KC’s POV

Kasalukuyan akong nakahiga ngayon sa aking kama at heto na naman po tayo. Panay ang basa ko sa story ng ganti ng api.Andito na ako sa chapter na kung saan ay tuluyan ng nakuha ni James ang katawan ni Anna.

Napakagaling talaga ng james na ito tulad lang ng james ko.napaka sweet at charming talaga nitong mga james na ito.

Deceiving ika nga nila. sabi nga doon sa isang comment noong may username na itchibitch69, “Kaabang-abang talaga dahil suspense! Very scheming ang bida, magaling magpakana at bumitag. Hahaha!”.

Which I find it to be true. At naalala ko tuloy kung paano ako nakuha ni James.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++

” Mauna na ako guys” ang paalam ko sa aking mga kasamahan matapos namin na maisara ang shop. 10 pm na ng sabado at nag-aabang pa sila ng masasakyan nila.

Habang ako naman ay naghihintay na ang aking sundo na si James. Nakaparada lang ito sa gilid ng kalsada.

” Ready?” ang bungad niya sa akin ng palapit ako dito. Nakataas na ang visor ng helmet niya. Nakangiti naman ito sa akin habang inaabot nito sa akin ang helmet na extra.

Napangiti din naman ako dahil sa gwapo talaga ng ayos ni James ngayon. Nakasuot ito ng black na motorcycle jacket na fit kaya naman kitang kita ko ang shape ng katawan niya. Ito pa lang ang pangalawang sabado na ihahatid niya ako( Ung una is ung nasa chapter 11).

” swish” at isang malakas na ihip ng hangin ang aking naramdaman. Ngayon ko lang din naalala na may kanipisan pala ang damit ko suot kaya naman agad kong niyakap ang aking katawan para hindi ako tuluyan lamigin.

At dito nakita ko kung paano maging isang gentleman itong si James. Kaagad siyang bumaba sa motor niya at tsaka kinuha ang isang jacket na katerno ng suot niya pero tiyak ako na pambabae ito dahil sa cut ng tela sa loob ng Givi box niya. Di lang niya ito basta inabot sa akin kung hindi ay sinuot niya pa ito.

Kusa naman bumuka ang aking dalawang kamay habang sinuot niya ang jacket ko. Hinawakan pa nito ang balikat ko at tsaka siya muling nagsalita.

” Giniginaw ka pa ba?” ang malambing na usal nito sa aking tenga. Di na giniginaw ang katawan ko dahil sa jacket niya. Kung hindi dahil sa init ng mga haplos nito sa akin.

” ayos na ako” ang sabi ko sa kanya. At umalis na ito sa aking likuran.Hinawakan niya sana ang kamay ko pero ako na mismo ang umiwas. Sumakay na lang kami sa motor at nagbiyahe papuntang apartment. Naging tahimik ang aming biyahe.

” Kc, can I get your number?” ang sabi ni James ng ibaba niya ako sa tapat ng apartment at tinaas niya ang visor nito. Habang ako naman ay busy na hinuhubad ang jacket at helmet niya.

” sure,phone mo” ang sabi ko dito at mabilis naman niya inalis ang phone niyang nakalagay sa bracket sa dashboard ng motor. Kaagad ko naman nilagay ang number ko at inabot ko din ang phone niya pati ang helmet tsaka jacket.

” Keep the Jacket para pagsinusundo kita yan ang suot mo” ang sabi ni James sa akin at di ko naman alam kung bakit kapag ito ang nagsalita ay napapasunod talaga ako dito.

Hinintay naman ako nito na makapasok sa apartment bago siya tuluyan ng umalis. Parang tanga naman ako na akap akap ko ang jacket ngayon sa aking higaan ng biglang tumunog ang aking telepono.

” Hi Kc, James here. Nakauwi na ako” ang sabi ng mensahe mula sa hindi ko kilalang number. Sinave ko naman agad ito sa contacts at nilagay ko ang name na crush.

” Good to here at nakarating ka ng safe” ang kinikilig ko naman na reply dito dahil sa parang syota na ito kung magreport sa akin.

” Well, di ako pwede maaksidente eh. Susunduin pa kita next week” ang reply ni James sa akin na mas lalo naman nagbigay ng kilig sa akin.Di ko alam tuloy kung ano ang irereply ko.

Buong magdamag kaming magkatext ni James. Kung ano ano lang ang pinag-uusapan namin. Nagpalitan na din kami ng mga social media account. Ung ilang oras na iyon ay parang ilang linggo sa bagal ng oras kapag kausap ko si james.

Di ko alam pero never naman ako nagkaboyfriend sa buong buhay ko pero parang alam na alam ko ang pakiramdam ng isang taong may nag-aalaga at minamahal ng todo todo. Siguro parte na rin ito nung pagka ulila ko sa kalinga ni Mama simula noong makulong siya.

Feeling ko ay si James ang pumupuno sa mga pagkukulang na iyon. Kahit na dalawang beses pa lang kami nagkita ay parang matagal ko na itong kakilala sa tiwala na binibigay ko dito.

Kinabukasan ay nagising agad ako dahil sa kailangan ko muna na maglaba bago ako pumasok sa trabaho. Kahit ilang oras lang ang tulog ko ay di ko ramdam ang pagod. Punong puno ako ng saya habang nagsasampay na ako ng aking nilabhan sa labas ng unit ko.

Tinignan ko ang aking orasa. Alas diyes y media na pala kaya naman nagsaing na ako. Di na ako nagluto at nagbukas na lang ako ng delata para mabilis at baka mapasma pa ako kapag nagluto ako sa apoy.

Matapos akong kumain ay nagpahinga lamang ako at naligo na rin ako. Hanggang sa mag alas onse y media na ay palabas na ako ng unit. Naka suot ako ng puting polo shirt at jeans.

Palakad na ako sa gate ng apartment namin ng makita ko ang isang motor na kamukha ng gamit ni James. Dito ay naalala ko ang jacket na gusto niyang gamitin ko. Kaya naman dali dali akong bumalik sa unit ko dahil nakalimutan ko ito sa may upuan.

Wala pang limang minuto ay nakabalik na ako at naglalakad palabas ng gate ng bigla kong makita si James na nakatayo sa gilid ng isang puno at tila hinihintay ako nito. Ng makita niya ako agad naman itong lumapit sa akin.

” Hi miss, kailangan mo ba ng angkas driver?” ang tanong nito sa akin habang hawak niya ang helmet na pinapagamit nito sa akin. Ang kanyang mga mata ay tila nangungusap sa akin. Mga mata na puno ng lambing

” Pwede po ba kuya?” ang tanong ko naman dito habang sinusuot ko na ang jacket na binigay niya sa akin para gamitin. Nakangiti naman ito na inabot sa akin ang helmet. Masaya naman akong sinuot ito.

At sumakay na siya sa motor, sumunod naman ako dito tsaka ko niyakap ang tiyan niya para hindi ako malaglag pero laking gulat ko ng bigla na lang niya akong hinila ng mas malapit sa kanya. Tila manika naman ako na sumusunod sa mga gusto niya.

Hanggang sa nakapunta na kami sa coffee shop ko at kaagad naman ako bumaba sabay nagpaalam na siya. Nagsimula na ako sa aking mga gawain sa shop ng wala pang tatlong oras ay nakita ko na pumasok ng shop si James.

Nag-order naman ito habang kausap niya ang isang kasama ko. Di kasi ako nakatoka sa counter ngayon at nakatoka ako sa supplies. Nakita ko naman na tila may sinasabi itong si James sa kasama ko. Bago siya umalis ng cashier.

Nagtaka naman ako kung ano ung sinabi ni James sa kasama ko dahil kaalis nito ay kaagad na lumapit sa akin ito at may inabot na sticky note.

” para sa iyo” ang sabi ng kasama ko na may kilig sa kanyang boses. Kilig na tila may kahulugan kaya naman agad ko itong binuksan.

” Careful with your beautiful hands dear” ang sabi sa sticky notes at kinilig naman daw ako na tinago sa akin bulsa ang sticky notes ni James. Simula ng oras na iyon ay di na umalis si James hanggang sa natapos ang shift ko.

Tulad kahapon, hinatid ako nito sa aking apartment. Ako naman ay may kilig na natulog. Mga ngiti na punong puno ng kasiyahan nakapikit at inaalala ang makisig na mukha ni James.

Naging ganun ang takbo ng pagkikita namin ni James. Tuwing weekends ay hatid sundo niya ako sa apartment at sa trabaho. Kahatid niya sa akin sa apartment ay aalis muna ito ng ilang minuto.

Sa tingin ko ay baka may kameetup itong client tapos pupunta sa shop matapos ang ilang oras at doon na ito magtambay hanggang sa uwian at hatid na ako nito sa apartment

Kapag weekdays naman ay dadating lang ito kapag patapos na ang shift ko at ihahatid ako nito sa apartment. Parang nakahanap naman ako ngayon ng isang instant boyfriend, yung tipong naiinggit yung mga kasama ko sa akin dahil gwapo na daw, mabait at maginoo pa itong si James.

Sabi ko naman sa kanila na hindi pa naman nanliligaw si james akin at sabi ko na wag silang maingay at baka kung ano ang isipin ni james kapag narinig kami. Dalawang buwan na din simula ng una akong ihatid ni James at consistent naman ang lalaki sa kanyang ginagawa.

Naging madalas at halos oras oras na kami magkachat ni James sa messenger. Nasasabi ko na din sa kanya ang lahat ng problema ko at mga masasayang nangyari sa akin buhay.

” Nakakainis ung prof namin, may pinapabili na naman na book. Eh wala pa ako sahod” ang chat ko daw kay James isang biyernes ng tanghali habang naglalakad ako papunta sa shop na kung saan ako nagtatrabaho.

” Well, alam mo nanan. May mga prof talaga na ganyan. Di naman nagtuturo pero panay pabili ng gamit” ang sagot ni James sa akin. Natawa naman ako dahil kuhang kuha niya ang ugali ng nasabing prof na iyon.

Tila ba naging prof na niya ito pero impossible dahil engineering ang course nito sa Uste siya nagtapos.

” Nakakainis nga eh, ang mahal pa naman nung book” ang sagot ko dito habang nakapasok na ako sa shop. Nasa may staff room na ako at pinapasok ang gamit ko sa akin locker. Napasandal naman ako dito at hinintay ang reply niya.

” Ano bang book yan?” ang reply nito sa akin. Di ko alam pero bakit kaagad ko binigay ang title at pati na rin ang author ng libro. Hinintay ko pa ang susunod na reply ng lalaki pero wala ng dumating kaya naman nagsimula na akong magtrabaho.

Hindi ko tuloy alam kung saan ko kukunin ang pambili ng libro na iyon dahil sa katapusan pa ang sahod at abente singko pa lang ngayon. At kailangan na ang libro by monday. Nahihiya naman akong mangutang sa mga kasamahan ko o bumale sa boss namin.

“Bahala na” ang sabi ko sa akin sarili at nagfocus na lang ako sa akin trabaho hanggang sa matapos ang shift ko. Nakaupo na ako ngayon sa sahig at nakasandal sa locker room namin. Gulong gulo ang isip ko. Ng biglang bumukas ang pinto pumasok ang kasamahan ko( ung nagbigay ng sticky notes galing kay James).

” Si Boy sticky notes, inaantay ka na sa labas” ang sabi nito sa akin. Napangiti naman ako kahit napapano dahil nandyan na si James. Ang lalaking naging sandalan ko sa mga panahon na tulad nito.

Agad naman ako nag-ayos ng aking sarili at tsaka ako lumabas. Nakita ko si James na nakaupo sa paborito nitong space sa cafe( ung pwesto niya noong una kami nagkita). Nakatalikod ito at umiinom ng Frappe.Kaagad ko naman ito nilapitan

” Kanina ka pa?” ang tanong ko dito. Napatingin naman siya sa akin at binaba niya ang iniinom at tsaka ito tumayo para alukin ako na umupo sa tapat niya.

” Seat down” ang sabi nito sa akin at agad naman ako umupo sa tapat nito. Napasandal ako sa upuan dahil sa pagod at stress ng trabaho tsaka ng requirements ko sa school.

” How’s your day?” ang tanong ni James sa akin habang nakatitig ito sa akin na parang may kung ano akong dumi sa mukha.Na concious naman ako sa mga titig nito. Kaya umayos ako ng upo.

” Ayos lang, ito iniisip ko pa din kung saan ako kukuha ng pambili doon sa book” ang sabi ko dito habang ginantihan ko ito ng tingin. Bigla naman ngumiti itong si James. Ngiti na kala mo ay nakakaloko. Tsaka ito parang may inaabot sa gilid niya. Tinaas nito ang isang brown na paper bag mula dito.

” here, open it” ang sabi ni James sa akin at bigla na lang nito inabot ang paper bag. Nagtataka naman ako dito pero kinuha ko pa din ito. Medyo may kabigatan ung laman kaya naman hawak pa din ni James ang ilalim ng bag hanggang sa binaba ko ito sa lamesa.

” Wow, thank you” ang masaya kong usal dito ng mabuksan ko ang paper bag. Nakita ko sa loob nito ang libro na pinabibili sa akin ng prof ko. Para akong nabunutan ng tinik dahil sa isang problema na naman ang nasolve.

“Di ko kaya makita ka na malungkot at stress” ang sabi ni James at tila inaabot nito ang aking kamay. Inabot ko naman ito at masayang hinaplos ang kamay nito. Kamay na alam kong naghirap para mabigay sa akin ang bagay na nasa harap ko ngayon.

” Thank you talaga, I beyond grateful james” ang sabi ko dito at inaya na niya akong umuwi. Kaya naman Tumayo na kami at naglakad. Di ko namalayan na magkahawak kamay na pala kami hanggang sa dumating kami sa motor.

Simula noon araw na binili sa akin ni James ang librong ito ay madalas na niya akong sinasamahan sa bookstores or school supplies para bumili ng aking gamit.

Kahit na tumatanggi ako ay mapilit si James na siya na ang magbabayad. Wala naman ako magawa dahil bubunot pa lang ako ay naka abot na agad siya ng credit card niya at valid id.

Nahiya naman akong pigilan ito kaya hinayaan ko na lang ito. Tutal gipit din naman talaga ako sa pera ngayon. Atleast matitipid ko pa ang padala ni ate at ang sweldo ko sa cafe

Habang tumatagal ay mas unti unti ko na itong nakikilala. Walang ni isang bakas ng doubt sa akin na ginagawa lamang ito ng lalaki para magpa impress sa akin. Dahil kahit sa ibang tao ay matulungin talaga ito. Tulad noong nagpagas kami at nagpaalam akong umihi. Pabalik na sana ako pero nakita ko ito na lumabas mula sa convinience store at may dalang brown bag na puno ng pagkain.

Kala ko ay para sa kanya ito at ilalagay niya sa givibox niya pero nagulat ako ng lapitan niya ang isang pamilya na nakahiga sa gilid ng gasolinahan malapit sa highway at binaba niya ito doon. Napangiti naman ako dahil sa likas na kabaitan ni James.

Hanggang unti unti ng naglevel up ang mga binibigay sa akin ni James. Kung dati ay dadating ito sa shop at uupo lang sa gilid habang hihintayin ako matapos sa duty. Pero ngayon ay may pa bulaklak na ito at chocolates pa.

Ayaw ko naman na mag-assume na nanliligaw na ito sa akin pero parang ganun na rin ito dahil sa mga actions niya. Well , I Guess sino ba naman ang babae na aayaw pa sa lalaki na ganito ang level ng effort.

Pati nga sa grocery ay siya na rin ang nagbabayad kahit na ako nagyaya at nagpapasama dito. Minsan nga ay siya na rin ang magdadala ng kusa apartment ko.

Pero tulad may mga marites talaga sa paligid na ang sarap tapalan ng masking tape sa bibig.

” thanks James” ang sabi ko dito ng matapos ko ito ihatid sa gate ng apartment ko. Niyakap ko muna ito ng mahigpit ng bigla dumating ang kasera ko. May dala itong malaking payong dahil sa tanghaling tapat.

Alam niyo ung porma ng mga tsismosa sa mga teleserye, ung naka daster tapos may rollers sa buhok. Ganun na ganun ang porma ng kasera ko ngayon. Tas ung tipong paglalapit siya sa iyo ay parang tinitigan ka niya mula ulo hanggang paa.

” Bye Kc” ang sabi ni James ng maghiwalay kami sa aming pagkayakap. Pinaandar na nito ang motor niya at ako naman ay pumasok ng gate ng apartment.

” Sugar kuya mo ba yun kc?” ang tanong sa akin ng kasera matapos na sumunod din ito sa akin sa loob ng apartment compound. Napalingon naman ako dito at litong lito na tumingin sa kanya.

” paalala lang kc, ayaw ko ng gulo dito kung sakali man” ang sabi nito sa akin. Halo naman nagtaka ako sa mga sinabi ng babae sa akin.

” Alam mo na yun” ang sabi nito at tinapik ako nito sa balikat at pumasok siya sa unang unit para makipagmahjong sa umuupa doon. Litong lito naman ako at kaagad ko na sinabi ito kay James. Tinawanan lang ng binata ang sinabi ko.

Hanggang sa kinabukasan ay lunes. Biglang sumama ang timpla ng panahon. Nakatayo na ako sa pintuan ng shop habang pinagmamasdan ko ang malakas na patak ng ulan na bumabagsak mula nagngangalit na kalangitan. Habang hinihintay ang lalaki na nangako na susunduin ako.