++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Ang nakaraan
Simula noon araw na binili sa akin ni James ang librong ito ay madalas na niya akong sinasamahan sa bookstores or school supplies para bumili ng aking gamit.
Kahit na tumatanggi ako ay mapilit si James na siya na ang magbabayad. Wala naman ako magawa dahil bubunot pa lang ako ay naka abot na agad siya ng credit card niya at valid id.
Nahiya naman akong pigilan ito kaya hinayaan ko na lang ito. Tutal gipit din naman talaga ako sa pera ngayon. Atleast matitipid ko pa ang padala ni ate at ang sweldo ko sa cafe
Habang tumatagal ay mas unti unti ko na itong nakikilala. Walang ni isang bakas ng doubt sa akin na ginagawa lamang ito ng lalaki para magpa impress sa akin. Dahil kahit sa ibang tao ay matulungin talaga ito. Tulad noong nagpagas kami at nagpaalam akong umihi. Pabalik na sana ako pero nakita ko ito na lumabas mula sa convinience store at may dalang brown bag na puno ng pagkain.
Kala ko ay para sa kanya ito at ilalagay niya sa givibox niya pero nagulat ako ng lapitan niya ang isang pamilya na nakahiga sa gilid ng gasolinahan malapit sa highway at binaba niya ito doon. Napangiti naman ako dahil sa likas na kabaitan ni James.
Hanggang unti unti ng naglevel up ang mga binibigay sa akin ni James. Kung dati ay dadating ito sa shop at uupo lang sa gilid habang hihintayin ako matapos sa duty. Pero ngayon ay may pa bulaklak na ito at chocolates pa.
Ayaw ko naman na mag-assume na nanliligaw na ito sa akin pero parang ganun na rin ito dahil sa mga actions niya. Well , I Guess sino ba naman ang babae na aayaw pa sa lalaki na ganito ang level ng effort.
Pati nga sa grocery ay siya na rin ang nagbabayad kahit na ako nagyaya at nagpapasama dito. Minsan nga ay siya na rin ang magdadala ng kusa apartment ko.
Pero tulad may mga marites talaga sa paligid na ang sarap tapalan ng masking tape sa bibig.
” thanks James” ang sabi ko dito ng matapos ko ito ihatid sa gate ng apartment ko. Niyakap ko muna ito ng mahigpit ng bigla dumating ang kasera ko. May dala itong malaking payong dahil sa tanghaling tapat.
Alam niyo ung porma ng mga tsismosa sa mga teleserye, ung naka daster tapos may rollers sa buhok. Ganun na ganun ang porma ng kasera ko ngayon. Tas ung tipong paglalapit siya sa iyo ay parang tinitigan ka niya mula ulo hanggang paa.
” Bye Kc” ang sabi ni James ng maghiwalay kami sa aming pagkayakap. Pinaandar na nito ang motor niya at ako naman ay pumasok ng gate ng apartment.
” Sugar kuya mo ba yun kc?” ang tanong sa akin ng kasera matapos na sumunod din ito sa akin sa loob ng apartment compound. Napalingon naman ako dito at litong lito na tumingin sa kanya.
” paalala lang kc, ayaw ko ng gulo dito kung sakali man” ang sabi nito sa akin. Halo naman nagtaka ako sa mga sinabi ng babae sa akin.
” Alam mo na yun” ang sabi nito at tinapik ako nito sa balikat at pumasok siya sa unang unit para makipagmahjong sa umuupa doon. Litong lito naman ako at kaagad ko na sinabi ito kay James. Tinawanan lang ng binata ang sinabi ko.
Hanggang sa kinabukasan ay lunes. Biglang sumama ang timpla ng panahon. Nakatayo na ako sa pintuan ng shop habang pinagmamasdan ko ang malakas na patak ng ulan na bumabagsak mula nagngangalit na kalangitan. Habang hinihintay ang lalaki na nangako na susunduin ako.
+++++++++++++++++++++++++++++++
pero walang James o kanyang motor ang dumating. Nakuha ko na mag-ot para lamang bigyan siya ng chance at baka nabasa ito ng ulan. Tumila na rin ang napakalakas na ulan pero wala pa din ni Anino ng lalaki na nangako sa akin.
Nagtext ako dito pero walang reply, sinubukan kong tawagan pero out of coverage area ito. Nagsend din ako ng message sa FB niya pero 8 hrs ago pa ito last online. Napilitan na lang ako mag commute para makauwi. Sa sobrang badtrip ko sa kanya ay nagtaxi na lang ako at baka makasapak pa ako ng kasabay ko sa jeep o fx.
Inis na inis ako dahil mukhang katulad din pala si James ng mga lalaki na napapanood sa mga teleserye. Mga tipong sweet sa umpisa pero pa fall lang pala ito. Halos magdabog ako na nagbibihis. Panay sulyap ko naman sa aking telepono na nasa kama pero walang text o tawag na nanggaling kay James.
Natulog ako na badtrip at inis na inis dahil sa wala pa din paramdam ang lalaki na ito. Asta na jowa ang datingan ko ngayon pero wala akong pakialam. Jowa na hindi sinipot sa date nila o di kaya jowa na kinalimutan ng kapareha na anniversary pala nila. Katulad din pala siya ng mama flor ko na paasa.
Lumipas ang magdamag, dalawang araw, tatlong araw, apat na araw, limang araw , isang linggo. Nakatingin lang ako sa lagi sa pintuan ng unit ko na tila umaasa na biglang susulpot ang lalaki pero naiinis lang ako lalo
Wala din na dumating para sunduin ako mula sa trabaho. sa sobrang inis ko ay iniwan ko na lang din ang jacket na lagi niyang pinapadala sa akin. Ayaw ko magmukhang tanga na may dala dalang jacket pero wala naman ung taong nagpapadala sa iyo noon at nangako na magsusundo sa iyo.
Kapansin pansin naman sa aking mga kasamahan ko ang pagiging buset ko daw sa trabaho. Di ko na lamang sila sinagot habang patuloy ako sa aking pagtatratrabaho. Gets naman nila kung bakit ako inis na inis kaya di na lang nila ako tinatanong.
Hanggang sa isang sabado. Almost one month na hindi nagpaparamdam si James at unti unti ko na rin itong nakakalimutan pero parang mapaglaro talaga ang tadhana.
Kakatapos lang namin magsara ng shop at palabas na kami ng isang metallic silver na honda city ang tumigil sa aming harapan.Napamura naman ang mga kasamahan namin na lalaki dahil sa siraulong driver na ito. Nagulat naman ang iba sa amin dahil sarado na ang shop at mukhang oorder pa ata ito pero mas higit akong nagulat ng bigla lumabas ang driver ng sasakyan.
Si James, nakasuot ng salamin at may dalang bouquet ng bulaklak( tulad ito nung binigay niya sa akin noong chapter 1) .Nagtitilian naman ang mga kasamahan kong babae habang ang mga lalaki naman na kanina ay nagsisigaw ng mura ay napalitan ng ” Nice one boss”. Ako naman ay tila napako sa akin pwesto dahil sa palapit na si James sa akin.
Tila ba lumakas ang tibok ng aking puso dahil sa kaba at inis na makita ko ulit ang lalaki na hindi nagparamdam sa akin ng isang buwan
” Sorry, I was busy the whole week” ang sabi nito sa akin at sabay abot ng bouquet of roses sa akin. Lalo naman lumakas ang tilian ng mga kasama ko. Hinahampas na tulog ng babae ung mga kalalakihan at nagsisigaw na sila na patawarin ko na daw si James.
Pero tila isa akong kasintahan ngayon na sinusuyo ng lalaki at hindi ito basta basta masuyo dahil inisnub ko ito.At lumakad ako palayo na tila nagdadabog tungo sa gilid ng kalsada kung saan nandoon din ang mga nag-aabang ng kanilang masasakyan.
” Kc, please let me explain” ang sabi ni James sa akin na tila kasintahan ko ito na nakagawa sa akin ng mali.Pero hindi ko pa rin ito pinapansin.Diretso lang ang tingin ko habang nag abang ako ng jeep o kaya FX na pwedeng sakyan.
Rinig ko sa akin likuran na tila nagsasalita itong si James pero bingi ako ng mga oras na iyon. Bingi sa inis at bingi sa ingay ng mga sasakyan at ang ingay ng kamaynilaan.
” Kc, I love you” ang napakalakas na sigaw nito at nakita ko ang mga tao sa paligid ay napalingon sa amin direksyon at hindi ko alam pero kusang lumingon ang aking katawan sa direksyon niya.
Doon ko nakita na nakaluhod si James na tila nagdadarasal sa simbahan habang ang bulaklak na dala niya ay tila ba isa akong diyosa na inaalayan niya
” Pakiulit mo nga?” ang mataray kong sabi dito. Ramdam ko ang mga mata ng aking mga kasamahan na tila hinihintay ang mga susunod na pangyayari sa amin james.At ang mga mata ng mga nakikiusisa lang sa paligid.
” I Said , I love you” ang sagot ni james sa akin utos pero tila ba hindi pa din ako sigurado sa mga narinig ko. Pero ang puso ko ay siguradong sigurado na. Kinuha ko ang bulaklak at inaamoy ko ito. Di ko pansin ang lalaki na nakaluhod pa din sa madumi at mabahong sahig ng kamaynilaan.
” Magsasabi ng I love you pagtapos kang hindi siputin ng isang buwan” ang sabi ko sa bulaklak ng sunflower na tila tao ito na handang sumagot sa akin mga tanong.
” I was busy” ang sabi naman ni James sa akin habang nakaluhod pa din ito. Ako naman ay tila bingi lang na kinakausap pa din ung bulaklak.
” Busy daw, Pero nagsabi ng I love you” ang sabi ko naman sa bulaklak na karga karga ko pa din na parang baby ko. Sasagot pa sana itong si James pero bago siya makasagot ay nagsalita na ako.
” Ano ba talaga ako para sa iyo” ang diretsahan kong tanong kay James. Di na ang bulaklak ang kausap ko ngayon pero ang tao na mismo. Mata sa mata. Titig sa titig, tila ba sinusuri ko itong si James. Nagulat man itong si James sa tanong ko pero mabilis naman din itong sumagot.
” mahal kita Kc, Ang tanging gusto ko ay mapasaya ka” ang sabi ni James sa akin. Ang mga mata niya ay hindi man lang kumurap. Hinawakan niya ang aking dalawang kamay.
” I was out for a month kasi natakot ako para sa sarili ko at para sa iyo Kc” ang sabi nito sa akin na tila ba nagpapaliwanag ito talaga sa kanyang kasintahan.
” natakot ka? Why ?” ang tanong ko kay James habang nakatitig pa din ako dito. Ang mga kamay naman niya ay mas lalong humigpit ang hawak sa akin.
” Ayaw ko na isipin ng ibang tao na I’m your sugar daddy or sugar kuya…… Whatever that means” ang sabi ni James sa akin. Kita ko sa kanyang mga mata na nagsasabi ito ng totoo. Ang kanyang mga mata ay namumugto na.
Mukhang dinibdib ni James ang mga naikwento ko sa kanya about doon sa kasera ko .Gustong gusto ko na sakalin ung marites kong kasera dahil siya pala ang dahilan bakit nawala ng matagal itong si James.
” The day I met you, alam ko na ikaw na ang babae na para sa akin despite of our age and our status….. Gusto kita mahalin” ang sabi ni james sa akin. Lalo naman ako napabilib ng lalaki na ito. Madalang sa isang lalaki na aminin na mahina siya pero James, admitted straight to my face. Hindi lang ako ang nakarinig kung hindi napakaraming tao. Ramdam ko ang sinseridad nito.
Dito ay tuluyan na akong nabihag ng lalaki na nasa harapan ko. Tinayo ko ito at di ko alam kung paano nangyari ay bigla na lang kami na magkayakap ng mahigpit. Ang mga tao sa paligid ay naghihiyawan na. Ang mga kasamahan ko ay nagtatalon na sa tuwa.
” Mahal na mahal kita Kristina Cassandra” ang bulong ni James sa akin habang nakayapos ito sa akin likuran at ako naman ay nakayapos din sa likuran nito.
” mah…