SUGO (Kabanata I)

Title: SUGO

Author: Celester

Genre: Fantasy, Horror, Adventure, Drama, Erotic

AUTHOR’S NOTE

Hindi ito isang tala ng may-akda bilang paalala ng isang may-akda kung ano ang inilimbag sa maliit na uri nang ilang pahinang nakalipas: Ang kwentong ito ay isang gawa ng kathang-isip. Ang mga nobela o ang kanilang mga mambabasa ay hindi nakikinabang sa mga pagtatangkang hulaan kung anumang katotohanan na nakatago sa loob ng isang kuwento. Ang ganitong mga pagsisikap ay umaatake sa mismong ideyang mga gawa-gawang kuwento ay maaaring mahalaga, na isang uri ng batayan na nakapalagay ng ating mga uri. Pinahahalagahan ko ang iyong pakikipagtulungan sa bagay na ito. Ang nobela ay hindi pwede sa mambabasang may edad 18 anyos pababa dahil naglalaman ito ng sekswal, karahasan at lenggwahe na hindi angkop sa mga bata.

KABANATA I: A HERO BORN

Sa malayong bayan mula sa Malaybalay sa probinsya ng Bukidnon nakatira ang Grade 12 student na si Leandro Dela Cruz o mas kilala bilang palayaw na Lando isang dise-otso anyos na binata, sakto ang itsura, matangos ang ilong, maiksi ang buhok katulad nang artista na si Dingdong Dantes, medyo matipuno ang katawan at kayumanggi ang balat. Malapit na ga-graduate ng senior high si Lando ngunit may hindi magandang pangyayari na kinakaharap niya ngayon kaya nag dalawang isip siya kung ga-graduate ba siya o hindi.

“Hay wala naman talaga ako sa kasalanan eh!” Sa isip ni Lando habang naghintay na masakyang tricycle para makauwi sa kanilang tirahan.

Inaalala niya ang pangyayari kanina at para sa kanya hindi katanggap-tanggap ang hatol ng kanyang guidance counselor.

Some hours ago…

Sa masukal na kagubatan isang daang metro layo mula sa kanilang paaralan, may mga grupo ng estudyante na binubully ng isang kapwang kaklase nila.

“Sige na saan na homework mo?” Tanong ng isang leader na grupo at dise-nwebeng anyos na si Alex Montemayor.

Isang Grade 12 student , matangkad ito, maputi, gwapo na parang hawig ni Kit Thompson sa PBB, mahaba ang buhok abot hanggang leeg at pinakamayamang estudyanteng mag-aaral sa kanilang paaralan dahil sa angkan nila na may hawak ang pinakamalawak na lupain sa Probinsya ng Bukidnon at nirerentahan ito ng mga mayayamang negosyante na galing pa sa iba’t-ibang lugar dito sa Pilipinas. Heartthrob daw ito sa batch nila at tinitilian ng mga babae sa kanilang eskwelahan. Habang hinawakan niya yung binubully na si Diego Magsalang, dise-syete anyos na binata, matalino, laging nagsusuot ng salamin, payat, flat top ang buhok at higit sa lahat ay pinakapandak sa classroom nila.

“Bitawan niyo ako! Alex kahit papaano napakatamad mong sumikap mag-aral. Lagi ka nalang gumagawa nang kalokohan sa eskwelahan.” Giit ni Diego na may halong galit habang hinawakan ang kanyang braso sa kasamahan ni Alex.

Nangungugat na ito sa galit at sa isipan niya ay gusto na sapakin si Alex pero sa liit niya ay wala siyang kalaban-laban at handa na itong tanggapin kung bugbugin man siya ng grupo.

“Aba nagsalita kapa ah!” Sa inis ni Alex inutusan niya yung tatlo pang kasama para lapitan nila si Diego.

Bali yung dalawang kasama nila ay hinawakan si Diego ang magkabilaang braso para di makatakas sa kanila kaya anim sila sa kanilang grupo kasama si Alex. Pinagtulungan nila si Diego sa pamamagitan ng sipa, tadyak at kamao na sinusuntok sa iba’t-ibang parte na katawan. Ilang segundo ang nakalipas matapos binugbug si Diego, nakadapa ito sa damuhan at halos nawalan ng malay dahil sa sakit ng dulot ng bugbug ang tinanggap niya.

“Kahit paano…ugh…wala talaga kayo silbi!” Banat ni Diego habang nakadapa at duguan ang mukha.

Dinuruan siya sa mukha at sinipa ni Alex sa tiyan niya dahil nakuha pa niya itong magsalita kahit nasa damuhan siya kaya…”Pwe! Kung ibinigay mo agad sa akin yung assignments mo di ka sana namin binugbug.” Sabi ni Alex sa kanya.

Samantala sa parehong oras…

“Nasaan na kaya si Diego? Kanina pa ako nag-antay dito sa classroom… Mamaya papasok na guro namin.” Sa pag-alala ni Lando dahil hanggang ngayon wala pa rin ang kaibigan niyang si Diego.

Wala siyang ka alam-alam na may nangyaring di maganda ang matalik niyang kaibigan. Dahil sa pag-alala niya, naisipan niyang tawagin gamit ang cellphone. Kinuha ang cellphone sa bulsa niya para tawagan si Diego pero nakalimutan niya na wala siyang load.

“Putek! wala pala akong load. Teka!” tiningnan yung wallet na nakalagay sa likod ng pantalon niya at kinuha niya ito.

Pagkatapos buksan ang wallet, hindi ito sapat ang pera niyang pang load dahil ang ibinigay sa kanyang lola ay sapat na baon para pang meryenda time at pamasahe niya.

“Nako, paano ko tawagin yung kaibigan ko?” Batid niya at naisipan niyang umutang ng pera sa classmates niya. Nilapitan niya ito dahil naka one-sit apart lang sila.

“Psst..uy..magandang umaga klasmeyt.” Nahiya pa nang kunti si Lando dahil first time pa niya mangutang ng pera.

“Magandang umaga rin classmate. Ano maipaglilingkod ko?” Tanong nang classmate niya.

“Ahh…kasi..hehehe..mangungutang sana ako ng pera sa iyo… pang load lang tatawagan ko sana yung kaibigan ko. Hehehe.” Nahihiya si Lando habang yung kamay niya napakamot sa ulo.

“Babayaran lang kita classmate. Promise.” Dagdag niya.

“Okay… Walang problema basta bayaran moko ah.. baka magalit ang daddy ko nito. Budget kasi ko ito good for one week.” Paliwanag ng classmate niya at binigyan ng sapat na pera pang load.

“Maraming salamat po classmate!” Natuwa si Lando.

“Babayaran ko talaga pangako.” Dagdag niya.

“Walang anuman classmate.” Sagot naman yung classmate niya.

Lumabas muna si Lando sa classroom at pumunta sa canteen para mag load. Pagkatapos niya mag load, ay agad niya itong tinawagan si Diego gamit ang cellphone niya at nag ring ito. Pagkaraan ng ilang segundo ayaw sumagot ang kaibigan niya kaya tinawagan niya ito ulit pero ayaw din sumagot kahit nag ring ito ng ilang beses pero ayaw talaga sumasagot ang kaibigan niya.

“Uy sumagot ka naman Diego hayss…” sabi ni Lando habang nag alala sa kaibigan niya. Binalik nalang niya yung cellphone sa bulsa niya sa likod ng pantalon kasi kunting minuto nalang magsisimula na ang kanilang klase.

Balik sa grupo nina Alex at Kay Diego sa parehong oras ni Lando…

Hinalughog nila ang bag ni Diego para makita ang hinanap nilang homework. Binaliktad nya ang bag at hinuhulog ilang gamit pang-eskwela sa damuhan pero hindi parin niya ito mahanap.

“Saan ko makita ang homework mo? Sumagot ka baka maulit naman ang sinapit mo.” Tanong ni Alex kay Diego.

“Na…nasa note…notebook ko ugh!..yung..kulay brown.” Sagot ni Diego habang kawawa yung sinapit niya sa grupo ni Alex, nakadapa parin ito sa damuhan at pilit itong tumayo pero sa sakit na dinaranas niya, nahirapan ang binti, tuhod at paa niya kaya nagpahinga muna siya ng kunti kung sa ganun hindi niya mararamdaman ang sakit na dulot sa pambugbug sa kanya ang grupo ni Alex.

Nakita ni Alex ang brown notebook ni Diego sa bag niya at kinuha ito.

“Ayun mga pare! Haha! Meron na tayo homework!. Salamat pala Diego. Kung binigay mo agad ito sa amin, hindi sana mangyari ito sayo. Matalino ka nga pero mahina. Hahaha!” Ipinahiya pa niyang si Diego sa kasamahan niya at tuwang-tuwa naman ito.

Wala silang awa sa ginawa nila ni Diego.

“Tara na mga pare. Ayus to! Boss Alex makakasagot na tayo sa assigment natin.” Sabi nung kasama nila.

“Uu nga teka boss pagkatapos ng klase natin pasyal tayo sa club sagot ko na lahat.” Sabi nung isa pang kasama niya.

“Talaga? Ayus yan parekoy. Sige pagkatapos ng klase sasama ako.” Sabi ni Alex sa kasama niya.

“Tara na! Baka ma-late pa tayo.” Umalis na sila at iniwan nalang si Diego sa damuhan.

Pagkatapos ng ilang minuto nakabangon na si Diego at unti-unting pinulot ang kagamitan niya sa school matapos halughogin at hinulog ang kagamitan niya sa damuhan.

Balik sa kasalukuyan matapos ang pangyayari kay Diego…

Lumabas na sa canteen si Lando matapos mag-load at pabalik sa kanyang classroom pero bigla niyang nakasalubong at nabundol sa daanan si Alex habang kasabay niya ang kasama at nainis ito sa kanya.

“Pinagtripan mo ba ako Lando? Umalis ka sa dinaanan ko kung ayaw mo masaktan.” Sabi ni Alex at tinulak niya si Lando sa tabi ng dinaraanan nila.

“Pare…chill ka lang hindi ko naman sinasadya eh. Di ko alam na nandiyan kana pala hehehe. Huwag maiinit ang ulo baka mawala ang kagwapuhan mo hehehe.” Sagot ni Lando habang pinainis niya ito at alam niya ang ugali ni Alex dahil kilala ito sa paaralan nila.

“Tsk! Anong sabi mo? At nakuha mo pang sumagot sa akin?! Aba mukhang hindi ka ata natatakot ah.” Buwelta naman ni Alex kay Lando habang unti-unting naka kamao para kay Lando.

“Aba di pa ako nakapag warm-up, akma kanang nakakamao sa akin. Hehehe. Sige! Kung yan ang gusto mo pagbibigyan kita!” Sagot ni Lando kay Alex at handa ito lumaban.

Naka fighting stance agad si Lando hudyat na lalaban siya at hindi natakot kay Alex.

“Itong sa iyo! Haaaaa!” Agad sumugod si Alex kay Lando habang yung kanang kamao niya ay handang isuntok para kay Lando.

Sa nakikita ni Lando ay papunta sa kanyang mukha ang kanang kamao ni Alex pero para sa kanya, parang bumagal ang oras at ito’y sana iiwasan niya. Handa sana niyang iwasan ang suntok ni Alex nang biglang nag ring ang alarm ang school hudyat na magsisimula ang klase at doon natigil ang kanilang away.

“Swerte mo Lando. Kung di nag ring, basag sana ang mukha mo.” Sabi ni Alex kay Lando habang yung kanang kamao nasa pagitan ng mukha ni Lando kunti nalang at matamaan niya ito.

“Yun ang akala mo balak ko sana ilagan ang suntok mo pero dahil sa alarm bigla ka tumigil.” Paliwanag ni Lando kay Alex.

“Tsk! Baka sa susunod sigurado akong mababasag ang mukha mo. Tandaan mo yan Lando. Tsk!” Inis na sabi ni Alex kay Lando at pagkatapos doon umalis na sila para pumasok sa kanilang classroom. Hinayaan nalang ito ni Lando at bumalik na rin siya sa classroom.

Nakapasok na sa parehong classroom si Lando at ang grupo ni Alex. Umupo sila sa kanilang mga upuan, nasa first front row nakaupo si Lando at sa second to the last naman yung si Alex. Pumasok na ang kanilang guro nang mathematics na si Ms. Angela Reyes, trenta anyos na magandang dalaga na teacher nila, mahaba ang buhok abot hanggang pwet, maputi at makinis ang kutis, mala-artista ang mukha na kahawig ni Ruffa Guttierez, maganda ang katawan, malaki ang hinaharap at ang puwet. Hindi mapigilan kumikinang ang mata ng mga kalalakihan maliban kay Lando at sa isipan nila ay gusto nila matikman nung teacher. Naglalaway sila na para bang mga leon na hindi nakakain nang ilang araw ngunit ang kagutuman na yun ay ang pagnanasa sa laman nang teacher nila. Napansin agad ito ni Ms. Angela pero binabalewala nalang niya ito pero may isang estudyante siyang napansin maliban sa mga kalalakihan na may pagnanasa sa kanya yun ay si Lando.

“Good morning, ma’am Angela!” Sabay bati ang mga estudyante niya.

“Good morning rin sa inyo! Mukhang energetic kayo ah.” Bati ni Ma’am Angela sa kanila at natutuwa ito dahil masigla itong bumati sa kanya.

“Paano hindi kami ma energetic eh andito ang pinakamagandang guro dito sa paaralan. Diba mga classmate?!” Pambobola ni Alex sa teacher niya.

“Uu nga!” sabay sabi ng mga kaklase kay Alex.

“Huh! Pasikat tong mokong.” Sa isipan ni Lando habang nagbukas ng aklat para bumasa.

“Sus… Ayan nanaman kayo sige nga may sasabihin ako sa inyo, how was your homework na binigay ko sa inyo kahapon?” Sabi nang teacher nila.

“Syempre po ma’am Angela nasagot po namin.” Sabi nung estudyante na nasa second row.

“Kahit nahihirapan kami sa assignment mo ma’am, pinaghirapan po namin kahit maling-mali na ang solution basta ma solve lang namin ang sagot. Hehehe.” Sabi naman nung katabi niya.

“Uu nga ma’am di namin hahayaan balewalain ang assignment mo basta ang importante makita ka lang namin. Hehehe (basta makita lang kita ma’am sarap mo jakulan hehe).” Sabi naman nung ka grupo ni Alex at sa isipan niya ay gusto matikman ang teacher nila.

“Ayiee kayo talaga binobola nyo naman ako. Sige ipasa nyo na sa table ko dito sa harap ang assignments ninyo.” Dali-dali naman papasa ng assignments ang kalalakihan sa table ni Ms. Angela lalong lalo na si Alex.

Pinauna muna niya mga kaklase niya pagkatapos nung siya na ay pumunta siya sa table ni ma’am para makita na malapitan yung cleavage nang guro nila. Sa isipan ni Alex, naglalaway siya sa cleavage ni Ma’am Angela. Hindi niya namalayan na napa titig na siya sa harapan ni Ma’am Angela.

“Alex… uy… Alex…” Sabi ni Ma’am Angela sa kanya.

“Ay! Ma’am sorry…hehehe… balik na po ako sa upuan.” Bumalik na sa upuan si Alex at napahiya ito ng kunti.

“Wala pa rin si Diego.” Sa isip ni Lando habang tinitingnan niya ang katabing upuan one set apart ang pagitan.

“Kulang ng dalawa homework napasa niyo ah. Sino sa inyo ang hindi nagpasa ng assignments?” Tanong ni Ma’am Angela sa kanila.

“Ma’am ako po at si Diego.” Sagot ni Lando sa teacher niya na may pag-alala sa kaibigan niya.

“Oh Lando bakit hindi kapa nagpasa sa akin ng assignment mo?” Sabi ni Ma’am Angela sa kanya.

“Ma’am kasi po hinihintay ko pa yung kaibjgan ko si Diego.” Paliwanag ni Lando sa teacher niya.

“Lando, I said last few days kung nagbigay ako sa inyo ng assignments dapat bukas ini expect ko sa inyo na tapos na kayo. Pagkatapos ipasa ninyo sa akin. Huwag naaghintay pa. Understood?” Sabi nang teacher nila at unti-unti ito nainis kay Lando.

“Ma’am kahit five minutes lang po please?” Pakiusap ni Lando kay Ma’am Angela

“Okay… sige… Lando pagbibigyan kita pero sa susunod ayoko na maulit ito ha?” Sabi ni Ma’am Angela sa kanya.

“Sige po ma’am.” Sagot ni Lando habang nagdarasal siya na sana makapasok si Diego sa loob ng limang minuto.

Nagsimula na ang kanikang klase at nagsulat ng mga topics sa blackboard si Ma’am Angela. Makalipas ng limang minuto hindi pa rin umabot si Diego kaya nagsalita na si Ma’am Angela pagkatapos magsulat ng topics na kailangan niya ituro dito sa classroom.

“Lando limang minuto na nakalipas hindi ka pa rin ba papasa sa akin ang assignment mo?” Sabi ng teacher at may halong irita sa pananalita niya.

“Ma’am saglit la…” Nagulat si Lando ng mag react agad ang teacher sa kanya ng

“Shut up! Mr. Lando kung di ka papasa akin ng assignments sa loob ng limang segundo ay papalabasin kita dito sa classroom.” Sabi ng teacher na may halong pagkainis sa kanya at nahintakutan ang mga estudyante sa classroom.

“Iba pala magalit si ma’am no.” Bulong ng kaklase sa third row.

“Shhh baka marinig ka, tahimik ka nalang diyan.” Sabi nung katabi niya.

“Isa…dalawa…” Nagsimula nang magbilang ang teacher niya para sa kanya. Si Lando naman ay sa isipan niya nagdarasal na sana umabot na si Diego.

“Tatlo…” patuloy ang pagbilang nang teacher niya.

“Diego saan ka na ba? Nag-alala na ako sa iyo.” Sa isipan ni Lando habang nag-alala kay Diego.

“Apat.” Patuloy parin ang teacher sa pagbibilang, isang segundo nalang ay makalabas na siya sa classroom.

Lingid sa kaalaman, natutuwa naman si Alex at pati na ang kanyang mga kasama dahil walang alam si Lando sa ginagawang di maganda ang kaibigan niya.

“Hehe! Kawawang Lando hindi niya alam na ginulpi namin ang kaibigan niya.Tsk! Kung binigay agad sa amin ang homework, hindi sana mangyari ito. Hahaha!”

Sa isipan ni Alex habang natutuwa sa kalagayan ni Lando na nasa harapan nakaupo.

“Lim—” Nang napatigil si Ma’am Angela sa pagbilang dahil umabot sa saktong oras si Diego.

“Magandang Umaga Binibining Angela at magandang umaga po sa inyo mga classmates. Pasensya na po at na late ako..hehehe.” Sagot ni Diego habang napakamot sa ulo niya bitbit ang pasa sa mukha at mantsa ng kanyang uniporme dulot nung mga sipa galing sa sapatos ng grupo ni Alex.

“Diego?! Ano nangyari sa iyo?! Ba’t nagka ganyan ka?” sabi ni Ma’am Angela habang nagulat siya sa sinapit ni Diego.

“Ah…Eh…Ma’am, a…ayos lang po ako at huwag ho kayo mag-alala sa akin.” Paliwanag ni Diego sa kanyang guro habang naglalakad papunta sa upuan niya na katabi ni Lando.

Tumingin muna siya sa grupo ni Alex at nakangisi ito kanya. Nakaupo na siya sa kanyang upuan at nag ayos ng kunti kahit ramdam pa niya ang sakit na bitbit niya. “Diego, ihatid kita sa clinic ngayon din. Huwag ka nang magpaliwanag pa. Understood?” Sabi nang teacher niya.

“Pero ma’am gusto ko-.” hindi na tuloy nagsalita si Diego.

“Shut up! Do as I say.” Sagot na may halong irita ang teacher sa kanya.

“Lando, samahan mo si Diego.” Dagdag pa ang teacher niya.

“Po?..Ah..sige po ma’am Angela.” Tumayo agad si Lando para samahan ang kaibigan niya papunta sa clinic.

Sa klinika kung saan busy sa pag-aasikaso sa paperworks si Ma’am Michelle Santos, 28 anyos na dalaga, maamo ang mukha, maiksi ang buhok, matangos kunti ang ilong, may mapupulang labi, maputi at makinis ang kutis, sakto lang ang pangangatawan at katamtaman laki ang hinaharap niya. Bali petite ang pangangatawan itong si Ma’am Michelle, may boyfriend na ito pero nasa labas ng bansa nagtratrabaho. Nakita niya pumasok sa opisina nina Ma’am Angela, Lando at si Diego.

“Hello sis…busy ng bff ko ah…para bang nagkapamilya na hihi.” Nakangiting sabi ni Ma’am Angela kay Ma’am Michelle. Matagal na magkaibigang si Ms. Angela at Ms. Michelle simula noong elementarya pa sila. Nag biso-biso muna sila pagkatapos magbatian.

“Uy sis! Hala!…ano nangyari sa kanya?” gulat ang sabi ni Ma’am Michelle habang tiningnan niya ang sinapit ni Diego.

“Diego, magpaliwanag ka nga sa amin, ano nangyari sa iyo?” Sabi ni Ma’am Angela kay Diego.

“Ma’am, ah…kasi po pumunta muna ako sa kagubatan para maghanap ng kulisap kasi hilig kasi ako maghuli ng kulisap yung mga insekto, paro-paro basta kahit anong kulisap po ma’am pero may nakasalubong ako na mabangis na hayop, sa takot ko po ma’am, napatakbo po ako nang mabilis at di ko namalayan na papunta na pala ako sa bangin kaya nahulog ako kung sa ganun nagkaganito ako..hehehe…” Pagsisinunangaling ni Diego sa kanila pero sa isipan niya gusto na siyang umiyak at humingi ng tulong sa kanila ngunit nangingibabaw ang takot niya baka balikan siya ng grupo ni Alex dahil alam niya na maimpluwensya ang pamilya ni Alex kaya nagsinungaling nalang siya.

“Ano?! Di mo alam na delikado duon sa kagubatan? Maraming ahas at mababangis na hayop dun..hayss..” Sagot ng teacher niya.

“Sis..ikaw na nga bahala mag asikaso diyan..may klase pa kasi ako eh. Pasensya ka na at naisturbo kita.” Sabi ni Ma’am Angela kay Ma’am Michelle.

“Uy ano kaba relax ka nga baka mawala yung beauty mo hihi..oh sige ako na bahala dito sis.” Sambit Michelle kay Angela.

“Salamat sis mwuah! Oh boys pagbibigyan ko muna kayo sa assignments niyo. Ipagpaliban niyo muna yan ha. Magpakabait kayo. Sige una na ako.” Sagot ni ma’am Angela sina Diego at Lando.

“Maraming Salamat po ma’am!” Sagot ng dalawang binata. Bumalik na sa classroom yung teacher nila.

“Hmm..Ikaw Diego mag-ingat ka kasi alam mo naman delikado sa kagubatan at nakuha mo pang pumunta dun para lang maghanap ng ano ba yun kulisap?. Hayss…” Sagot ng nurse nila na walang kaalam-alam sa pangyayari ni Diego at ganun din si Lando.

“Upo ka muna sa tabi ng table ko at dyan ka lang kukuha muna ako ng first-aid kit ha.” Sagot ni Ma’am Michelle at pumunta sa kabilang silid para kumuha ng first-aid. “Alam ko nagsinungaling ka Diego.

Kitang-kita ko sayo ang kilos mo. Sabihin mo sa akin at alam ko kagagawan ito ang grupo ni Alex…tama ba ako?” Sagot ni Lando na habang nakasimangot kay Diego.

“Kasi…kasi…huhuhu…” Umiyak si Diego at sa isipan niya gusto niyang humingi ng saklolo pero tanging si Lando lang ang inaasahan niyang kaibigan at sa pamilya niya ay naging Black Sheep siya kahit sa kapatid niya ay hindi siya kayang ipaglaban kung anu man mangyari sa kanya.

“Sabi ko na nga ba eh. Tamang kutob ko kagagawan nanaman mga mokong yun. Huwag ka nang umiyak. Tahan na ako bahala sa iyo.” Sagot ni Lando habang niyakap niya ang kanyang kaibigan at pinakalma niya ito. Pagkatapos yumakap ni Lando kay Diego, patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Lumabas sa silid si Ma’am Michelle dala ang first-aid kit at napansin niya ito si Diego na humagulgul sa pag-iyak.

“Oh! Kanina ang tahimik mo at maayos ka pang nagpaliwanag sa amin tapos umiyak ka..hayyss tama na yan gagamutin na kita para gumaling na mga sugat at pasa mo. Kaw kasi eh.” Sabi ni Ma’am Michelle at ginamot niya ito si Diego.

“Ma’am pwede c.r muna ako saglit kasi kanina pa itong pantog ko eh baka sumabog nato hehehe.” Napakamot si Lando at lumulundag sa kakapigil ng pantog niya para iwas ihi.

“Sige nandun lang sa dulo yung c.r malapit sa kabilang silid na pinasukan ko bago lang.” Sagot nang nurse niya.

“Ah ma’am duon nalang ho ako c.r sa labas..hehehe nahihiya kasi ako sa iyo eh.” Sabi ni Lando habang napakamot sa ulo.

“Hayss sige na nga ang lapit ng c.r dito, duon kapa sa labas. Balik ka agad dito ha.” Sagot ni Ma’am Michelle habang patuloy sa paggagamot ni Diego.

“Sige po ma’am. Salamat po.” Sabi ni Lando.

Ngunit palusot pala niya ito para makalabas at makabalik sa classroom para ipaghiganti ang kanyang kaibigan.

Agad lumabas sa clinic si Lando para bumalik sa classroom. Dali-dali siyang tumakbo at dun nagpatuloy sa pagturo ang teacher niya si Ma’am Angela.

“Oh. Lando nakabalik ka agad. Saan si Diego?” Tanong ng guro sa kanya pero hindi ito pinansin ni Lando.

Tumingin siya sa grupo ni Alex at sakto naman nakatingjn ito sa kanya at nakuha pang ngumisi ito. Agad sumugod si Lando kay Alex at nagulat ang mga kaklase niya at pati na rin si Ma’am Angela.

“Putang ina ka! Ano ginagawa mo sa kaibigan ko?! Putang ina mo!” galit at pinagmumura niya si Alex.

Sinuntok niya ito sa mukha gamit ang kanang kamao niya. Natumba si Alex at duguan ang labi niya. Sinipa ni Lando matapos natumba sa sahig si Alex pagkatapos bigla siyang lumuhod at sumuntok ito. Ilang beses niya sinuntok ito pero naka block na si Alex gamit ang dalawang kamay sa suntok ni Lando.

“Gago ka Lando! Anong…pinagsasabi..mo? Nasiraan kaba ng bait?” Sagot ni Alex sa kanya habang nakahiga at naka block sa suntok ni Lando.

“Lando…Alex…Stop! God damn it!. Para kayong mga batang sa lansangan na kasali sa riot.” Galit ng teacher nila. Inawat na silang dalawa sa kaklase nila. Pilit pa rin suntukin ni Lando si Alex pero hindi niya maigalaw ang kamao dahil inawat na siya sa kanyang mga kaklase.

“Lando!…Alex!…punta kayo sa guidance office..para kayang mga bata.”. Galit ni Ma’am Angela sa kanila kaya tumigil na sila, yumuko ang ulo at sabay sabing.

“Sorry po Ma’am.” Sabi nila.

“Sige ihatid ko na kayo sa guidance office. Sinira niyo ang klase ko.” Dun hinawakan ni Ma’am Angela ang braso nila tapos hinatid sa guidance office.

Sa guidance office kung saan andun yung guidance counselor nila si Greg Villareal, 56 anyos, kalbo ito, may bigote sa mukha, mataba ang pangangatawan, naka uniporme ito, sa taba niya kita ang pusod niya. Yung polo kasi niya ay eh halos hindi na makayanan dahil sa taba niya. May kausap itong estudyante sa tabi ng table niya na si Layla Garcia, 18 anyos na dalaga, maganda, mahaba ang buhok abot hanggang beywang, seksi ang pangangatawan na parang bote ng coca cola, malaki ang hinaharap na bakat sa kanyang unipormeng pang-itaas at naka skirt ito na above the knee. Nagmamakaawa si Layla sa kanyang guidance counselor na si Sir Greg dahil yung magulang niya ay baon sa utang. Magkapitbahay kasi itong si Layla at kanyang guidance counselor na si Greg.

“Please po sir Greg bigyan niyo po kami ng sapat na panahon para makabayad kami ng utang. Kunti kasi sahod ng papa ko at yung mama ko naman nagbebenta sa palengke kunti lang kita niya kaya di sapat para makabayad kami sa iyo. Huhuhu. Please lang po gagawin ko lahat para mapagbigyan mo ko. Huhuhu.” Pagmamakaawa ni Layla habang umiiyak sa harap ni Greg.

Pinagmasdan ni Greg ang buong katawan ni Layla kahit magkapitbahay sila, matagal na niya itong pinagnanasahan. Maganda kasi si Layla, manang mana sa kanyang Mama. Hiwalay na si Greg sa kanyang asawa at ang anak naman niya ay naka rehab dahil nalolong sa droga. Nahuli kasi ito ng mga pulis noong panahon ng tokhang kaya mag-isa na ito sa buhay at mag-isa rin ito nakatira sa kanilang bahay. Tigang na tigang na si Greg, matagal na siyang hindi nakakantot, sa isip niya ay ito na ang kanyang pagkakataon kaya inutusan niya si Layla na tumayo sa harapan niya.

“Hmm…sige pagbibigyan kita. Tayo ka muna sa harap ko.” utos ni Greg na may pagka gaspang ang boses kay Layla.

“Sige po sir.” Sabi ni Layla na agad ito tumayo sa harapan ni Greg.

“Ikot ka iha.” Utos ni Greg kay Layla.

“Po?…ah..sige po sir.” Nauutal si Layla at kinakabahan ito sa utos ni Greg. Pinagsmasdan lalo ni Greg ang katawan ni Layla, naglalaway ito sa isip niya…

“Hmmm sakto pangangatawan mo iha, mukhang sariwa pa hehehe.” Sa isip niya.

“Okay na po ba sir?” Tanong ni Layla kay Sir Greg.

“Sige pero hindi ibig sabihin na okay na. Maya punta ka dito mga alas singko sa hapon yung ikaw lang ha.” Sabi ni Greg na may binabalak na hindi maganda kay Layla.

“Sige po sir.” Sabi ni Layla habang nagpapahid ng luha gamit ang kanyang panyo pero di niya alam ay may mangyayari sa kanya kay sir Greg.

“Sige balik kana sa klase mo. May gagawin pa ako dito.” Sagot ni Greg.

“Okay po sir. Thank you po.” Sabi ni Layla at agad ito lumakad papunta sa pintuan, binuksan niya ang pinto at nakasalubong niya nina Ma’am Angela, Alex at si Lando. Huminto muna siya at tumungin kay Lando.

Tumingin rin si Lando, huminto ito at nakangisi ito sa kanya. Pilit inalis ang lungkot ni Layla dahil kay Lando. Matagal na kasing itong crush niya kaya napalitan ang lungkot ang kasiyahan niya. Naputol ang eksena nila ng napatawag si Lando sa opisina ni sir Greg kaya tumingin muli si Layla sa dinaraan niya pabalik sa kanyang classroom.

“Hindi lang pala si Diego ang late sa klase pati narin si Layla. Bakit kaya andito siya sa opisina ni sir Greg?” Sa isip niya napatanong si Lando kay Layla.

“Mawalang galang po Sir Greg, andito naman to mga mokong nagkagulo sa klase ko. Sinira nila ang oras ko sa pagtuturo. Ikaw na nga bahala dito. Haysss.” Inis na sabi ni Ma’am Angela kay Greg.

“Oh magandang umaga Binibining Maganda at Seksing guro Angela. Umiinit ata ang ulo mo ngayon. Huminahon ka baka mawala ang beauty mo hehehe.” Sabi ni Greg kay Angela.

“Ito kasi sir yung estudyante ko nag-away sa gitna pa ng klase ko. Baka nakalimutan mo may utang kapa sa akin hihihi.” Paliwanag ni Maam Angela at sabay kindat kay Sir Greg.

“Yun naman pala eh hehehe.” Sabi ni Greg kay Angela. Tumayo ito at lumapit papunta kay Angela. Binulungan niya ito at sabay sabing… “Maya punta ka sa bahay ko hehe.” Bulong niya.

“Ahhh talaga sir hihihi.. Sige makakaasa ka.” Natutuwa naman tong si Angela.

“Ano kaya plano tong dalawa to?” Sa isip ni Lando sa kanila.

“Umaandar naman tong Tatang na manyakis. Tsk!” ganun din si Alex sa isipan niya.

“Sige Sir Greg ikaw na bahala tong dalawang mokong.” Sabi ni Ma’am Angela sabay palihim kumindat kay Sir Greg.

“Sige.” Sabi ni Sir Greg.

Umalis na si Ma’am Angela para ituloy ang klase.

“At ano naman ang kalakohan ginawa niyo dito sa school at nagsuntukan pa kayo sa kalagitnaan ng klase ng teacher niyo?! Aba mga wala kayo respeto.” Inis na sabi ni Greg.

“Itong si Lando sir pinagbintangan niya ako na binugbug ko raw si Diego.” Pagsisinungaling ni Alex.

“Totoo naman ah! Wala naman ibang gumagawa dito kundi ikaw lang at mga kasamo mo dahil alam na alam ko ang galawan ninyo dito sa school.” Buwelta ni Lando kay Alex.

“Anong sabi mo? Huh! Nakuha mo pa gumawa ng kwento. Sir tingin mo ba may gagawin akong kalokohan eh kanina nga nakikinig lang ako sa klase tapos itong mokong nato bigla sumugod sa akin sa kalagitnaan pa ng klase ni Ma’am Angela. Ngayon sir sino sa tingjn mo ang gumawa ng kalokohan sa amin?” Paliwanag ni Alex kay Sir sapagkat ito lang ang tanging paraan niya para makalusot.

“Ganun ba? Saan si Diego ngayon?” Tanong ni Sir Greg sa kanila.

“Nasa clinic po ginagamot siya ngayon ni Ma’am Michelle.” Sagot ni Lando sa kanya.

“Kung maari po sir tawagin ko ngayon si Diego pagtakatapos gamutin ni Ma’am Michelle.” Dagdag pa niya.

“Bueno, Lando may pruweba ka ba na si Alex at kasama niya ang bumugbug kay Diego?” Tanong ni Greg sa kanya.

“Wala po sir pero alam ko po na wala na ibang gumawa kundi sila lang Alex at kasama niya.” Sabi ni Lando habang bigla tumayo at tinuro si Alex.

“Huwag moko turuan Lando baka malintikan kita.” Sagot ni Alex habang binabantaan pa niya si Lando.

“Tama na nga yan. Bueno kung wala kang ebidensya ipakita sa akin, bakit mo pagbintangan pa mong ka klase mo? Ayaw ko ng mga ganyan Lando yung gumagawa ng kwento. Wala naman katibayan. Walang patutunguhan to kung patuloy pa kayo mag-away.” Sabi ni Greg kay Lando.

“Pero sir.” Sabi naman ni Lando.

“Enough Lando!. Sa ginagawa mo dito sa school ay indisciplinary act. Gumawa kapa ng gulo at binastos mo pa ang teacher mo. Kung sa ganun, you will suspended for one week starting today. Is that clear?!” Inis na sabi ni Greg kay Lando.

“Hehehe buti nga sayo.” Sa isip ni Alex.

“Lando you may go now and pack up your things right now. Understood?” Utos ni Greg kay Lando.

Nagulat si Lando sa hatol na binigay sa kanya ng guidance counselor. Sa isip niya gusto niyang suntukin ang guidance counselor pero pinigilan nalang niya ito baka lumala pa ang sitwasyon. Kaya agad siya tumayo at umalis. Hindi na siya sumagot kay sir Greg dahil alam naman sa sarili niya kung sino ang tama at kung sino ang mali.

“Alex dito ka muna at tawagin mo dito yung daddy mo dito sa office ko right now.” Utos ni Greg kay Lando.

“Sige po sir hehehe.” Sagot naman ni Alex kay Sir Greg.

Alam kasi ni Alex na hindi lang manyak itong si Greg kundi corrupt. Kung may gulo sa paaralan pagkatapos lalapit sa kanya mga estudyanteng anak mayaman tsaka niya ito hihingi ng pera kapalit ng pag abswelto niya sa mga pasaway na estudyante. Nung sila nalang dalawa ni Sir Greg at Si Alex tsaka niya ito sinabihan ni Sir Greg na si Alex ng… “Alam mo na ang gagawin ang Alex. Ang pera wag kalimutan hehehe.” Nakangising sabi ni Greg.

“Syempre sir hehehe lakas ka sa amin basta kayo na bahala magplantsa kung may gusot na naman kami hehehe.” Tuwang sabi ni Alex.

“Yan… Yan ang gusto ko marunong tumupad sa usapan hahaha!” Sagot ni Greg habang natutuwa dahil bayaran naman siya yung Daddy ni Alex. Tinawagan ni Alex ang daddy.

“Daddy.” Sagot niya.

“Oh Alex napatawag ka…” Sabi nang daddy niya.

“Pa nasa guidance office ako ngayo. Napaaway kasi ako.” Sagit ni Alex sa daddy niya.

“Ganun ba anak?..Ilan beses ko nang sinabi sa iyo na huwag kang makipag away dyan.” Sagot nang daddy niya.

“Pero pa ang tigas kasi nang ulo nung Diego na yun kaya nagawa namin yun.” Paliwanag niya.

“Kahit na! Andyan ba si Greg?” Tanong nang Daddy niya.

“Opo dad. Andito po…” Sagot niya.

“Iabot mo nga ang cellphone mo sa kanya…may sasabihi…