SUGO (Kabanata III)

Title: SUGO

Author: Celester

Genre: Fantasy, Horror, Adventure, Drama, Erotic

KABANATA III: HATRED AND ANGER

“Boom! Boom! Crack! Crack!” Dagundong ng kulog at kidlat tapos ay bumuhos ang malakas na ulan.

“Mga labahan ni Nanay!” Dali-daling lumabas ang dalaga na si Layla mula sa loob ng kanilang bahay para kunin ang mga labahan na sinampay kahapon ng kanyang nanay.

Iniisa isa niya kinuha ang mga labahan pagkatapos ay nilagay niya sa malaking balde para maging kasya at ipasok sa loob ng kanilang bahay kubo. Ang tahanan kung saan nakatira si Layla Garcia ay isang ordinaryong Bahay Kubo. Ang sahig nito ay nasa itaas na halos kasing taas ng normal na tao. Kaya sa ibaba ng sahig ng bahay kubo nila ay may mga tangkal na pinamumugaran na kanilang alagang hayop tulad ang manok at itik. Ang sahig nila ay gawa sa kawayan, bubong ay gawa sa nipa at mga iba pang parte nitoy mga gawa sa kahoy. Kaya naman isa ito sa tradisyonal na bahay ng mga Pilipino sa karatig-probinsya. Sa bakuran naman nila ay may mga nakatanim na halamang gulay at sa likod ng bahay nila ay may abuhan o dirty kitchen. Kaya naman may sikat na kantang Bahay Kubo na hanggang ngayon ay hindi pa rin malilimutan ng mga Pilipino.

“Hay… Salamat ay naipasok ko na dito ang mga nilabhan ni nanay. Ang basa ko.” Sabi ni Layla matapos kinuha at pinasok sa loob ng bahay ang nilabhan nila.

Taglay niya ang angking kagandahan ni Layla kahit nabasa siya sa ulan. Pumasok siya sa kwarto para magbihis pagtapos niya magbihis ay naka Daster siya ngayon. Sa taglay niya ngayon ay mas lalong gumaganda si Layla habang naka daster. Dagdag pa ang malalaking suso niya na bakat na bakat sa harap niya. Mahabang buhok at maputing kinis na kutis niya. Samakatuwid ay taglay niya ang tipikal na kagandahan ng mga kababaihan sa probinsya. Maraming nanliligaw sa kanya sa eskwelahan pero dinidedma niya ito kasi isa lang ang napupusuan niya… Si Lando.

“Layla, naipasok mo na lahat?” Tanong ng tatay niya si Berting Garcia, pitumpu’t dalawang anyos na tatay niya.

Habang nakahiga ito sa mahabang upuan nila.

“Opo tay naipasok ko napo.” Sagot ni Layla sa tatay niya.

“Ough! Ough!” Umuubo ang tatay niya.

Nilapitan ito ni Layla ang tatay niyang maysakit. Kinuha niya ang upuan pagkatapos ay umupo siya mapait sa kanyang tatay.

“Tay.. ipagbilhin kita nang gamot. Pupuntahan ko si nanay sa palengke para humingi ako ng perang pambili nang gamot sa iyo.” Sabi ni Layla habang pinunasan niya gamit ang panyo na galing sa maligagam na tubig sa noo ang tatay niyang si Berting.

“Okay lang ako anak. Gagaling naman ako pero salamat sa pag-aalaga mo sa akin. Pasensya na may lagnat kasi ako anak.” Sagot ni Tatay Berting sa kanya.

“Tsaka malakas ulan anak baka magkasakit ka.” Pag-alala ng tatay niya.

“Okay lang po tay, gagamit ako nang payong para hindi ako mabasa.” Sabi niya.

“Sige anak.” Sabi nang tatay niya habang patuloy umuubo.

“Tsaka anak tulungan mo nalang ang nanay mo sa palengke. Ayokong masobraan siya sa pagod baka magaya siya sa akin.” Payo ng tatay niya sa kanya.

“Sige po itay.” Sagot ni Layla sa tatay niya.

“Huwag kang mag-alala anak. Kaya ko naman to at may extra pa naman na gamot dito.” Kumbinsi ng tatay niya sa kanya.

“Sige po tay puntahan ko napo si nanay.” Sabi niya. “Sige anak… Mag-iingat ka.” Paalam ng tatay niya.

Pinunasan niya ulit sa noo ng tatay niya pagkatapos ay lumakad siya papalabas ng bahay. Kinuha niya ang payong sa gilid ng pintuan nila tapos ay sinuot niya ang tsineles. Patuloy bumuhos ang malakas na ulan pero para sa kanya ay hindi pwede pabayaan ang kanyang tatay kaya binuksan niya ang payong pagkatapos ay lumabas na siya sa kanilang bahay. Lumakad siya nang ilang metro at napadaan niya ang kapitbahay nilang guidance counselor na si Greg Villareal. Nag-alala siya baka makita siya ni sir Greg pero buti nalang ay wala. Siguro para sa kanya ay natutulog pa si sir Greg. Lingid sa kaalaman niya ay nakatingin na pala si sir Greg sa kanya habang nakatayo si Greg sa loob ng kwarto niya malapit sa may bintanang tinted kaya hindi ito mapansin ni Layla.

“Layla, matitikman din kita… hehehe!” Sabi ni Greg habang naglalaway kay Layla.

Ilang minuto ang nakalipas ay nasa gilid na pangunahing kalsada si Layla at nag-antay ng masakyan tricycle.

“Paraa!” Sabi niya pero ang tricycle na pinapara niya ay hindi huminto sa kanya.

Dinadaanan lang siya pero hindi siya sumuko. Nagpatuloy siya sa pag-aantay pero ni isa hanggang dalawang tricycle ay hindi parin huminto sa kanya. Kaya nagpasya nalang siya lumakad kahit ilang metrong layo ang palengkeng pupuntahan niya. Lalong lumakas ang buhos nang ulan at dumadagundong pa ang kulog at kidlat. Hindi siya makatiis sa pag-lalakad. Tumakbo nalang siya kahit mabasa para lang mapuntahan ang kanyang nanay sa palengke. Hindi gaano niya makita ang daan dahil sa kapal ng patak ng ulan habang tumakbo siya.

“Hah! Hah!” Hingal niya habang tumatakbo.

“Bahala na mabasa ako basta mapuntahan ko lang nanay ko at makabili nang gamot para sa tatay ko.” Sabi sa isip niya.

Habang tumatakbo siya, lumingon siya sa kabilang side ng kalsada at napansin niya si Diego na tumatakbo salungat sa kanyang direksyon. Umiiyak ito at para bang may mabigat na problema galing sa kanila.

“Si Diego yun ha. Mukhang may mabigat siyang problema ngayon.” Sabi niya habang pinagmasdan pa rin niya si Diego na tumatakbo papalayo.

Habang tumatakbo si Layla at tumingin sa direksyon ni Diego, hindi niya namalayan na may taong pasalubong sa kanya kaya pagharap niya ay nabundol niya ito at siya ay natumba. Ang payong ginamit niya ay natangay ng malakas na hangin.

“Hi… Hindi!” Sabi niya habang nabasa na siya sa buhos ng ulan.

“Okay ka lang binibini?” Tanong ng nakabundol niya.

Lumingon siya sa harap at nakatayo sa kanya ang matanda na may hawak na payong pagkatapos ay may suot itong round hat na kulay itim, naka trench coat na kulay itim at may puting polo ito sa inner niya at naka neck tie na kulay itim.

“O… okay lang ako manong?” Sabi niya habang bumangon siya mula sa pagkatumba pagkatapos ay pinayongan siya ng kanyang nakabundol niya.

“Salamat po manong. Pasensya na at hindi ko sinasadya kasi hindi kita napansin sa dinadaan ko .”

Pagpaumanhin niya habang niyuko ang ulo dahil nahiya siya.

“Okay lang yun binibini at tsaka may problema ka dala-dala mo ngayon.” Sabi nang matanda sa kanya.

“Oo manong. May sakit kasi ang tatay ko ngayon. Kailangan ko puntahan ang nanay ko sa palengke para humingi nang pera pambili nang gamot sa kanya.” Paliwanag ni Layla sa kanyang kinakausap.

“Pareho pala tayo pupuntahan binibini. Hayaan mo sabay nalang tayo kasi may bilbilhan rin ako dun sa palengke.” Sabi nang matandang lalaki na kausap ni Layla.

“Sige po manong.” Sabi ni Layla sa kinausap niya.

Nagsimula na silang lumakad papunta sa palengke habang nasa gitna sila nang malakas na buhos nng ulan. Napansin ito ni Layla na ang kasabay niyang taong nabundol niya ay isang bulag kasi bukod sa payong na hawak ng matanda ay may hawak din itong patpat.

“Bulag pala kayo manong. Pasensya kana kanina ha.” Sabi ni Layla sa matandang bulag.

“Tutulungan kita gabayan manong.” Dagdag niya.

“Sige binibini maraming salamat at tsaka wala yun binibini nung nabundol mo ko ” Sabi nang matandang bulag sa kanya.

“Ano ba kalagayan ang tatay mo ngayon binibini?” Tanong nang matandang bulag sa kanya.

“May matinding lagnat ho siya manong.” Sagot ni Layla sa matandang bulag.

“Kaya pala nagmamadali ka. Sige hintay tayo nang masakyang tricycle para mabilis tayo makarating sa palengke.” Sabi nang matandang bulag sa kanya.

“Salamat po manong.” Pasalamat niya. Ilang saglit lang ay may tricycle na huminto sa kanila kaya sumakay sila.

“Ako na bahala sa pamasahe binibini.” Sabi nang matandang bulag sa kanya.

“Wag nalang po manong nakakahiya naman po. May baon naman akong pamasahe.” Sabi niya.

“Sige lang binibini… Alang alang sa tatay mo.” Sagot nang matandang bulag sa kanya.

Iniisip ni Layla ang sitwasyon ngayon. Ang pera lang dala niya ay kunti lang at hindi sapat na pangtulong para sa kanyang tatay kaya ipinag-ubaya nalang niya ang konsensya alang-alang sa sitwasyon para sa kanyang tatay.

“Sige po manong. Maraming salamat po.” Pasalamat niya.

Nakangisi naman ito sa kanya kahit hindi siya nakikita ng matandang bulag sa kanya. Makalipas nang ilang minuto ay nakarating na sila sa palengke. Huminto ang tricycle at naunang bumaba ang matandang bulag.

“Sige binibini mauna na ako sa iyo ha at sana gumaling ang tatay mo.” Sabi nang matandang bulag sa kanya.

“Maraming Salamat po manong… Sana magkita pa tayo sa susunod para bayaran kita.” Sagot naman ni Layla sa matandang bulag na nakababa galing sa tricycle, ngumiti ito sa kanya at tsaka ito umalis papasok sa palengke.

“Iha saan banda ka baba?” Tanong nang driver sa kanya.

“Sa unahan lang po kuya malapit sa mga gulayan.” Sagot niya.

“Sige iha.” Sagot naman ang driver ng tricycle.

Ilang segundo ay pinara niya ang driver nang tricycle para bumaba pero napansin niya na naiwan pala ang payong na kulay itim at panyo na kulay puti nang matandang bulag sa loob ng tricycle. Kinuha niya ito para kung magkita sila nang matandang bulag na kasabay niya ay isauli niya ito.

“Hay… nakalimutan pala ni manong ang payong at panyo niya.” Sabi niya habang hawak na niya ang payong at panyo.

Nagsimula na siyang lumakad habang ginamit niya payong nang matandang bulag papasok sa palengke. Nang nakapasok na siya, binaba niya ang payong. Habang naglalakad siya, tila ang mga taong nasa paligid niya ay nakatingin sa kanya lalo na mga kalalakihan marahil ay sa taglay nang kagandahan niya.

“Ang ganda niya.” Sabi nung lalaki na nasa tindahan habang nakatingin sa kanya.

“Para siyang anghel.” Sabi naman nung isa.

Naiilang si Layla sa paligid niya habang naglalakad. Nang makita ang nanay niya sa tindahan habang abala sa pagtitinda ng mga gulay.

“Aling Marites… Isang kilo lang po ng ampalaya at tsaka isang dosenang itlog.” Sabi nung bumibili sa tindahan ni Aling Marites.

Pinuntahan ito ni Layla habang hawak ang payong at panyo na naiwan ng matandang bulag kanina. Papasok na siya sa tindahan ng nanay niya si Aling Marites, ang kausap ni Lola Dalia kanina.

“Nay!” Sabi niya at nagmano ito.

“Oh anak bakit naparito ka? Diyos ko bakit ang basang-basa mo?” Sabi ni Aling Marites sa kanyang anak na si Layla.

“Kasi po nay natangay ng malakas na hangin ang payong ko kaya nabasa ako. Naparito ako nay dahil may lagnat po si Tatay Berting kaya hihingi ako ng pera pambili ng gamot si tatay nay.” Paliwanag ni Layla sa nanay niya.

“Ganun ba anak? ” Sabi nang nanay niya.

“Oo nay.” Sagot ni Layla sa nanay niya.

“Sige anak. Ito lang muna kasi kunti pa ang kita natin ngayon.” Sabi nang nanay niya at binigyan siya ng kaunting pera galing sa kinikita nila.

“Hayaan niyo po tulungan ko po kayo nay para kahit papaano ay hindi ka mapagod. Utos kasi ni Tatay eh na tulungan kita dito.” Sabi niya.

“Maraming Salamat Anak. Sige mamaya nalang muna natin bilhin ang gamot para kay tatay mo. Ipunin muna natin anak ang mga kita natin.” Sabi nang nanay niya.

“Sige nay.” Sagot ni Layla sa kanya. Unting-unti dumami ang bumili sa kanila dahil hindi lang ang tinda ang sadya nila kundi ang makita nilang anak ni Aling Marites, si Layla.

“Aling Marites… Ang ganda ng anak mo.” Sabi nung bumibili sa kanila.

“Maraming Salamat! Mana kasi sa akin eh.. Hihihi..” Nakangiting sagot ni Aling Marites sa customer nila.

Narinig naman ito ni Layla sa sinsabi nang kostumer nila kaya namumula siya habang abala sa pagtulong sa kanyang nanay.

Sa eksena ni Diego Magsalang kung saan ay bago siya nakita ni Layla Garcia sa daan…

“Tindin din di din!” Tunog nang balita sa radyo habang nakikinig sa balita ang nag-aagahang pamilya ni Diego.

“Mga kabarkads! Ang ulat panahon mula kay Kuya Mik Tienza.” Sabi nang news anchor.

“Magandang umaga mga kabarkadz, may namumuong thunderstorm mula sa rehiyon ng hilagang bahagi ng Mindanao lalo na sa may Probinsya ng Bukidnon. Patuloy rin pagbuhos ulan mula umaga hanggang gabi. Inaasahan ang matinding pagbaha dyan sa ilog ng Cagayan De Oro dahil sa patuloy na pagbuhos nang ulan mula sa bundok ng Bukidnon. Inaalam parin nang PAGASA kung ano ang sanhi ang namumuo nang Thunderstorm dyan sa Northern Mindanao. Ito lang po ang latest weather update. Balik sa sayo sir Ralp Fulto!” Balita nang weather news anchor sa radyo habang nakikinig ang stepmother ni Diego.

“Hay… akala ko may bagyo pero thunderstorm lang pala.” Reaksyon nang stepmother ni Diego na si Mrs. Berta Magsalang, singkwenta’y sais anyos na ginang, maiksi ang buhok nito naka classy hair style, may taglay rin kagandahan at makinis ang kutis kahit nasa sinkwentay anyos marahil lagi inalagaan niya ang kanyang sarili, mahahaling hikaw na suot niya at naka suot ito nang formal attire na animoy parang may okasyon siyang dadaluhin. Ang mga kasama naman sa agahan ni Mrs. Berta ay mga anak niyang si Robert, Lily at Essa.

Si Robert Magsalang ay panganay na anak ni Mrs Berta at maging stepson ng ama ni Diego. Bente sais anyos, kayumanggi ang balat, gwapo na hawig ni Mrs Berta at isa rin siyang manager sa planta nila. Ang mommy kasi nila na si Mrs Berta ang pansamantalang pumalit bilang CEO sa planta dahil sa kalagayan ng daddy nila kung sa ganun ay patuloy ang kanilang negosyo. Nagrerenta lang sila ng lupa at nagbabayad sila ng renta buwan-buwan sa pamilyang Montemayor.

Si Lily Magsalang naman ay pangalawang anak ni Mrs Berta, bente kwatrong anyos na dalaga, maganda naman si Lily dahil mana siya nang kanyang mommy niya. Nanalo ito nang beauty peagent noong nakaraan taon dito sa probinsya ng Bukidnon.

Si Essa Magsalang naman ay pangatlong anak ni Mrs Berta, bente anyos na dalaga, maganda rin katulad sa mommy nila pero mas maganda lang ang ate kaysa sa kanya. Naging aktibo ito sa mga social media at sikat na dancer sa kanila. Samakatuwid, ito’y mga stepsiblings ni Diego Magsalang. Napansin ni Mrs Berta na hindi kasama si Diego sa agahan nila kaya inuutusan niya ang yaya na tawagin si Diego para mag-agahan.

“Yaya, tawagin mo nga si Diego dito para makapag-agahan na. Pasaway talaga ang batang yun.” Inis na sabi ni Mrs. Berta matapos inuutos niya ang yaya.

“Masusunod Ma’am Berta.” Sagot naman ang yaya nila.

“Huwag na mommy baka walang gana yun kumain.” Sambit ni Lily sa mommy niya na may halong pagkataray.

“I’m with you ate. Besides wala naman silbi yun dito.” Sabi ni Essa na may halo rin pagkataray sa sinabi niya.

“Girls just relax… nag-aagahan pa tayo dito. Don’t worry ako na bahala sa mokong yun.” Sabi naman ni Robert sa kanila.

“Hahaha! Kayo talaga mga anak. Sige kain lang kayo dyan ha. Punta muna ako sa daddy niyo.” Sabi nang mommy nila.

“Yes mommy.” Sabay sagot nila.

Samantala, nasa kwarto si Diego sa daddy niyang si Herbert Magsalang habang hinawakan niya ang kamay nang daddy niyang natutulog nang ilang taon. May nakakabet pato ng mga medical equipment sa bandang dibdib ang daddy niya at naka dextrose ito. Naalala pa niya ang masasayang araw ng daddy at ang mommy niyang si Regina noong nabubuhay pa ang mommy niya. Namatay ang mommy ni Diego sa sakit na leukemia noong elementary pa lamang siya. Labis na nalungkot si Diego noong kapanahunan na iyon. Tanging ang daddy niya ang nag-aalaga sa kanya noon. Pero nagbago ang takbo nang kanyang buhay pagtungtong nang Grade 6 dahil ipinakilala ng daddy niya si Mrs Berta. Sabi ng daddy niya ay matagal na silang magkilala si Mrs Berta noong hindi pa siya ipinanganak. Ipinakilala ito sa daddy niya at akala noon mabait si Mrs Berta pero noong nagpakasal muli ang Daddy niya kay Mrs Berta ay duon nagbago ang lahat. Ang mabuting Mrs Berta na nakilala at tanggapin sana bilang stepmother niya ay may tinatago palang maruming ugali. Ipinakilala pa ni Mrs Berta sa daddy niya ang mga anak niyang sina Robert, Lily at Essa pagkatapos ay ipinakilala rin si Diego sa kanila. Siniraan pa si Diego sa mga anak ni Mrs Berta sa daddy niya. Hindi makapaniwala si Diego sa ginagawa sa kanya ng mga anak ni Mrs Berta. Naalala pa niya noong umiyak si Essa dahil ninakawan daw niya ang wallet ni Essa.

“Mommy… mommy huhuhu! Si Diego ninakaw niya ang wallet ko. Huhuhu.” Sumbong ni Essa sa mommy niya habang amg mommy niya ay nagkakape at umuupo sa bakud nila.

“Hah? Hindi… hindi po totoo yan mommy Berta!” Buwelta ni Diego.

“Diego! Ibalik mo sa kanya ang wallet ni Essa.” Sagot ni Mrs Berta sa kanya.

“Maniwala po kayo mommy Berta. Hindi po ako kumuha sa wallet niya.” Sagot naman ni Diego habang unti-unting nagagalit sa pangyayari niya.

“Mommy! Baka nasa bag niya ang wallet ko.” Sabi ni Essa sa mommy niya.

“Asan ang bag mo Diego?” Tanong ni Mrs Berta habang nakasimangot ito sa kanya.

“Na.. Nasa sala po.” Utal na sagot ni Diego.

“Kunin mo! Dali!” Biglang utos sa kanya si Mrs Berta. Nagulat si Diego sa utos ng mommy Berta sa kanya pagkatapos ay dali-dali itong kunin ang bag niya sa sala. Bumalik siya kay Mommy Berta habang patuloy umiiyak si Essa. Kinuha agad ang bag niya pagkatapos ay hinahalughug ito ni Mrs Berta. Binaliktad ni Mrs Berta ang bag niya, hinuhulog ang gamit niya sa bakuran at dun nakita ang wallet ni Essa. Laking gulat ni Diego dahil hindi siya makapaniwala kung paano napunta sa kanya ang wallet ni Essa sa bag niya.

“Ha? Hindi.. Hindi.. Hindi po totoo ito Mommy Berta… Huhuhu! Maniwala po kayo sa akin huhuhu!” Biglang bumuhos ang luha ni Diego dahil sa hindi inaasahang pangyayari sa kanya.

“How dare you to steal my daughter’s wallet?!” Galit ng sabi ni Mrs Berta sa kanya.

“Huhuhuhu! Maniwala po kayo mommy Berta hindi po ako gumawa yan huhuhu!” Hagulgul niya at iniinsist pa niya na hindi siya nagnakaw sa wallet ni Essa.

“Kitang kita sa dalawang mata ko Diego! Nasa iyong bag ang walllet ng anak ko! Ngayon, paano mo nasabi na hindi ikaw ang nagnakaw? Ha! Nakuha mo pa ang magsinungaling sa akin!” Giit at lumakas pa lalo ang boses ni Mrs Berta sa kanya.

Nakita ito nang Daddy niya si Herbert habang kakarating lang niya mula sa opisina. Tumakbo ito papunta kay Diego.

“Berta… What’s going on here?” Tanong ni Herbert kay Berta habang niyakap niya ang anak na si Diego.

“Son… are you okay?” Dagdag pa niya matapos mayakap niya si Diego at si Diego naman ay patuloy sa pag-iiyak sa harap ng daddy niya.

“Your fucking son stole my daughter’s wallet… Herbert!” Galit na sabj ni Mrs Berta kay Herbert.

“Don’t you dare to say that to my son Berta!” Depensa sa kanyang anak niya si Diego sa harap ni Berta.

“Sige! Ipagtanggol mo pang anak mo! Kahit kitang kita ko na sa dalawang mata ko na ninakaw niya ang wallet ni Essa.” Giit pa ni Mrs Berta kaya umalis siya kasama ang anak niya si Essa papasok sa bahay nila.

Napatanong naman si Herbert sa anak niyang si Diego. Yumuko siya sa harap ni Diego.

“Son, is that true? Ninakaw mo ang wallet ni Essa?” Tanong ng daddy sa kanya. “Hindi dad… huhuhu! Hindi po totoo na ako ang nagnakaw sa wallet niya… huhuhu!” Sagot ni Diego sa kanya habang patuloy sa paghagulgul niya.

Lingid sa kaalaman nila kagagawan pala ito nina Robert at Lily habang nasa loob sila nang bahay at pinagmasdan nila ang bangayan ni Herbert at mommy Berta sa bakuran.

“Tsk! Sana mamatay ang daddy niya.” Sabi ni Lily.

“Don’t worry Lily, darating din ang araw na yan.” Sambit naman ni Robert. Balik sa kasulukuyan kung saan si Diego ay nasa kwarto ng daddy niyang si Herbert.

“Daddy… Sana gumaling kana.” Dasal niya habang pinagmasdan niya ang natutulog na Daddy Herbert niya. Hinawakan pa niya ang noo ng daddy niya gamit ang kaliwang kamay pagkatapos ay hinalikan niya ito sa pisngi. Nang biglang bumukas ang pinto ay pumasok si Mrs Berta at laking gulat niya ay nasa kwarto si Diego.

“Why are here?!” Galit niya.

“Bakit? Wala na ba ako karapatan bisitahin ang daddy ko?” Sabj ni Diego kay Mrs Berta.

“Hinding-hindi ko kakalimutan ang paninira niyo sa akin at dalang-dala ko sa alaala na ikaw ang may kagagawan kung bakit nakatulog ng ilang taon ang daddy ko!” Dagdag at Sigaw sa galit ni Diego kay Mrs Berta.

“How dare you?!” Sabi ni Mrs Berta at nagalit na rin ito sa mga sinasabi ni Diego sa kanya.

Pumasok naman si Robert, Lily at Essa sa kwarto dahil narinig nila ang bangayan nilang mommy na si Mrs Berta at Diego.

“Diego… huwag kang magsalita ng ganyan sa mommy ko. Wala kabang respeto? Nasa loob pa tayo sa kwarto ng daddy natin?” Nagsalita si Robert sa kanya.

“Tama! Wala kang respeto sa daddy natin Diego. Maawa ka naman dahil nagpapagaling pa ang daddy natin.”
Sambit naman ni Lily. Habang si Essa naman ay vinivideohan si Diego.

“Look our little brother! Walang respeto sa daddy namin habang nagpapagaling.” Sabi naman ni Essa habang vinivideohan si Diego na nakalive pa sa kanyang social media.

“Wala akong pakialam sa inyo! Habang nandito ako at nabubuhay, hahanapin ko ang ebidensya na kayo ang may kagagawan sa ginawa ng daddy ko! Lalo kana Mommy Berta!” Buwelta niya sa kanila. Lalong umiinit ang ulo ni Mrs Berta kaya naman ay iniutos niya ang bodyguard para paalisin sa kwarto si Diego.

Pumasok ang mga bodyguard ni Mrs Berta sa kwarto nang asawa niya pagkatapos ay hinawakan ng mga bodyguard ang magkabilang braso ni Diego. Binuhat si Diego sa mga bodyguard papalabas sa kwarto ng kanyang daddy habang nakuha pa itong umawat at magsalita.

“Mga maruming budhi! Mga mukhang pera! Huwaaaaa!!!” Sigaw niya.

Nakalabas na si Diego mula sa loob mg kwarto ng daddy niya at dinala siya ng mga bodyguard papunta sa kanyang kwarto. Binuksan ng mga bodyguard ang pintuan pagkatapos ipinasok nila si Diego at hinagis nila ito sa sahig. Sinara amg bodyguard ang pintuan at kinandado nila ito para hindi makalabas si Diego sa kanyang kwarto.

“Anong gagawin niyo sa akin? Gagawin nyo rin ba ang ginawa sa tatay ko?!” Nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita habang pinagsisipa niya ang pinto pero sa liit niya ay hindi niya kayang masira ang pinto kaya nag isip siya ng paraan. Samantala sa kwarto ni Herbert, pinagmasdan ni Mrs Berta kasamang mga anak niyang si Robert, Lily at Essa sa asawa niyang si Herbert.

“Mommy labas muna ako ha may gagawin pa ako.” Sabi ni Robert. “Ako rin mommy balik muna ako sa kwarto ko.” Sabi rin ni Lily.

“Sige mommy ako rin mag vovlog muna ako.” Pati na rin si Essa.

“Sige mga anak. Ako na bahala dito.” Sagot ni Mrs Berta sa kanila. Lumabas na silang tatlo sa kwarto ni Daddy Herbert at si Mrs Berta nalang ang natitira habang nasa tabi na niya ang kanyang asawa na si Herbert.

“Herbert, kahit kailan hindi ko parin makakalimutan kung paano ako magmahal sa iyo ng buong puso. Kahit wala na si Regina dito sa mundo ay lagi mo pa rin siya inaalala sa puso mo. Sana’y unting-unti ka hihina hanggang sa mamatay ka Herbert .” Sa isip ni Berta habang dala-dala rin niya ang puot at galit para kay Herbert at Regina. Inaalala ni Berta kung paano nagsimula ang lahat.

Taong 1991…

Nagtrabaho bilang nurse noon na si Berta Montalban (23 years old) sa Metropolitan Medical Center sa Maynila. Abala siya sa mga pasyenteng na naging biktima nang sakuna dahil sa sumabog ang Mt. Pinatubo. Ang iba kasi sa mga pasyenteng inaasiko niya ay galing pa sa Pampanga, Zambales at iba pang lugar kung saan malapit sa pumutok na bulkan. Ang mga hospital duon ay apektado sa bulkan kaya ang ibang pasyente duon ay inilipat sa iba’t ibang hospital dito sa Maynila.

“Ang daming pasyente natin ma’am.” Sabi ng kasama niya.

“Oo nga tsaka yung iba ay hindi na makapasok dahil wala nang bakante ang ibang hospital.” Sabi pa nung isang kasama niya.

“Tama na ang daldalan niyo dyan. Tulungan niyo naman kami dito.” Sabi ni Berta sa kanyang kasama niya.

“Sus… hehehe ang sipag mo talaga Ma’am Berta. Sige na nga tulungan na kita dyan.” Sambit ng kasama niya.

“Buti at naisipan niyo yan. Oh siya ikaw muna bahala dito ha dahil may ibang pasyente pa ako eh check sa kabilang kwarto.” Sabi niya.

“Sige po Ma’am Berta.” Sagot naman ang kasama niya.

Umalis si Berta sa kanyang inaasikasong pasyente tapos pumunta muna siya sa Nurse Station para kunin ang mga gamot para sa bago nilang pasyente na inaasikaso.

“Berta, sundin mo lang mga instructions na sinulat ko sa note ha. Alagaan mo ang pasyente ko.” Sabi ng babaeng doctor nila.

“Masusunod po doc.” Sabi niya.

“Tsaka Berta.” Tawag naman sa kanya ng doctora. “Doc?” Takang sabi ni Berta.

“Mag-ingat ka sa bago nating pasyente. Mukhang manyakis eh.” Sabi ng doctora niya.

“Sige po doc.” Sagot niya. Lumabas na siya sa Nurse Station patungo sa kwarto habang bitbit ang mga gamot para sa kanilang bagong pasyente. Nang nakarating na siya sa private room ay kumatok muna si Berta sa pinto.

“Tok! Tok! Tok!” Tunog nang kinatok na pinto. Tapos binuksan niya ang pinto at pumasok siya kwarto ng pasyenteng aasikasuhin niya.

“Magandang Araw po sa inyo Sir. Kumusta naman po ang kalagayan ninyo?” Bumati at nagtanong si Berta sa kalagayan ng pasyente niya.

“Okay naman po ma’am. Ramdam ko parin ang sakit ng paa ko matapos ako ma aksidente kahapon.” Sabi ng pasyente niya.

“Ganun ba? Huwag ka lang masyadong malikot Sir para hindi sumakit ang paa mo.” Payo ni Berta sa pasyente niya.

“Eh check ko muna ang BP nyo sir ha at tsaka mga dextrose ninyo.” Dagdag pa niya.

“Sige po ma’am.” Sagot ng pasyente. Bini-BP ni Berta ang pasyente niya pero hindi niya alam ay pinagmasdan siya ng pasyenteng inaasikaso niya mula ulo hanggang paa. Naka suot ng puting nurse cap sa ulo niya, upper uniform, puting palda, puting stockings at puting sapatos si Berta.

“Montalban.” Nagsalita ang pasyente sa kanya.

Narinig ito ni Berta sa sinabi ng pasyenteng inaasikaso niya sa kanyang apelyido dahil may nametag kasi naka-pin sa tapat ng dibdib niya. Napansin ito ni Berta habang tutok sa kanya ang pasyente.

“Ah sir, tapos ko na po na check ang bp niyo. Normal naman siya. Pagkatapos bibigyan ko po kayo ng gamot. Pain Reliever para maibsan ang sakit ng paa niyo, vitamins c with calculium para naman sa iyong buto at immune system niyo po. After meal niyo inumin.” Instructions niya sa pasyente.

“Ano po yun ma’am? Paki-ulit po.” Sabi nang pasyente niya.

” Bibigyan ko po kayo ng gamot. Pain Reliever para maibsan ang sakit ng paa niyo, vitamins c with calculium para naman sa iyong buto at immune system niyo po. After meal niyo inumin.” Ulit niya at mukhang naiinis na sya sa kanyang inaasikasong pasyente.

“Ano ma’am?” Tanong ulit ng pasyente habang nakangisi ito sa kanya. Kaya nainis tuloy si Berta.

“Ginagago mo ba ako? Baka tusukin kita ng syringe ng dala ko ngayon.” Iritang sabi niya.

“Sorry po ma’am. Hehehe! Ang ganda mo pala magalit.” Sabi ng pasyente niya. Nakasimangot ang mukha ni Berta sa kanyang inaasikasong pasyente.

Tumaas pa ang kaliwang kilay niya sa sinabing maganda daw siya.

“Eh ano ngayon?” Sabi niya habang kinuha niya ang gamit pangsukat ng bp at tray para bumalik sa Nurse Station.

“Ano pangalan mo ma’am? Apelyido kasi ang nabasa ko sa nametag mo.” Tanong ng pasyente sa kanya.

Hindi ito sinagot ni Berta. Lumakad siya papunta sa pintuan tapos binuksan niya ang pinto.

“Herbert!… Herbert Magsalang!. Pangalan ko Ms. Montalban.” Huminto muna nang saglit si Berta habang nasa pintuan na siya.

Lumingon ito sa kanyang pasyente at ang pasyenteng inaasikaso niya ay nakangisi at kinakaway siya. Nakasimangot muli si Berta at tsaka ito umalis sa kwarto. Sinirado niya ang pinto nang malakas dahil sa inis niya.

“Gagong pasyente yun!” Sa isip niya habang naiinis at nakasimangot na lumakad pabalik sa Nurse Station. Nakarating na siya sa Nurse Station habang nakasimangot pa rin siya kaya naman napansin siya ng kapwa kasama niyang nurse.

“Uy Ma’am Berta… Bakit nakasimangot ka?” Sabi ng kasama niyang nurse.

“Paano ako hindi sumimangot eh yung inaasikaso kong bago pasyente ay napakapilyo.” Sabi niya.

“Ha? Saan kwarto Ma’am Berta?” Tanong ng kasama niya.

“Duon sa private room sa may room 105.” Sagot niya.

“Ahhh! Yung naaksidente kahapon sa EDSA. Ang gwapo kaya yun Ma’am Berta. Hihihi!” Sabi nung kasama nilang nurse na mataba.

“E di ikaw na mag-asikaso dun. Tsk!” Inis na sabi ni Berta sa kasama niya habang umupo siya at naka cross ang dalawang braso niya.

“Ikaw talaga ma’am Berta di ka mabiro. Hahaha!” Tawanan ng mga kasamang nurse niya.

Si Berta naman ay inisnab nalang niya ito at alam naman niya na kadalasan sa mga kasamang nurse niya ay mga pilyo at pilya kaya naman sanay na siya sa mga kasama niya. Isang taon na nagtratabaho bilang nurse si Berta simula nag graduate at pumasa ng board exam. Wala pa siyang plano mag-asawa dahil abala siya sa pagtulong sa kanyang magulang na nakatira sa Siquijor. Ang ilan sa kanyang sweldo ay ipinadala niya sa kanyang magulang. Lumipas ng ilang araw ay abala pa rin siya sa pag-aasikaso ng pasyenteng naging biktima ng trahedya sa pumutok ng bulkang pinatubo. Tinawag siya ng kanyang doctor sa Nurse Station.

“Sandali mga kasama kayo muna bahala dito ha tinawag kasi ako ni doctora.” Sabi ni Berta sa kanyang mga kasamang nurse.

“Sige po Ma’am Berta.” Sabi ng mga kasama niya.

Pumunta siya sa Nurse Station at duon nadatnan niya amg doctorang tumawag sa kanya.

“Berta, mawawala ako ng ilang araw. Ikaw muna bahala sa pasyente ko ha. Pagaling na kasi yun so eh.” Sabi ng doctora niya.

“Sinong pasyente doc?” Tanong ni Berta sa doctora niya.

“Si Mr. Herbert Magsalang.” Sabi nang doctora sa kanya at nagulat si Berta. “Bakit ako doc? Sa dami-daming nurse dito, sa akin mo ipaubaya sa manyakis ng pasyenteng yun.” Giit ni Berta sa doctora niya.

“Sabi kasi ng pasyente sa akin ay ikaw daw ang mag-aasikaso sa kanya. Tsaka nagulat nga ako sa sinabi ni Mr Herbert dahil hindi niya iinumin ang mga gamot kung hindi ikaw ang mag-aasikaso sa kanya.” Sabi ng doctora sa kanya.

“Eh doc problema niya yun at isa pa ang dami ko mga tasks ngayon lalo na sa pasyenteng mabiktima ng sakuna.” Sabi ni Berta at unting-unti ito naiinis.

“Kung may mangyari hindi maganda sa pasyente yun. Baka madungisan ang reputasyon ang hospital na pinagtratrabahoan natin Berta. Hindi lang ako apektado dito pati narin ikaw.” Sabi namg doctora sa kanya.

“Kaya sundin mo lang ang utos ko sa iyo dahil kung hindi mapipilitan kitang ma dismiss dito.” Banta ng doctora sa kanya. Kaya naman ay wala siyang magawa kundi sundin ang utos ng doctora niya.

“Baka maging prince charming mo yun Ma’am Berta hahaha!” Sabi ng kasama niyang Nurse.

“Kung ako iniuutos ni doctora, susundin ko yun. Makita ko lang ang gwapong pasyente na yun si Mr. Herbert. Hihihi.” Nakangiting at pagkapilyang sabi ng matabang nurse nila.

“Shut up! Makalabas nga dito.” Sambit ni Berta sa kanila habang pinagtawan parin siya sa kasamang makukulit na nurse niya.

Lumabas muna siya sa hospital at pumunta sa may park sa tapat ng hospital para palipasin ang init ng kanyang ulo. “Hay… Ano namang buhay to oh.” Sabi niya.

Sa tanang buhay ni Berta ay hindi pa siya nakakapag experience ng relasyon dahil inuuna niya ang pag-aaral para makatulong sa kanyang pamilya. Makalipas ng ilang minuto ay naisipan ni Berta na tawagin ang kanyang matalik na kaibigan na si Regina Velez (24 years old). Muli siyang pumasok hospital pagkatapos ay bumalik sa nurse station. Ginamit niya ang telepenong nakapatong sa may counter top pagkatapos ay dinayal niya ito para tawagin si Regina. Nag ring ito ng ilang beses pagkatapos sinagot ito.

“Hello? Magandang Araw po sa inyo. This is Sisters of Mary Immaculate School. Sino po to sila?” Sagot ng kabilang linya na tinawagan ni Berta.

“Hello po andyan po ba si Regina?” Tanong ni Berta sa tinatawagan niya.

“Yes po tawagin ko po muna siya saglit.” Sagot ng katawag niya. Ilang segundo lang ay sumagot na si Regina.

“Hello? Sino po to?” Tanong ni Regina.

“Regina si Berta ito. Kumusta kana Regina?” Sabi ni Berta may halong tuwa.

“Oy Berta. Okay naman nag tratraining pa ako ngayon sa kumbento. Ikaw kumusta ka rin kaibigan?” Sagot naman ni Regina sa kanya.

“Okay naman Regina at tsaka miss na kita kaibigan.” Sabi ni Berta sa kanyang kaibigan na si Regina.

“Miss na rin kita Berta. Na miss ko na yung pagsasama natin during nag-aral pa tayo mg nursing.” Sabi ni Regina sa kanya.

“So ano Regina, itutuloy mo naba ang pangarap mo maging madre?” Tanong ni Berta kay Regina.

“Oo Berta matagal kona kasi tong pangarap eh.” Sagot ni Regina sa kanya.

“Paano yan hindi kana makapag-asawa yan. Hihihi.” Sabi ni Berta sa kanya.

“Haha! Ikaw talaga Berta. By the way, nakapag boyfriend kana ba? Ayiiie!” Pilyang tanong ni Regina sa kanya.

“Oy.. ikaw talaga Regina. Wala pa n…