SUGO (Kabanata IV)

*****Pasensya na medyo na busy ako these past few days kaya natagalan ako mag-update. Maraming maraming salamat sa mga sumuporta sa akin ng kwento ko. Marami rin salamat sa nag follow at nag sa friend request sa akin dito. Hinding-hindi ko kayo bibiguin.*****

***Shout-out pala sa iniidolo kong author na nag inspirasyon sa akin upang magsulat at gumawa ng kwento. Lalo na kay anino ang author ng HARAPIN ANG LIWANAG AT LIWANAG SA DILIM****

Title: SUGO

Author: Celester

Genre: Fantasy, Horror, Adventure, Drama, Erotic

KABANATA IV: NIGHTMARE AND SERENITY

Sa abandonadong gusali na nasa gitna nang matinding ulan…

“Maligayang pagbabalik mga pili kong kawal.” Pagbati ni Chrollo habang nakaupo sa trono na nasa altar sa dulong bahagi ng atrium na nasa loob ng abandonadong gusali.

Nakayuko sa harap ang mga piling kawal ng nilalang ng kadiliman na sina Kapreng Hidalgo, Tikbalang Ernesto, Nunong Carpio, Tiyanak Gullom, Aswang Michelle, Manananggal Angela at Syokoy Troy.

“Maraming salamat sa iyo kamahalan dahil muli mo kaming binuhay. Utang namin sa inyo ang aming buhay kamahalan.” Sabay sabi ng mga piling sundalo habang nakaluhod ang isang kanang paa at nakayuko ang ulo nila sa harap ng kanilang pinuno na si Chrollo.

Nakangiting demonyo naman si Chrollo sa kanila. Tumayo si Chrollo mula sa kinauupuan niyang trono pagkatapos ay lumakad siya malapit sa gilid ng altar para kunin ang misteryosong aklat na nasa bookstand. Pagkatapos niya kinuha ang misteryosong aklat, lumakad siya pabalik sa kanyang trono tapos umupo ito. Muli siyang nagsalita sa mga piling kawal.

“Humarap kayo sa akin.” Utos niya sa mga piling kawal.

Nang marinig ito ng mga piling kawal sa inutos ng kanilang pinuno ay humarap sila at tumayo.

“Sa mga hindi pa nakakilala sa akin… Ako si Chrollo… Isa akong dyablong nigromante at hari ng mga nigromante.” Pagpapakilala niya sa kanila.

Nahintakutan ang mga piling kawal sa sinasabi ng kanilang pinuno.

“Sa ngayon kilalanin nyo muna ako bilang hari.” Dagdag pa ni Chrollo.

Samantala, nasa gilid ang mga nakatayong iba pang nilalang ng kadiliman lalo na si Eddie habang nakikinig sa kanilang pinuno na si Chrollo.

“Hari ng mga nigromante tapos dyablong nigromante?” Sa isipan ni Eddie habang napatanong siya at nahintakutan rin dahil ngayon lang niya nalaman ang katauhan ni Chrollo.

Pinagmasdan rin niya ang mga piling kawal at sa nakikita niya ay nahintakutan rin ang mga piling kawal ni Haring Chrollo.

“Ano kaya ang binabalak niya?” Dagdag pa niya.

“Hmmm…” Takang sabi ni Haring Chrollo sa mga piling kawal.

“Mukhang hindi niyo ako maalala.” Dagdag pa niya.

Muli siyang tumayo mula sa kinauupuan niyang trono pagkatapos ay itinaas niya kaliwang kamay tapos binuka niya ang palad. Lumingon siya sa kanyang kaliwang kamay na itinaas niya tapos ay ilang segundo lang ay may sumulpot na bolang enerhiya na kulay ubeng liwanag sa ibabaw ng kaliwang palad niya.

“Huh?” Napanganga si Aswang Michelle sa kanyang nakikita.

Matapos iyon, unting-unti lumalaki ang kulay ubeng enerhiya hanggang sa sinlaki ng bola ng basketbol. Muli siyang humarap sa mga piling kawal habang nakataas pa rin ang kanyang kaliwang kamay na may bolang enerhiya na kulay ube sa ibabaw ng palad niya.

“Kung hindi nyo ko maalala.” Sabi ni Haring Chrollo sa mga piling kawal.

“Bueno, ihahagis ko ito sa inyo para bumalik ang inyong memorya.” Sabi niya.

“Daemonum Commentaria (Demonic Memoirs)!” Inihagis ni Haring Chrollo ang bolang enerhiya na kulay ube sa mga piling kawal sa pamamagitan ng paghagis ng parang sa larong baseball.

Nang tinamaan sila, sumigaw sila sa sakit.

“Haaaaaa! Haaa! Haa! Haaaaa!” Naramdaman nila ang epektong tinira sa kanila ni Haring Chrollo pagkatapos nangingisay-ngisay ang kanilang katawan.

Nasaksihan ito ng mga nilalang ng kadiliman lalo na si Eddie. Nagulat sila sa ginawa ng hari.

“Ganito ba talaga kalakas ang hari ng mga dyablong nigromante o….” Napatigil siya ng kunti.

“Mas kilala sa wikang Ingles na Dark Lord of Devil Necromancers?” Dugtong sabing isinalin niya sa wikang ingles ang Haring mga Dyablong Nigromante. Lalo siyang natakot dahil lumingon sa kanya si Haring Chrollo.

“Tama ka Eddie, isa akong Dark Lord of Devil Necromancers. Hahaha! Hahahahaha! Hahahahahaha!” Ganting sabi ni Haring Chrollo kay Eddie tapos ay humalakhak ng malakas ang mala demonyong boses.

Napanganga at nagulat si Eddie dahil nabasa niya ang kanyang isip. Kasabay pa ng dagundong ng kulog at kidlat sa langit ang pangyayaring nagaganap sa abandonadong gusali.

Kay Lando at mga Bolignok na sina Twilly at Fulgoso…

“Pedro! Pakikuha mo mga damit natin. Lumalakas ang ulan!” Utos ni Lola Dalia sa kanyang asawang si Lolo Pedro.

Dali-daling kinuha ni Lolo Pedro ang mga damit nilang sinampay pagkatapos ay ipinasok niya ito sa loob ng kanilang bahay.

Samantala kay nina Lando, Twilly at Fulgoso ay pinag-iisipan nila kung ano ang kanilang sunod na hakbang ang gagawin habang kusina pa sila.

“Twilly! Fulgoso! Ano gagawin natin?” Sabi ni Lando sa kanila. Si Fulgoso at Twilly ay naka tuon parin sa direksyon kung saan nararamdaman nila ang kampon ng kadiliman.

Ilang segundo ang katahimikan ay nagsalita na si Fulgoso.

“Lando.” Tawag ni Fulgoso sa kanya habang humarap muli si Fulgosa sa kanya.

“Ang gagawin natin ay…..” Sabi ni Fulgoso.

“Ano Fulgoso?” Takang tanong ni Lando habang humarap sa kanya si Fulgoso.

“Magtago! Haaaaaa! Awwwwwooooo! Haaaaaaa! Magtago tayo!” Mukhang natakot bigla si Fulgoso.

Tumatalon-talon ito habang natatakot at nangingiyak. Mukhang nakakatawa ang sitwasyon nila ngayon kaya binatukan ni Twilly si Fulgoso.

“Hayyy! Kahit papaano hindi ka parin nagbabago Fulgoso.” Sabi ni Twilly kay Fulgoso.

“Hahaha! Hindi ko akalain may ganitong asal pala si Fulgoso.” Natatawang sabi ni Lando sa kanila.

Pagkatapos nila mag-agahan ay pumasok sa kwarto ni Lando na sina Twilly, Fulgoso at Lando.

“Lando.” Tawag ni Twilly kay Lando.

“Twilly?” Sagot ni Lando habang nakaupo sa kanyang upuan malapit sa kanyang study table.

“Diba pumasok sa katawan mo ang karit at krus?” Tanong ni Twilly kay Lando.

“Oo kaninang madaling araw Twilly. Bakit?” Sagot ni Lando kay Twilly.

“Kasi alam ko hindi ka pa marunong gumamit yan.” Sabi ni Twilly sa kanya. Tumayo bigla si Lando mula sa kanyang upuan malapit sa study table.

“Hmmmm…” Sabi ni Lando habang nag-iisip siya.

“Kailangan mo muna magsanay Lando gamit ang mga sandata mo.” Sambit ni Fulgoso kay Lando.

“Oo nga pero sino magtuturo sa akin?” Napatanong si Lando kay Fulgoso.

“Hmmm…” Napaisip si Fulgoso.

“Kung nabubuhay pa ang iyong papa mo Lando siguro siya ang magtuturo sa iyo.” Sabi ni Twilly sa kanya.

“Pero wala na ang papa ko Twilly.” Sagot ni Lando kay Twilly.

“Hay nako. Paano ito.” Sabi ni Fulgoso. Nagpatuloy parin ang malakas na ulan sa kanilang lugar.

Samantala, kay misteryosong matandang bulag…

“Hmmm..” Napakamot siya gamit ang kanang kamay sa bandang baba niya habang abala siya sa pagpili ng mga bilihing pagkain para iluto niya habang nasa palengke siya.

“Huh? Manong? Hehehe… Ako na po pumili baka nahirapan ka kasi bulag ka eh.. Hehe…” Sabi ng tindera sa kanya.

“Hah… Hah… Hah… Pasensya na po ali.” Nahihiyang sabi ng matandang bulag habang napakamot siya sa ulo.

“Ahhh… ali meron ba kayo bigas at mga di-lata?” Dagdag niya habang nagtanong siya sa tindera.

“Meron po manong. Sinkwentay singko kada kilo ng bigas namin tapos yung di-lata naman ay dalawampung piso lang.” Sagot ng tindera sa kanya.

“Sige po ali. Pabili po dalawang kilong bigas at tatlong di-lata. Hah… Hah… Hah…” Sabi niya.

Napabugnot ang ali kasi naiibahan siya sa asal ng matandang bulag na bumili sa kanya. Ilang minuto lang ay binigay ng tindera ang binili ng matandang bulag sa kanya.

“Ito po bayad ali.” Binayad ng matandang bulag ang binili niyang dalawang kilong bigas at tatlong di-lata sa tindera.

“Antay lang manong may sukli pa po.” Kumuha ng tindera ang sukli para ibigay sa matandang bulag.

“Ito po…. Huh? Saan siya?” Sabi ng tindera habang nabigla siya dahil wala ng matandang bulag na bumili sa kanya. “Saan yun?” Dugtong niya at lumilingon-lingon pa siya sa paligid ng palengke mula sa pwesto niya.

Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating yung matandang bulag sa inuupahang bahay.

Pumasok siya at inilatag ang binili niyang pagkain sa lamisa tapos ay binaba niya ang suot niyang sombrero at hinubad niya ang trench coat at isinabit niya ito sa dingding. Umupo siya sa mahabang upuan pagkatapos ay sumandal siya. Itinabi niya ang patpat sa gilid.

“Haaayyy..” Huminga siya ng malalim habang tumingala sa kisama.

Ilang sandali lang ay nakaidlip siya. Nang malalim na ang kanyang tulog ay nanaginip siya.

“Zooooommmmmm!” Tunog ng eroplanong sinakyan niya.

“Haaaaaaaaa! Haaaaaaa! Mamatay tayo!” Sigawan ng mga pasaherong lulan ng eroplanong sinakyan nila.

“Ginoong Netero! Ginoong Netero! Ginoong Zobek Netero!” Lalaking sumigaw ng tawag sa matandang bulag na ang pangalan niya ay Zobek Netero.

Hindi pa siya bulag sa panahon ito.

“Meastro!” Ganting tawag niya.

“Maghanda ka! Mapapalaban tayo!” Sabi ng maestro niya.

“Ano?! Sino maestro?!” Tanong ni Zobek Netero sa maestro niya.

“Yung humahabol sa akin.” Sabi ng maestro niya.

“Yung mga aninong nilalang nanaman?!” Gulat na tanong niya.

“Oo! Ginoong Netero.” Sabi mg maestro niya.

“Huhuhu! Mommy! Huhuhu!” Iyak nang batang babae habang niyakap siya ng kanyang ina.

“Anak! Huhuhu! Panginoon sana iligtas mo kami.” Dasal nang ina ng batang babae.

Napalingon si Ginoong Zobek Netero sa pasaherong mag-ina. Napapikit at napabagnot si Ginoong Zobek Netero sa sitwasyon nila ngayon.

“Ayan na sila Ginoong Zobek!” Sabi ng maestro niya.

Gumapang ang mga nilalang na anino sa sahig papunta sa kanila pagkatapos ay huminto ito sa pagitan nila at tsaka ito lumitaw sa harap nila.

“Bakit tayo hinahabol nila?!” Tanong ni Ginoong Zobek Netero habang naghanda siya at inilabas niya ang sandatang krus na sumulpot sa kanang palad niya.

“Hindi ko alam Ginoong Zobek pero may kutob akong tungkol ito sa kahapon ko na naibaon ko na sa limot.” Paliwanag ng sabi ng maestro sa kanya.

“A… ano?!” Gulat ng sabi ni Ginoong Zobek Netero.

Inilabas na rin ang maestro niya ang sandatang krus sa palad niya. Nagsimula ng sumugod sa kanila ang mga aninong nilalang na naging hugis tao na may mapupulang mata sa balintataw nila.

“Waaa!” Sumugod na rin sina Ginoong Zobek at ang maestro niya. Sinangga nila ang itim na espadang gamit ng mga aninong nilalang sa pamamagitan ng latigo na galing sa dulo ng maikling parte ng sandatang krus.

“Ting! Ting! Ting!” Salpukan ng latigo at espada.

“Wah! Wah! Waaaaa!” Ingay nilang Ginoong Zobek at maestro habang nagpatuloy nilang sinangga ang itim na espadang ginamit ng mga aninong nilalang.

“Akala niyo mapapatay niyo kami?” Reaksyon ni Ginoong Zobek.

“Huwag tayo magpakasiguro Ginoong Zobek.” Sambit ng maestro.

“Paano mo nasabi maestro?” Napatanong si Ginoong Zobek sa maestro niya.

“Hindi ordinaryo ang kalaban natin dahil hindi katulad sa nakasagupa namin noong kapanahonan pa ng ninuno mo Ginoong Zobek.” Sabi nang maestro niya.

“Hindi katulad sa mga bampira, taong lubo at ibang kampon ng kadiliman ang nakalaban niyo noon ng lolo ko?!” Nahintakutan si Ginoong Zobek sa mga sinasabi ng maestro niya.

“Oo Ginoong Zobek!” Sagot ng maestro niya.

Napabugnot at pinagpawisan lalo sila.

“Waaaa! Wa! Wa!” Sabay ulit nila.

Nang nasungkit ng maestro ang itim na espada ng kalaban nila. Agad niya ito hinila at inihagis sa sahig.

“Huh! Mahina pala mga to maestro.” Reaksyon ni Ginoong Zobek sa nagawa ng maestro niya.

Napangiti pa ang maestro pero ang inihagis niyang itim na espada ay naging anino at bumalik ito sa kalaban nila.

“Ano?!” Nagulat si Ginoong Zobek sa ginawa ng kalabang anino nila.

“Tot! Tot! Tot! Tot! Tot!” Nag alarm ang eroplanong lulan nila na hudyat nang malapit na sila bumagsak sa karagatan.

“Haaaaaaaa! Mamamatay na tayo lahat!” Nagpapanik na ang mga pasahero.

“Sir! Sir! Saan babagsak ang eroplano?” Tanong ng flight attendant sa mga piloto.

“Sa karagatan ng Romblon.” Sagot ng piloto sa eroplanong sinakyan nila.

Agad tumakbo paalis sa cockpit ang flight attendant pagkatapos ay dinayal niya ang intercom.

“Mga binibini, ginang at ginoo, ang eroplano na ito’y babagsak sa karagatan ng Romblon sa loob ng sampung minuto. Ipinakita po namin kanina sa inyo ang wastong pag gamit ng seatbealt, life vest, at oxygen mask. Ipinakikiusap po namin na inyong basahin ang safety information card na nasa bulsa ng upuan ng inyong harapan at inyo pong pag-aralang mabuti ang mga labasan para sa sandaling kailangan natin ito. Para sa inyong kapakanan, sundin po lamang ang mga patnubay ukol sa kaligtasan. Maraming Salamat at Pagpalain kayo ng Diyos!

Anunsyo ng flight attendant sa mga pasahero. Narinig ito nila Ginoong Zobek Netero at kanyang maestro.

“Sa karagatan ng Romblon? Hindi maaari?!” Nahintakutan ang maestro ni Ginoong Zobek sa anunsyo ng flight attendant kung saan sa karagatan ng Romblon ang babagsak ng sinasakyan nilang eroplano.

“Bakit po maestro? Bakit kayo natatakot?” Gulat na tanong ni Ginoong Zobek sa maestro niya.

“Sa Romblon Triangle! Sa Romblon Triangle babagsak ang eroplanong sinakyan natin Ginoong Zobek!” Sagot ng maestro ni Ginoong Zobek.

Lalong nangingilabot si Ginoong Zobek sa sagot ng maestro niya.

“Huwag mong sabihin katulad ito sa Bermuda Triangle. Putang ina!” Napamurang sabi ni Ginoong Zobek.

Lalo hinigpit ang hawak nilang sandatang krus. Nakahanda na rin ang mga kalaban nila.

“Ginoong Zobek.” Tawag ni maestro sa kanya.

“Ako na bahala dito sa kalaban. May iutos ako sa iyo.” Sabi ng maestro niya.

“Ano ipapagawa niyo sa akin maestro?” Tanong ng maestro sa kanya.

“Wasakin mo yung pader ng eroplano.” Utos ng maestro.

“Anong sabi mo?! Maestro lubhang mapanganib ang ipapagawa mo sa akin!” Buwelta ni Ginoong Zobek sa maestro niya.

“Lalong babagsak ang erop….” Naputol nalang pagsasalita ni Ginoong Zobek.

“Wala na tayong magagawa pa Ginoong Zobek!” Sumbat ng maestro sa kanya.

“Maestro?!” Sabi ni Ginoong Zobek dahil nakita niya na pumikit at umiiyak ang maestro niya.

Ang sandatang krus na ginamit niya ay dinisarmahan niya pagkatapos ay inilabas rin niya ang karit ni kamatayan.

“Hanapin mo ang taong inalagaan ko Ginoong Zobek!” Sabi nang maestro niya.

Biglang hiniwa ng maestro niya ang pader sa eroplano kaya nagulat si Ginoong Zobek at pati na rin ang kapwa nilang pasahero.

“Haaaaaaaaaa! Babagsak na ang eroplano!” Hiyawan ang mga pasahero.

“Tit! Tit! Tit! Tit! Tit!” Lalong bumilis ang tunog ng alarm ng eroplano.

“Maestro?!” Gulat na sabi niya.

Umalis sa pwesto ang maestro sa harap ng kalaban niyang anino pagkatapos ay lumapit siya kay Ginoong Zobek. Hinawakan niya ang damit ni Ginoong Zobek.

“Maestro?! Ano ang gagawin mo?” Gulat at takang tanong ni Ginoong Zobek sa maestro niya.

“Hanapin mo ang anak ko Ginoong Zobek! Hanapin mo si Leandro Dela Cruz! Ang pangalan ng anak ko Ginoong Zobek! Huling utos ko na ito sa iyo Ginoong Zobek! Huhuhu!” Utos nang maestro niya at tuloy humagulgul sa iyak ang maestro sa harap niya.

Kaya binuhat siya ng maestro.

“Maestro?! Anong gagawin mo? Maestro?!” Reaksyon pa niya habang binuhat na siya ng kanyang maestro.

“Ito ang huli nating pagsasama Ginoong Zobek.” Hinahong sabi ng maestro niya habang nakangisi at tumulo ang luha ito sa harap niya.

“Paalam Ginoong Zobek! Haaaaa!” Inihagis niya ng malakas si Ginoong Zobek sa himpapawid sa labas ng eroplano.

“MAAAAAEESSSTRROOOOO!!!” Sigaw niya habang tumilapon papalayo sa eroplanong babagsak sa Romblon Triangle.

Matapos ng sandali na yun ay biglang nagising si Ginoong Zobek Netero sa inuupuan nya at hingal na hingal siya matapos niyang magising sa bangungot na yun.

“Haa… Haa… Haa…” Hingal niya. Pilit siyang hinahabol ang bangungot ng kahapon sa pamamagitan ng panaginip niya.

Balik kay Mrs Berta kung saan nasa kwarto siya ng kanyang asawa na si Herbert…

“Huhuhu! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa ginawa ko sa iyo noon mahal. Naging duwag ako pero nung panahon yun ay nanganganib ang buhay mo. Mahal ko.” Sabi ni Mrs Berta habang patuloy siya umiiyak sa harap niyang pinakamamahal niyang si Herbert. Batid niya hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili.

Muli niya inaalala kung bakit hindi siya sumipot sa kasal nila ni Herbert noon…

Dalawang araw ang nakalipas matapos nabigong kasalan nilang Herbert at Berta, nakauwi si Berta sa kanilang bayan sa probinsya ng Siquijor. Sinalubong siya ng kanyang mga magulang.

“Anak? Buti at umuwi ka.” Sabi ng nanay niya.

“Natutuwa akong muli kang bumalik anak ko.” Sabi naman ang tatay niya.

Masaya sila dahil umuwi ang kanilang anak na si Berta. Hindi ito pinansin ni Berta ang mga magulang niya at nanatiling siyang tahimik habang nakapasok na siya tirahan ng kanilang magulang. Grabe ang kalungkutan niya, iniisnab lang niya ang mga magulang sa harap niya pagkatapos ay pumasok siya sa kanyang kwarto.

Ang mga gamit niyang dala galing sa Maynila ay hinagis niya ng malakas sa pader ng kwarto niya. Dahilan ay naglalagan ang mga gamit na nakasabit sa pader. Narinig naman to ng mga magulang niya kaya pumasok na rin sila sa kwarto.

“Anak?! Ano ang ginagawa mo?” Napatanong ang ama niya.

Nakatalikod si Berta sa kanila.

“Alam kung galit kapa sa amin anak dahil sa ginawa namin sayo. Sinunod lang namin batas at kultura sa ating mga Babaylan.” Paliwanag ng ama niya.

“Ano?! Masaya naba kayo sa ginawa niyo sa akin?! Akala ninyo ay matutuwa ako dito?! Hah! Pinagbabantaan niyo pa ang buhay ng mahal ko?! Si Herbert! Huhu!” Pinagsisigawan niya ang kanyang magulang habang patuloy siyang umiiyak.

Ramdam na ramdam niya ang sakit, puot at galit na naidulot sa kanyang magulang.

“Hinding-hindi ko kayo mapapatawad!” Muling sinigawan ni Berta ang kanyang mga magulang.

“Berta?!” Takang sabi ng ina niya.

“Berta! Huwag mo yan gawin dito. Mapipilitan rin kaming gamitin ang kapangyarihan namin kung lalaban ka.” Sabi ng ama niya.

Nakikita nila na si Berta ay ginalaw niya ang mga kamay pagkatapos ini ekis niya ang dalawang braso. Nagliwanag na kulay dilaw ang buong katawan ni Berta at ilang segundo ay nagsilabasan ang mga tattoo niya.

Ang tattoo ng sinaunang Pilipino… Ang Pintados! Winawasiwas ni Berta ang mga kamay at braso niya pagkatapos ginalaw ng pasulong ang kanang paa niya. Lumakas ang ihip ng hangin sa paligid ng kwarto nila dahilan na nagsilaglagan ang mga gamit nila.

Nag-iipon na pala si Berta ang bolang enerhiya na kulay dilaw sa pagitan ng mga kamay at braso habang patuloy sa pagwasiwas. Wala na siyang pakialam kung ano ang mangyari sa kanya dahil nabahiran na ang sakit, puot at galit ang puso at damdamin niya. Matapos niya maipon ang bolang enerhiya ay itinira ito sa kanyang magulang.

“Itong sa inyo! Igawas ang kurente ni Bakunawa (Ilabas ang kuryente ni Bakunawa)! Haaaaaa!” Inihagis na niya ang bolang enerhiya.

“Bertaaaa!” Sabay sigaw ng magulang nila. Nang tamaan niya ang magulang sa paghagis ng enerhiya ay nagdulot ito ng pagsabog.

“Boom!” Ang maganda nilang tahanan ay nawasak. Narinig ito ng mga kapitbahay nilang Babaylan.

“Ano yun?” Sabi nung kapitbahay nila. Lumabas sila sa kanilang tinitirahang bahay. Nakikita nila ang umuusok at nawasak na bahay ng pamilyang Montalban.

Samantala, tumakbo ang batang kapitbahay nilang Berta para isumbong ang kaguluhan sa pamilya nila.

“Tandang Domeng… Tandang Domeng! Hah Hah! Hah!” Tawag sa batang kapitbahay nilang Berta habang tumatakbo papunta sa naglalako ng tuba na si Tandang Domeng.

“Oh! Dodong… Naparito ka. Mukhang nagmamadali ka ha? ” Takang tanong ni Tandang Domeng kay Dodong.

“Hah! Hah! Kasi po nagkagulo ang pamilyang Montalban.” Sumbong ni Dodong kay Tandang Domeng.

“Anong sabi mo?!” Gulat na tanong ni Tandang Domeng.

“Kasi po si Ate Berta po inaway niya ang magulang niya. Ginamitan niya ang kapangyarihan.” Sagot ni Dodong kay Tandang Domeng.

“Anooo? Isumbong ko to kay Punong Punchong Wandu.” Sabi ni Tandang Domeng.

Nagmamadali si Tandang Domeng papunta sa kagubatan kung saan andun ang pinuno ng mga Babaylan na si Punong Punchong Wandu. Si Tandang Domeng ang kaisang-isang kanang kamay ni Punong Punchong Wandu.

Siya ay isang daang siyam na anyos na matandang lalaki. Naglalako ito ng mga tuba sa bayan ng Siquijor. Nang nakarating na si Tandang Domeng sa kagubatan ay nakita niya si Punong Punchong Wandu na abala sa pagdarasal sa anito na kasama ang iba pang Babaylan. Nakaputi ang lahat ang kanilang kasuotan.

“Punong Babaylan! Haa.. Haa..” Tawag ni Tandang Domeng sa pinuno nilang si Punong Punchong Wandu habang hinihingal sa pagod.

“Narito ka ba Tandang Domeng para magsumbong sa akin tungkol sa kaguluhan dyan sa baryo? Lalo na ang pamilyang Montalban? Hahaha!” Sagot ng pinuno ng Babaylan.

Nagulat si Tandang Domeng sa sinasabi ng kanilang pinuno.

“Huh? Opo pinunong Babaylan.” Sagot ni Tandang Domeng.

Si Punong Punchong Wandu ay pinuno at pinakamalakas na Babaylan sa kanilang tribu sa Isla ng Siquijor. Ang edad niya ay isang daang dalawampu’t isang anyos na at pinakamatandang Babaylan sa kanila. Sa katandaan ni Punong Punchong Wandu ay nakatayo siya pero nakabako.

“Kung ganun ay tayo na!” Sagot ni Punong Punchong Wandu.

Balik sa eksena ng Pamilyang Montalban…

“Haaa… Haaa… Haaa…” Hinihingal si Berta sa ginawa niyang pagtira sa magulang niya habang nawasak niya ang tahanan at tanaw niya ang mga kabahayan sa paligid.

Nakikita niyang mga kapitbahay nagsilabasan sa kanilang tinirhan at pinapanuod siya. Ang akala ni Berta ay napatay niya ang magulang pero nakaiwas na pala ito sa kanyang tinirang bolang enerhiya niya.

“Anak! Dinamay mo pa ang tahanan natin dahil sa kahibangan mo!” Galit ng ama niya.

“Tama na yan anak! Huhuhu! Huminahon kana!” Umiiyak na rin ang kanyang ina.

“Wala akong pakialam sa inyo! Sinira niyo ang pangarap at buhay ko! Kaya magbabayad kayo sa ginawo niyo!” Sigaw sa galit niya sa kanyang magulang.

Muli naman inipon ang enerhiya sa pagitan ng winawasiwas niyang palad at braso niya. Pero mas lalo pang lumakas ang enerhiyang inipon niya kumpara kanina.

“Igawas ang kurente ni Minokawa (Ilabas ang kuryente ni Minokawa)!” Inihagis niya ang bolang enerhiya na sobrang lakas kumpara kanina papunta sa tinatayuan ng kanyang magulang.

“Igawas ang himbis ni Bakunawa (Ilabas ang kaliskis ni Bakunawa)!” Inilabas na rin ang kapangyarihan ng kanyang ama pero hindi labanan ang kanilang anak na si Berta kundi depensahan ang kanilang sarili.

Matapos maihagis ni Berta ang bolang enerhiya patama sa magulang niya, ang bolang enehiya ay naging hugis ng maalamat na ibon na si Minokawa.

Nang tumama ito sa harang ng magulang nila ay nagdulot ito malakas na tunog sa impak ng kapangyarihan nila at naging resulta ng shockwave sa paligid. Tumulong na rin ang mga kapitbahay nila.

“Berta! Tama na yan! Mga magulang mo yan! Bigyan mo naman ang pag-unawa kahit respeto lang!” Sermon ng kapitbahay niya.

“Tama! Ikaw Berta wala kanang respeto dito sa ating lugar! Dapat siguro makulong ka!” Sagot naman nung isa.

“Kahit…