Author: Celester
Genre: Fantasy, Horror, Adventure, Drama, Erotic
KABANATA V: THE NECROMANTIC WAR – PART I (PRELUDE TO WAR)
National Bureau Investigation – Manila
“VRRRRRRRR! VRRRRRRRR!” Tunog ng vibrate ng cellphone.
Sinagot ito na isang babaeng nbi agent.
“Hello?” Sagot niya sa kanyang katawag.
“Anak, kumusta kana? Kailan ka ulit uuwi dito sa Laguna? Alam mo naman na miss na miss kana namin at tsaka birthday ang papa mo sa Lunes.” Sagot ng mama niya.
“Ma? Sunod nalang ako uuwi kasi busy kami sa trabaho. Promise mama babawi ako sa inyo ni papa. Hihihi!” Panlalambing niya sa kanyang mama.
“Hayy.. Ikaw talaga anak. Ilang buwan kana hindi umuwi. Dapat ka naman mag relax para mawala ang stress mo sa work.” Pag-alala ng mama niya.
“Sige lang Ma, lagi naman ako nag exercise eh.” Kumbinsi niya.
“Oh sige na anak.. Pagbibigyan ka nalang namin basta babawi ka ha.” Sagot ng mama niya.
“Sige ma promise.” Sagot niya.
“Okay anak I love you… Bye!” Paalam ng mama niya.
“Bye ma! At I Love you rin.” Ganting sagot niya.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay abala siya sa kanyang trabaho.
“Excuse me Agent Luisiana.” Tawag sa kanyang katrabaho niya.
“Yes po?” Sagot ni Luisiana. Si Luisiana Cortez ay isang NBI Agent na nagtratrabaho sa NBI – Manila. Siya ay tatlumpung taong gulang na, maiksi ang buhok, matangos ang ilong, maputi siya at makinis ang kutis.
Ang pangangatawan niya ay saktong sakto sa pagiging nbi agent.
“Pinapatawag ka ni Sir Martin sa opisina niya.” Sabi ng katrabaho niya.
“Okay sige.” Sagot niya. Ilang sandali ay nakapasok na siya sa office nang head nila.
“Good morning Sir.” Binati niya ang head ng nbi na si Sir Martin. May napansin siya na isang babaeng nbi agent na katulad niya.
“Good morning. Have a seat ladies.” Sabi ng head nila.
“Agent Luisiana.” Tawag sa kanya ni Sir Martin.
“Yes Sir?” Tanong niya.
“I have a assignment for you ladies.” Sabi ng head nila.
“But for now, Agent Luisiana… Ipakilala ko sa iyo si Agent Abigail Locsin ang magiging partner mo sa bago mong misyon Agent Luisiana.” Sabi ng head nila.
“Hi Agent Luisiana.. I am Agent Abigail Locsin who will be your partner in our mission. I hope you trust me as your new partner Agent Luisiana.” Pagpalakilala ni Agent Abigail kay Agent Luisiana.
Nagkamayan sila at tsaka naman sumagot si Agent Luisiana.
“Pleasure to meet you Agent Abigail.” Ganti niya.
Nakangiti naman sa kanila ang head nilang Sir Martin.
“Siya nga pala Agent Luisiana. Si Agent Abigail Locsin ay tubong Bukidnon at dito siya nagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.” Ipinakilala ulit ng head nila na si Agent Abigail Locsin.
Si Inspecror Abigail Locsin ay isang dalawampung pitong gulang na babaeng agent na taga probinsya ng Bukidnon. Siya ay maganda rin katulad ni Agent Luisiana pero mas lamang pa si Agent Luisiana kaysa sa kanya. Maganda rin ang hubog ng katawan at kayumanggi ang makinis na niyang kutis.
“Okay Sir. Taga mindanao ka pala Agent Abigail.” Sabi ni Agent Luisiana.
“Opo Agent Luisiana.” Nakangiting sabi ni Agent Abigail sa kanya.
“Kaya ko pinili si Agent Abigail para maging partner mo Agent Luisiana dahil..” Putol niya at nagkaroon ng kunting katahimikan.
Ilang sandali lang ay itinuloy niya ang paliwanag.
“Dahil may misyon kayo na ipapagawa ko sa inyo duon sa Probinsya ng Bukidnon. May ipa iimbestiga ako sa inyo.” Sabi ng head nila.
Tumayo ang head nilang si Sir Martin pagkatapos may kinuha siya drawer tapos ay ipinakita sa kanila ang brown envelop. Iniabot ito sa kanila.
“Tingnan niyo.” Dagdag pa ng head nila.
Binuksan nila ang laman ng brown envelop pagkatapos ay tumambad sa kanila ang mga pictures na nawawalang mga tatlong babae na hanggang ngayon ay hindi pa rin nahanap ng mga pulis duon sa Probinsya ng Bukidnon.
“Those three ladies whose in that picture are still missing since last Friday.” Paliwanag ng head nila.
“Nakikipag coordinate narin sa akin ang mga taga NBI REGION X sa Cagayan De Oro City. Dahil ang mga nawawalang kababaihan dyan sa Bukidnon ay hindi nila ma trace ang katawan nila kahit mga buhok, laman o mga bagay na dala nila.” Sabi ng head nila.
“Sir Martin, sino naman tong lalaking naka tobacco dito sa picture?” Tanong ni Agent Luisiana sa head niya.
Lumingon si Sir Martin kay Agent Abigail para si Agent Abigail ang magpaliwanag sa tanong ni Agent Luisiana kaya nagsalita si Agent Abigail sa kanya.
“Agent Luisiana, siya po si Mr. Eddie Montemayor ang may-ari ng pinakamalawak na lupain sa probinsya ng Bukidnon. Siya ay maimpluwensyang tao sa kanilang lugar dahil kadalasan sa mga ka negosyo niya duon ay mga mayayamang pamilya na mula pa sa iba’t-ibang bayan dito sa Pilipinas at nag-uupa sa kanilang mga lupain duon sa Bukidnon.” Paliwanag ni Agent Abigail kay Agent Luisiana.
“Kailangan ninyong imbestigahan ang lalaki yan dahil may kutob ang mga taga nbi at pnp na siya ang nasa likod ang mga nawawalang tatlong babae diyan sa Bukidnon.” Sabi ng head.
“At isa pa, mga anak mayaman ang mga nawawalang babae dyan tapos ay kasosyo pa nila si Eddie Montemayor ang mga pamilya ng mga nawawala nilang anak.” Dugtong paliwanag ni Sir Martin.
“So kailan kami mag start with my new partner sir?” Tanong ni Agent Luisiana sa head nila.
“Bukas ang lipad nyo papunta sa Laguindingan International Airport pagkatapos dumaan muna kayo sa NBI REGIONAL OFFICE sa Cagayan De Oro City para makipag coordinate kayo kay Head Agent Gerald Andanar ang Regional Director dyan sa NBI-REGION X.” Sabi ng head nila.
“Kung babyahe na kayo sa Bukidnon ay mga isa’t kalahating oras naman ang land trip nyo papunta sa Bukidnon Agent Luisiana but if you already in that area…” Putol ni Sir Martin.
“Magiging undercover agent kayo sa pamamagitan ng pagpalit sa inyong pangalan dahil alam namin marami ang koneksyon yan si Eddie Montemayor. Alam kong mga magagaling kayo na agent kaya ipinagkakatiwala ko ito sa inyo ang misyon ito. Kaya mag-iingat kayo sa misyon niyo.” Sabi ng head nila.
“Sige po sir makakaasa kayo!” Sabay sabi nila at nagsaludo. “Bueno, God Bless in your mission ladies!” Sabi ng head nila habang tumayo at nagsaludo rin sa kanila.
Matapos ang briefing sa office ng head nila ay nakalabas na sila sa opisina ng head.
“Agent Abigail bago ka lang ba sa serbisyo?” Tanong ni Agent Luisiana. “Two years na po ako sa serbisyo bilang NBI Agent. Ipinadala kasi ako dito ng Head namin dahil sa coordination nila sa NBI-Region X.” Sagot ni Agent Abigail sa kanya.
“Tsaka maganda ba ang probinsya nyo?” Tanong ulit ni Agent Luisiana sa kanya.
“Syempre naman Agent Luisiana may magagandang tanawin duon tapos yung sikat na pasyalan katulad ng Dahilayan. Mas lalong magagandahan ka kung andun na tayo. Hihihi!” Sabi ni Agent Abigail kay Agent Luisiana.
“Ahhh! Sige ha. Aasahan ko yan partner. Hihihi!” Sagot naman ni Agent Luisiana kay Agent Abigail.
Makalipas ng ilang oras ay pumunta muna si Agent Luisiana Cortez sa Quiapo Church para magdasal sa kanyang misyon na kakaharapin niya.
“Panginoon, bigyan mo ko ng sapat na lakas ng loob at gabay para sa misyon kong haharapin sa darating bukas sa probinsya ng Bukidnon.” Dasal niya sa maykapal.
Nakita siya ng matandang pari na si Father Calungsod habang siya ay nagdarasal sa maykapal.
“Agent Cortez… Buti naparito ka.” Tawag ng pari sa kanya.
“Father.” Nagmano siya kay Father Calungsod.
“Iha, alam ko may misyon kang gagampanan.” Sabi ng pari niya.
“Opo Father. Pinaiimbestigahan sa amin ang mga nawawalang babae sa Probinsya ng Bukidnon.” Sabi niya.
“Ganun ba? Siguro mapanganib ang misyon mo kasi napakamalayo dito sa Maynila.” Sagot ni Father Calungsod.
“Iha may ipapakita ako sa iyo bago ka lumipad sa Mindanao.” Dagdag pa ng pari niya.
“Sige po Father Calungsod.” Sagot niya.
Lumakad sila papunta sa opisina ng pari niya. Nang nakapasok na sila sa opisina ng pari niya ay ipinaupo siya sa harap ng lamisa ng pari.
“Opo ka muna iha.” Utos ng pari sa kanya.
“Nakakalap ako ng balita tungkol sa misyon mong kakaharapin. Alam mo iha lubhang mapanganib ang misyon yan.” Sabi ng pari sa kanya.
Nagulat si Agent Cortez sa mga sinasabi ng pari niya. Kaya nagtanong siya.
“Huh?! Father Calungsod paano mo nasabi? May alam ba kayo sa pagkawala ng mga tatlong babae sa Bukidnon.” Gulat ng tanong niya.
“Meron kasi akong kakilalang nagtratrabaho dyan sa NBI Manila.” Sabi ng pari nya.
“Hindi lang yan iha, dahil ang mga taong iniimbistagahan nyo lalo na ang negosyanteng si Eddie Montemayor ay hindi pangkaraniwang tao.” Dagdag ng sabi ng pari sa kanya.
“Kung ganun Father ay may lead na ba kayo nito?” Takang tanong ni Agent Luisiana kay Father Calungsod.
“Meron pero kailangan pa ng matibay na ebidensya Agent Luisiana.” Sagot ng pari niya.
“Tutulungan kita sa misyon mo iha.” Dagdag pa ng sabi ng pari sa kanya.
“Kung ganun father, sino talaga si Eddie Montemayor?” Takang tanong ni Agent Luisiana Cortez sa pari niya.
Tumayo si Father mula sa kanyang inuupuan pagkatapos ay lumakad siya papunta sa rebultong na si San Miguel nasa altar malapit sa gilid niya pagkatapos ay itinuro niya sa ilalim ni San Miguel ang nakalaban niyang isang dyablo na si Lucifer.
“Demonyo father?! Demonyo si Eddie?!” Gulat na tanong ni Agent Cortez.
“Oo Iha. Noon ay katulad pa natin si Eddie pero may nakalap kaming balita na ang mga nawawalang babaeng na inyong hinahanap ay mga kasapi na ng kampon ng kadiliman!” Napalakas ang sabi ni Father Calungsod kay Agent Luisiana.
“Sa ngayon father ay hindi pa ako lubos naniniwala kahit may naka engkwentro kami noon ng mga kakaibang taong krimanal. Pero kung totoo man ang mga sinasabi mo? Tsaka na ako maniniwala na hindi lang tayo ang nabubuhay dito sa mundo.” Sabi ni Agent Luisiana kay Father Calungsod.
“Sige Father una na ako para makapaghanda sa misyon namin.” Dagdag pa niya.
“Sandali lang iha.” Tawag sa kanya ng pari.
Lumakad pabalik sa upuan si Father Calungsod pagkatapos ay binuksan niya ang drawer at inilabas niya ang lumang libro at dalawang litratong na naglalaman ng isang matandang lalaki at isang ginang. Pagkatapos ay iniabot ito sa kanya.
“Bago ka makarating sa Mindanao iha. Kailangan mo muna basahin yan.” Sabi ng pari sa kanya.
“Anong laman ng libro ito father?” Tanong ni Luisiana sa pari nya.
“At tsaka sino tong matandang lalaki at itong ginang na nasa litratong ito?” Dagdag pa niya.
“Ang naglalaman ng lumang libro yan ay tungkol sa madilim na kasaysayan ng sinaunang Pilipinas noon. Ang laman yan ay tungkol sa kasaysayan ng Digmaang Nigromansya o sa wikang ingles ay Necromantic War.” Sagot ng pari sa kanya.
“At yung matandang lalaki at ginang nakikita mo sa litratong yan ay si Ginoong Zobek Netero at si…” Putol sabi ng pari niya.
Lumakad ito ulit papalapit sa rebultong nakapako na si Hesukristo pagkatapos ay humarap siya sa rebultong Hesukristo at niyuko ang ulo. Nakapikit siya at tuloy dinugtong ang sabi niya.
“Ang ginang na yan Agent Luisiana ay si Mrs. Berta Magsalang.” Dugtong sabi ng pari kay Agent Luisiana habang nakatalikod parin sa kanya si Father Calungsod.
“At ano naman ang kaugnayan sa misyon ko ang iniabot mo sa akin?” Tanong niya at hindi pa rin sya naniniwala sa mga sinasabi ng pari sa kanya.
“Kung nababasa mo yan iha. Tiyak kong maniniwala kana sa mga sinasabi ko. Tsaka yung matandang lalaki na nasa litratong yan ay hanapin mo siya.” Sabi ng pari sa kanya.
“Sige Father Calungsod pagbibigyan kita pero itong matandang ito bakit ko siya hahanapin?” Tanong niya ulit habang itinuon ang litrato sa pari niya.
“Dahil makakatulong siya sa misyon mo Agent Luisiana.” Sagot ng pari sa kanya.
“Saan ko siya mahanap ngayon father?” Tanong niya ulit.
“Sa nakalap namin balita ay nasa Probinsya na siya ng Bukidnon. Hindi lang yan iha.” Sabi ng pari.
“Bakit father?” Takang tanong ni Agent Luisiana sa pari niya.
“May hinahanap din si Ginoong Zobek ang matagal na niyang hinahanap.” Sagot ng pari niya.
“Sino father?” Tanong ni Luisiana.
“Yan ang dapat kong malaman iha. Sana tulungan mo rin ako sa misyon yan dahil isa ito sa pinakamahalagang impormasyon para aming mga alagad ng simbahan dahil si Ginoong Zobek Netero at ang mga ninuno niya ay naging utusan at kanang kamay ng Banal na Mandirigma noon.” Nagulat lalo si Agent Luisiana sa sinasabi ng pari sa kanya.
“Hanapin mo muna si Ginoong Zobek Netero dahil makakatulong siya sa misyon mo iha.” Dagdag sabi ng pari niya.
“Yung si Ginang Berta Magsalang iha ay dapat mo rin sya hanapin.” Sinugundahan pa ng sabi ng pari sa kanya.
“Bakit naman father?” Tanong uli ni Agent Luisiana.
“Dahil may kutob rin kami na siya ang nasa likod ng masaker na nangyari sa probinsya ng Siquijor ilang taon na ang nakalipas.” Sagot ng pari sa kanya at lalong nagulat si Agent Luisiana sa mga sinasabi ng pari.
“Ano Father?! Sa pagkakaalam ko ay naging cold case na ang kasong ito dahil hindi pa matukoy ang mga pulisya kung sino ang salarin sa mga taong minamasaker sa Probinsya ng Siquijor.” Sagot ni Agent Luisiana sa pari niya.
“Oo Agent Luisiana. Si Ginang Berta ay nakatira ngayon sa Probinsya ng Bukidnon.” Sagot ni Father Calungsod sa kanya.
“Kung ganun itong dalawa ay parehong nasa Bukidnon ngayon.” Sabi ni Agent Luisiana.
“Sige Father para siguro may lead kami sa imbestigasyon bago ako makalipad sa Bukidnon. At isa pa itutuloy kong lutasin ang kasong Siqiujor Massacre Case.” Sabi niya.
Natutuwa si Father Calungsod sa plano ni Agent Luisiana. Tumayo na si Agent Luisiana pagkatapos ay dinala niya ang iniabot sa kanya ng pari.
“Iha baka makakatulong rin ito sa iyo.” Humarap sa kanya si Father Calungsod pagkatapos ay ipinakita sa kanya ng pari ang punyal binunot sa bulsa niya.
“Ano yan isang punyal?” Tanong ni Luisiana sa nakikita niyang punyal.
“Hindi ito basta-basta na punyal iha. Sagradong Punyal o Sacred Dagger na ginagamit ng isang Banal na Mandirigma noong panahon ng Digmaang Nigromansya. Ginagamit niya ito pang hagis sa mga lumilipad na dyablo sa ere. Ibibigay ko ito sa iyo baka makakatulong ito sa iyo iha.” Iniabot sa kanya ang Sacred Dagger kay Luisiana.
Kumikinang pa ito sa talas ng sagradong punyal na hawak niya.
“Sige Father salamat po.” Pasalamat niya at umalis na siya sa opisina ng pari.
“Pagpalalain ka ng maykapal Agent Luisiana.” Sabi ng pari sa kanya.
Nakangiti si Agent Luisiana sa pari niya at pagkatapos ay umalis sa opisina ng pari niya. Ilang oras ang nakalipas ay nakarating si Agent Luisiana Cortez sa condo niya. Dala niya mga gamit at iniaabot sa kanya ng pari. Pumasok siya sa kanyang kwarto at hinubad niya ang trench coat.
Kitang kita ang hubog ng katawan niya. Nag bihis siya nang pang gym pagkatapos ay lumabas siya sa kwarto at pumunta sa mini gym area para mag ehersisyo. Napakagandang tingnan ang katawan niya ngayon. Sinuot niya ang gloves para magsimula na siyang mag ehersisyo.
Pinagsusuntok niya sa harap ang punching bag. Sa gitna ng pag eehersisyo niya kyuryos parin si Agent Luisiana sa mga sinabi ng pari kanina sa Quiapo Church. Kaya pagkatapos niyang mag ehersisyo ay bumalik siya sa kwarto at kinuha niya ang dala niyang inaabot sa kanya ng pari.
“Hmmmm…” Pagtataka niya.
“Digmaang Nigromansya?” Takang sabi niya.
Habang nakaupo siya sa gilid ng kama ay binuksan niya ang lumang aklat na naglalaman ng kasaysayan ng Digmaang Nigromansya.
Libo-libong taon ang nakalipas sa Perlas ng Silanganan…
May apat na pangkat ng nilalang na sinaunang Pilipino. Ang Engkanto at Engkantada, Babaylan, Duwende at Maligno.
Sila ay nagtitipon-tipon para sa inagurasyon ang itinayo nilang santuwaryo ng mahika, karunungan at pagkakaisa sa gitnang bahagi ng malawak na palasyo habang sila ay nasa tuktok ng mataas at malaking tore ang santuwaryong itinayo nila para sa kanilang mithiing kapayapaan at kasaganahan.
Kasabay pa ng mga ingay ng tambol, trumpeta at iba pang instrumentong musika sa kalagitnaang inagurasyon.
“Mabuhay ang Perlas ng Silanganan!” Sigaw ng mga pinuno ng bawat pangkat.
“Mabuhay! Wooooo! Mabuhay!” Sabay ng mga apat na hukbo.
“Sana ay tuloy-tuloy na to.” Sabi ng Hari ng mga Engkanto at Engkantada na si Haring Elyedas habang yumakap sa kanya ang Hari ng mga Babaylan na si Haring Punong Ingkong Andu.
“Sana nga kaibigan.” Nakangiting sagot naman si Punong Ingkong Andu sa hari ng mga Engkanto at Engkantada.
“Rararara…. Napakasaya pala kung lagi tayo ganito. Rararara!” Reaksyon ni Hari ng mga duwende na si Haring Sindri habang lasing na at pinagmasdan ang mga bawat hukbo ng apat na pangkat sa malawak na bahagi ng palasyo na nagkasiyahan, nag-inuman at nagpakitang gilas sa kanila-kanilang kakayahan.
“Tsk! Kung ako lang ang namumuno sa lahat ng mga apat na tribu.” Nakasimangot naman ang Hari ng mga Maligno na si Haring Hatur.
“Rararara! Ehk! Ano ka ba Haring Hatur dapat matuwa tayo kasi….” Putol na sabi Haring Sindri pagkatapos ay tumalon at inakbay niya si Haring Hatur tapos ay bumulong siya.
“Kasi marami mga magaganda engkantada Ehk! Tingnan mo ang sarap nila. Rarararara!” Bulong ni Haring Sindri sa tenga ni Haring Hatur kaya inalis niya si Haring Sindri at hinagis niya sa sahig.
“Baaag!” Tunog ng impak sa sahig.
“Tsk! Ang baho ng hininga mo.” Simangot ni Haring Hatur kay Haring Sindri.
“Hahahahaha! Para talaga kayo mga bata Haring Hatur at Haring Sindri.” Napatawa si Haring Punong Ingkong Andu sa eksena nilang Haring Sindri at Haring Hatur.
“Haayyysss… Ito talaga si Haring Sindri ay napakakulit parin.” Reaksyon ni Haring Elyedas kay Haring Sindri.
“Nadamay lang ako sa kapilyohan tung duwende nato. Tsk!” Sabi ni Haring Hatur sa kanila.
“Rararara! Ang saya-saya rito. Rararara!” Tumayo na si Haring Sindri mula sa kanyang binagsakan sa sahig dahil sa ginawa ni Haring Hatur.
Lumingon siya sa mga nagagandahang engkantada tapos ay napalaway siya sa kanyang nakikita. Napakalasing na talaga si Haring Sindri.
“Woooow! Ang ganda nila! Rarararara!” Reaksyon niya sa mga nakikita niyang engkantada kaya bigla siyang tumalon paalis sa santuwaryo na nasa tuktok ng tore pero pinigilan siya ni Haring Elyedas. Ginamitan ito ng mahika ni Haring Elyedas sa pamamagitan ng kanyang paghagis ng mahikang lubid pagtapos ay pinulipot ito sa katawan ni Haring Sindri.
Ngayon ay nakabitin si Haring Sindri sa mula sa tuktok ng tore patungo sa gitnang bahagi ng tore.
“Rararara! Pakawalan mo ko Haring Elyedas. Rararara! Di na po mauulit. Rararara!” Gusto pa niyang kumawala sa mahikang lubid ni Haring Elyedas.
“Haaaayyy nako Haring Elyedas dyan ka muna para matauhan ka sa pagkapilyo mo.” Mahinahong sabi na napatakip sa mukha gamit ang kanang palad ni Haring Elyedas kay Haring Sindri habang nakabitin sa lubid.
“Hahahahahahaha! Tingnan mo si Haring Sindri nakabitin sa gitna ng tore! Hahahahaha!” Tinuro pa siya mga alugod niyang duwende at pinagtatawanan siya.
“Tsk! Buti yan sa iyo.” Sabi ni Haring Hatur sa sitwasyon ni Haring Sindri.
“Hahahahahaha! Nakakatawang tingnan tong si Haring Sindri.” Napatawang sabi ni Haring Punong Ingkong Andu.
Sa imperyo ng mga Engkanto at Engkantada ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Perlas ng Silanganan, Ang Devias (Luzon noon). Sa imperyo naman ng Duwende at imperyo ng mga Babaylan ay matatagpuan sa Gitnang Bahagi ng Perlas ng Silanganan, Ang Noria (Visayas noon). Ang imperyo ng mga Maligno ay matatagpuan sa timog bahagi ng Perlas ng Silanganan, Ang Kantur (Mindanao noon).
Ang nakatayo ng nilang santuwaryo ay naka lokayson sa tuktok ng tore na nasa gitnang bahagi ng Palasyong Perlas ng Silanganan na matatagpuan sa Isla ng Sugbu (Cebu noon). Ilang siglo ang nakalipas ay tuloy-tuloy parin sila sa kanilang selebrasyon sa pagtatag ng kanilang pagkakaisa at pag-aalyansa.
Nagkaroon ang paligsahan ang mga apat na tribu sa pamamagitan ng tagisan ng lakas ng mga heneral nila na ginanap sa Kolisiyum malapit sa Palasyo ng Perlas ng Silanganan. Habang nasa gitna ng ring na nasa loob ng malaking kolisiyum ang Heneral ng mga Engkanto na si Hen. Gilthunder, hawak niya ang sandata niya ng isang malaking palakol.
Ang ulo ng palakol ay napakalapad at ang hawakan nito ay mahaba. Napakakisig ni Hen. Gilthunder at suot niya ang kulay dilaw na baluti na hawig sa sinaunang baluti ng mga sundalong Britanya. May maraming manunuod na iba’t-ibang tribu sa paligid ng ring habang maghiyawan sila sa suporta at kanchawan.
“Ayan magsisimula na!” Sabay sigaw ng manunuod. Binuksan ng Berdugo ang gate pagkatapos ay lumabas sa kulungan ang higanteng alimango na sinlaki ng tatlong palapag na building.
“Wooooo!” Tuwang-tuwang ang mga manunuod sa kanilang nakikita.
Kasabay ng kaganapan nito, nakaupo sa huling bahagi ng palapag na nasa itaas ng kolisiyum ang mga apat na hari na sina Haring Elyedas, Haring Sindri, Haring Punong Ingkong Andu at Haring Hatur.
“Kaya mo yan heneral!” Sigaw ng taga suporta niya.
“Boooo! Hindi mo yan kaya ang halimaw na yan!” Sabi naman ang isa pang manunuod.
“Mga alugod kong manunuod! Ang laban ito ay tagisan ng lakas ng mga heneral! Ang unang bahagi nito ay ang Heneral laban sa pinakamalakas na halimaw sa iba’t-ibang dako dito sa Perlas ng Silanganan! Ang palatuntunin ng unang bahagi ng paligsahan na ito ay dapat tapusin ng heneral ang halimaw hanggang sa huling hininga! Kung hindi ay hindi siya pwede umalis sa arena hanggang hindi pa niya natapos patayin ang halimaw!”
Anunsyo ng kumentarista sa paligsahan.
“Woooooooo!” Hiyawan ng mga manunuod.
“Ang saya nito. Rararara!” Reaksyon ni Haring Sindri.
“Galingan mo Heneral Gilthunder!” Suporta ni Haring Elyedas sa kanyang Heneral.
“Napakalakas ng halimaw na yan. Marami na yan napatumba ng. mangingisda ang halimaw na yan.” Reaksyon ni Haring Punong Ingkong Andu sa halimaw na makakalaban ni Hen. Gilthunder.
“Wala yan sa Heneral ko. Isang pitik lang yan ng heneral ko ay tapos na yan.” Pagmamayabang ni Haring Hatur sa kanila.
“Tong!” Tunog ng malaking tambol na pinalo ng Berdugo na hudyat na magsisimula ang laban.
Sumugod agad ng mabilis na nakatagilid ang higanteng alimango kay Hen. Gilthunder. Nang malapit ito sa kanya ay ginamit ng higanteng alimango ang kanang mala-gunting kukung kamay pasugod sa kinatatayuan ni Heneral Gilthunder.
“Boosssh!” Tunog ng impak sa ginawa ng higanteng alimango.
Umuusok pa ito sa epekto pagkatapos ay inalis ang kanang malagunting kukung kamay ng higanteng alimango sa tinira niya sa sahig ng ring.
“Tsk! Muntik na ako dun. Ang bilis pala tong halimaw nato.” Sabi sa isipan at napabugnot si Heneral Gilthunder habang inilag at napatalon sa ere habang pinagpawisan siya.
“Grabe ang lakas ng ipinamalas ng halimaw na ito! Pero nakailag na Heneral ng mga engkanto na si Hen. Gilthunder! Ano kaya gagawin niya habang nasa ere?!”
Reaksyon ng komentarista sa kanyang pinapanood na laban.
Kumilos naman ang halimaw na higanteng alimango pagkatapos ay lumingon sa kanya ang mata ng halimaw.
“Rrrrrrrrrr!” Umuungal na malakas ang higanteng alimango.
Habang nasa ere pa si Hen. Gilthunder naghahanda na siya para umatake.
Habang itinuon sa sikat ng araw ang palakol niya, ay agad ito sumugod pabagsak sa higanteng alimango.
“Hyperion Strike!” Atakeng sabi niya habang pabagsak at pagulong-gulong sa ere sa higanteng alimango.
Nang nabagsak ito sa kalaban niyang higanteng alimango laking gulat niya dahil sinalo nito ng kaliwang malagunting kukung kamay ng alimango tapos ay umuungal pa ito sa kanya. “Rrrrrrrrr!”.
“Huh?! Ano?!” Nagulat siya sa dahil sinalo lang ito ng higanteng alimango.
“Nako! Mukhang nanganganib ang buhay ang Heneral ng mga Engkanto! Ito na kaya ang katapusan niya habang inipit ang kanyang palakol sa higanteng alimango?!”
Reaksyon ng komentarista sa kaganapan ngayon.
“Woooooooooo!” Hiyawan ng mga manunuod.
“Tsk! Gilthunder! Huwag kang tumanganga dyan! Huwag mong kalimutan ang tungkulin mo bilang heneral!” Napatayo tuloy ang Hari ng Engkanto at Engkantada na si Haring Elyedas.
“Hehe! Mukhang ito na ata ang katapusan ng heneral mo Haring Elyedas.” Nakangising sabi ni Haring Hatur kay Haring Elyedas.
Napabugnot ang mukha ni Haring Elyedas sa sinasabi ni Haring Hatur.
“Hmmmm… mukhang hindi pa tapos ang laban. Rararara! Pagmasdan niyo.”
Obserbasyon ni Haring Sindri labang pinapanuod niya sa ring habang napakamot siya sa kanyang mahabang bigote gamit ang kanyang kaliwang kamay.
“Oo nga nararamdaman ko.” Reaksyon naman ni Haring Punong Ingkong Andu.
“Tapusin! Tapusin! Tapusin! Tapusin!” Hiyawan ng mga manunuod habang kinakanchaw nila ang Heneral ng mga Engkanto.
“Yun ang akala niyo!” Sabi ni Hen. Gilthunder.
“Ikapitong anyo ng Hyperion!…. Hyperion’s Whip!” Pinalitan ni Hen. Gilthunder ang isang sandatang palakol sa anyo ng isang sandata sa latigo sa pamamagitan ng pag-utos sa kanyang sandata.
Kinaladkad niya ang higanteng alimango at pagkatapos ay tumalon siya ng malakas sa ere at umikot ng tatlong beses para idurog sa sementadong arena ang higanteng halimaw na alimango.
“Booossshhh!” Tunog ng impak sa ginawa mg heneral ng Engkanto.
“Grabe! Pinalitan ni Hen. Gilthunder ang sandata niya sa pamamagitan ng kanyang pag-utos! Napakahusay ang ginawa ng heneral ng mga Engkanto. Pagkatapos ay kinaladkat, tumalon at ibinagsak sa semento ang higanteng alimango!”
Reaksyon sa nakikita ng komentarista at napabilib siya sa heneral ng mga engkanto.
“Woooooooo!!!!” Lalong naghihiyawan sa tuwa ang mga manunuod dahil sa ipinakitang abilidad ng heneral ng mga engkanto.
“Ganyan nga Hen. Gilthunder!” Napahanga si Haring Elyedas sa kanyang heneral na si Gilthunder.
“Tsk! Maswerte ka Gilthunder.” Nakasimangot naman si Haring Hatur sa kanyang pinapanuod na laban.
“Ang galing!” Reaksyon ni Haring Punong Ingkong Andu at napahanga siya sa laban ni Hen. Gilthunder.
“Rararara! Pero hindi pa tapos ang laban.” Obserbasyon nanaman ni Haring Sindri sa kanyang pinapanuod.
“Rrrrrrrrrrrr!” Umuungal ng malakas ang halimaw na higanteng alimango.
Bigla ito gumalaw sa kanyang binagsakang semento sa ginawa ng heneral ng mga Engkanto. Tumakbo ito na nakatagilid at umiikot sa ring.
Kinadlakad ng higanteng alimango na si Hen. Gilthunder ng mabilis habang hinigpitan lalo ang paghawak ni Hen. Gilthunder ang sandata niya. Habang bumibilis ang takbong nakatagilid ang higanteng alimango, si Hen. Gilthunder naman ay nakakapit sa kanyang sandata habang kiladkad ng mabilis hanggang sa nasa ere na siya na parang saranggola.
Lalo pang bumibilis ang ikot ang higanteng halimaw na alimango hanggang sa nagmistulang ipo-ipo ang pag-ikot nila.
“Eeeeeeeeeegggggghhhhh!” Sabi ni Hen. Gilthunder habang lalo niyang hinigpit ang paghawak ng kanyang sandata.
“Ang bilis tumakbo ng higanteng alimango habang kinaladkad niya si Hen. Gilthunder na parang saranggola sa ere! Tapos ay parang ipo-ipo na ang nakikita natin!”
Reaksyon ng komentarista sa nangyayaring laban sa kanyang pinapanuod.
Nagulat ang mga manunuod sa lakas ng higanteng halimaw na ito.
“Hen. Gilthunder!” Sigaw ni Haring Elyedas at napakamao siya habang napabugnot ang mukha niya sa nasaksihang laban.
“Eeeeeeeghhhhh!” Ganun din ang reaksyon ng mga manunuod. Tinakip nila ang mukha gamit ang kanilang braso dahil sa epekto ng ipo-ipo na nagkaroon ng malakas na ihip ng hangin sa paligid ng ring.
Nang hindi makatiis si Hen. Gilthunder ay nabitawan niya ang pagkahawak sa sandata pagkatapos ay tumilapon siya pataas sa himpapawid. Ilang sandali ay tumigil sa pag-iikot ang higanteng halimaw na alimango.
“Hen. Gilthunder!” Sigaw ni Haring Elyedas sa kanyang heneral.
“Hahaha! Mukhang ito na ang katapusan ng heneral mo Haring Elyedas. Hahaha!” Halakhak ni Haring Hatur sa reaksyon ni Haring Elyedas.
“Tsk!” Napabugnot tuloy si Haring Elyedas.
“Rrrrrrrrrrr!” Umuungal nanaman ang halimaw na alimango sa kanyang ipinakitang malas sa laban.
“Mukhang ito na ang katapusan ng heneral ng mga engkanto na si Hen. Gilthunder! Ilang minuto nakalipas ay hindi pa rin siya nakabalik dito sa arena! Kaya ang nanalo ay……”
Putol sabi ng komentarista.
“Rararara! Huwag kang mag-alala Haring Elyedas dahil hindi pa tapos ang laban.” Reaksyon ni Haring Sindri sa kanya.
“Huh!” Biglang tamayo si Haring Elyedas at nakangisi ito.
“Hmmmm… Tama ka Haring Sindri dahil nakikita ko si Hen. Gilthunder.” Obserbasyon ni Haring Punong Ingkong Andu.
“Hen. Gilthunder. Huh! Pinakaba mo ko. ” Reaksyon ni Haring Elyedas sa heneral niya.
Ang sandatang latigo ni Hen. Gilthunder ay gumalaw at pinalupot sa buong katawan ng higanteng halimaw na alimango pagkatapos ay hinigpitan lalo ang pagkakalupot ang katawan para hindi makagalaw.
“Hyperion’s Whip! Lasso Locomotion!” Atakeng pinalupot lalo ni Hen. Gilthunder ang higanteng alimango.
“Lightning Strike!” Sinugundahan pa ito ng atakeng sigaw ni Hen. Gilthunder habang nasa ere siya tumira ng napakalakas na enerhiyang kidlat papunta sa higanteng halimaw na alimango.
“Kaboom!” Kaya nagkaroon ng pagsabog dahil sa atakeng ginawa niya. Tapos ay umuusok sa ere dahil sa epekto ng pagsabog.
“Wooooooooo!!!” Hiyawan lalo ng manunuod sa naganap ng magandang laban.
“Wooooooo!!! Ang galing na ipinakitang atake ng heneral ng mga engkanto! Ano kaya nangyari sa higanteng halimaw na alimango habang nasa loob pa ng usok sa arena?!”
Reaksyon ng komentarista sa matinding naganap na laban ni Hen. Gilthunder at higanteng halimaw na alimango.
“Ganyan nga Hen. Gilthunder!” Paghangang reaksyon ni Haring Elyedas sa ipinamalas ni Hen. Gilthunder.
“Hmmm… mukhang naamoy kung sino ang nanalo.” Reaksyon ni Haring Sindri sa magandang labang pinapanuod nya.
“Tsk! Maswerte ka!” Sa isipan ni Haring Hatur habang napabugnot ang mukha. Nang nakalapag sa sementadong ring si Hen. Gilthunder sa loob ng usok ay kinuha niya ang sandata. Unti-unting nawawala ang usok pagkatapos ay nakahandusay na ang higanteng halimaw na alimango.
“Woooooo! Mukhang natapos ang laban dahil hindi na gumalaw ang higanteng halimaw na alimango! Kaya ang nagwagi ay ang Heneral ng mga Engkanto! Si Hen. Gilthunder!!!!!”
Anunsyo ng komentarista sa pagkapanalo ni Hen. Gilthunder.
“Wooooooooo!!!! Napakahusay ang ipinakita mong laban Hen. Gilthunder!” Napasigaw sabi ng isang manunuod.
“Swerte mo lang heneral!” Sabi naman nung isang manunuod.
Pagkatapos ng laban ni Hen. Gilthunder ay inilabas nila ang bangkay ng higanteng alimango sa ring.
“Ayus! Hen. Gilthunder! Hindi moko binibigo sa pagpili ko sa iyo bilang heneral.” Paghangang sabi Haring Elyedas sa heneral niya.
“Napakagandang ipinakita ni Hen. Gilthunder sa laban niya. Rarararara!” Paghangang sabi ni Haring Sindri habang may dala nanaman siyang alak.
“Hayy… alak nanaman Haring Sindri?” Napabugnot na sabi ni Haring Punong Ingkong Andu kay Haring Sindri.
“Rararara! Kinakaugalian ko na ito mga kaibigan. Rarararara!” Sabi ni Haring Sindri sa kanila.
“Tsk!” Naiinis tuloy si Haring Hatur kay Haring Sindri.
“Mga alugod kong manunuod ang susunod na laban ay ang Heneral ng mga Duwende laban sa isang higanteng halimaw na bakulaw!”
Anunsyo ng komentarista sa susunod na laban.
Pumasok na sa ring ang Heneral ng mga Duwende na si Hen. Dougdig. Nakasumbrero ito na kulay berde na mahaba, may mahabang kulay brown na balbas at bigote, may kasuotan na naka jumper na kulay brown din at may dala siyang sling bag na kulay berde.
Ang deskripsyon ng duwende ito ay para silang mga unano o sa wikang ingles ay midget. Naka pwesto na ito sa gilid ng ring pagkatapos ay hinihintay niya ang higanteng halimaw na bakulaw na nasa kulungan pa.
“Ayan na! Binuksan na ng Berdugo ang gate kung saan na…